webnovel

(War Game Battles Of Havoc Gangsters) Chapter 31 - Rialyn Versus Makina

Third-person Point Of View

Sumugod si Rialyn kay Makina Hercve, na nagulat sa ginawa na pagsugod mag-isa ni Rialyn at nanood lamang ang kaniyang mga kasama.

{She seems confident about her magic ability.} Ito ang konklusyon na nabuo ni Makina sa kaniyang isipan.

"Magic Magic, Goddess Blow!" Nang makalapit si Rialyn kay Makina ay bumuga ito ng pwersa ng hangin na siyang, dinala si Makina sa malayong distansya.

Hindi nawala ang balanse ni Makina, na nanatiling nakatayo matapos tanggapin at walang ginawa sa atake na ginawa sa kaniya ni Rialyn.

"I'm going to defeat you, so sorry in advance." Kampante na deklara ni Rialyn, na mayroong malapad na ngite sa kaniyang mga labi kay Makina na seryoso lamang tumingin.

Humanda si Makina na makipaglaban, lalabanan niya si Rialyn gamit ang kaniyang buong lakas.

"Ikaw ang unang babae na lalabanan ko ng seryoso at buong lakas. Ano ang pangalan mo?"

"Rialyn Madzua, ang vice-president ng Havoc Gang, tandaan mo."

Umihip ang hangin sa paligid nila. Kumalat ang alikabok na nadala nito. Sa paglaho, sumugod ang dalawa sa isat-isa.

Sumuntok si Rialyn kay Makina, habang si Makina naman ay sumipa. Hindi tumama ang suntok ni Rialyn habang tumama naman sa kaniyang mukha ang sipa ni Makina.

Nabalibag at natumba sa madamo na lupa si Rialyn, ngunit agad ding tumayo.

"Dull..." Sabi ni Rialyn na inalog-alog ang kaniyang ulo. "As expected from a top student!" Binalutan ni Rialyn ng dalawang umiikot na hangin na tila maliit na mga buhawi ang kaniyang mga kamao. Sumugod muli siya sa direksyon ni Makina.

"Rock Bullets." Gumawa naman agad si Makina ng mga maliliit na bato at pinatama sa papasugod sa kaniyang si Rialyn, kasing-bilis ng isang bala ng baril na ibinaril ang pagsugod ng mga bato.

"Wind Drill." Kalmado na umikot si Rialyn at bumalot sa kaniyang buong katawan ang hangin na nasa kaniyang mga kamao kanina. Sinalag nito ang mga bato na pinatama ni Makina.

Naiba ang direksyon ng mga bato, may ilan pa sa mga ito ang tumungo sa direksyon ng mga kaklase ni Rialyn na nanonood sa laban.

"Nanood lang kami, huwag mo kaming idamay," Sa unang pagkakataon, nakita ng kaniyang mga kaklase na sinarado ni Meryl ang kaniyang libro at, "String Paddle." Gumawa ito ng mga makapal na mga strings at hinampas ang mga bato sumugod sa kanila at nadurog ang mga ito.

(Meryl, she's really strong...) Pag-obserba ni Devorah sa ginawa ni Meryl.

Samantala, sa pagpatuloy ng labanan nina Rialyn at Makina...

Nagapalitan ang dalawa ng kanilang mga atake. Hindi nagpapagapi si Rialyn kay Makina at hindi ito natitinag na sabayan ang bawat galaw nito. Hindi iniisip ni Rialyn na matatalo siya sa isang top student ng Asteromagus Academy dahil magiging kahihiyan ito para sa Havoc Gang at sa kaniyang kaibigan at president na si Shannon Petrini.

Nang makaramdam ng pagod, dumistansya saglit ang dalawa sa isat-isa.

Seryoso na naghahabol ng hininga si Makina habang nakangite naman na naghahabol sa hininga nito si Rialyn.

(I can't believe that I can fight like without worrying so much about myself for being a weakling.) Hindi makapaniwala na sabi ni Rialyn sa kaniyang sarile dahil sa kaniyang pantay na pakikipag-laban kay Makina Hercve.

"You wear the same coat Shannon Petrini is wearing." Bigla siyang kinausap ni Makina.

"Nakasagupa mo ang president ng Gang ko?" Tanong naman agad ni Rialyn.

