Five years later…
"Kesh! Are you excited? Magtatapos na rin tayo sa wakas."
Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko pinansin si Dennis na palagi nalang akong kinukulit. Ilang taon na ang nakalipas mula ng mangyari iyon at hanggang ngayon hindi pa rin buo ang loob ko sa kanya. I mean, yes kahit paunti-unti napatawad ko na siya pero hindi ko na siya pinapakisamahan tulad ng dati.
"We're all excited." Naupo ako sa nakatokang upuan sa'kin at siya naman ay one seat apart ang distansya sa'kin kaya pabor iyon dahil hindi na niya ako makakausap.
Nginitian ko ang katabi kong babae na hindi ko naman masyadong close. Hindi naman ako snob, slight lang.
The program started and what they did was just to talk and talk. It's so damn boring. Kung hindi lang ako graduate baka kanina pa ako nagwalk out. Ang haba naman kasi ng intro nila. Anyways, itong ugali ko talaga ang dapat na pinakatiisin ng kung sino mang gustong mapalapit sa'kin kasi napakamainipin ko. Madali rin akong magtaray kaya hindi ganoon kadami ang kaibigan ko.
"And now let us listen to the welcoming speech of our very own, the outstanding pilot, a fighter and a Captain, let us all welcome, Captain Xyth Xodriga of Philippine Air Force. Listen well, comrades, we are lucky that this Captain beside me acknowledge the invitation we've given." The master of the ceremony smiled
Damn.
Shit.
What the fucc.
Ang lalaking minahal at iniwan ako noon ay nakikita ko ngayon ulit. Imbitado siya sa graduation ceremony namin pero bakit hindi ko alam? Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak ko. The program was printed in here but when it was given to me, I didn't bother checking what was written here.
At ngayon pinagsisisihan ko na.
Bigla akong napayuko sa kinauupuan ko. Naiinis ako sobra, feeling ko ang tanga tanga ko ngayong araw na 'to. He can't see me! Not now and not ever!
Wala na akong intensyong magpakita pa sa kanya. I even blocked him from my social media accounts so I won't have any information from him, that way I can easily move on. Luckily, I did. Of course, with the help of my past boyfriends.
Pagkaalis niya noon hindi ko na naisipan pang makipagrelasyon ng seryoso. I was once broken and I was left with my tears, without proper explanation, I was left behind. Hindi sa natatakot na akong makipagrelasyon pero ayoko lang talaga magseryoso sa ngayon. I even broke up with my ex-boyfriend yesterday and now I regret doing it. And darn it!
I should have not done it.
"As I was saying, this is just the beginning. Aim for your goals because when you do things with passion, you'll surely succeed no matter how hard it can be. And once, congratulations, graduates."
The people clapped.
'Yon na 'yon? Salamat naman at ang iksi. I can't stand listening to him.
Napahinga ako ng maayos at nang madako ang tingin ko sa gilid ay nakita ko ang mga mata ni Dennis na nakatutok sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Umiling-iling lang siya.
"I hope you were inspired with Captain Xodriga's words."
Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng MC. Lumingon ako sa likod para makita si Mommy. Tipid siyang ngumiti sa'kin pero buo ang mga ngiti na ibinigay ko sa kanya.
Mom is opposed with the career I have chosen to pursue. She doesn't want me to be a pilot because that was when our family got almost ruined. That was also the time where my father left us. My father was a pilot and their plane crashed in Hongkong. Ang sakit sakit nang malaman ko ang balitang 'yon at ang hirap hirap na mawalan ka ng isang ama. We lost one of our strengths at ngayon ako, si Mommy, si lolo at si lola nalang ang natitira. My grandparents are my father's parents. They loved me so much. Hindi nila kami pinabayaan kahit na wala na si Dad.
Ngayon palang nga na magpa'pilot ako nahihirapan na si Mommy na tanggapin paano pa kaya kung sabihin ko sa kanyang gusto kong pumasok sa military, air force unit? I don't know anymore.
Sa pagmumuni-muni ko ng mga bagay-bagay hindi ko napansing tinatawag na pala ang mga pangalan namin. Tinanong ko naman ang katabi ko at sinabi niyang tumatanggap na raw kami ng completion certificates.
Bumalik ang tingin ko sa unahan at doon ko lang narealize na makikita ko pala siya nang malapitan at mas nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang isa siya sa mga dinaraanan ng aming mga kamay. Ibig sabihin mahahawakan ko ang kamay niya?
Damn.
Why do I feel my heart beating like crazy?
