webnovel

Chapter Nineteen

Isinalaysay nang dalawang binata sa mga kaibigan nila ang mga nangyari sa kanila maging ang nangyari sa kanila sa Isla na nagging dahilan nang pagkakaugnay ni Roch sa kanilang dalawa. Habang nakikinig sila sa kwento nang binata hindi nila maiwasang hindi mapaisip na baka may nagplano sa mga naganap sa gubat.

"So sa palagay niyo may target talaga ang mga lalaking iyon?"

"Hindi lang sa palagay. Talagang may target sila." Ani Julianne. "The way I look at it mukhang si Eugene ang target nila." Wika pa ni Julianne.

"Nalaman niyo ba kung sino ang utak nito?" tanong ni Butler Lee.

"Iyon na nga ang masaklap. Hindi namin alam. Lahat sila namatay sa malaking apoy sa gubat. "Ani Julianne.

"Hindi kaya yung mga dating nakalaban natin? Yung may mga sinabi sa lipunan, malalaking tao na nasagansaan natin dahil sa serbisyo natin bilang mga sundalo?"ani Julius. "Sa dami nang mga kinalaban nating may pangalan tiyak binalikan na nila tayo."

"Hindi ko alam." Wika ni Eugene. Bigla siyang napaisip. Alam niyang marami siyang kalaban at sa dami noon sino sa kanila ang gustong gustong mawala na siya sa mundo?

"Nakita niyo ba si Johnny?" tanong ni Eugene sa mga kasamahan. Bigla namang natigilan si Jenny nililinisan niya ang sugat sa balikat ni Eugene. Nawala na sa isip niya si Johnny dahil sa labis na kasiyahan nang makitang buhay si Eugene.

"AW!" daing ni Eugene nang maramdaman na biglang bumigat ang kamay si Jenny naramdamn din niya ang malakas napag pisil nito balikat niyang may sugat. "Balak mo bang putulin na ang balikat ko?" sita ni Eugene kay Jenny. agad namang inilayo nang dalagaw ang kamay niya sa sugat ni Eugene. Hindi na niya napansin kong ano na ang ginawa niya. nakangiti naman sina Julianne dahil sa reaksyon ni Jenny.

"Nakabalik nga ako nang buo mukhang ditto naman ako mababawasan." Biro ni Eugene.

"Sorry." Paghingi niya nang despensa.

Alam naman ni Eugene na natigilan si Jenny dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Johnny. INiisip din naman niya kung saan nangpunta ang binata at kung anong nangyari ditto. Nais din naman niyang humingi nang despensa sa binata.

"Daebak! Tuwing maalala ko ang eksena kanina pakiramdam ko nanonood ako nang pelikula." pabirong wika ni Julius.

"Totoo yan. hindi ko akalain ganoon nila na-miss ang isat isa ni hindi na nila inisip na maraming taong nanonood."dagdag naman ni Julianne.

"Parang eksena sa isang pelikula. Nakakakilig." Wika in Meggan.

"Hindi ko Akalain na romantiko din pala itong si Tinyente. At hindi ko akalaing sa harap nang maraming tao niya iyon gagawin" wika ni Julius.

"Hay! Tama na nga kayo."anas ni Eugene at tumingin sa mga kaibigan napansin niyang namumula na ang pisngi ni Jenny marahil dahil sa labis na hiya. Napatawa nang malakas sina Meggan at Julius. Napatingin siya sa kanyang lola na nasa tabi n Butler Lee. Wala itong imik. Ano kaya ang iniisip nito? Hanggang ngayon pa rin ba tutol pa rin ito sa kung ano man ang relasyon nila ni Jenny? Kilala niya ang lola niya. Masyado itong arogante. Kailangan niyang makausap nang sarilinan ang kanyang lola at ipaliwanag ang lahat. Matagal na naming lumipas ang tension sa pagitan nila at sa pamilya ni Frances.

