CHAPTER SIX
INT. STUDIO SET-DAY
May guhit ng kasayahan at excitement ang mukha ni Darcy habang tinatahak niya ang landas papunta sa kanyang trabaho,maya maya ay isang pwersa ang humigit sa kanya na ilang sandali ay 'di niya napansin kung sino at nang kalaunan ay nakilala rin nang mag salita ito.
MADAM HEART
Oh halika na,sakto at nandito ka na pala, ipapakilala muna kita sa mga gaganap na mga artista sa manuscript na ginawa mo.
*higit nito kay Darcy na kakarating pa lamang nahihiya itong nagpatangay kay Madam Heart at nang makarating sila isang Babae ang pumukaw ng pansin ni Darcy.
Wow, ang ganda naman nito. Maputi, sexy, makinis at saka parang ang bait.
*kausap ni Darcy sa kanyang sarili.
Oh, ito nga pala yung leading lady ng pelikula--- si Victoria.
*nabalik sa realidad na mundo si Darcy ng marinig ang boses ni Madam Heart at ang pag turo nito sa Babaeng kanina niya pinupuri sa isip.
VICTORIA
Hi. So ikaw pala ang sumulat ng ilang scene sa script.
*bati nito sa kanya at sabay tumango si Darcy na nakangiti bilang tugon.
MADAM HEART
Nandyan na rin pala yung leading man mo.
*napalingon si Darcy sa direksyong tinuro ni Madam Heart at doon niya nakita kung sino ang leading man ng Artistang hinangaan kanina.
JUANCHO
Nice to see you again. It's been a long time.
*bati nito habang nakikipag kamay ngunit 'di ito ang nais ni Victoria---inilapat nito ang labi sa pisngi ni Juancho at matapos ito idampi ay ngumiti.
Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)
*kaagad na kinuha ni Darcy ang tubig sa bag at uminom ng tubig ng biglang marinig ang butiki na nasa isa sa mga poste ng gusali.
MADAM HEART
Since nandito na ang lahat, simulan na natin. Puntahan na natin si Direk.
*nagsi-alisan na ang lahat para makapag simula na ng trabaho ngunit nagpahuli ng ilang hakbang si Victoria at nang maka-tyempo ay pinigilan si Darcy upang kausapin.
DARCY
Ah...Bakit?
*nakangiting inosenteng tanong nito.
VICTORIA
So lahat ba ng sinulat mong sex scene dito sa script nagawa mo na sa kanya?
*tanong nito habang pinakita ang script na hawak.
DARCY
Ha?
*nagulat ito sa nadinig.
VICTORIA
Di ba ikaw yung Fiancé ni Juancho?
*'di nagsalita si Darcy nakayuko lamang ito at halatang 'di na komportable sa kausap at pinaguusapan.
Sa nakikita ko, 'di niyo pa nagagawa ang mga 'to. Don't worry I will do it for you.
*tingin nito mula ulo hanggang paa na tila ba iniispeksyon nito si Darcy ngunit wala pa ring reaksyon na pinapakita si Darcy.
Hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko sa'yo.
*nakangiti nitong sabi.
I'm Victoria ang nauna kesa sa'yo. And now that I'm back, makakaalis ka na sa buhay ni Juancho.
*at saka ito umalis at mamaya ay lumingon at nagsalita kaya napatingin si Darcy muli sa kanya.
Alam ko rin na peke ang relasyon ninyo.
*at sa pagkarinig nito ni Darcy ay nagbuntong hininga.
DARCY
Hu...huwa...huwag kang mag-alala wala naman akong nararamdaman sa kanya. Pag natapos na yung pagpapanggap namin, sayo na siya ulit.
VICTORIA
Wala kang kailangan ibalik sa akin, in the first place 'di naman siya naging sayo di ba?
*ngisi nito na may pangkukutya at tuluyan na ngang umalis, naglakad na rin si Darcy patungo sa set na tila bumigat ang loob.
DARCY
Pagpapanggap lang lahat ng 'to,kasinungalingan lang, kasinungalingan...pagpapanggap...
pagpapanggap...
*paulit-ulit nitong sinasabi sa sarili habang naglalakad patungo sa set na nakababa ang dalawang balikat dahil sa lungkot.
-----------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
Naabutan na ni Darcy na umaarte na sina Victoria at Juancho,kinawayan siya ni Manager Park at doon nagtungo upang umupo,katabi niya ngayon ang Direktor, si Madam Heart at ilang mga staff.
DIREKTOR
Cut!!! Victoria, kaya mo bang mas lakasan ang sampal mas gusto kong makita yung galit mo sa Babaeng lumalandi kay Juancho.
