To my younger self, who's strong as always.
-----------------
Copyright © 2022
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-----------------
PREVIEW
Muntikan akong mapatalon sa aking pwesto nang marinig ang pagsarado ng pinto. Sa bawat yapak na gawin niya, siya namang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Alam ko na ang mangyayari sa gabing ito ngunit hindi ko pa rin mapigilang kabahan. Baka tunay ngang hindi pa ako handa.
"Huwag kang mag-alala, walang mangyayari kung ayaw mo."
Huh?
"Sa halip, mayroon akong mungkahi na tiyak kong hindi mo tatanggihan." Sabi ni Caspian.
Rinig ko ang kaniyang ngiti sa tono ng boses niya. Kaya naman, mas lalo akong nagtaka.
Napakakakatwa ng sitwasyon ngayon, malayo sa aking inakala.
Napalunok ako ng laway sa kaba. "Anong mungkahi?"
Rinig ko ang paglapit ng mga yapak niya sa akin, at tila tumigil din ang paghinga ko nang tumigil siya sa harapan ko.
Hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahan itong inangat hanggang sa magkatagpo kami ng mata.
"Sa loob ng isang taon, maging asawa mo ako." Bulong ni Caspian, at kaniyang binitawan ang aking baba.
Napakurap ako nang ilang ulit, pinipilit ang sariling huwag pansinin ang init na naramdaman ko dahil sa ginawa niya.
Sa loob ng isang taon? Anong ibig niyang sabihin?
"Anong mangyayari pagkalipas ng isang taon?" Tila nag-aalinlangan kong tanong.
Saglit siyang tumahimik at nagpatuloy lang sa pagtitig sa akin. Mas lumakas lang ang kabog ng puso ko dahil dito.
Upang pigilin ang aking nadarama, muli sana akong magtatanong nang marinig ko ang sagot niya.
"Maghihiwalay tayo."