Sa mansion na nakatulog ang mga kasamahan ni Eugene. Hindi agad sila umuwi dahil nag inuman pa ang mga ito. Para daw ipagdiwang ang pagbabalik nila at dahil sa labis na kalasingan hindi na nakauwi ang mga ito. Hinayaan na lang ni Donya Carmela na manatili sa bahay nila ang mga kaibigan ni Eugene. Sa sala nakatulog ang lahat maging si Eugene at Julianne. Si Jenny pa ang naglagay nang kumot sa kanila. Nang matapos niyang lagyan nang kumot si Eugene saka siya lumabas nag mansion at naupo sa harden. Nakatingala sa mga butuin. Iniisp pa rin niya kung ano nang ginawa ni Johnny. Alam niyang nakita nito ang nangyari kanina

Biglang nagising si Eugene nang marinig niyang bumukas ang pinto. Nang magmulat siya nang mata nakita niyang nakatulog na sala ang mga kaibigan niya. napangiti ang binata saka tumayo.

Alam niyang may lumabas nang bahay kaya naman naisipan niyang niya lumabas din. Nang makalabas siya nakita niya si Jenny na nasa harden at nakatingala sa langit. Napangiti ang binata at naglakad palapit ditto.

"Bakit nandito ka sa labas? Hindi kaba makatulog?" tanong ni Eugene nang makalapit sa dalaga. Napaigtad naman si Jenny dahil sa labis na pagkabigla saka napalingon sa binata.

"Eugene." sambit ni Jenny.

"Malamig ditto sa labas. bakit hindi ka pa pumasok?" tanong ni Eugene at naupo sa tabi nang dalaga

"Napakarami nang bituin ngayong gabi." Wika ni Jenny at muling tumingala.

"Alam ko namang lumabas ka hindi para pagmasdan ang mga bituing yan." Ani Eugene.

Napangiti naman si Jenny. talagang kilala na siya ni Eugene.

"INiisip mo ba si Johnny?" tanong ni Eugene.

"Iniisip ko lang. Masyado akong makasarili. Hindi ko manlang inisip na may ibang tao akong nasaktan. I guess I have that dark side as well,"

"Dahil ba nangyari kanina?" ani Eugene. Bigla namang napatingin si Jenny sa kanya. Biglang natakot si Jenny, paano kung sabihin ni Eugene na hindi nito sinasadya ang nangyari? Nadala lang ito sa emosyon niya.

"Tungkol sa nangyari kanina.. Sa sinabi ko-----."

"Alin? Na mahal mo ang madhid na gaya ko?"nakangiting wika ni Eugene. "Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo? I told you, hindi mo na pwdeng bawiin yun."

"Hindi. Bakit ko babawiin."maagap na wika ni Jenny saka nagbaba nang tingin. "Iyon ang nararamdaman ko. I was miserable thinking that you have died. Nang Makita kita ulit hindi ko na napigilan ang sarili ko." Wika ni Jenny. dahil naka yuko ang ulo nang dalaga hindi na niya nakita an malapad na ngiti sa labi nang binata.

"Bakit ka nakayuko?" tanong ni Eugene sa dalaga. "Paano ko makikita ang mukha mo kung nakayuko ka nang ganyan. How will I know kung sincere ka." Ani Eugene dahil sa sinabi niya nag-angat nang tingin si Jenny at nilingon ang binata.

"That's more like it."nakangitig wika ni Eugene.

"Teka nga!" Biglang wika ni Jenny. "Pinaglalaruan mo ba ako? You are just acting so cool. Sinabi ko na kung ano ang nararamdaman ko saiyo. Wala Kaman lang tugon." Ani Jenny.

"Wow, daebak!" manghang wika ni Eugene saka napangiti.

"I think I did response. Was it not clear enough?" dagdag pa nang binata.

"Tse! You did? Wala kang sinabi." ani Jenny.

"Yes, But I did this." Wika ni Eugene saka sinakop ang mga labi nang dalaga. Nanlaki ang mata ni Jenny dahil sa labis na gulat. Bago pa siya makabawi lumayo na si Eugene sa kanya. Nakatitig lang siya sa mukha nang binata dahil sa labis na pagkabigla.

