webnovel

CHAPTER 37 - FIRST MOVE

CHAPTER 37 - FIRST MOVE

-----------

KINABUKASAN...

PENELOPE THOMPSON POV

8 am nung ginising ako ng beshie ko dahil lilipat na daw kami sa Royal Palace dahil tumawag daw sila ng Orthopedic para sa namamagang kong ankle. Kaya pagkatapos naming mag breakfast ay agad agad naman kaming umalis.

At pagkarating namin dumiretso na din kami sa kung nasaan yung orthopedic na titingin sa namamaga kong ankle.

At sa awa naman ng Diyos, wala namang bale or malalang nangyare sadyang nastress lang daw yung mga ugat ko sa talampakan. Siguro gawa na din ng impact sakin nung pagbagsak ng alon dahil napaka bigat din nun kaya din ako pansamantalang nawalan ng malay. But Thank God I'm still here, I think I still has a purpose.

Anyways, napansin ko din na wala si Ethan kanina pa kahit nung sumakay kami sa yacht di ko din siya napansin. Pero baka nagtatago lang yun. Hmp! Bakit ko nga pala siya hinahanap?

"Ms. Thompson?"

"Ms. Thompson!"

"Ayy sorry po Doc, ano po yun?"

"Here's the cold compress po, I apply nyo po every 15 to 20 mins po."

"Okay po Doc, salamat po."

Maya maya dumating na si beshie ko. At umalis na din yung Orthopedic.

"San ka ba nag pupunta beshie?" tanong ni Penelope sa kaibigan.

"Tinawagan kasi ako ng Lucas e, Eto oh may dala akong food para sa ating dalawa."

Nakakairita talaga tong beshie ko bigla bigla nalang naglalaho. Buti nalang meron siyang dala dalang pagkaen at mmm.. Nakakatakam ang bango. OMG!

Favorite ko to! Sinigang!

Kaya kumaen na din kami ng beshie ko. Shocks! Panalo sya ha. Tamang tama ang asim tapos ang lalambot pa ng mga gulay grabe fresh na fresh!

Naubos nga namin ng beshie ko yung sinigang at rice niya na dala. Hayy nako who u ka muna diet ha. Sinigang kasi to e! Tapos meron pang carbonara pero di ko na kinaen. Beshie ko lang ang kumaen dahil sobrang favorite niya talaga yun.

"Hi Ms. Thompson. How was your check up? Anong balita?" tanong ng biglang sumulpot na si Lucas.

"Aba nakakgulat ka naman Mr. Lee, eto cold compress lang tapos wag na munang maglakad lakad kaya sa tingin ko dito na muna kami sa maliit na cottage na to.

Wala namang problema sakin e, basta gumaling lang agad. Right beshie?" tugon ni Penelope.

"Yup!"

"Okay, at buti naman na walang bali yang paa mo. Thank God!"

"Thank you Mr. Lee, oh sige maligo na muna ako."

"Oh buti kaya mo?"

"Oo naman no Mr. Lee hindi naman ako baldado no. Keri ko to don't worry."

MICA PEREZ POV

Inalalayan ko pa muna ang beshie ko na makapasok sa may cr.

At bumalik sa sala kung nasaan si Mr. Chinito.

"Wow, kahit di nyo sabihin pansin kong nagustuhan niyo yung pinrepare ni Ethan na food a. Simot kung simot." nakangiting sinabi ni Lucas.

"Kaya nga e, pero si beshie ko talaga ang nakasimot nyan. Huling huli talaga ni Mr. Smith yung kiliti ni beshie no." tugon in Mica kay Lucas na grabe kung makatitig sa kanya.

Parang tang* tong Lucas na to titig na titig nanaman sakin. Tas ang

direksyon pa ng titig niya ay sa parteng labi ko pa. Enebe!

"Yes Lucas?"

"Ahm Mics, Thanks for helping my friend ahh."

Hala, bumilis ang tibok ng puso ko pano ba naman hinahawakan ni Lucas yung kamay ko.

"Ah Lucas no problem." tugon ni Mica na halatang medyo naiilang sa titig ni Lucas sa kanya.

At bigla nalang niyang nilapit ang kamay niya sa mukha ko at hinawakan ang aking labi.

"Lucas?" nakatulala na sinabi ni Mica habang hawak ni Lucas ang kanyang mga labi.

"Mics, Merong white sauce kasi sa labi mo kanina pa." nakangiting sinabi ni Lucas.

"Ahh.. sorry"

"It's okay Mics, cute nga eh, para ka palang baby kung kumaen no?"

"Ehh baby naman talaga ako a." biro ni Mica.

"Hmm?"

"Diba baby mo ko?" banat ni Mica.

Natawa nalang kaming dalawa sa banat ko na yun. Hay nako si Mr. Chinito akala mo ikaw lang marunong niyan?

Mamaya lang ay nagpaalam na si Lucas na umalis dahil kailangan na daw siya ng kaibigan niya.

"Bye Mics." paalam ni Lucas kay Mica na may kasama pang kindat.

"Bye Lucas." kinikilig na tugon ni Mica.

At sinara ko na yung pinto ng dahan dahan at pagkatapos nun ay binuhos ko na yung kilig ko sa katawan.

"Hoy hoy hoy! Beshie ano yan? Bat may panginig?"

"Ah eh, wala beshie malamig hehe, oo malamig kasi ngayon oh. Di mo ba feel? Ang hangin sa labas e." palusot ni Mica.

"Ahh oo nga malamig nga kaya nga naligo ako para lamigin pa ako lalo. Kaloka to."

"Beshie ha, kapag ikaw talaga pinaiyak nanaman niyan nako. Mag walwal ka mag isa." paalala ni Penelope sa kaibigan habang nag tutuyo ng buhok.

"Alam ko naman yun beshie no, tsaka we're just friends okay."

ETHAN SMITH POV

Tinawagan ko si Lucas dahil kailangan ko ng permiso niya na gamitin ang kanyang oven

dahil sinabi nga sakin ni Mica nung pumunta siya sa resto na Choco Muffin ang cinecrave ni Penelope ngayon. Tapos na din ako magpa deliver ng mga ingredients na kailangan ko at oven nalang ang kulang. Pero ang oven ay nasa room ni Lucas.

"Whats up bro?" pagbati ni Ethan sa kaibigan.

"How was Penelope?"

"She's good bro, just a minor sprain but unfortunately may maga yung paa niya ng konte.

Tsaka dun din daw sila mag stay sa cottage na yun dahil advice sa kanya e wag munang maglakad lakad." tugon ni Lucas.

Pagkatapos kong mangamusta agad na kaming tumungo sa may room niya para magsimula nang mag mix at mag bake.

Inabot din ako ng 2 hours kasama na din ang pagligo ko dun.

At nagulat ako na biglang nandun na din pala si Mica. Pinapunta pala siya ni Lucas para si Mica nalang ang magbigay kay Penelope ng Choco Muffin. Pero meron akong naisip na mas magandang idea.

"Talaga Mr. Smith?" gulat na sinabi ni Mica sa sinabi ni Ethan.

"Sama ako kung ganun." pagsang ayon ni Lucas sa sinabi ni Ethan.

Ang idea ko ay simple lang naman, ako ang personal na magbibgay kay Penelope ng mga ginawa ko para sa kanya tsaka plano ko din kasi na lagyan ng bandage yung ankle niya para ma align ang mga ugat niya at mabawasan ang pamamaga.

"So, let's go guys?" masayang pag aakit ni Ethan kina Mica at Lucas.

Chương tiếp theo