webnovel

ZAFARIA MALL

Nang matapos makapananghalian sila ni Ezekiel, agad nilang napagpasyahan na magtungo sa Buenavista Hotel. Habang papalabas ang sasakyan sa subdivision, 'di maiwasan ni Samarra ang mapahanga sa lawak at naglalakihan na mga mansyon, na nakatirik sa lugar na 'yon. Hindi rin, niya aakalain na mahaba-haba ang kanilang lalabasan. Ayon kay Ezekiel ay nasa phase IV sila, ito ang tinatawag na Lotus Village ng Villa Escaler at sa unang gate pa lang sila lumabas.

Marahan na napasulyap si Samarra sa kaniyang katabi na seryosong nagda-drive. Kahit saang angulo tingnan si Ezekiel, walang habas ang kaguwapuhan nito. Mapatagilid at mapaharap guwapo talaga.

"Guwapong-guwapo ka na naman sa akin?" anang ni Ezekiel nang tapikin ang kaniyang balikat.

Napatuwid siya sa kaniyang pagkakaupo at inirapan ang binata. "I'm not staring at you."

Bakit ba kasi palagi na lang siyang nahuhuli nito na nakatitig. 'Di kaya may third eye ito? Gosh!

Lumawak lalo ang pagkakangisi ni Ezekiel sa kaniyang isinagot. "You're not good at lying Baby. Try it, next time." He winked at her.

"Im not. Okay!" pikon niyang sagot.

Natawa si Ezekiel ng hampasin niya sa braso. "Samarra. I'm driving." Mabilis na itinabi ni Ezekiel ang sasakyan at hinawakan ang kaniyang mukha.

Napapikit si Samarra. Nang ilapit ni Ezekiel ang mukha nito sa kaniya. Amoy niya ang mabangong hininga ni Ezekiel. Ilang minuto siyang nakapikit ng maramdaman niyang pinisil ang kaniyang pisngi at narinig na niya ang ugong ng kanilang sasakyan.

Napadilat siya nang makita niyang sumeryoso ang mukha ni Ezekiel habang nagmamaneho. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mata. Ayaw niyang magsalita o tingnan si Ezekiel baka kung ano ang isipin nito sa kaniya.

"Bakit kasi may papikit-pikit ka pang nalalaman Samarra." Pasimple niyang ibinaling ang ulo sa may gilid ng sasakyan.

"Gusto mo bang dumaan tayo sa Zafaria Mall? Nandoon ang isa nating branch?" tanong ni Ezekiel sa kaniya.

"Hmm, okay!" sagot niya na hindi iminumulat ang mata.

Wala na siyang narinig na kahit anong sagot mula kay Ezekiel. Kaya minabuti na lang niya na ipikit ang mata kaysa tuksuhin na naman siya nito, nang maramdaman niyang huminto ang sasakyan napadilat siya.

Napalunok pa siya ng mabungaran ang guwapong mukha ni Ezekiel nakatunghay sa kaniya.

Nakangiti ito. "Gigisingin sana kita," anito at iniwas agad ang tingin sa kaniya.

Napangiti na lang siya at hindi na nagkomento maski siya nakaramdam ng awkward sa kanilang dalawa.

"Miel, okay lang ba mauna ka na sa loob, magpa-park lang ako" masuyong sabi ni Kiel.

"Okay, hahanapin ko na lang 'yong 'Ms. Oh' sa loob," pagsang-ayon niya mabilis na umibis sa sasakyan na kanina pa nakatigil sa harap ng mall.

"Miel, 'yong shop nasa east wing second floor katabi ng Victoria Secret at Calvin Klein," pahabol na bilin ni Ezekiel bago pinaandar ang sasakyan.

Huminga siya nang malalim bago magsimulang maglakad papasok sa loob. Inilibot niya ang kaniyang mata pagpasok sa loob, halos lahat ng sikat na brand matatagpuan sa mall. Very impressive ang linis at ang amoy kaaya-aya sa ilong. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag at tiningnan ang oras. Napangiti siya dahil alas dos pa lang ng hapon, maaga pa naman. Kaya napagdesisyon niya na mag-ikot muna sa loob ng mag-isa.

Naglakad-lakad siya sa loob hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa courtyard ng mall. It's a very relaxing view and quietly amazing surrounded by different colors of flowers and green plants. Very nature and giving a sense of peace and calm mind.

Napapangiti siya sa saya. Dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakakalabas mag-isa ng ganito. Tahimik mapayapa at walang inaalala na may gugulo sa kaniya. Walang bodyguard na sumusunod sa kaniya.

Naputol ang kaniyang iniisip nang marinig na nag-iingay ang kaniyang cellphone sa bag. Huminto siya at kinuha ang cellphone.

Pigil ang kaniyang ngiti ng makita si Ezekiel ang tumatawag. Marahil nag-aalala na ito sa kaniya, hindi niya sinagot at ibinalik ang cellphone sa bag.

Nagmamadaling siyang pumasok sa loob ng mall. Napahinto siya at muling humarap sa courtyard iniisip niya kung saan ba siya galing bago lumabas.

