webnovel

Chapter 18: Back to the Philippines

PAGKALAPAG ng eroplano sa airport ay dinig n'ya ang sigaw ng kaibigang si Jazy habang kumakaway ito na nakatingin sa kanya. Hindi niya akalaing sasalubungin s'ya nito sa terminal 3, kaya naman tuwang-tuwa niya itong yinakap.

"How are you? Sinong kasama mo?" Regina asked her. May kasama kasi ang kaibigan na lalaking mukhang artistahin. Agad niyang kinurot ang tagiliran ng kaibigan dahil ngingiti-ngiti itong kinikilig.

"This is Andre, boyfriend ko. Andre, meet Regina." Pagpapakilala nito sa dalawa. S'ya yung sinasabi kong kaibigan ko." Nginitian naman ito ng dalaga at nakipag kamay. Pansin n'yang masaya at mas maaliwalas ang mukha ni Jazy kumpara noong huli silang magkita. Nang mga oras na iyon ay dumiretso sila sa bahay ni Regina sa Makati, pagkatapos ihatid ay nagpaalam din muna si Andre sa dalawa para naman makapag bonding ang mga ito.

"Teka, ano na nga palang lagay n'yo ni Jace? Have you guys talked?" Tanong ni Jazzy habang nagtitimpla ng juice at linapitan ang kaibigan na tila malalim ang iniisip.

"Hindi e, hindi kami nakapag-usap. Hindi ko na nga alam kung paano s'ya makakausap, miss ko na yung lalaking 'yun," she said in a dismayed voice. Ang katawan niya ay nasa Pilipinas pero ang isip nito'y naiwan sa Seoul. Ni hindi niya alam kung makakapag concentrate ba ito ng maayos sa trabaho. S'ya pamandin 'yung taong madaling madistract. Lumunok ito at liningon ang kaibigan.

"Oh, wag mo akong tingnan ng ganyan. Sinabihan na kita, matagal na." Panlalaki ng mata ni Jazzy rito. Magsasalita pa sana si Regina pero alam niyang wala din namang mangyayari kaya ininom na lang nito ang juice. Inilabas niya ang cellphone at napunta sa gallery, habang tinitignan ang mga kuha ng binata ay isang litrato ang pumukaw sa kanyang attensyon. Bigla itong napatigil at napatingin sa malayo.

"What's your ideal wedding?" he asked her. Nakahiga ang binata sa paanan ng dalaga habang nakatitig sa kanya na nakangiti.

"Mmm, I want a romantic oceanfront setting, beach wedding! Isn't it nice while the wind and waves sing their praises over our union?" Kilig na sagot n'ya. Agad itong tumayo at inaya ang binata na sumayaw.

Kahit natatawa ay tumayo si Jace at nakisayaw naman sa kanya. Kahit walang musika ay nagsasayaw ang mga ito na parang walang iniisip na problema. They suddenly stopped dancing as he gazed down at her with a solemn expression and pure adoration.

"You're so beautiful," he uttered.

Biglang nagbalik tanaw ang dalaga habang inaaalala ang mga nakaraan kasama ang binata. Her tears burned her eyes.

"Girl, taha na. Umiiyak ka nanaman." wala itong nagawa kundi bigyan nalang ng isang mahigpit na yakap ang kaibigan. Regina wiped her tears and once again gazed at their photo.

"Bakit parang wala lang sa kanya lahat? One day we were happy, the next day we were strangers," she couldn't believe it.

Magsasalita pa sana s'ya nang mag-vibrate ang cellphone nito. She just received a message from an unknown number. Napaangat ang kaliwang kilay ng dalaga ngunit agad din itong napangiti ng mabasa ang mensahe. Si Jazy naman ay pasimpleng sumisilip sa cellphone ng kaibigan at nagtaka sa reaksyon nito. Ang kanina kasing malungkot nitong mukha ay biglang umaliwalas.