VICTORIA
Okay po Direk, pero pwede po bang iba na lang sampalin ko.
*nagulat ang lahat sa bitiwan nitong mga salita.
DIREKTOR
Ha? Bakit naman may problema ba sa ka-eksena mo?
VICTORIA
Wala naman Direk, pero kasi kanina ko pa siya nasasampal kaya gusto ko sana ng ibang makaka-eksena. Pam-practice kung baga.
DIREKTOR
Saan naman tayo makakakuha ng bago mong makaka-eksena?
*matapos marinig nito ang sinabi ng Direktor ay tinuro ni Victoria ang nakaupong si Darcy.
VICTORIA
Si Writer Darcy na lang tutal naman siya ang gumawa ng scene na 'to so mas alam niya kung ano ang mas dapat na emosyon sa scene na'to.
*tumayo si Darcy at nagsalita.
DARCY
Sige po, ga...ga...gagawin ko.
*buong tapang itong nagtungo sa harapan at humaharap kay Victoria.
DIREKTOR
Okay tahimik na ang lahat ah,Victoria remember sayo si Juancho at dapat iparamdam mo sa kanya na sayo lang siya. Cameral roll in 3,2,1 and action.
*nang marinig ang hudyat isang malakas na sampal mula kay Victoria ang dumampi sa pisngi ni Darcy.
VICTORIA
Haliparot,makati o higad pumili ka sa tatlo at yun ang itatawag ko sa'yo.
*at isang sampal muli ang binigay nito.
JUANCHO
Tama na, 'di siya Artista.
*pagpigil nito.
DARCY
Ituloy mo.
*at yung nga ang ginawa ni Victoria ngunit sa pagkakataong ito ay nagdugo ang labi ni Darcy.
DIREKTOR
Hala! Cut! Cut na muna!
*pagkasabi nitong Direktor ay inalalayan ng mga staff si Darcy papunta sa kanyang upuan at sinimulang gamutin ang pumutok na labi.
Okay ka lang ba?
DARCY
Ayos lang po ako.
*ngiti nito at napangiti rin naman ang Direktor sa sagot na narinig.
DIREKTOR
Okay, back to work!
*sigaw nito at nag-start ulit ang shooting.
Gawin muna natin yung kissing scene.
*kinilig ang lahat nang marinig ito.
Okay, maglapit na kayong dalawa. Gusto ko mapakita niyo rito ang kasabikan sa muli niyong pagkikita ngayong wala na ang mang-aagaw.
*at yun nga ang ginawa ng dalawa, ang kamay ni Victoria ay nakalinggis sa batok ni Juancho samantalang ang mga kamay nito ay nasa beywang ni Victoria. Ang mga mata nila ay may kasabikan.
Continue lang, yan sige pasabikin niyo ang isa't isa.
*yun nga ang ginawa nila, 'di nagdidikit ang labi nila Juancho at Victoria ngunit magkalapit ang mga ito.
Ayan, mag-kiss na kayo.
*sa pagkarinig nito ng huling sinabi ng Direktor na nasa kanyang tabi at sa kanyang nakikita napapakumos sa kanyang dibdib si Darcy at lalo na ng nakita mismo sa kanyang harapan ang pagdampi ng mga labi ni Juancho at Victoria.
DIREKTOR
Continue lang, feel each others lips. Sweeter and hotter.
*at habang tumatagal na nakikita niya ang tagpong ito ay mas kumikirot ang dibdib niya.
DARCY
Te...te...teka lang po,mag papahangin lang po ako.
*sabi nito kay Madam Heart at saka nagmamadali itong umalis sa set.
-----------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
INT. CAFÉ- DAY
Naroroon na naman si Horhe at naka-ilang tasa na ng kape. Nakatitig ito sa pasukan sa café at minamanmanan ang mga customer.
WAITRESS
Huwag niyo pong sabihin Sir na nandidito na naman kayo dahil sa Babaeng yun.
HORHE
Si...si...sinong nagsabi siya ang pinuntahan ko dito!!?? Waitress!
*maang-maangan nito, at pagkatapos iginiya ng Waitress ang name plate nito sa kausap na si Horhe at nagsalita.
BUTTERFLY
Nakikita niyo, may name plate ako ang ibig sabihin may pangalan ako. Butterfly, yun ang pangalan ko customer.
HORHE
Horhe ang pangalan ko Butterfly.
BUTTERFLY
Baka ma-inlove kayo sa'kin Sir. Bawal po sa trabaho ko yan.
HORHE
'Di ba ikaw ang may-ari ng café na'to? Pati sarili mo pinagbabawalan mo ma-inlove at saka huwag mo nga akong ma-Sir diyan. Horhe ang tawag mo sa'kin tutal alam ko na naman ang pangalan mo.
