webnovel

Chapter 26: Another day with you

THE next day, Jace woke up with joy in his heart. Natulog ito sa ospital dahil sinamahan n'ya ang nobya. Sinabihan kasi si Regina ng kanyang doktor na ipagpabukas ang pag-alis dahil may inaantay pa silang karagdagang resulta. He stretched his arms and looked at her woman who's still asleep. Dahan-dahan siyang tumayo at maiging nag-ingat upang hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Linapitan n'ya ang dalaga at marahang hinalikan ito sa noo.

"Good morning," he whispered.

Bigla s'yang napatingin sa kanyang suot na relo at muli ay bumaling ng tingin sa nobya. Ngayon kasi ang araw ng alis niya pabalik ng Korea. Alas tres ng hapon ay kailangan nasa airport na s'ya dahil alas-kwatro ang flight nito.

He felt pain in his chest, thinking that he needs to leave. Matagal n'ya itong hindi makikita at alam n'ya sa sarili na ayaw nito ng ganoong sitwasyon, pero nangako siya sa dalaga na kahit anong mangyari ay kailangan nilang kayanin at maging matatag para sa isa't isa.

'Just one more year before our contract ends, and I promise that I'll come back with a ring to put on your fourth finger.'

Bago pa magising ang dalaga ay agad na siyang lumabas ng silid para bumili ng makakain. Kahit wala pang ligo ito ay hindi naman halata dahil mukha naman s'yang mabangong tignan. Jace went to his brother's room and saw him still sleeping like a prince, so he immediately closed the door and left.

Sa silid ng dalaga ay unti-unting dumungaw ang araw at nakadirekta ito sa bintana ng kwarto. Mabilis na naramdaman ni Regina ang pagtama ng sinag ng araw sa kanyang magandang mukha kaya marahan itong gumalaw. She slowly opened her eyes, iniangat n'ya ang kanyang kanang kamay at itinakip ang malambot na palad sa kanyang mukha upang makaiwas sa nakakasilaw na sinag ng araw. She looked around and noticed that his man wasn't inside the room.

Agad siyang napatingin sa orasan na nakasabit sa pader ng silid at naisip na baka bumili ang nobyo ng pang-agahan. She searched for her phone, but then realized that it wasn't with her. 'Malamang naiwan ko 'yun sa bahay.'

Laking pasasalamat n'ya dahil sa tuwing nagkakaproblema siya ay sumasakto ito sa araw kung kailan wala s'yang pasok o wala silang flight. Biglang sumagi sa kanyang isipan si Justin kaya naisipan n'yang puntahan ito, pero sa kanyang pagbangon ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang doktor at dalawang nurse.

"Ms. Alterro, you're awake. Good morning." Bati sa kanya ng doktor habang ang isang nurse ay nakatayo na tila may sinusulat o binabasa sa hawak nitong papel. Ang isang nurse naman ay may kinakalikot sa kanyang swero.

"Good morning din po doc. Pwede na po ba akong lumabas ngayon?" she asked politely. Gusto nya kasi na sumama sa paghatid sa kanyang nobyo papuntang airport. Tumango naman ang doktor sa kanyang katanungan kaya agad siyang napangiti. Ngunit sinabihan siya nito na kailangan niyang puntahan ang isa pang espesyalista na nag-aantay sa kanya sa isa pang silid. She knew what the doctor was talking about, so she immediately went out of the room.

Hinanap nito ang pangalang Rona E. Dominguez sa ikatlong palapag ng ospital at nang makita ito ay agad siyang kumatok at pumasok sa silid. Buti nalang at wala pang pasyente na nakapila kaya mabilis siyang pinaupo ng taong kanyang hinahanap.

"Hi, Ms. Alterro. Please sit down. We need to talk and you need to listen to me carefully."

Nanginginig na naupo ang dalaga habang nakatingin sa kaharap na nagsasalita. Kahit pa kabado ito ay wala siyang magawa kundi makinig dahil ikakabuti iyon ng katawan niya.

