webnovel

CHAPTER 9: GIVE UP

Di naman kami masyadong nagtagal sa mall dahil agad din akong niyaya ni Gwen na umuwi na lang dahil tumawag ang daddy nito. Magpapaiwan sana muna ako ngunit hindi ito pumayag dahil na rin sa kagustuhan nitong maging ligtas ako lalo't muntikan na daw akong namatay.

" Let's go home, gumagabi na rin kasi." sabi nito tsaka niya hinawakan ang kamay ko na siyang ikinangiti ko naman dahil sa kinikilig ako.

Tahimik lang kami sa buong byahe pauwi ng bahay at hindi ko na rin namalayan na nakarating na kami agad sa mansion. Pinagbuksan ako ni Gwen kaya maingat akong bumaba at napansin kong nakatayo si Kohen sa may pintuan habang nakasandal ito.

" Gwen salamat nga pala dahil sinamahan mo ako?" sabi ko sa kaniya.

" Walang anuman yun Marco, hindi na rin ito bago para sakin. Sige mauna na rin ako? " pagpapalam nito sa akin at agad itong sumakay sa kaniyang kotse tsaka agad itong pinatakbo.

" Where have you been? Why are with Gwen?" galit nitong bungad sa akin. Wow huh! Kailan pa siya natutong magtanong at pakialam sa akin.

" It's none of your business." sagot ko ito at nilampasan ko lang siya ngunit agad niyang hinawakan ng mapahigpit ang braso dahilan para mapa-aray ako.

" Aray! Bitiwan mo ako?" inis kong sagot sa kaniya.

" Tsskk... Alam mong may asawa kana! Balak mo pang lumandi!" sabi nito at pagkarinig ko yun mula sa kaniya ay hindi ko namalayan na nasampal ko ito ng napakalakas dahilan para mabitawan niya ang pagkahawak nito sa braso ko.

" ASAWA?! Wala naman akong kilalang asawa na sa simula palang hindi niya ako itinuring na asawa." sabi ko tsaka bumuhos ang mga luha ko jusko Lord kailan ba hihinto itong pag-iyak ko.

" Marco? Anong nangyari?" pagsingit ni Gwen. Akala ko ba umuwi na ito sa bahay nila bakit nandito pa itong lalake na to.

" Gwen bakit bumalik ka, akala ko ba umuwi kana." tanong ko kay Gwen habang papalapit ito sa kinaroroonan.

" Naiwan mo kasi yung bag mo sa loob ng sasakyan." sagot nito ngunit bumilis muli ang tibok ng puso ko sa ginawa ni Kohen.

" P*tang i*a mo Gwen! Ano bang pinakain mo sa asawa ko!" sigaw ni Kohen. Nagulat na lang ako bigla ng agad sinuntok ni Kohen dahilan para matumba si Gwen sa kinatatayuan niya.

" F*ck you! Why did you punch me?" galit na sagot ni Gwen tsaka nagpalitan sila ng suntok. Hindi ko na alam ang gagawin ko jusko Lord hindi naman ako pwedeng pumagitna sa kanila baka ako yung mabugbog nila sa liit ko kasi ito at payat.

" Dahil sa paglandi mo sa asawa ko kaya lumayo ang loob nito sa akin." sabi ni Kohen what anong lumayo ang loob dahil sa kaniya hoy para sabihin ko sayo Kohen kaya lumayo ang loob ko sayo dahil sa hindi mo ako kayang mahalin kaya wag ka ngang gumagawa ng kwento.

" Tama na! Ikaw-" pagturo ko kay Kohen at napatingin naman ito sa akin.

" Gagawa ka na nga ng kwento mali pa! Para sabihin ko walang kinalaman si Gwen kung bakit lumayo ang loob ko sa'yo,alam mo ang sagot kaya wag mong itatanong pa."

Nadismaya naman ito dahil sa narinig niya mula sa akin eh totoo naman diba kaya lumayo ang loob dahil rin sa kaniya. Napatingin ako bigla sa nakaupong tao sa damo at pilit niyang pinupunasan yung dugo na nasa gilid ng labi nito. Agad ko itong nilapitan para tulungan makatayo.