"Gosh! I think I'm lost." Humawak siya sa kaniyang baba at napangiti sa kaniyang naisip.

Maybe there is map navigation inside at mall.

"Tabi!!" anang sa kaniyang likuran. Hindi na niya nagawang lingunin dahil malakas na bumangga sa kaniya. Alam niya babagsak na siya, naipikit na lang niya ang mata at hinihintay na bumagsak sa sahig.

Napasinghap si Samarra, nang may pumulupot na braso sa kaniyang baywang.

"Miss, are you okay?" tanong sa kaniya.

Kaya unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata to her surprise, it was a handsome guy staring at her, a white complexion, a chunky almond hazel brown eyes, chinito and six-footer tall.

"Yeah, I think so?!" Lumayo siya sa pagkakayap nito sa kaniyang baywang at pilit ang ngiti niyang nagpasalamat dito.

"Are you sure?" anang ng kaniyang kaharap.

"Yeah, I'm ok-" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng biglang sumabat ang lalake na nakabangga sa kaniya.

"Come on, Enzo!!" Inilagay pa ang dalawang kamay sa bulsa at tumingin sa kaniya na parang sinusuri siya at ngumisi.

"You're not deaf. She said, she's okay. Maybe she's paying attention. So, hurry up!" pag-aaya nito sa katabi niyang lalake.

What she heard irritated her ears. She exhaled deeply and counted to five. While attempting to calm down before confronting the man who had bumped into her.

"Hey, you?!!" Turo niya sa lalake. "Don't you know how to apologize?" Tinaasan pa niya ito ng kilay.

Ngumisi itong naglakad palapit sa kaniya tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Why should I apologize? I'm not doing anything wrong?" Tinawanan pa siya nito.

What? He didn't do anything?? What the thickness of his face. ahh, wait a minute. Huh!! I thought Kiel was the most arrogant I've ever met. But there's something worse here.

Huminga siya nang malalim at lumapit sa lalake, nakamaang na nakatingin sa kaniya. Ngumisi rin siya at sinampal niya ito ubod ng lakas. Halos namanhid rin ang kaniyang kamay sa lakas nang pagkakasampal niya. Umikot ng bahagya ang ulo nito at natigilan. Sinamantala na niya ang pagkakataon. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso at tinuhod sa harap. Napauklo ito sa sakit habang hawak nito ang harap. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo sa dalawang lalake.

"Hey! Little monkey, you will pay for it," malakas na sigaw nito.

Huminto siya sa narinig at dahan-dahan na humarap, napangisi siya ng makita niyang nakauklo pa rin ito. Tinaasan niya ito ng kilay at nag-dirty finger.

"Masakit ba?" She mouthed.

Kanina pa hindi mapakali si Ezekiel sa loob ng shop habang hawak ang cellphone. Sinusubukan niyang tawagan si Samarra, panay lang ang ring ng cellphone nito, pero hindi sinasagot. Mag-iisang oras nang maghiwalay sila sa labas. "Damn it!!! I hate this, she's always doing this."

Napagpasyahan na niya lumabas na para hanapin ito. Nang makita niya si Samarra nakakunot ang noo habang naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. Alam ni Ezekiel na may nangyari na hindi maganda sa dalaga kaya mabilis niya itong nilapitan at kinabig payakap.

"God! Where have you been? You're fucking me worries, I thought you were lost??" paangil na wika ni Ezekiel.

Hinalikan niya ang noo nito at tiningnan maigi sa mata. "Don't do that again!! I'm warning you?? And next time, answer my call, Babaysot."

Sumilay ang ngiti nito na parang may nakakatawa sa sinabi niya. Kahit kailan talaga matigas ang ulo ni Samarra kapag pinagsasabihan along ginagawa.

Naiiling siyang tiningnan niya at napabuntong-0hininga.

"Yes, Captain Kiel." Sumaludo pa sa kaniya si Samarra.

Napapangiti na lang si Ezekiel sa ginawa ni Samarra. Pinagsiklop niya ang kanilang kamay at naglakad palapit sa shop.

"What??" takang tanong niya ng maramdaman niyang huminto sa paglalakad si Samarra.

"Maybe next time, I'm not feeling well." Alanganin ngumiti ito sa kaniya.

Inilagay niya ang kamay sa noo nito, wala naman itong lagnat.

Tumawa ito nang mahina. "I have no fever, I'm not in the mood to go. Please, sa hotel na muna ako, I need to rest," pakiusap nito.

Ginulo niya ang buhok nito at iginaya na niya palabas ng mall. Wala rin saysay kung tatanungin niya ito dahil alam niya hindi ito magkukuwento.

Hinatid na niya si Samarra sa Buenavista Hotel na malapit lang sa mall para makapagpahinga na ito. Alam naman niya na pagod ito at kagagaling lang sa mahabang biyahe.

"Lock the door and get some rest. Babalik na ako ng opisina," ani niya bago tuluyang lumabas sa penthouse.

Isang tango lang ang isinagot ni Samarra sa kaniya na parang naubos lahat ang energy.

Chương tiếp theo