webnovel

Do Vampires really exist?

•••

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari ng araw na 'yon.

At isang linggo na rin ang nakalipas matapos sabihin sa akin ni Ryouhei ang pagbabalak niyang pumunta sa eskinita na 'yon. Kung saan nagkaroon ng balita tungkol sa lalaking namatay sa eskinitang 'yon, na naliligo sa sariling dugo.

Kahit na ilang beses ko siyang pigilan sa gusto niyang gawin, kaso ayaw niyang magpapigil. Kung ako palang na natatakot na sa posibleng mangyari, siya naman ang kabaliktaran ng nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung masyado lang bang curious si Ryouhei o sadyang gusto niya lang malaman 'yung mga bagay-bagay sa paligid niya? Kailangan pa siya nagkaroon ng paki sa paligid niya?

Akala ko puro lang babae ang alam niya.

*"Oh ano? Tuloy tayo mamayang gabi, Yuki ah?"* Masayang sambit niya sa akin sa kabilang linya.

Hindi ko alam kung bakit ko pa sinagot ang tawag niya.

"Ilang beses mo ng sinasabi sa akin yan ngayong umaga, Ryouhei? May balak ka naman sigurong magsabi ng ibang salita maliban sa tuloy tayo mamaya, Yuki ah?" Bagot ko namang balik dito.

Masyado rin siyang excited na para bang pupunta siya sa fieldtrip. Ano bang trip ng isang 'to? Alam ba talaga niya kung anong klaseng panganib ang nag-aabang sa amin kung pupunta kami doon?

*"Ah? So may gusto kang marinig maliban sa mga sinasabi ko nitong mga nakaraang araw at pati na rin ngayon?"* Tila nang-iinis niyang tanong sa akin.

Nakikita kong nakangisi siya ngayon.

"Hindi. Hindi ko na kailangang marinig--" napahinto ako sa pagbibilang ng mga stocks ng marinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya.

*"Gusto ko ng makasama si Yuki ngayon, anong oras kaya siya matatapos sa shift niya? Hmm... puntahan ko na lang kaya siya? Namimiss ko na din kasi--"* hindi ko na siya hinintay pang matapos at agad ng pinatay ang tawag niya.

Mahigpit ang hawak ko sa teleponong nasa kaliwang kamay ko. Napakagat labi ako habang paulit-ulit kong naririnig ang mga pinagsasabi niya sa kabilang linya.

Napalunok ako ng maramdaman ko nanaman iyon sa dibdib ko. Wala sa isip kong nailagay ang kanang kamay ko sa dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Napayuko ako at gigil na bumulong.

"Argh! Bwiset ka Ryouhei! Kung ano-ano nanamang pinagsasabi mo!"

"Yuki! Pagtapos mo dyan bantayan mo na rin itong counter!" Sigaw ng Manager namin na nagpa-alis sa mga iniisip ko.

"Opo!" Sigaw kong sagot dahil malayo ako sa counter.

Napabuga ako ng hangin at agad na nag-focus para matapos ko na agad ang ginagawa ko. Dahil maya-maya lang ay pupunta na siya dito na para bang kailangan ko ng assistance niya, eh kaya ko namang pumunta sa campus ng ako lang mag-isa.

Matapos ang ilang oras ay nakita ko na siyang nasa labas. Nang magtagpo ang mata namin ay agad siyang ngumiti na parang baliw.

Inalis ko na lang agad ang tingin ko sa kaniya, dahil para siyang baliw na nakangiti habang nakasandal sa babasaging salamin ng convenience store.

Isang linggo na rin niyang ginagawa 'yon. 30mins. Bago matapos ang shift ko makikita ko na lang siyang nakatayo sa labas at naghihintay. Nang tinanong ko siya kung bakit siya nandoon ang sabi niya lang ay hinihintay niya ako, tapos ng magtanong ako ulit sabi niya responsibilidad niya daw na hintayin akong matapos at sabayan ako sa pagpasok at pag-uwi sa apartment.

Sa sobrang gulat ko sa mga pinagsasabi niya ay hindi ko napigilang hindi tumakbo palayo sa kaniya.

Noon para siyang stalker kung umasta. Pero ng ipaliwanag niya sa akin kung bakit niya 'yon ginagawa, ay nakahinga ako ng maluwag.

Kilala ko si Ryouhei, kapag sinabi niyang 'yon ang gagawin niya. 'Yon at 'yon ang gagawin niya. Pero iba na ngayon... kasi para na siyang natatae na nageexcite sa nagiging reaksyon ng mukha niya.

Halata eh.

Nang makapag-palit ng uniform ang papalit sa akin ay agad na akong pumasok sa stockroom. Pagpasok ko ay saka ako naka-recieve ng message mula sa kaniya.