BUTTERFLY
Basta bawal.
HORHE
Teka lang, sa'yo ba yang ipit na yan?
BUTTERFLY
Alin? Ito ba?
*sabay tanggal ng butterfly clip sa buhok niya at tumango naman si Horhe bilang tugon.
Malamang, like my name like my clip.
HORHE
Familiar kasi yang clip na yan.
BUTTERFLY
Parang sa tao lang yan look a like.
*at saka umalis at matapos makatalikod ay ngumisi na tila ba may inililihim.
------------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
Nakayuko si Darcy habang inda ang kirot sa dibdib ng may nag-abot sa kanya ng bottled water.
*napatingin ito sa taong nag-abot ng bottled water sa kanya.
DAX
Kamusta?
*tanong nito na may ngiti sa kanyang mukha at imbes kunin ang inalok na tubig ay napaakap kaagad si Darcy kay Dax at humagulhol ng malakas.
DARCY
Ang sakit, sobrang sakit...
*sambit na umiiyak nito habang yakap si Dax.
DAX
Tahan na...
*tapik nito sa likod ni Darcy na umiiyak pa rin habang yakap niya.
Huwag ka nang umiyak...
Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)
DARCY
O...o...okay na ako.
*kawala nito sa yakap ni Dax nang marinig ang butiki at inom ng tubig.
DAX
Ano ba yung masakit sa'yo?
*hindi na nagsalita si Darcy bagkus itinuro nito ang dibdib.
Utong mo?
*sambit nito,saka tumawa at dahil roon ay napatawa rin si Darcy.
Masaya ako na napapasaya kita.
*at inilahad nito ang kamay at sa pangalawang pagkakataon ay nakita nito ang balat na hugis puso na nalipat sa kamay ni Dax, ipinatong ni Darcy ang kamay dito.
Dahil napasaya kita, dapat pasayahin mo rin ako.
DARCY
Manlilibre ako? May bayad pala lahat ng tulong mo haissshhtaaa!
*napangiti si Dax sa narinig mula kay Darcy.
DAX
Dapat lagi kang masaya para masaya rin ako yun lang ang gusto ko.
*sagot nito.
Pero kung manlilibre ka, sino ba naman ako para tumanggi.
*pagkatapos ay nilabas nito ang cellphone at may tinawagan at mamaya ay tumingin kay Darcy.
Pinagpaalam na kita sa mga Boss mo, Date tayo.
DARCY
Sino ba naman ako para tumanggi?
*napatawa si Darcy sa pang-gagaya na ginawa sa sinabi kanina ni Dax.
DAX
Gaya-gaya.
*pabiro nitong sabi at nagsimulang maglakad hawak-hawak ang kamay ni Darcy.
AFTER A WHILE
Gabi na nang makarating sila Darcy at Dax sa lugar kung saan sila magde-date. Napatingin lamang sa lugar na pagde-datan nila si Darcy.
DARCY
Dito talaga?
*turo nito sa eskwelahan kung saan sila magde-date.
DAX
Bakit hindi?
*tanong nito.
School...
DARCY
Alam ko, pero bakit dito?
DAX
Para matutunan mong mahalin ako.
*at kuha sa kamay ni Darcy at pasok sa loob ng School Campus.
Okay Student Darcy, are you ready to learn how to love me?
*at pagkasabi nito ay nagliwanag ang kaninang madilim na School Campus, para silang nasa isang karnabal at bago pumasok sa isang silid-aralan ay ipinagsuot siya ni Darcy ng koronang gawa sa karton at isang kapa at tuluyan na ngang pumasok.
DARCY
Eeehh??!!
*gulat nito sa kamanghaan, para silang nasa fairytale, mayroong kastilyo, rainbow unicorns, mga ilaw na tila naging fairies at sa biglaang pagtugtog ng musika ay tila naging isang royal ball ang loob ng silid aralan-manghang-mangha si Darcy sa nakikita. Maya-maya ay nakita niyang nakasuot ng kapa at korona si Dax na papalapit sa kanya.
DAX
May I have this dance with you my Prince?
*tanong nito na nakalahad at hinihingi ang kamay ni Darcy.
DARCY
Hindi ako marunong sumayaw eh.
*nahihiya nitong sambit.
Alam mo ba? 'di ko naranasang makapag sayaw sa College Ball kaya nalulu...
*hindi na nito natapos ang sasabihin ng maramdaman na tila umangat ang kanyang katawan dahil sa pagbuhat sa kanya ni Dax at ang paglapag ng mga paa niya sa paa ni Dax. Hindi niya naririnig ang musika bagkus ang tibok ng kanyang puso.