"Who is Justin?" Malakas na boses na tanong ni Jazy. Kamuntikan pa itong natumba sa sofa dahil sa kakatitig n'ya cellphone ng katabi.

Agad namang napatayo sa kaba si Regina dahil rito. Nagulat kasi s'ya sa biglang nagsalita malapit sa kanya, kaya agad na binalik nito ang tingin sa hawak na phone bago nagsalita.

"Hindi ko pa nga pala nakwento sayo. I mistook him as Jace when I was waiting for him at Daechon," she said sadly.

Nakangiting hinila ni Jazzy ang kamay ng kaibigan upang makaupo sa sofa. Para itong isang marites na matagal na hindi nakasagap ng chikka kaya naman excited itong nakinig sa kwento ng dalaga.

"Ang taray ha. Baka naman mamaya siya pala talaga ang para sayo at hindi si Jace? Bakit 'di mo subukan makipagkita sa kanya, kesa naman sa nagmumukmok ka jan," sabi ng kaibigan. May punto naman si Jazy, but she doesn't like the idea of it. Lalabas siya kasama ang iba para lang makalimot? She'd rather sleep.

Magsasalita sana ito ng isang mensahe nanaman ang natanggap n'ya sa kanyang instagram, it was from an account whom she blocked and unblocked months ago when she was still in Korea.

"Isn't this the person who keeps on sending 'Hello' pero hindi naman nagpapakilala?' sabi nito sa isipan. Hindi na ito nag atubiling basahin pa ang mensahe dahil hindi din naman s'ya interesado. Humiga ito sa sofa habang nakatitig sa babaeng kanina pa nag-aantay ng sagot.

"I would hangout with him, but at least give me some time to heal my broken heart." Sabi nito sa kaibigan na inirapan s'ya bago binato ng unan. Natawa naman n'yang sinalo ito at nakipag pillow fight kay Jazzy na nakatayo lang malapit sa kanya. Pagkatapos pa ng ilang oras ay nagpaalam na rin sila sa-isa't i'sa.

That evening, Regina went straight to her room and stared blankly at the ceiling. Heto na naman s'ya, sa t'wing wala itong ginagawa ay lagi itong natutulala. Ngunit bigla naman n'yang naisip ang sinabi ng kaibigan.

"Would it be cheating If I hang out with someone?" tanong nito sa sarili. "What cheating? Are we even still dating?" muling tanong nito. Nalilito na kasi s'ya sa kanyang nararamdaman.

Pinilit niyang iwaglit ang isipan sa bagay na ito at sinubukang pumikit. Isa pa ay kailangan nyang magreport ng maaga bukas sa trabaho. She knows she would be busy once she works again.

IT was a windy morning when she woke up to the sound of her alarm. Kahit antok pa ito ay pinilit nitong imulat ang mga mata kahit mejo may kadiliman pa dahil alas-kwatro palang ng umaga. Eto kasi talaga ang gising niya, kailangan niyang bumangon ng maaga dahil alas-singko ang call time nila. Paglabas nito sa inuupahang bahay ay pinili nitong dumaan sa isang madilim na eskinita. Kilala naman s'ya ng mga tao doon, pero noong araw na 'yon ay may dalawang taong nakaabang para mangholdap. Hindi akalain ng dalaga na mabibiktima s'ya kaya naman nang pilitin s'yang ibigay ang pera nito ay hindi na siya tumanggi pa. Masyado n'ya pang mahal ang kanyang buhay.

"Kuya, heto na ho lahat ng dala ko. Wag niyo ho sana akong sasaktan." May pagmamakaawa sa boses ng dalaga habang inilalabas nito ang kanyang pitaka. She was about to hand it over when a sudden kick was given to the holdaper.

Natulala s'ya ng bahagya habang pinanunuod ang isang lalaking nakipag palitan ng suntok at sipa sa dalawang masamang lalaki. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita n'yang tumakbo paalis ang dalawa at naiwang walang galos ni isa sa mukha ang lalaking tumulong sa kanya. Those eyes looked familiar to her.