"Was it not clear? Kailangan ko pa bang ulitin?" nanunuyang wika ni Eugene. Napakagat nang pangibabang labi si Jenny. nang makabawi, buong lakas niyang hinampas ang balikat ni Eugene. Hindi manlang niyang naisip kanina ginamot niya ang sugat doon.

"Aw! Aw" daing ni Eugene dahil sa ginawa nang dalaga saka napahawak sa balikat.

"Omo! Eottoke. Are you okay. Sorry" nag-aalalang wika ni Jenny saka tiningnan ang balikat ni Eugene. Napangiti naman ang binata dahil sa reaksyon ni Jenny. Masaya siyang makitang nag-aalala ang dalaga sa kanya. Masayang buhay pa siya at nakabalik siya sa piling nito. nabigla si Jenny nang hawakan ni Eugene ang kamay niya. taka namang napatingin si Eugene sa dalaga.

"Let's not run away this time. I wont let go of this hand ever again." Wika ni Eugene.

"Eugene."mahinang anas ni Jenny. seryoso ba si Eugene o pinaglalaruan na naman nito ang damdamin niya gaya nang madalas nitong gawin. Kung totoo ang sinabi nito siya na yata ang pinakamasayang babae sa mundo. She loved him even before. And she love him more right now. Ang tanging lalaking kayang pakabugin ang puso niya. Ang dahilan kung bakit siya pumasok sa pagpupulis and endure lahat nang mga training na pakiramdam niya ikamamatay niya. Ang lalaking iniyakan niya nang litro-litrong luha. Si Lt. Eugene Heartfellia.

"Oh Bakit?" tanong ni Eugene nang nakatingin sa mukha niya si Jenny.

"H-hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyari. Para bang isang panaginip." Wika nang dalaga.

"Hindi ito panaginip." Wika ni Eugene at hinalikan ang kamay nang dalaga. "Kailangan nalang natin kausapin si Granny at ang pamilya mo. At humingi nang basbas nila. AT si Johnny, kailangan niyang maintindihan na tayo talaga ay para sa isa't-isa. I know he will understand." Wika ni Eugene.

"Do you trust me?" tanong ni sa dalaga. Tumango naman si Jenny at ngumiti. Naniniwala siya sa binata at patuloy na maniniwala ditto. Kung sinabi nitong kakausapin nito ang pamilya nila at si Johnny then she will leave everything sa binata.

Habang masaya ang pamilya ni Eugene dahil sa pagbabalik nang binata. Isang labanan naman ang nagaganap sa pagitan nang isang sundalong anghel at nang mga fallen angel. Sa mundong ito may mga anghel na ipindala ang diyos para bantayan ang tao upang hindi sila mapahamak. Hindi sila nakikita nang mga tao, ngunit mararamdaman mo ang kanilang presensya. Hindi lahat nang tao sa mundo naniniwalang may mga anghel.

Sinasabi nilang nakaligtas sila sa kapahamakan dahil maingat sila. Ngunit, naranasan mo na bang tumawid sa kalsada? Iyong pakiramdam na muntik ka nang mabangga nang isang truck o kotse tapos bigla mong naramdaman ang isang pwersang humatak siyo dahilan para makaligtas ka? O ang muntik nang mahulog sa hagdan pero mag pwersang naging dahilan para makuha mong muli ang balanse mo?

These are unseen forces. We mortals might not believe it, but angels do exist. They do. We just need to recognize them. Pero bago nating tanggapin na nasa mundo din sila. Simulan nating tanggapin na hindi lang tayo ang nabubuhay sa mundong ibabaw.

Sa mga araw-araw na ginagawa nang tao may mga kapahamakan na darating sa atin. At tungkulin nang mga anghel na iligtas tayo sa kapahamakan itong. Sila ang bantay nang mga mortal. May mga anghel na nakalaan sa iba't-ibang Gawain.