DAX
Sa nakikita ko ngayon para kang isang tunay na Prince pag sumasayaw.
*compliment nito kay Darcy at napansin na lamang ni Darcy na ang kanyang mga paa ay hindi na ginigiya ni Dax upang siya ay makapag sayaw.
DARCY
Ang galing! Marunong na ako.
*masaya nitong sabi.
DAX
Aray!
*daing nito ng matapakan siya ni Darcy.
DARCY
Sorryyyy...Hindi pa pala ako magaling
*sabay tawa nito at kaya napatawa rin si Dax.
-----------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
Ngayon lang natapos ang shooting, at kaagad na lumapit si Juancho kay Manager Park.
JUANCHO
Nasaan si Darcy?
MANAGER PARK
Ang alam ko, lumabas siya at 'di ko na nakitang bumalik.
MADAM HEART
Si Darcy ba? Ah pinag-paalam siya ni Sir Dax.
*at nang marinig ito ni Juancho ay dali-dali itong tumakbo para hanapin si Darcy.
Ang daming tao sa mundo pero sa isang tao lang naghahabol ang dalawang magkapatid.
MANAGER PARK
Hoy, ano bang pinagsasabi mo diyan?
MADAM HEART
Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakapansin na may gusto si Sir Dax sa Fiancé ni Juancho.
------------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
Napagod sa pag-sasayaw ang dalawa, napahiga sila sa simento at doon lang napansin ni Darcy na ang silid aralan na pinasukan nila ay walang bubong.
DAX
Bago ka mag-react diyan hindi ako gumastos para maipatanggal lang bubong ng class room na'to.
*napatawa si Darcy sa narinig at sa dami ng iniisip namutawi ang ganda ng langit ng gabing iyon.
DARCY
Gusto mo ba makarinig ng isang kwento?
*napatayo si Dax sa narinig at tumango na parang batang excited sa isang bed time story.
Noong unang panahon may isang Lalaking nagmahal ngunit hindi minahal ng kanyang iniirog at dahil doon ay kinitil niya ang kanyang iniirog at kinuha ang puso nito upang 'di mapasakanino man ang puso ng minamahal
ngunit nagalit ang langit sa ginawa nito kaya pinarusahan siya at ginawang kauna-unahang butiki,ngunit nagmakaawa ang nilalang at nahabag naman ang langit at nag wika... "dahil hindi ka pwedeng maka akyat sa langit dahil sa iyong ginawa gagawin kitang bantay...huhuni ka bilang babala sa kanila kapag sila na aking mga likha ay gagawa ng masama upang sila ay maka iwas na masunog sa walang hanggang apoy sa kailaliman"...kaya magmula noon nag-iingay na daw ang butiki habang ginagawa natin ang isang bagay tama man ito sa paningin natin bilang babala na ibig sabihin mali yun sa mata ng may lalang... At dahil patas ang pagtingin ng langit itinuro nito ang nilalang na walang buhay at biglaang nagkamalay kahit wala ang puso sa dibdib nito... nagbitiw ng mga kataga ang may kapangyarihan "nagmahal ka ng dalawa kaya ang panganay ng panganay ng iyong lahi at magiging sunod na lahi ang siyang papasan ng aking hataw ang katawan mong walang tibok ng puso ay kanyang makakamtan sa takdang panahon at ang sumpang ito ay lilisan kung makita niya ang itinadhana para sa kanya at kung hindi ang katawang lupa ng iyong kaapo-apohan ang siyang lilisan"...matapos ng sumpang binitawan itinuro nito ang kauna-unahang butiki at sa huling pagkakataon ay nag-wika "dahil ang puso mo ay nasawi kakahabagan kita at bibigyan ng karapatang mapaipadama ang hapdi ng iyong pusong sawi ikaw ang pumili ng taong itatadhana sa taong aking pinatawan at upang ang paghihiganti ay iyong makalimutan isang gantimpala ay iyong makakamtan---kapag ang tibok ng puso ng dalawang pinareho ay nagtugma ang sakit ng puso mo ay malilimutan".
At kung kailan mararanasan ng nakakaawang taong ito ang sumpa ng kanilang pamilya ay walang nakakaalam basta na lang daw titigil ang puso nito na tila ba tinanggalan ng puso literal...
*maya-maya ay naramdaman na lamang ni Darcy ang kamay ni Dax sa kanyang dibdib.
Eehhh??!!
*gulat na nagpabangon kay Darcy at nagpapula naman ng mukha ni Dax sa hiya nang ma-realize ni Dax kung ano ang ginawa at sabay tanggal ng kamay niya sa dibdib ni Darcy.