"Oo. She tried to face all 5 of us earlier but she got a equal battle with the number 5 Mythical Glory Class student, Rumbar. Pareho silang namatay at bumalik na sa tunay na mundo."

Hindi makapaniwala si Rialyn sa kaniyang narinig. Nawala ang kaniyang ngite at napalitan ng pagkainis.

"I'm stronger than Rumbar. If Shannon Petrini was your gang's boss, then you're way better than her. Hindi ka lalakas kung mananatili kang kasama siya. Sumali ka Makina Gang, tutulungan kitang mas paunlarin pa ang magic mo."

"Ha?" Nanlaki ang mga mata ni Rialyn sa kaniyang narinig. Yumuko siya at nanahimik ng ilang sandali.

Nagulat na lamang si Makina biglang naglaho sa kaniyang paningin si Rialyn at napunta sa kaniyang likuran. Sinuntok siya ni Rialyn sa pisnge na siyang nagpabalibag kay Makina sa malayong distansya.

Hindi siya nito tinigilan. Sumugod muli si Rialyn at tinadyakan sa tiyan ang papatayo pa lamang na si Makina. Matapos tadyakan si Makina ay dinakma ito ni Rialyn sa kaniyang mukha at nagawang iangat ang babae.

"You said things I hate the most..." Malamig na sabi ni Rialyn na lumalim ang bose.

Nabitak ang lupa na malapit sa paligid ni Rialyn. Namuo ang malakas na hangin, hindi din nagtagal ay itinapon ni Rialyn sa ere si Makina.

"President, forgive this inferior being's rude behavior. Wind Nova!" Nagpakawala si Rialyn ng malakas na pwersa ng hangin na tumama kay Makina.

Nagkahiwa-hiwalay ang katawan ni Makina sa malakas na hanging tumama sa kaniya. Hindi na umabot na bumagsak sa lupa ang hiwa-hiwalay nitong katawan dahil naglaho na ito at bumalik sa totoong mundo.

"Lowlife idiot..." Napatingin si Rialyn sa kaniyang kanang palad dahil nakaramdam siya ng matinding pananakit mula rito.

Nagkaroon ng isang itim guhit sa kaniyang palad at nakaramdam ng labis na pagkahilo.

Lumapit si Rialyn sa kaniyang mga kaklase. "Leader, pasensya na, aalis na ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin?" Nagpaalam si Rialyn kay Devorah.

"Aalis kana sa laban?" Tanong naman ni Meryl.

"S-sige, kung kailangan mong magpahinga..." Pag-sangayon naman ni Devorah.

"Pasensya na..." Binalutan ni Rialyn ang kaniyang kamay ng hangin at isinaksak ito sa kaniyang dibdib. Sa pagtanggal ni Rialyn sa kaniyang kamay ay sumirit ang masagana nitong dugo. Hindi nagtagal ay bumagsak si Rialyn sa lupa at kalaunan ay naglaho ang katawan nito.

Bumalik sa tunay na mundo si Rialyn.

"Such strength...Havoc Gang is an surprisingly strong gang." Opinyon naman ni Tinzel.

"I'm going to join them after this War Game." Sabi naman ni Frosh.

"Me too. Wag kang aangal Moon." Sabi naman ni Que. "I'm going to get stronger para masaya!" Sa pangalawang sinabi ni Que ay nainis si Moon sa kaniya kaya niya ito sinapak.

"You weird piece of shit!" Sigaw ni Moon.

*****

Rialyn Madzua Point Of View

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Because of such extreme emotion surge, I felt like something inside of me wants to be awaken.

Maaaring mayroon itong kinalaman sa itim na guhit na markang lumabas sa aking palad.

Sa aking pagbalik sa tunay na mundo, sa aming classroom, dumiretso ako sa inuupuan kong seat at ipinahinga ang aking katawan dito.

⟨⟨Come awaken, legendary ace!⟩⟩ Isang boses ang nagsalita sa aking isipan.

Sa sobrang hilo na nararamdaman ko, wala akong lakas para kumausap rito. Mas ginusto ko pang ipahinga ang katawan ko.

*****

Shannon Petrini Point Of View

Sa aking pag-iimbestiga sa kakaibang pakiramdam na aking naramdaman habang nasa 'Virtual Battlefield' ako, natunton ko ang pinanggalingan nito, dito sa sentro ng Palkia City. Sa isang plaza na ginagamit ng mga taga rito tuwing may ginaganap na pagdiriwang.