"Hey, it's you... Justin" Ang kaninang kabadong dalaga ay ngayo'y nakahinga ng maluwag. Nanginginig kasi ito sa takot dahil sa nangyari. She looked at him and thanked him.

"Are you okay? Are you hurt?" he asked her. Nag-aalala n'yang tinignan ang dalaga at nakahinga ng maluwag nang makitang okay ang dalaga. "I'll walk with you. Wait, what are you doing here? Masyado pang maaga para sa mga babae na maglakad mag-isa. Are you going to work?" Tanong ng lalaki nang bigla nitong hawiin ang kanyang buhok.

She couldn't talk, she was just staring at him the whole time. Sa pananalita at kilos kasi nito ay hindi n'ya mapigilan na maalala si Jace. Inalis ni Regina ito sa kanyang isipan at pinilit na tumingin ng diretso sa dinadaanan.

"Yes, I'm going to work. Kailangan ko kasing magreport ng maaga so I took this way. Mas mapapadali kasi ang daan ko," she explained. Muli niya itong binalingan ng tingin. "How about you? What are you doing here?"

"I'm headed home at sakto namang nakita kita. I thought something's not right, so I butted in." Nalaman n'yang pauwi na sana s'ya galing sa night out nilang magkakaibigan nang mapadaan ito sa eskinita. He saw her worriedly talking to those men kaya alam n'ya agad na may problema ito. Good thing Justin is a black belter kaya may alam s'ya kahit papaano. Nang makalagpas sa eskinita ay nagboluntaryo ang binata na ihatid ang dalaga sa pinapasukan nito. Dala niya ang kanyang sasakyan na nakapark sa di kalayuan sa eskinita.

"Hindi ba nakakahiya?" tanong n'ya sa binata. Pero 'di kalaunan ay pumayag din ito na magpahatid, kesa naman sa magtaxi ito na nanginginig pa rin dahil sa takot. She smiled and gazed at him as he opened the car door for her and said, "Thank you," in a sweet voice.

TWO weeks had passed, and everyone was busy working. Regina got back from work, while Jace had already gotten out of the hospital. That day, the group had just finished shooting a few episodes for their variety show. The guys felt exhausted behind the scenes while the young man was staring at his phone, smiling.

"Sige, titigan mo lang baka sakaling magsalita." Pang-aasar na sabi ng leader kay Jace sa kanilang lenggwahe. Hindi naman nagsalita ang binata dahil wala ito sa mood upang makipag-asaran. Paano ay buong gabi itong hindi nakatulog kakaisip sa dalaga. Muli na naman kasi nitong napaginipan ang babaeng nakasuot damit pangkasal kasama ang isang batang babae. Pakiramdam n'ya ay totoo lahat ng kanyang asa panaginip. "Why does it seem so real?" he whispered.

Agad namang siyang liningon ng lider at nagtaka, "Huh?"

"My dream feels so real, but I keep waking up to the realization that no truth exists in them." Hinawakan niya ang cellphone at sinubukan ilog-in ang mga accounts nito sa social media, after many attempts ay swinerte itong nakalog-in kaya dali-dali nitong iniscroll ang kanyang feed.

He immediately searched for her girlfriend's name and tried to compose a message. Pero wala itong masabi. Hindi n'ya alam kung paano simulan ang mensahe. He started with, 'Hello, how are you?' Pero agad nitong binura at pinalitan ng, 'I'm sorry. I apologize for walking out that day. I should have talked to you.' Ipinikit nito ang isang mata atsaka pinindot ang 'send' button. Later on, he found himself paying for a round-trip ticket.

"What? You're going to the Philippines? When? Sabay sabay na tanong sa kanya ng mga kaibigan. Hindi nila masyadong makita ang petsa ng pag-alis nito kahit ang mga leeg nila ay mababali na kakatingin sa ipad ni Jace,

"Now."

Chương tiếp theo