DAX
Ti...ti...tinitignan ko lang kung ayos pa ba yang tibok ng puso mo...ma...ma...mabuti at ayos pa, Oo, tama ayos pa,pag tumigil yan akong bahala sa'yo.
*tarantang pagpapalusot nito.
DARCY
Pwede ba kitang isama bilang isa sa mga character sa sinusulat ko?
*biglaang tanong nito at biglang tango ni Dax bilang pagsang-ayon at kinuha naman ni Darcy ang notebook sa loob ng bag nito.
DAX
Para saan yan?
*tukoy nito sa notebook na hawak ngayon ni Darcy.
DARCY
Ah dito ko sinusulat lahat ng naiisip kong kwento at mga ugali o kwento ng mga taong naging o magiging parte ng buhay ko.
*pagpapaliwanag nito.
DAX
So parte na pala ako ng buhay mo?
*tanong nito habang pasilip-silip ito sa sinusulat ni Darcy sa notebook nito.
DARCY
Oo, kaya mag-kwento ka.
*sagot nito sa tanong nito.
DAX
Wala akong alam na alamat o kwento eh...
*nahihiyang sambit nito na may ngiti, napatitig si Darcy ng saglit kay Dax at muling nagsalita.
DARCY
Bakit ka ngumingiti kahit malungkot ang puso mo?
*humarap ito kay Dax nang hindi nito tinatatanggal ang titig rito.
Lagi ko kasi napapansin ang ngiting hagis mo.
*hinawakan nito ang mukha ni Dax at pinangiti ito sa pamamagitan ng marahang pag angat nito sa pisngi ni Dax na tila ito ay puppet.
Masaya...
*pagkasambit nito ay tinuro naman nito ang puso.
Malungkot
*matapos ay ginawa ang aksyong pagtaas sa pisngi ni Dax.
Masaya...
*at itinuro muli ang puso ni Dax
Malungkot
*kasabay ang paulit-ulit na mga kataga at ang makailang ulit na pag-angat ni Darcy sa pisngi ni Dax na tila puppet ay ang siyang nagpatawa kay Dax.
DAX
Sige, magkukwento ako.
*nang marinig nito ni Darcy ay umayos ito ng upo at matapos nito ay ang pagsisimula ng pag kwento ni Dax na bago nag simula ay klinaro ang lalamunan.
Noong unang panahon, may isang Prinsesa na walang korona, wala man itong suot na makinang na korona ay masaya pa rin ito. Isang araw, may nakilala itong Hari at nahulog ang loob nito sa Prinsesang walang korona. Dahil sa pagmamahalan nila ay nagbunga ito ng isang Prinsepe kaya napagpasyahan ng Hari na itira sa kanyang Kastilyo ang Prinsesa at ang batang Prinsepe na anak nila pero nagulat ang Prinsesa na may Reyna na nakaupo sa tronong katabi ng Hari at may Prinsepe rin sa tabi nito. Doon napansin ng Prinsesa na ang pinutong na korona ng Hari sa kanya ay isang huwad na ginto.
*malungkot na kwento nito kay Darcy.
Ilang taon na pinasan ng Prinsipeng huwad ang panlalait ng mga tao.
Anak sa labas, bunga ng pagtataksil at kung ano anong masasakit na kataga ang binabato ng mga tao sa kanya kaya palagi nitong tinatakpan ng mahiwagang panakip ang kanyang tenga upang hindi niya marinig ang mga masasakit na kantyaw ng mga tao sa paligid,akala niya ay lahat ng tao ay galit sa kanya dahil siya ay bunga ng isang pagtataksil ngunit nagkamali siya.
BATANG SI DAX
Tama na...huwag niyo na akong awayin,ibalik niyo na ang headset ko.
*pagsusumamo ng batang si Juancho sa mga nang-aasar sa kanya na kinuha pati ang headset nito habang takip-takip ang tenga nito at umiiyak.
BATA 1
Mama mo kabit...
*pinagtatawanang asar nito kay Dax.
BATA 2
Anak ng kabit.
*asar din nito.
DAX
Ayaw kong marinig yan, ayaw ko...
*pag-iyak nito sa asar na naririnig maya-maya ay isang bata ang lumapit rito at dumiretso ang mga kamay nito sa tenga ng umiiyak---kumanta ang batang ito na nagpa-angat sa mukha ni Dad at nagpakalma rito.
Naalala mo pa ba?
*bumalik sa kasalukuyan ang panahon sa tanong ni Dax kay Darcy na sa oras na ito ay takang-taka sa biglaang tanong na ito,maya-maya ay kumanta si Dax...