May lupon na nanggagamot, may mga mensahero at ang araw araw na kasalamuha nang mga tao ay ang mga sundolong anghel. Sila ang ipinadala sa mundo upang bantayan ang mga tao. O mas kilala natin sa tawag na Guardian Angel.

Mga gabay na hindi natin nakikita. Mga kaibigan na handa tayong iligtas ano mang oras na tayo ay nasa kapahamakan.

Isang sundalong anghel ang hinarang nang grupo ni Jezebeth. Sa ngayon, ang mga fallen angel na nagkalat sa mundo ay hindi na magkasya lang sa pagkuha nang mga negative energy nang mga tao. kahit na ubusin nila ang kasamaan nang mga tao at gamitin sila sa pagpapalaganap nang kasamaan, hindi pa rin na ngangahulugan na madadagdagan ang kanilang kapanghyarihan.

Sa ngayon, kinakailangan nilang kumuha nang enerhiya mula sa mga anghel para lalo silang lumakas. Nangyari ito nang magpakita ang Nemesis. Ang Nemesis ang pangalan sa pinaka mataas na antas nang isang Dark Angel. Kaya nitong tapatan ang lakas nang isang Dominion.

Habang hinihigop nang grupo ni Jezebeth ang lakas nang sundalong anghel na nahuli nila. Dumating naman sa lugar na iyon si Achellion. Ngunit wala manlang itong ginawa para pigilan ang mga ito na patayin ang walang laban na anghel. Ang mga anghel, ay walang masasabing tunay na anyo. Tulad lang din sila nang mga multo. Ngunit kapag namatay ang katawan nang isang anghel. Maglalaho na ito sa mundo na parang bola.

Nakita ni Achellion na unti-unting naglalaho ang kawawang anghel. Ngunit wala siyang ginawa. Layunin niya sa mundo na ubusin ang lahat nang mga anghel at mortal gaya nang sinabi ni JEzebeth. Ang mga anghel na siyang dahilan kung bakit sila ngayon palaboy sa mundo at ang mga mortal na siyang dahilan nang kanilang ipinaglalaban. Layunin nang mga fallen angel na mag higante sa mga tao dahil sa palagay nila hindi naging patas ang Diyos. He always sides on mortals, when what they always do is to give him pain and complain in things that He provides them. Human are self centered as they say.

They never get contented of what they have. They always ask for more. At dahil sa paghahangad nang mas higit sa kung anong meron sila gumgawa sila nang masama sa kapwa nila. They kill and steal from others. Para lamang mapagbigan ang kanilang pangimbabaw na pangangailangan. Wala pakiaalam si Achellion sa kung anong gawin nang mortal kaya lang hindi niya gusto ang mga nasasaksihan niya.

Hindi niya mapapatawad ang mga mortal dahil sa kanilang kasakiman. SIla na minamahal nang DIyos at pinoprotahan laban sa mga pwersa nang kadiliman.

Wala siyang maramdaman habang nakikita ang Grupo ni Jezebeth na unti-unting inuubos ang mga Sundalong anghel. Nasa isang gilid lang siya at nanoood. Iyon din naman ang gusto niya ang ubusin ang mga sundalong anghel. Nakatitig lang si Achellion sa apat, hanggang sa tuluyang maglaho ang Anghel.

Ang lakas nito ay nahigop na ni Jezebeth, kapag patuloy nilang hinigop ang lakas ang mga anghel, magagawa na nilang makapaghasik nang kaguluhan sa mundo nang mga mortal. Mas magiging madali para sa kanila na ipakalat ang kaguluhan sa mundo. Mas madaling pumasok sa puso nang mga tao, ang takot at kasakiman ang pwede nilang gamitin para mapanghawakan ang kalooban nila.

"Nasaan na naman si Achelllion?" Tanong ni Jezebeth nang mapansin na wala sa grupo nila ang binata. Ilang araw na niyang napapansin na bigla na lamang itong nawawala nang hindi nila napapansin. Hindi rin naman nila alam kung saan ito nagpupunta.