*"I'll wait you here."*

Ibinalik ko naman agad iyon sa bulsa ko at nagpalita na ng damit. Nang matapos ako ay agad akong nagpaalam sa nakatoka ngayon sa counter.

Si Lea, nakangiti siyang tumango sabay tingin sa lalaking nasa labas. Si Ryouhei ang tinitignan niya. Nagtataka naman akong tumingin ulit sa kaniya, at mas lalo akong nagtaka ng makita ko ang pagpula ng pisngi niya.

*May panibagong nasungkit nanaman ulit si Ryouhei. Hanep talaga.*

Lalabas na sana ako para puntahan ang mukhang tangang nakatayong si Ryouhei sa labas ng tawagin ako ni Lea.

"Yuki! Sandali!" Sigaw niya kaya tumigil ako at lumingon sa kaniya.

Bigla siyang may inabot na dalawang bote ng strawberry juice. Nagtataka ko namang kinuha 'yon mula sa kaniya, magtatanong sana ako kung bakit niya ibinigay ito sa akin ng makita ko pa siyang sumisilip sa gilid ko.

*Ah, kaya pala. Sumisilay?*

Umubo naman ako para ma-realize niyang nandito pa ako sa harap niya.

"Ehem? Bakit mo ako binigyan ng ganito?" Tanong ko kahit gusto ko ng ilagay ang mga ito sa bag ko dahil paborito ko ito.

"Ah, gusto ko lang bigyan kayo ng boyfriend mo ng maiinom kasi 'di ba mainit ngayon?" Wait? Wait--wait--What?

"Teka? Anong sinabi mo?" Tanong kong muli kasi walang hiya? Nabibingi na ba ako at hindi ko sure kung tama ba ang naririnig ko?

Tinignan niya ako na para bang nagtataka siya sa ikinikilos ko.

Ako dapat magtaka dito! A-Anong sinabi niya?!

"B-Boyfriend. Para sa inyo ng Boyfriend mo yan."

Puta? Boyfriend? Ako? Tapos si Ryouhei?

Nanginginig kong itinuro ang sarili ko pagtapos ay sa lalaking nakasandal sa salamin, na walang malay sa mga nangyayari ngayon.

At isang tango lang ni Lea ay parang may sumabog sa utak ko. Dahilan para agad akong umalis sa harap niya at agad ba pinuntahan ang lalaking 'yon, malakas kong hinampas sa kaniya ang isang bote na hawak ko, kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya.

*"Para sa inyo ng Boyfriend mo."*

I feel my cheeks burning. Mabilis kong binitawan ang bote at hindi ko na inabala pang tignan kung sinalo niya ba 'yon o hindi dahil nagmadali na akong maglakad palayo sa kaniya.

*Malaking pagkakamaling nakipag-usap pa ako kay, Lea.*

Hanggang sa makarating kami sa campus ay hindi ko pa rin siya inabalang tignan. Kahit na panay tanong siya sa akin kung may nagawa ba siya sa akin o wala, kung may problema ba daw ba o something.

Pero wala siyang nakuhang sagot mula sa akin dahil nagkahiwalay na kami ng landas. Siya sa mga kaibigan niyang tinawag siya, ako naman sa klase ko ngayong araw.

Inabala ko ang sarili ko sa mga klase ko, pero kahit na ganun ay nakakahanap ng dahilan ang mga salitang 'yon para sumingit sa utak kong pinipilit kalimutan.

*Bwiset talaga.*

"Yuki, ayos ka lang?" Bigla pagtatanong ng katabi ko.

Agad naman akong tumango, pero kabaligtaran nito ang sinabi niya.

"I don't think you're okay, your face is bright red." Mabilis ang naging paglingon ko sa katabi ko.

At doon ako nagulat ng mapagtanto ko kung sino ito.

"Hajime?" Bulong ko sa pangalan niya.

At bigla na lang siyang tumayo pero agad ko rin siyang pinigilan bago pa siya makita ng instructor namin sa harap.

"W-Wag na. Ayos lang ako. Medyo naiinitan lang ako." Sagot ko at pilit na inaalis ang mga salitang 'yon sa isip ko.

"Naiinitan? I bet not--"

"I'm okay." Mabilis kong sagot dito at agad na nagfocus sa tinuturo ng instructor namin sa harapan.

Hindi ko mapigilang maguilty, kasi alam kong nag-aalala lang siya? O bakit siya nag-aalala?

"'Kay, if it's that what you want." 'Yon na lang ang sinabi niya.

Napabuntong-hininga ako. Badtrip.

Matapos ang klase ay dumeretso na ako agad pauwi. Hindi ko na siguro kakayaning magtagal pa sa campus kung ganito ang nararamdaman ko.

Ang weird at... tama nga si Hajime sa sinabi niya. Namumula ang mukha ko pagtapos kong makita iyon sa salamin sa banyo kanina.