Hindi nagtagal ay nakabalik na si Jace sa ospital. Dahil mas mauuna n'yang malalagpasan ang kwarto ng kapatid ay agad n'ya itong sinilip ngunit nagtaka ito dahil wala ang taong kanyang hinahanap.

'And where is he?' he asked himself. Nang makasigurong wala nga ang binata sa kwarto ay lumabas na ito at pumasok naman sa silid ng nobya.

"I'm here," sambit n'ya ngunit lalo itong nagtaka dahil wala din s'yang nakitang tao sa kwarto. Lalabas na sana ito upang tanungin ang mga nurse sa station pero sa paghakbang niya ay s'ya namang bumukas ang pinto.

"Where have you guys been?" tanong ng nobyo sa dalaga. He shifted his gaze to Justin, who was just behind the woman's back.

Justin and Regina just looked at each other like they're hiding a big secret. Ang nakababatang binata ay bahagyang nagtatago sa likod ng babae habang si Regina ay nakatingin sa nobyo at nag-iisip ng magandang rason. Huminga ang dalaga ng malalim at pilit na itinatago sa kanyang likod ang ilang piraso ng papel. Agad namang nakita ito ni Justin kaya patago n'ya itong kinuha at inilagay sa kanyang bulsa.

"I-Ikaw ang saan nagpunta. Nagutom kami netong kapatid mo, that is why we decided to go out and buy. Kaso nga lang naisip namin na baka lumabas ka at binilhan mo kami.. .diba Justin?" Nanginginig na sabi ng dalaga sabay lingon nito sa isang binatang may inaayos sa bulsa ng kanyang pantalon.

Buti nalang at nakisama ito kaya hinayaan nalang ni Jace ang rason ng dalawa. Besides, wala naman s'yang ibang maisip na pwede nilang itago sa kanya. He released a deep breath and put both hands on his waist while giving her girlfriend a strange look.

"Kain na tayo," pag-aaya ni Justin sa dalawang magkasintahan na nagtititigan. Ang isa ay pinag-aaralan kung nagsisinungaling ang kaharap habang ang isa naman ay nakatingin sa nobyo ng diretso upang paniwalain ito na wala nga s'yang tinatago.

Para matapos na ang ginagawa ng dalawa ay kumuha ng kapirasong manok si Justin. He smiled evilly when a bright idea popped into his mind. Sa isip n'ya ay makakaganti na din s'ya sa ginawa sa kanya ng lalaki noong isang araw. Walang anupaman ay agad s'yang lumapit sa nakatatandang kapatid. Gamit ang isa n'yang kamay at mahahaba nitong daliri ay hinawakan niya ang panga ni Jace. Bahagya n'ya itong pinisil, resulta nang pagbuka ng kanyang bibig. He immediately shoved a piece of chicken wings into his brother's mouth.

"Sit down and eat," sambit ng kapatid sa nakatatandang lalaki. Wala namang nagawa si Jace kundi umupo nalang atsaka binatukan si Justin. Nagtawanan ang mga ito kaya nawala sa isip nila ang isang bagay na kanina lang ay kanilang iniisip.

Pagkatapos kumain ay niligpit nila ang mga ito at muli ay nagkwentuhan. Si Justin naman ay nagpaalam muna na babalik sa kanyang kwarto upang ituloy ang pagpapahinga, mamaya kasi ay pupuntahan na naman siya ng doktor upang matignan muli ang kanyang mga pasa. Nasabihan na din ito na maaari syang makalabas ng ospital pag maayos-ayos na kondisyon nito.

Hours passed, and both patients were discharged from the hospital. They gave Regina vitamins while Justin was told to be back next week for a follow up check-up. Masayang nag-uusap ang tatlo at sabay na bumalik sa hotel kung saan tumutuloy ang Kpop idol.

"Ay, aalis na siya..." dinig ni Jace na pang-aasar ng kapatid. He chuckled and continued folding his clothes, putting them in his big black luggage.