"Baka pinuntahan na naman niya ang natutulog na dalaga. Sinabi ko na sa inyo dati na tapusin na natin ang babaeng yun. Kaya lang hindi naman kayo nakinig." Wika ni Amon sa lalaki.

Napakuyom ang kamao ni Jezebeth, Kapag napatuloy ang nangyayari baka hindi na nila magawang ma control ang binata. Dahil si Achellion kaya naman nagagawa nilang salakayin ang mga anghel nang hindi nag-aalala dahil sa katotohanang isang Nemesis si Achellion maraming natatakot ditto. At kapag, bumalik na naman ang Achellion dati tiyak na hindi na nila magagawang magamit ang lakad nito.

"Susundan namin siya." Sabay-sabay na wika nina Amon, Azza, Balam, Caim. Tumango lang si JEzebeth. Kailangan nilang pigilan si Achellion sa muling pagdalaw at pagpapakita sa dalaga bago pa man nito maalala kung ano ang kaugnayan nito sa dalaga.

Natagpuan nang apat si Achellion sa bahay nang mga Heartfelia. Nakita nila ito sa loob nang silid ni Aya. Nakatayo ito sa tapat nang kama nang natutulog na dalaga. Kung gaano ito katagal na nakatayo doon hindi nila alam.

Wala naman itong ibang ginawa kundi ang tumayo sa harap nang kama habang nakatingin sa mukha nang dalaga.

Maya-maya Nakita nila itong naglakad palapit sa dalaga. Unti-unti nitong inilapit ang kamay sa mukha nang dalaga ngunit bigla itong huminto. Para bang may kung anong pwersa ang pumipigil na mahawakan nito ang mukha nang dalaga. Nakita nilang napakuyom nang kamao si Achellion. Ilang sandali pa Nakita nilang lumabas nang kwarto ang binata at iniwan ang dalaga. Nang makalabas ang binata saka naman sila pumasok sa silid nang dalaga tumayo sila sa harap nang natutulog na dalaga. ANo ang meron sa dalagang ito at paulit-ulit na bumabik si Achellion sa bahay na iyon kahit wala naman siyiang maalala.

Patuloy na nanatili si Aya sa isang maliwanag na lugar, kung minsan biglang dumidilim ang buong paligid. Sa gitna nang kadiliman iyon parati niyang nakikita ang matingkad na balahibo na nahuhulog sa harap niya. Matapos bumagsak ang balahibo, nakikita niya si Achellion, sinusubukan niya itong sundan ngunit kahit anong gawin niya hindi niya ito magawang mahabol may mga sandal na lumalapit ito sa kanya at pinagtatanggkaan siyang patayin. Hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit nalang iyon. Nais na niyang umalis sa lugar na iyon ngunit hindi naman siya makaalis. Hindi niya alam kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon.

Sinabi nang apat kay Jezebeth ang natuklasan nila sa binatang si Achellion. At hindi naman nagustuhan ni Jezebeth ang nalaman. Magiging sagabal sa kanila ang dalaga kapag patuloy na nahumaling si Achellion sa dalaga. Nag-isip sila nang paraan upang alisin sa landas nila ang dalaga. Ang kamatayan nito ang gagarantia na mahahawakan nila sa leeg si Achellion at hindi sila iiwan nito. Kinakailangan nila si Achellion para sa katuparan nang kanilang mga plano. Habang buhay ang dalaga hindi nila masisiguro na kakampi nila ang binata.

"Achellion, Ang sabi sa akin nina Azza, binalikan mo na naman ang dalagang iyon sa malaking mansion." Wika n Jezebeth kay Achellion nang makabalik ito sa kuta nila.

"Kailan niyo pa ako sinusundan?" Tanong ni Achellion.

"Huwag mong masamain ang pagsunod naming sa iyo. Ito ay para din sa iyong kabutihan. Kapag patuloy mong binalikan ang dalagang iyon ang buhay mo ang magiging kapalit." Wika ni Leonard.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Achellion.