🎶🎶🎶Sampung mga daliri kamay at paa,
dalawang tenga, dalawang mata ,ilong na maganda,maliliit na ngipin masarap kumain bago mong kaibigan nagsasabing huwag sa kanila makinig.🎶🎶🎶
DARCY
Eehh??!!
*gulat na napabalikwas si Darcy sa narinig na kantang na narinig.
DAX
Si Juancho, siya yung Prinsepeng may suot ng gintong korona tapos ako yung may suot ng huwad na korona.
DARCY
Ikaw yun?!! Ikaw ba talaga yun??!!
*biglaang hawak at kapa ni Darcy sa mukha ni Dax at kulang na lang ay magkapalitan na sila ng mukha dahil sa malapitang suri nito sa mukha ni Darcy.
DAX
Masyadong malapit ang mukha mo sa mukha ko.
*nang marinig ito ay napalayo ng mabilisan si Darcy at nahiya ito.
DARCY
So...so...sorry...
*maya-maya ay nanlaki ang mga mata ni Darcy at napaturo kay Dax at napasigaw sa gulat dahil sa napagtanto.
Eeehh??!! E..e...edi kapatid mo si Juancho??!!
DAX
Mas gusto kong itawag mo sa'kin karibal ni Juancho sa'yo.
DARCY
Anak ng Butiki naman, tigilan mo na nga yan! Pag nagsasabi ka ng mga ganyan yung puso ko sobrang bilis na tumitibok pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko.
*hindi na nakapagtimping sabi ni Darcy.
Nakikita mo 'to?
*turo ng hugis puso na tila balat sa kamay ni Dax.
DAX
A...a...ano 'to? Pagkakatanda ko wala ako nito?
*pagtataka ni Dax.
DARCY
Yung sumpa, yung ki-nuwento ko sa'yo kanina totoo yun.
Wala na akong pakialam kung mapagkamalan niya akong baliw ang mahalaga sa'kin ngayon ay masabi ko na totoo yung kinuwento ko tungkol sa sumpa at kailangan ko makipag sex sa kanya para mawala na'tong sumpa na 'to at 'di na ako umasa pa sa buni na si Juancho.
DAX
So ako yung makakapagtanggal ng sumpa sa'yo?
*nabalik sa realidad ang ulirat ni Darcy nang magtanong si Dax.
DARCY
Alam kong parang 'di totoo yung sinabi ko pero...
*kinuha ni Dax ang kamay ni Darcy at inilagay sa dibdib niya.
DAX
Naniniwala ako sa sinasabi mo.
DARCY
Ba...ba...bakit? Eeehhh??!!
*gulat ito sa nangyayari.
Hala??!! Yung...yung...yung...yung...bakit?
*utal-utal na sambit nito habang palipat-lipat ang turo nito sa dibdib ni Dax at sa sariling dibdib ng paulit-ulit na natigil lamang ng hawakan ni Dax ang hintuturo ni Darcy at napa-ngiti.
DAX
Kaya pala, pag nakikita kita o nakakausap nawawala ang tibok ng puso ko pero alam kong buhay ako, at pag wala ka sa paningin ko tumitibok 'to pero parang patay ako.
DARCY
Na...na...pupunta sa'kin yung tibok ng puso mo.
*tumango si Dax bilang sagot.
DAX
At kapag walang tibok ang puso mo malungkot ang puso ko kahit tumitibok ito.
*namangha si Darcy sa narinig mula kay Dax.
At saka...
*bago nito tinuloy ang sasabihin ay tinanggal nito ang headset at nagsalita muli.
Naririnig ko ang tibok ng puso mo ng malinaw. Pag masaya ka parang disco ang pintig ng puso mo, pag malungkot ka mahina ang pintig nito,kapag takot o kinakabahan ka naman parang may tumatakbong kabayo sa loob ng dibdib mo at kapag kinikilig ka naririnig ko ang...
*'di na nito nagawa pang ipaliwanag ang lahat dahil sa pagputol ng paliwanag niya ni Darcy.
DARCY
Kaya pala nung sa Mayon...
DAX
Nagising ako nang biglang tumibok ang puso ko.
DARCY
Anak ng dalawang butiki!!! Mas naging komplikado lalo.
DAX
No. Marry me and we will both live happily ever after.
JUANCHO
Paano ako Darcy, Gusto din kitang pakasalan.
*hingal at pawis na sambit nito na sumulpot na kanina pa pala naroroon.
DARCY
Ayoko nga...
JUANCHO
Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kanina, nilamon na ng imagination yang utak mo dahil sa balat magpapakasal ka sa kanya.
*kuha nito sa kamay ni Darcy at alis kasama ito.