Isang lalaki ang nakadapa sa sahig habang nakatusok ang kanang kamay nito.

"What the hell do you think you're doing?" Agad kong hinugot ang espada ko sa kaluban nito at inatake ang lalaki.

Akmang hihiwain ko ito sa kaniyang ulo nang bigla na lamang humiwalay ang kaliwang kamao nito at lumipad sa direksyon ko at sinuntok ako sa sikmura.

Sa sobrang lakas ng kamao na lumipad at sumuntok sa sikmura ko, nabalibag ako pero hindi nawala ang aking balanse. Agad nag-tipon ang mga tangang mamamayan sa kinaroroonan namin.

"Away ba?"

"Siguro?" Usapan agad ng mga ito.

"Umalis kayo dito!! Mapanganib ang lalaking kaharap ko!!" Sigaw ko naman at nagpakawala ng malakas na aura.

"Halimaw!!" Sigawan ng mga taong natakot sa ginawa at lumayo.

"Hindi ka basta-bastang magus." Sabi naman ng lalaki sa akin. Tinanggal niya ang kanang kamay nitong nakatusok sa lupa at tumayo ng tuwid.

Ang kaniyang kamao na lumipad para sumuntok kanina sa akin ay walang hirap na bumalik sa kaniya.

"Isa kang robot..." Sabi ko na siyang ikinangite nito.

"Hindi, mali ka ng inaakala...hindi ako robot, kundi iyon ang magic na mayroon ako." Paliwanag nito sa akin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito sa bayan na ito? Itong bayan pa talaga na ito ang napagdiskatahan mo?" Binalutan ko agad ng malakas na pwersa ng apoy ang aking espada.

"Mainitin ang ulo mo." Aniya. Pinitik niya ang kaniyang dalire. Nagulat ako ng bigla na lamang sumabog ang kinatatayuan ko.

Mabuti na lamang at mabilis ang reaction time ko at nagawa kong gumawa ng pakpak na apoy at lumipad. Winasiwas ko agad ang espada ko at kumawala ang malakas na Fire Slash tungo sa direksyon ng lalaki.

"Reflection!!" Sa sinabi na ito ng lalaki ay may lumabas na malaking salamin sa kaniyang harapan. Tumama ang Fire Slash ko sa salamin pero nagulat ako na walang nangyari sa salamin bagkus bumalik lamang ang atake na ginawa ko sa akin.

Inilagan ko naman ang atake ko at sa himpapawid ito sumabog.

(Putang-ina na magic mayroon ang lalaking 'to.) Inis na sabi ko sa sarile ko.

"I don't have time to play with you, I'll let my subordinates do. I don't want to waste energy here before facing a monster like 'Sarimanok'!

Nanlaki ang aking mata sa narinig. "Paano mo nalaman ang tungkol sa Sarimanok...huwag mong sabihin, isa ka sa 5 Dons?" Bumulusok ang galit ko sa aking narinig.

Ang Sarimanok ay isang Mutant Animal Lord na matatagpuan sa kagubatan sa labas ng Palkia City. Ang mga Mutant Animal Lords ay kilala rin bilang mga tagabantay ng Compass Pieces.

"Nalaman mo sa pamamagitan lang ng pagsabi ko sayo patungkol sa Sarimanok? Who the hell are you?" Nagsalubong ang kaniyang kilay.

Lumipad naman ako ng mabilis pasugod sa kaniya. Binalutan ko ng mas malakas pang pwersa ng apoy ang aking espada.

Winasiwas ko ito sa kaniya ngunit bigla na lamang nagliwanag ng nakakasilaw ang butas na dulot na dulot ng pagtusok niya sa sahig kanina. Nasilaw ako sa sobrang liwanag na ito. Kaya naging oportunidad ito para sa lalaki na atakihin ako. Sinapak niya ako ng maraming beses sa aking sikmura. Nabalibag ako sa isang bahay. Hindi pinaglagpas ng lalaki ang pagkakataon, sumugod din agad siya sa akin. Pinatamaan niya ako ng isang napaka-lakas na atake.

Ramdam ko ang sakit ng pagsabog na tumama sa akin. Ilang saglit pa ang lumipas ay nawalan ako ng malay.

Itutuloy.

Chương tiếp theo