"ALam mo ba kung bakit naming binalak na kitlin ang buhay nang dalagang iyon?" tanong ni Rahab. Hindi naman sumagot si Achellion. Bakit nga ba? "Siya ay isang kakaibang mortal, May kakayahan siyang higupin ang lakas natin. Nakikita kung unti-unti ka nang napapasailalim nang kanyang mahika." Dagdag pa nito. Plano nina Jezebeth na mag iba ang paniniwala ni Achellion sa dalaga. Habang hindi pa nito tuluyang nakikilala ang dalaga mas Mabuti nang masira ang pagtingin nito sa dalaga.

Upang ito na mismo ang pumatay sa dalaga. Kapag nangyari iyon magiging madali na sa kanila ang lahat. Sasamantalahin nilang walang naaalala si Achellion patungkol sa dalaga.

BIglang napaiisip si Achellion kung totoo ang sinasaba ni Rahab, ito ba ang dahilan kung bakit pakiramdam niya tinatawag siya nito? Ang kanyang magulong damdamin tuwing nakikita ang mukha nang dalaga. Ito ang ibig sabihin na unti-unti na siyang napapasailalim nang kapangyarihan nito? Hindi siya ang nilalang na magpapasakop sa iba dahil may sarili siyng pagiisip. Kahit naman isa siyang fallen angel at sumasama siya sa grupo ni Jezebeth ibig sabihin noon naniniwala na siya sa ipinaglalaban nang mga ito. May sarili siyang desisyon at hindi siya papaya na isang mortal lang ang gugulo sa isip niya. Kung kailangang siya ang tumapos sa buhay nito gagawin niya.

Kinausap ni Jenny si Johnny para magbigay nang paliwanag tungkol sa nangyari noong isang araw. Alam niyang kahit papaano kailangan nitong marinig ang paliwanag niya. Sa isang banda alam niyang nasaktan niya si Johnny. At hindi niya iyon sinasadya. Alam niyang kahit na anong gawin niya kailangan niyang sundin kung ano man ang sinsabi nang puso niya. Iyon ang tama. Pumayag si Johnny na makipagkita sa kanya sa isanng restaurant malapit sa National defense office.

Nang makita niya ang binata, matamlay ang mukha nito at haggard din ang mukha. Bigla siyang naguilty dahil sa nangyari.

"Johnny." Mahinang wika ni Jenny.

"Bago ka magpaliwanag. Would you hear me out first?" ani Johnny sa kanya. Simpleng tumango naman si Jenny.

"Hindi naman siguro lingid sa iyo kung ano ang nararamdaman ko hindi ba? I tried so hard para mapasa akin ang atensyon mo. I even tried to be like him. How special is he na hindi mo siya magawang kalimutan." Ani Johnny.

"Alam mo bang masaya ako dahil tinanggap ako nang ina mo? Inisip kong maswerte ako kumpra kay Lt dahil ako nakuha ko agad ang loob nang ina mo. Siya? Patuloy na kinamumuhian. Pero kahit ganoon, I am still envious. Dahil kahit nakuha ko ang loob nila. hindi ko naman nakuha ang loob nang babaeng gusto ko." dagdag nito. Ramdam ni Jenny ang matinding sakit sa bawat salita ni Johnny.

"Alam mo bang ikaw ang unang babaeng minahal ko? Ikaw ang unang babaeng ipinakilala ko sa pamilya ko." wika ni Johnny. Nakita ni Jenny na nagkuyom nang kamao si Johnny. Alam niyang labis ang sakit na idinulot niya sa binata. At hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob nito. Pinilit naman niyang mahalin si Johnny, mabait ito at mabuting tao kaya lang hindi naman niya pwedeng turuan ang puso niya. She tried but failed.

"Bakit? Bakit hindi mo siya magawang kalimutan? Bakit siya pa? Ano bang nagawa niya para sa iyo. Wala siyang ibinigay kundi sama nang loob." Ani Johnny sa kanya.