" Ayos ka lang ba?" panimula ko rito habang inaalalayan na makatayo.Hindi ko na hinintay ang sagot nito ngunit napatango na lang. Pumasok kami ni Gwen sa loob ng mansion para gamutin ang sugat niya pipigilan sana ako ni Kohen ngunit inilayo ko ang katawan ko sa kaniya at hindi nag-atubiling lingunin pa siya.

" Umupo ka muna gagamutin ko lang yang sugat mo?" sabi ko kay Gwen tsaka agad naman niya itong sinunod. Iniwan ko muna ito para kunin yung med kit sa banyo para linisin yung sugat nito.

" Bakit ka pa kasi bumalik edi sana walang sugat yang labi mo ngayon." sermon ko sa kaniya. Tsaka bigla kong idinampi ang hawak kong bulak na siyang nagpa-aray sa kaniya.

" Aray masakit? Eh di ko naman kasi alam tsaka baka hanapin mo pa kasi ito " sambit nito.

" Nakikipagbugbogan ka pero napapa-aray ka sa bulak." sabi ko sakaniya at napangiti. Bumaling ang atensyon ko ng umupo si Kohen sa harapan namin at nakikita sa kaniyang mata na balak din niyang magpalimos ng sugat. Pero ano siya sinuswerte jusko..

" Jusko siguro sakit ka din sa ulo ng tatay mo?" masayang sagot ko sa kaniya.

" Di naman masyado sakto lang naman, siya mauna na ako." paalam nito ng malagyan ko ito ng Band-Aid yung sugat niya.

Nang makalabas si Gwen sa mansion ililigpit ko na sana yung mga med kit upang makapagpahinga na rin ngunit lumipat ng upuan si Kohen kung saan kami nakapwesto kanina ni Gwen.

" Oh. Ano sasaktan mo naman ba ako?" tanong ko sa kaniya.

" Tsaka hindi ka lang nahiya sarili mong kaibigan inaaway mo?"

" Gamutin mo nga din tong sugat ko?" utos nito.

" Ano ka sinuswerte kaya ka binigyan ng diyos ng kamay para gamitin mo to. Manigas ka diyan wala na rin akong pakialam sayo." sagot ko rito tsaka iniwan itong mag-isa. Hahawakan niya naman sana ang kamay ko ngunit agad akong tumakbo paakyat ng hagdan.

Pagkapasok ko sa aking silid agad ko itong sinara at dumapa sa kama para umiyak jusko Lord akala ko ba madaling iwasan yung taong yun. Hanggang kailan ba ang pagiging ganito ko.

" Ayoko na Kohen.... Sawang sawa na ako sa pakikitungo mo sa akin! Naging mabuti naman akong asawa sayo, ngunit bakit lagi mo na lang pinagmumukha sa akin na hindi mo ako asawa palagi mo na lang sinasaktan ang feelings ko p*tang ina ka. I hope one day you will realized my worth for you Kohen at umaasa ako na darating ang araw na masasabi mo rin sa akin ang salitang i love you. It's really hurt so much, i feel pain everyday, every hour, everytime, every second whenever I'm with you. No one can blame this because in the first place, nagpakatotoo ka lang sa akin,. I love you so much but I'm really tired, gusto ko lang naman sumaya.

Dali dali kong inimpake lahat ng mga gamit ko, i need to start a new life without Kohen Sandford. Hindi naman ako pwedeng makita ni Kohen sa baba dahil alam kong naroroon siya ngayon kaya naisipan kong dumaan na lang sa veranda ng mansion para lumabas dahil walang bantay ito ngayon.

I want to stay far away from you Kohen.

________________________________________

A/N: Hindi ko na rin kaya ang paghihirap mo Marco sige humayo ka sundin mo ang kagustuhan mo, takasan mo ang hayop na yun.

Shemmay... Ito na nga ang sinasabi ko my ghad.... Di na talaga kaya ng sistema ko.... Anong kaganapan kaya ang masusunod. Pagod na rin kasi si Marco kaya niya nagawa yun... Anyways thanks for supporting me... Labyu all mwuaaah.

Chương tiếp theo