Kailangan hindi ko makasalubong si Ryouhei dahil kung hindi--

"Yuki!" Shit?

Huminto ako sa paglalakad at madiin na pumikit, napalunok, pinakalma ang sarili saka lumingon sa kaniya.

Huminto siya sa harap ko at ng magtagpo nanaman muli ang mata naming dalawa ay narinig ko nanaman ang mga salitang 'yon.

*Sino bang nakaisip ng salitang 'yon? Badtrip!*

Bigla siyang ngumiti at inakbayan ako. Walang malisya niya akong inilapit sa katawan niya, narinig kong tinawag siya ng ilang boses mula sa likod namin kaya agad kaming napahinto sa paglalakad.

"Ryouhei! Laro naman tayo ng Basketball! Palagi mo na lang kaming tinatanggihan kapag inaaya ka namin!" Sigaw nila.

Hindi ko na kailangang lumingon. Pero laking gulat ko ng magsalita siya.

"Maglalaro ako kapag maglalaro si Yuki, pero hindi siya naglalaro niyan. So, no. Sorry mga brad! Una na kami!" What?

Anong klaseng dahilan 'yon?! Gusto kong bigwasan ang lalaking 'to!

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ng medyo nakalayo na kami ay bigla naman siyang nagsalita.

"Kapag sumama ako sa kanila, iba't-ibang babae nanaman ang ipapakilala nila sa akin. Nakakapagod ng maging gwapo." Saad niya sabay tawa.

Tinanggal ko bigla ang braso niya sa balikat ko na mas ikinatawa niya pa.

"Ang kapal ng mukha mo." Sagot ko at mas inunahan ko siya sa paglalakad.

Ayoko siyang makasabay sa paglalakad. Pero minsan talaga, wrong timing si Ryouhei.

"Bakit pala hindi mo ako pinapansin kanina? Dahil ba sa palagi akong napunta sa convenient store at hinihintay ka?" Tanong niya.

Umiling ako biglang sagot, as if namang sasabihin ko sa kaniya 'yung dahilan? Grabeng kahihiyan na nga nararamdaman ko tapos ipapahiya ko ulit sarili ko?

Wag na lang.

"Eh, ano pala?"

"Wag ka na magtanong."

"Paano ko malalaman kung hindi ako magtatanong?"

"..."

"So hindi mo ako sasagutin?"

Ba't parang iba naman ang meaning na 'yon para sa akin?

"Wag ka ng maingay pwede? Tsaka wag ka ng tanong ng tanong." Sagot ko sabay hawak sa ulo ko.

Nagsisimula nanaman kasi itong sumakit. Ilang araw na rin akong hindi umiinom ng dugo dahil palaging nasa apartment ko si Ryouhei na parang bahay na niya iyon. Kapag nakita niya akong umiinom 'nun, malalaman na niya kung sino ako.

"Hmm... okay sige hindi na ako magtatanong." Sagot niya na nagpatigil sa ginagawa ko.

Bigla na lang siyang tumahimik kagaya ng sinabi niya. Saka ako nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.

*Kahit naman makulit siya... gusto ko pa rin siyang... nag-iingay.*

Hindi na lang rin ako nagsalita. Hanggang sa makarating na ako sa apartment ko, dederetso na sana ako doon ng may pumigil sa akin. Paglingon ko ay nakahawak siya sa braso ko.

"I'll be back later," sagot niya sabay bitaw agad sa akin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Ilang segundo akong natulala at muling napabuntong-hininga.

*Ilang beses mo bang sasabihin sa akin yan, Ryouhei? Mas lalong sumasakit ulo ko dahil sa gusto mong mangyari.*

Wala na akong nagawa kundi ang dumeretso sa apartment ko at mag-iisip ng iba pang paraan sa gagawin namin ngayong gabi.

--

Hapon na ng magising ako at iyon ang isa sa pinakamasarap na tulog na ginawa ko ngayong araw. Paglabas ko ay dumeretso ako sa sala at binuksan ang TV.

Pero iba ang bumungad sa akin. pagbukas ko nito.

Ang balita tungk sa dalawang biktima na may parehas na dahilan ng pagkakamatay ang pumuno sa pandinig ko. Napatuod ako sa kinauupuan ko at hindi maalis ang mga mata ko sa screen ng tv, nag-iingay iyon hanggang sa marinig ko ang mga salitang sinabi ng news tv host.

*Patuloy pa rin ang paghahanap ng ebidensya sa mga nangyayaring pagpatay sa mga hinihinalang may sala nitong nagdaan na linggo.*

*Maraming tanong ang mga netizens... kung ito nga ba ay kagagawan ng mga "bampira" na nababasa lang natin sa mga libro o hindi? Ang mga likha lang ng mga isip natin ay... ngayon ay naghahasik na ng lagim? Kayo na ang humusga.*

Pinatay ko bigla ang pag-iingay nito. Doon ko lang nakita ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang remote control.