Halika may pupuntahan tayo.
*paglabas nila sa pintuan ng silid aralan ay nakita ni Darcy si Victoria at pinigtas nito ang pagkakahawak ni Juancho sa kanya.
DARCY
Siya dapat ang isama mo, huwag ako.
*tukoy nito kay Victoria at saka bumalik sa loob ng silid aralan at paglabas ay kasama na niya si Dax na magkahawak ang kamay, tumigil ng sandali ang dalawa,lumapit si Dax kay Juancho at kinuha ang nakakumos na kamay nito.
DAX
Di ba narinig mo ang lahat ng sinabi ni Darcy kanina.
*simula nito habang hawak ang kumos na kamay ni Juancho at habang hawak ang ito ay itinaas rin ni Dax ang kamay niya at pinakita mismo kay Juancho ang balat na hugis puso sa palad niya at ngumisi samantalang kaagad na kumalas si Juancho sa pagkakahawak ni Dax at tinago ng 'di nagpapahalata ang kumos pa ring kamay.
It's game over.
*bulong nito at saka alis kasama si Darcy.
VICTORIA
Mukhang 'di effective yung pagselosin siya mas napalala yata.
*sambit nito habang nakayapos ito sa braso ni Juancho.
Mukhang dehado ka,dehado na dehado.
*dagdag pa nito.
JUANCHO
Akala mo ba nakalimutan kong sinampal mo siya kanina.
*nang marinig ito ay kumalas ito sa pagkakayakap.
VICTORIA
Sorry na carried away ako.
*paghingi nito ng tawad at nag-peace sign pa.
So anong plano mo?
JUANCHO
Babawiin siya kahit ano ang mangyari.
*habang nakatingin ito sa nakakumos niyang kamay.
VICTORIA
Speaking of bawiin, 'di mo naman babawiin yung role ko sa movie dahil sa kapalpakan ng plano natin.
*sabay iwan ni Juancho sa kanya.
Hoy, Juanchoooo walang bawian ng roles sa movie ahh...
*halos matapilok na ito kakahabol kay Juancho.
Haaayy Bakit kasi naimbento pa ang heels?
*reklamo nito habang hinahabol si Juancho.
------------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
Naglalakad ang dalawa sa tabi ng kalsada ng mapansin ni Darcy ang mga bagsak na balikat ni Dax.
DARCY
Ba't ka malungkot?
DAX
Yung date kasi natin.
*nakasimangot sa lungkot na reklamo nito.
DARCY
Oh movie!!!
*excited nitong sambit habang turo-turo ang sinehan na nasa kabilang kalye.
DAX
Ha?
DARCY
Gusto ko nang horror movies.
*sabay hila nito sa booth kung nasaan ang horror movie na palabas.
DAX
Ha?
DARCY
Huwag mong sabihin takot ka sa horror?
DAX
Ginawa ang horror movies para katakutan.
DARCY
So takot ka nga.
DAX
Hindi.
*pagkarinig nito ay hinigit ni Darcy si Dax sa booth ng horror movies at bumili ng ticket.
----------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
INT. MOVIE HOUSE-NIGHT
Nakaupo at tutok na tutok si Darcy sa pinapanood na horror movie habang salitan ang kamay nila ni Dax sa pagkuha ng popcorn na nasa gitna ng kanilang kinauupuan. Kung ang mga mata ni Darcy ay nakatutok sa malaking screen ng sinehan ang mga mata naman ni Dax ay nakatutok kay Darcy.
DARCY
Nakakainsulto yang mga tingin mo.
*sambit nito na nakatuon pa rin ang mga patingin sa pinanonood na nakakatakot.
DAX
Sabi mo writer ka at 'di artista pero mukhang aktor ka rin.
DARCY
Ha?
*napatawa ng tahimik at saglit si Dax sa maigsing tanong nito ni Darcy.
DAX
Nakalimutan mo na ba? Nasa iyo ang tibok ng puso ko kapag magkasama o nakikita natin ang isa't isa at dahil dun naririnig ko tibok niyan.Takot ka, naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso mo.
*kaagad na kinumos ni Darcy ang dibdib na para bang magagawa talaga nito ang binabalak na hindi marinig ni Dax ang tibok ng kanyang puso.
------------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
INT. CATACUTAN RESIDENCE-NIGHT
Isang katok ang bumitin sa kilig na namumuo sa kaloob-looban ni Mapa habang nanonood ng Telebisyon. Dali-dali nitong tinungo dala ang kanyang popcorn na nasa malalim at malaking mangkok ang pinto upang ito ay buksan.
MAPA
Juancho??!!