Oh yea, kinakabahan lang ako. That's it. Kabado lang ako kasi big time ang mga makakaharap ko. Imagine nandiyan ang Presidente ng Pilipinas, may General pa ata 'yon, tapos graduate and licensed pilot na ngayon, and then siya na Captain.
"Berrenza, Keisha."
Shucks! I forgot my name starts with letter B kaya isa ako sa mga unang matatawag.
"Berrenzana, Keisha."
Mabilis ang tibok ng puso ko tumayo at dumaan sa gilid papunta sa stage. Fucc. Ang liwanag ng stage kaya expose na expose talaga niyan ang pagmumukha ko.
Nakarating ako sa entablado at dahil sa kaba hindi ko man lang nagawang ngumiti kahit kaunti. Feeling ko ang lamig lamig din ng mga kamay ko na nakikipag-kamay sa kanila.
Hanggang sa madako ako sa huli, ayaw ko sanang tanggapin ang kamay niya pero baka pareho lang kaming mapahiya o kaya naman baka mabash pa ako dahil sa naririnig ko kanina sa mga dinadaanan ko, wala silang ibang usapan kundi ang lalaking 'to.
"Loosen up a bit, Ms. Berrenzana."
Damn.
How dare him talk!
Hindi ko siya pinansin, ni hindi ko nga siya tiningala. Dumiretso agad ako sa gitna para magpicture at lihim akong napairap dahil feeling ko ang tagal ko na stage.
"Briones, Fate." Dinig kong sunod na pagtawag nila
I heaved a sigh as soon as I got off from the stage.
As I reached my sit, I raised my certificate to show my mother. I smiled on her and she did the same. She even raised her thumb. Masaya akong natatanggap na ni Mommy ang gusto kong career.
Madami pa ang ginawa nila na hindi ko naman masyadong pinakinggan. Inaantok kasi ako at gusto ko ng matulog. Pakiramdam ko sobrang pagod na pagod ko. Kahapon kasi nagkaroon kami ng last round sa pagpapalipad ng eroplano and it's so tiring. Dagdagan pa na masakit ang katawan ko.
Natapos ang seremonya at nakatanggap pa ako ng Pilots' Wing. And the last part was this pero bago pa man makapagsalita ang MC may lumapit sa kanyang isang nakaitim na unipormeng pansundalo at may ibinubulong ito roon.
"Alright graduates, let's all say thank you to our Captain Xodriga before he leaves."
What? Hindi niya patatapusin ang ceremony?
"There's an emergency on their headquarter and he's needed there. Anyway, thank you again, Captain."
He just smiled and left with the other soldier beside him. Dumako kami sa pang last na part kung saan tinawag ng instructor namin ang mga pilotong nais na dumalo sa isang bihirang pagkakataon.
"Kung mapapansin ninyo, narito ang Heneral ng Air Force Unit dahil sa isang pambihirang opurtunidad na siyang inakap ng mga bagong graduates natin. The names that I will mention, please come to stage and acknowledge the last certificate that will be given to you by our own General."
Lumingon ulit ako sa dako ni Mommy at parang tinatanong niya ako ng bakit pero umiling lang ako saka ngumiti. I know, later, she will be fuming mad again. These past few days, I am already giving her so much headache and I hope that this will be the last.
I heard the MC called different names and it got my attention when it was mine which I heard.
"And lastly, Berrenzana, Keisha."
I stood up from my seat. I looked at my mother and I hope I did not, she got off from her seat and turned her back away from me. I will explain to her later but now, I have to be in stage.
"Allow me to read the content of the certificate. I, (please indicate your name), a member of Specialized Undergraduate Pilot Training Class 10-7 will receive Philippine Air Force wings and is ready to undergo additional trainings such as to support aircraft, fly a fighter, bomber aircraft, and others…"
He read the other contents like we should do our best during the training and that we will serve for our country. It also says that the certificate will serve as our first pass to enter Philippine Air Force. I am excited to learn but I am worried of my mother. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin mamaya.
The ceremony ended well. We received the certificate and we took pictures. In less than a month, we were instructed to go on their Headquarter and I am really nervous. What if I'll see him there? Ano nalang ang gagawin ko? Wala na akong balak na magkaroon pa ng koneksyon sa kanya.
Umuwi ako sa bahay at kinakabahan ako sa sobrang tahimik. Pumunta ako sa dining area at doon ko nakita sina Mommy na kasama lola. Marami ang nakahaing pagkain pero napakatahimik nila. Tanging ang mga kalansing lang ng tinidor at kutsara nila ang naririnig ko.
Hindi ba dapat nagtatawanan sila kasi graduate na ako? Pero sino nga ba naman ang matutuwa sa nalaman niya ngayon.