What do i do now? What if they start to kill more people? Ngayon ay paisa-isa palang? Paano kapag naisip na nilang pumatay ng mas marami pa sa dalawa? Ano ng gagawin ko?

Bakit sila naglalabasan?! Kung lalabas sila kailangan ba nilang pumatay ng tao?! Ano bang kailangan nila?!

Napatayo ako at hindi mapakali sa kakaisip, papano kung lumabas sila bigla? I'm sure... ang bampirang nakita ko noon... hindi siya nag-iisa.

I'm sure marami sila, marami silang nag-aabang para ubusin ang mga dugo ng mga pagkaing naglalakad lang sa harap nila.

Ang mga tao.

Mga kagaya nu Ryouhei, ni May, Jiro, Kin, Hajime, Kyla at ng marami pa.

At paano na lang... paano na lang kung may makita kami mismo ngayon? Kung ngayong gabi rin gustong puntahan ni Ryouhei ang lugar kung saan nakita ang unang biktima?

Naglakad ako papunta sa fridge at binuksan ang maliit na parisukat na styrofoam sa ibaba. Pagbukas ko 'nun ay kumuha ako ng isa, binuksan at inilagay sa isang baso at ininom.

Nababahala ako... natatakot ako sa posibleng mangyari.

*Ayokong madamay sa nangyayari ngayon si Ryouhei.*

Nang maubos ko 'yon ay malakas kong binagsak ang baso sa lamesa, napakuyom at huminga ng malalim.

*Okay i need to do it.*

Bago mag 9PM ng gabi ay nagawa ko na ang mga sinabi niya sa akin, mi-ne-ssage niya ako kanina at lahat ng 'yon ay ginawa ko na.

Naghihintay lang ako sa tawag at ang pagkatok niya sa pinto ng apartment ko. Pagtingin ko sa orasang nakapatong sa tabi ng TV ay 10minutes pa bago ang pagpunta niya dito.

Pero bago pa man dumaan sa itinakdang oras ay nakarinig ako ng katok mula sa labas at ang boses niya ang sunod kong narinig. Tumayo alo at bumuga ng hangin.

Nanlalamig ang mga kamay ko kaya nag-jacket ako. At nakasuksuk sa bulsa nito ang mga kamay ko. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan 'yon.

Tumambad sa akin ang mukha ni Ryouhei at base sa itsura niya. Para bang excited siya sa mangyayari ngayong gabi.

*Excited mamatay ganun ba?*

Pinatay ko na ang ilaw sa loob at saka naman siya umatras para maisara at maikandado ko ang pinto ng apartment ko. Matapos 'nun ay nagulat ako ng bigla niyang hawakan at hinila ang jacket ko kaya pati ako ay nadala at napaharap sa kaniya.

Nainis ako. Kaya bubulyawan ko sana siya ng bigla niyang i-zipper ang jacket ko hanggang sa pinakadulo nito sa baba ko. Ngumiti siya pagtapos 'nun at agad akong itinanong kung dala ko ba ang mga sinasabi niya.

*Wallet, phone, susi. At pinagdadasal na sana hindi ito ang huling buhay naming dalawa.*

'Yon lang naman at wala ng iba pa. Nauna siyang naglakad kaya sumunod na lang ako sa kaniya. At habang naglalakad sa tahimik na kalsada na mabuti na lang ay may mga dumadaan pang sasakyan ay ikinamusta ko sila May, Jiro at Kin sa kaniya.

Nakalimutan kong dumalaw sa kanila at makahingi ng information mula sa kaniya sa nagdaan na araw dahil sa mga nangyari.

He said that May is okay, also the two idiots. At itinatanong din ng mga iyon kung ayos lang rin ba ako.

I smiled a little because... they also checking me if i'm okay or not. Pero sa ngayon... hindi ako okay dahil may naghihintay sa amin sa pupuntahan namin.

Kamatayan.

Iginalaw ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket. I hold my phone tightly and i know if i click something on it... may posibilidad na may dumating sa amin para tumulong.

Pero sana... kung gawin ko man 'yon sana buhay pa kami.

"Yuki," tawag niya sa akin.

Napahinto ako sa paglalakad ng huminto si Ryouhei na nasa harapan ko.

Nagtataka akong nakatingin sa kaniya, when he turn his way to me all i can say is i saw something on his eyes... his eyes is full of curiosity.

Curiosity of what?

"Bakit?" Tanong ko dito.

Pero hindi ko alam na mga sandaling ito... itatanong niya sa akin ang mga salitang hindi ko maisip na lalabas mula sa mga labi niya.

"Naniniwala ka ba sa mga... Bampira?"

•••

Chương tiếp theo