"I'm sorry."mahinang wika ni Jenny.

"Damn it! Hindi ko kailangan nang Sorry mo." galit na wika ni Johnny at pinukpok ang misa. Napatingin ang lahat sa kanila dahil sa ginawa ni Johnny.

"Sa halip na humingi ka nang sorry. Pwede bang sabihin mong ako ang pinipili mo?"ani Johnny at tumingin sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko magagawa yun. Hindi ko pwedeng turuan ang puso ko." Ani Jenny. "Si Eugene ang buhay ko." simpleng wika ni Jenny.

"That Bullshit!"ani Johnny at muling pinukpok ang misa. Napaiktad naman si Jenny dahil sa pagkabigla. "Siya ang buhay mo? Is he feeling the same way?" sakrtistong wika ni Johnny.

"Ayokong saktan ka kaya sinasabi ko saiyo to. Kahit na hindi niya ako magustuhan. Kahit na mahalin ko siya mula sa malayo. Kahit sabihin mong isa akong baliw. Holding into a one sided love. Still I cant let him go. I can't love you. Hindi kita gustong saktan." Wika ni Jenny. Hindi alam nang dalawa na dumating si Eugene at narinig ang mga sinabi ni Jenny. Nag-alala siya nang sabihin ni Jenny na makikipagkita ito kay Johnny. He knows. Kailangan din niyang magpaliwanag kay Johnny. At least he deserve it.

Sakristong napangiti si Johnny saka tumayo. Hindi ito tumuloy sa pag-alis dahil nakita niya si Eugene. Napatingin naman si Jenny sa direksyon nang tinitingnan ni Johnny saka niya nakita si Eugene agad siyang tumayo nang makita si Eugene. Sinundan ba siya nang binata?

"Huh, talagang nagpunta ka pa ditto." Wika ni Johnny.

"Johnny, pakinggan mo muna ang sasabihin ko." ani Eugene at naglakad papalapit sa binata.

"Huwag na. sapat na ang mga narinig ko ngayon." Ani Johnny at naglakad palabas. Bigla itong huminto at nilingon si Jenny.

"The next time we meet. Please don't say I'm sorry. My pride din ako."anang binata at saka lumabas nang tuluyan sa restaurant. Nang makalabas si Johnny saka muling napaupo si Jenny saka nagbuntong hininga. It took all her courage para sabihin ang mga nasabi niya kay Johnny.

Napangiti naman si Eugene saka naupo sa harap nito. ang mga salitang sinabi ni Jenny. Pakiramdam niya tila musika sa pandinig niya. walang may nagsalita sa kanila. Nakatitig lang si Eugene sa mukha nang dalaga. Ilang sandali pa, napatingin si Jenny sa binata. Ang nakangiting mukha ni Eugene ang nasalubong niya.

"You did well." Wika ni Eugene. Napangiti naman si Jenny.

"Sabihin na natin kay lola na balak na nating magpakasal." Biglang wika ni Eugene. Nanlaki naman ang mata ni Jenny dahil sa biglang sinabi ni Eugene. Hindi niya alam kung paano iiinterpret ang mga salitang iyon. seryoso ba siya?

"Bakit ka ganyan kung makatingin. Seryoso ako." Napangiting wika ni Eugene. "Maayos na ang lagay ni Aya. Sapalagay ko naman hindi tutotol si lola kapag sinabi kong gusto ko nang magpakasal. Saka baka maagaw ka pa nang iba mahirap na." Anito.

"Ano bang sinasabi mo? Magpakasal? Ni hindi mo nga ako niligawan." Wika ni Jenny at inilayo ang mukha sa binata.

"Kailangan pa ba noon? Its pretty obvious that you like me. Kasasabi mo lang na ako ang buhay mo." biglang napatingin si Jenny sa binata. Hindi naman kaya narinig nito ang mga sinabi niya kay Johnny. Bigla siyang pinamulahan nang isiping narinig lahat ni Eugene ang mga sinabi niya.

