webnovel

CHAPTER 33 - THE SURFING INCIDENT

CHAPTER 33 - THE SURFING INCIDENT

----------

PENELOPE THOMPSON POV

So eto na, finally makakapag surf na din ako after a very long time. I am so excited but I am also quite nervous. Shocks! Sana magawa ko siya ng tama at bahagya din akong nakakaramdam ng pagkailang dahil nakikita ko sila na nakatingin sa akin and they were cheering on us.

Nakakatawa nga itong beshie ko e. Wala pa kami sa spot pero grabe na kung makatili. Hahaha.

Go lang beshie we can do it! Girl Power!

Medyo nag iistruggle pa ang beshie ko at first pero kalaunan napeperfect naman niya. At eto na, its my turn. Rinelax ko lang ang isip ko at inisip na sumabay lang sa agos ng karagatan.

Nasa same spot lang kami ng beshie ko kung saan tama lang ang wave. Yung tipong pang beginner talaga. 1st try ko, It was a success! OMG! Ang sarap sa feeling. Hanggang inulit ko ng isa pa.

After so many tries sabi sakin ng beshie ko na aahon na daw siya at feeling niya na nabobloated

na siya sa dami ng naiinom na tubig. Kaya ako nalang naiwan. Kaya sinabi ko sa spotter ko na itry namin dun sa mid level, kung saan tama lang ang waves. Hindi malaki at hindi din maliit.

Yun naman kasi usually ang pinag susurfingan ko noon.

Kaya nag paddle kami papunta sa spot na yun. Hindi ko na sila kita actually dahil medyo malayo

layo din kami. Ayos at madami dami din ang nag susurf dito. Madami akong makakasabay.

1st try was a success again! 2nd try, 3rd try. Hanggang sa pang apat ko na try. Yung spotter nawala bigla dahil may tinulungan na surfer sa tabi niya.

Hindi ko inexpect na ang sunod kong try. Actually, nung una palang ramdam ko na, na medyo tumataas at lumalakas ang alon pero pinasawalang bahala ko dahil success naman ang mga tries ko hanggang sa malaking wave na pala yung nasabayan ko at nagpanic ako bigla. It's my first time surfing with a big

wave!

"BESHIE!! Oh my God !!!"

"OH NO SI MS. THOMPSON!!"

"PENELOPE! PENELOPEEEE!!"

ETHAN SMITH POV

Nangyari na nga ang pinangangambahan ko kinaen ng alon si Penelope. Sobrang bilis lang ng pangyayari.

Nagkagulo na din dahil may iba din na sinalanta ng malaking alon. Isa ako sa mga agad na lumusong para mailigtas ang mga sinalanta at syempre para din mailigtas si Penelope.

Tinapon ko na lahat ng suot ko like the mask and glasses wala na akong pakielam basta mailigtas ko lang si Penelope.

Medyo malayo layo din ang nilangoy ko at may dala din akong salbabida para kay Penelope. Nakita ko yung spotter ni Penelope na umahon kaya agad kong tinanong.

"Asan si Penelope kuya?" nag aalalang tanong ni Ethan.

"Di ko nga din po makita sir. Hahanapin ko po ulit." tugon ng spotter ni Penelope na agad ding sumisid para maghanap ulit.

Sumisid na din ako para hanapin si Penelope. Actually, kinakabahan na ako kasi it's almost 5mins simula nung

nangyari yung insidente. Habang sumisisid ako nagdadasal na din ako para tulungan akong mahanap siya agad.

Dahil hindi pwede na tumagal ang pagkalunod niya.

At sa awa naman ng Diyos, nakita ko siya at nasa may kalaliman na din pinagtulungan na namin ng spotter ni Penelope na maiahon siya.

Pagkaahon, may nakita kami na mga rescuer at agad kaming sumakay ng bangka. At hindi na din ako nagsayang pa ng segundo at ako na din ang nag CPR sa kanya.

I did the chest compression, Then yung mouth to mouth. I think I did it 3 times bago siya nagkamalay. Madami dami din siyang nailabas na tubig.

Nung nakarating na kami sa shore ako na din ang nagbuhat sa kanya pababa. The rescuer noticed me(bilang Doctor)kaya hinayaan na nila akong gawin iyon tsaka nagkamalay na din naman agad si Penelope. Sinabihan ko nalang sila na tulungan nalang yung iba pang nangangailangan ng tulong nila.

Nakatulala lang sa akin si Penelope nung time na yun. At habang buhat buhat ko siya papunta dun sa empty room na

sinabi sakin ni Lucas ay may mga tao na kumukuha ng litrato sa amin pero di ko na pinansin yun.

PENELOPE THOMPSON POV

Sobrang traumatic ng pangyayari na yun sa akin. Before that happened, I heard yung mga scream ng tao nung time na yun. I really hope na nakasurvive din yung mga nasalanta. We all didn't expect that to happen. And I

thank God dahil nandito pa din ako. Akala ko nga mamamatay nako nung time na yun dahil kinakapos na ako ng hininga at nandidilim na din ang mga paningin ko at wala na akong maalala nung time na yun.

Hanggang sa unti unti akong namulat, malabo labo pa ang paningin ko. At pansin ko na lahat ay nakatingin sa akin at pamilyar na boses ang tumatawag sa pangalan ko.

At nung nahimasmasan na ako, napansin ko na agad yung gwapong binata na tinatanong kung ano ang nararamdaman

ko, pero di naman ako makasagot dahil I'm still in shocked sa lahat ng mga nangyari.

At habang dinadala ako sa may room, isang cottage malapit din sa beach ay napansin ko na si Mr. Smith pala itong may bitbit sa akin. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko yung nunal niya sa gitna ng ilong. Napahigpit bigla ang kapit ko sa kanya. Alam kong naramdaman nya yun dahil napatingin din siya agad sa akin.

At nung time na naibaba na niya ako at iniupo sa may upuan dun sa may room tinawag niya ang beshie ko para palitan ako ng damit at nung paalis na si Mr. Smith nun...

"Beshie, kamusta ka? I am so worried. Buti ayos ka lang?" mangiyak ngiyak na sinabi ni Mica.

"Hoy Ethan!" wika ni Penelope na agad na ikinagulat ni Ethan.

ETHAN SMITH POV

Naglalakad na ako paalis na sana ng room dahil kailangan nang magpalit ng damit ni Penelope dahil basang basa pa siya. Pero bigla niya akong tinawag. Nagulat ako sa pagtawag niya na yun.

Ay lumingon naman ako sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Alam kong ikaw yan Ethan, Salamat sa pagsagip mo a. Pero alam mo, kung di pa pala nangyari sakin yun patuloy mo pa din pala akong lolokohin? Hindi ko maintindihan Ethan kung bakit? Kung bakit patuloy mo pa din akong pinaglalaruan? Sana pala di mo nalang ako sinagip. Mas masakit para sakin na malaman na matagal ka na palang nandyan pero ano? Pinaglalaruan mo lang yung feelings ko? Umalis kana Ethan please! Maawa ka naman sa akin." naiyak na sinabi ni Penelope kay Ethan.

Chương tiếp theo