His girlfriend just sighed in disbelief. Ayaw n'ya kasing isipin na aalis na ito. She walked towards his man and hugged him from behind. Nagulat ang binata sa ginawa ng dalaga ngunit napangiti din naman ito dahil unang beses n'yang makatanggap ng ganitong klaseng yakap mula sa babaeng mahal n'ya.

Hinawakan nito ang kamay ng dalaga bago tinanggal ang pagkakayakap sa kanya. He turned around and sat down. Iniangat nito ang tingin sa babaeng ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan. "It's okay. I'll be back, I promise."

Napangiti ang dalaga sa narinig dahil may tiwala ito sa binata. She sat beside him and held his hands. "I love you." She said with tears in her eyes and kissed him on his lips. Gumanti naman ng halik ang binata at pagkatapos ay muling niyakap ito.

On the left side corner of the room, Justin once again witnessed the couple's cheesy moments. He rolled his big, round, almond-shaped eyes and turned to his right side.

"God, when will this end?"

Mahinang sabi nito sa sarili at napahawak sa kanyang batok. Lagi nalang kasi siyang andoon sa tuwing may mga ganitong kaganapan. Napalingon din naman ito agad nang makaramdam ng isang kapirasong damit na tumama sa kanyang likuran.

It was his white gucci shirt na hiniram nito sa kanya sa ospital. Pinulot n'ya ito at inamoy, nagpakita ito nang may pandidiring mukha at muli ay inirapan ang nakatatandang kapatid dahil ibinalik nito sa kanya ng hindi pa nalalabhan.

Jace laughed at seeing his brother's reaction. Alam n'yang naiinis ito dahil hindi niya nalabhan ang damit ng kapatid. Nang makasigurong maayos na ang lahat ay agad niyang binuhat ang mga bagahe habang ang isang duffle bag ay ipinahawak naman niya kay Justin. Sabay-sabay na lumabas ang mga ito sa silid at nag check-out sa hotel. May oras pa naman sila para makapamili ng pasalubong para sa mga kagrupo ng binata kaya dumaan muna ang mga ito sa ilang stalls at souvenir shops.

IT was two in the afternoon and they're already at the airport. Napagpasyahan nilang doon nalang magpalipas ng oras para makaiwas na din si Jace sa mga taong pwedeng makakilala sa kanya.

Napatingin ang tatlo sa labas ng malaking bintana at nakaangat ang tingin sa kalangitan. Ang kanina kasing maaliwalas na kalangitan ay biglang nagdilim. The rain suddenly poured heavily in the city. Buti nalang at nasa loob na ang mga ito.

"Have a safe flight," bulong ni Regina kay Jace nang lingunin n'ya ito. Kanina pa s'ya nagpapaalam simula noong nasa hotel sila pero hindi n'ya alam kung paano magpaalam ng maayos. She gave her sweetest smile and again hugged him tight. Ganoon din ang ginawa ng binata kaya dinama na lamang nila ang presensya ng isa't isa. Ilang minuto pa ay kailangan ng magpaalam ng binata kaya agad n'yang kinuha ang kanyang mga gamit.

Justin handed him his duffle bag pero sinenyasan ito ni Jace na huwag iabot sa kanya. Nagtataka na nakataas ang kaliwang kilay ng kanyang nakababatang kapatid at nagsalita, "What do you mean?"

"It's for you." Tinapik ni'ya ito sa balikat at pinagsabihan ito na wag ng ituloy ang ginagawa nitong sports. Ang tinutukoy n'ya ay kick-boxing.

Tumango nalang si Justin at sinabi na ititigil n'ya lang ito kung makakabalik siya agad para kay Regina.

"Of course I will come back! Kaya bantayan mo siya, but don't agaw him. Okay?" Agad n'yang hinawakan ang kamay ng nobya at niyakap sabay halik sa noo.

Pagkatapos mag tawanan ay isang huling kaway ang ginawa ng binata habang unti-unti siyang humakbang palayo sa dalawa. Bago ito mawala ng tuluyan ay isang sulyap ang ibinigay niya sa nobya at sumigaw.

"Wait for me, okay? I love you. "

'I will marry you. You just don't know it yet.'

Chương tiếp theo