"Yah! Bakit ka nakikinig sa usapan nang may usapan."nahihiyang wika ni Jenny.

"So hindi totoo ang mga sinabi mo? Well, I think I am just expecting to much."ani Eugene at tumayo.

"Saan ka pupunta?"pigil ni Jenny sa binata. Saka hinawakan ang braso nito at tumayo

"UUwi. Hindi naman pala ako dapat naniwala sa mga narinig ko." napakagat labi si Jenny. Sinusubukan ba siya ni Eugene? Nalilito na siya. Nakita niyang napatingin si Eugene sa kamay niya. hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Tatanggalin pa ba niya ang kamay niya at hahayaang umalis si Eugene?

Halos napanga-nga ang lahat dahil sa sunod na ginawa ni Jenny. Maging si Eugene ay nabigla din dahil sa ginawa niya. hindi Iniasahan ni Eugene na bigla siyang hahalikan ni Jenny. Nais lang naman niyang biruin si Jenny para malaman kung ano ang tunay nitong nararamdaman. And he thinks he succeed.

Nagyuko nang ulo si Jenny nang lumayo kay Eugene. Habang ang binata naman ay malawak ang ngiti sa labi. Hindi niya inaasahang makukuha agad niya ang sagot na hinahanap niya.

"Nakangiti ka pa." napalabing wika ni Jenny.

"I'm happy that is."ani Eugene at inakbayan ang dalaga.

"Umuwi na tayo. Sinong gustong mong unahin nating puntahan? Si lola o ang mama mo?"ani Eugene. Bigla namang lumayo si Jenny sa binata. Paano niya sasabihin sa mama niya. baka bigla nalang itong mag wala.

"Ah, puntahan natin si Lola. Para siya ang kumausap sa mama mo. Natatakot ako sa mama mo." ani Eugene at kinabig palapit sa kanya si Jenny. "Nakakaakot kasi siya baka niya ako batuhin nang kung ano."natawang wika ni Eugene. Napangiti naman si Jenny dahil sa sinabi ni Eugene. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Puno nang kaba ang puso niya pero masaya siya. Ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon at kalungkutan para sa mga taong nasakta niya isa na doon si Johnny.

"Ikaw lang ang kilala kung sundalo na nakaligtas sa malakas na apoy nang gubat ngunit takot sa mama mo. Napapaisip tuloy ako kung papayag akong pakasal sa iyo." Wika ni Jenny at ngumiti.

"Iba naman kasi ang mama mo. Kung pwede lang kitang iuwi sa bahay nang hindi na nagpapaalam sa kanya gagawin ko. But what would it make me? Mas Mabuti pa rin ang may basbas nang magulang para tahimik ang pagsasama natin. Isa pa tiyak ko naman matagal nang ibinigay ni Don Gustavo ang basbas niya sa akin." Wika ni Eugene.

"TIyak ko, kung gising ngayon si Aya siguro abot tenga ang ngiti niya." Dagdag pa ni Eugene.

Nararamdaman ni Jenny na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ang binata dahil hindi pa rin nagigisig si Aya. Naramdaman ni Eugene ang pagpisil ni Jenny sa kamay niya. Taka siyang napatingin sa kasintahan, alam niyang nag-aalala ito sa kanya.

"Don't worry hindi naman ako nawawalan nang pag-asa na magigising pa si Aya." Ngumiting wika ni Eugene sa kasintahan. SIyempre gusto niyang Makita ni Aya na masaya siya. At mas malulubos ang saya niya kapag kasama na niya ang dalawang mahalagang babae sa buhay niya.

"Let's go." Wika ni Eugene at inakay si Jenny palabas nang restaurant. Pupuntahan nila sa Hotel ang lola niya at hihingin ang basbas nito.

Hindi ngalang niya alam kung ano ang sasabihin nito. Ilang araw na silang hindi nakakapag-usap. Wala rin itong reaksyon sa mga Nakita nito noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung anong iniisip nito ngayon.

Chương tiếp theo