"Tatayo ka nalang ba riyan, Kesh?" my grandmother asked kaya dali-dali akong lumapit sa kanila.
I was about to kiss my mother but she avoided it. I knew it, she's really mad at me. Marahan nalang ako na kumabig ng upuan saka umupo sa tabi ni Mommy.
"Bakit hindi mo sinasabi sa'min ang mga plano mo? Hindi namin alam na papasok ka pala sa militar. Alam mo ba ang ginagawa mo, Keisha?" the person I am scared most, to my grandfather. Ang strikto niya at nagmana sa kanya si Dad noong nabubuhay pa siya.
"Sorry po. Gusto ko lang naman kayong surpresahin. Akala ko po matutuwa kayo kas—
"Paano kami matutuwa? Labag na nga sa kalooban ko ang papasukin ka bilang isang piloto tapos ngayon naman sasabak ka pa doon sa naglalabanan? Ayaw mo na ba talaga sa buhay mo, ha, Keisha?" Mom
"Hindi naman po sa ganoon, Mommy pero ito lang po talaga ang gusto ko. I thought when I entered as a pilot, I will be satisfied but there's still something missing and I found it when someone went to our school and offered this. I grabbed the opportunity. Ang hirap hirap na pong makakuha ng mga ganyang pagkakataon at sobrang hirap na rin ngayon pumasok sa Military. Maraming trainings na pagdaraanan."
Binaba ni Mommy ang mga kubyertos niya kaya lumikha iyon ng ingay. "Iyon na nga e. Maraming trainings at ikaw na rin mismo ang nagsabi, mahirap, mahirap ang mga dadaanan niyo do'n. Baka training palang mapahamak ka na."
I bit my lower lip. I know where this is going. "You don't have to worry so much, Mom. May background na naman ako sa pagpapalipad ng eroplano, I know how I'll carry the flight. Kaunting training nalang ang kailangan ko. You just have to trust me and I promise, I will do my best here. Gagalingan ko, I will be one of those the best pilots—
"Keisha!"
Napaigtad ako sa kinauupuan ko. My mom just shouted on me.
"Stop aiming for high! Diyan napapahamak ang mga tao dahil hindi sila makontento sa kung ano lang ang mayroon sa kanila. They continued aiming for high things that sometimes it is impossible for them kaya napapahamak sila. Nakalimutan mo na ba ang sinabi sa atin ng Dad mo noon?"
Umangat ang tingin ko kay Mommy na namumula na ang mga mata.
"S-sinabi niyang siya ang ituturing na pinakamagaling na piloto. Sinabi niyang gagawin niya ang lahat. He had so much passion for this thing and it took his own life. Nawala siya sa atin ng dahil sa pesteng pangarap na 'yan! Ilang beses mo ba akong susuwayin, Keisha? Hindi ka na ba marunong makinig sa'kin?!"
Hindi ako umimik. I wiped my tears. Nakayuko lang ako kaya hindi ko malaman kung kanino sila nakatingin.
"Stop fighting in front of these foods." Ani Lola
"Ma, kasi itong apo ninyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawalan pa ako ng mahal sa buhay." Her voice broke
"Mom, hindi naman po ako mawawala sa inyo, e." I tried to hold her hand but she did not let me
"'Yan din ang sinabi sa'kin ng Dad mo noon." Malamig na sabi niya
Paunti-unti, kinabahan ako. Kapag kasi nagiging ganito si Mommy, ang tagal bago niya muling kausapin ako ng matino.
"I'm sorry, Ma, Pa." then humarap naman sa'kin si Mommy. "And you Keisha, I swear. Kung hindi ka aatras diyan sa training na 'yan, hinding hindi pa tayo magkakamabutihan. You have to respect my decision as your mother. Hindi iyong nagdedesisyon ka lang para sa sarili mo." saka siya tumayo
"I'm sorry again, I lost my appetite."
I cried as soon as my mother went upstairs. Tanginang celebration 'to. Akala ko ako ang magiging sobrang masayang tao kapag nakagraduate na ako. But look at this, expectations versus reality nga naman.
My grandmother caressed my back. "It's okay. Chase your dream as long as you'll be fine. Your Mom will recover soon. Hindi ka no'n matitiis."
I smiled a bit. Kung mayroon mang sobrang supportive sa bahay na ito iyon ay walang iba kundi si lola.
"Kung gusto mong maging maayos kayo patunayan mo sa kanyang kaya mo."
I was stunned with my grandfather. Bihira niya lang akong suportahan ng ganito. Sinubukan kong mas ngumiti pa. Susubukan ko pa ring maging masaya sa araw na 'to.
"Thank you. Your support means a lot to me."