*ang galit na emosyon dahil sa pagkabitin sa pinapanood na palabas ay biglang nawala ng makita nito ang umiiyak na si Juancho.
JUANCHO
Mapa...
*pagka-sambit nito kaagad sabay akap sa Ina ni Darcy na tila ba nag-susumbong ito sa kanyang Ina.
MAPA
Pasok ka.
*alalay nito kay Juancho na tila hinang-hina dahil sa lungkot na nadarama at pinaupo.
Matagal na rin nang bumisita ka rito na ganyan ang itsura. Gwapo pa rin naman.
*puna nito na sa totoo naman ay walang halong kasinungalingan. Bago itong iyak, halata ito sa mata nito na mapupula.
Base sa itsura mo at amoy mo may matindi kang problema.
JUANCHO
Pati ba naman sa isang simpleng balat 'di ko magagawang maligtas ang isa pang mahal ko sa buhay.
*sambit nito na nakatingin sa palad na katulad ng sinambit ay wala ngang ni kahit anong bakas ng marka--- tumulo ang mga luha nito habang minamasdan ang kamay nito.
MAPA
Nasabi mo na ba sa kanya?
*umiling si Juancho bilang tugon,pinatay ni Mapa ang T.V. at tumayo.
Sige, 'di kita pipilitin na sabihin sa kanya pero habang tumatagal ang paglilihim mo 'di magtatagal mawawala lalo siya sa'yo.
*tapik nito ng buong kalma sa braso ni Juancho.
Ang importante ang ngayon 'di ang bukas.
*sambit nito na humihikab pa paakyat sa kanyang kwarto.
Matulog ka na...
*lingon nito sa huling pagkakataon at tuluyan na ngang pumanhik papunta sa kwarto niya. Humiga si Juancho, kasabay ng kanyang buntong hininga ay ang pagpikit ng kanyang mga mata.
AFTER A WHILE
Iiling na nakapikit si Juancho na tila ba nanaginip ito ng masama at tanda rin ang butil ng luha na tumulo sa mata nito na sinabayan ng langit.
SEVERAL YEARS AGO
BATANG JUANCHO
Daddy ba't may mailaw na sasakyan sa labas?
*inosenteng tanong nito ng makita ang ambulansya sa labas ng kanilang bintana.
DADDY NI JUANCHO
May pupuntahan kasi si Mommy mo.
BATANG SI JUANCHO
Gusto ko po sana makipag laro eh 'di pa po kasi ako inaantok.
DADDY NI JUANCHO
Mamaya na lang kayo mag laro ng Mommy mo,may masakit kasi sa kanya.
BATANG SI JUANCHO
Saan po? Hihipan ko po.
*maya-maya ay lumabas sa kwarto nito ang Mommy ng maliit pang si Juancho,namumutla ito at nanghihina pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa harap ng anak.
Saan ka po pupunta Mommy at saan po yung may masakit sa inyo?
*tanong ng batang inosente.
MOMMY NI JUANCHO
Uuwi muna sa bahay ko at saka yung sakit wala na eh nung nakita kita.
*napa-akap sa kanyang Mommy ang batang si Juancho nang marinig ito.
BATANG SI JUANCHO
Uuwi? Ba't di niyo po ako sasama?
MOMMY NI JUANCHO
Babalik din naman si Mommy.
BATANG SI JUANCHO
Okay po, hihintayin ko po kayo. Bilisan niyo po ang pagbalik ah.
*nakangiti nitong habilin sa kanyang Mama.
MOMMY NI JUANCHO
Mahal ka ni Mommy.
*nakangiti nitong sambit habang naluluha.
Kailangan nang umalis ni Mommy.
*matapos masambit ito ay umandar na ang higaang lulan ng katawang nanghihina, nakangiti itong kumakaway sa anak na si Juancho na hindi naman pansin ang pagbuhos ng lahat ng lakas ng kanyang Mommy sa kaway na sagot sa kaway niya.
------------------------------------------------------------------------
MEANWHILE
Naka ilang tasa na nang kape si Horhe at nakatitig lamang katulad ng dati sa pintuan ng café, ilang sandali pa ay lumapit sa kanya si Butterfly.
BUTTERFLY
Magsasara na ako Horhe.
*pagkasabi nito ay tumayo na rin ito at nagtungo sa pintuan at napangiting binaklas ang isang kapirasong papel na nakapaskil sa labas ng café at bumalik muli sa loob...
HORHE
Mag-aaply ako bilang staff ng café mo.
*napalingon si Butterfly.
BUTTERFLY
Ka...ka...kailangan ko ng trained Barista yung may ten years experience kaya 'di ka qualified.
*at saka nito talikod kay Horhe sabay pikit na tila ba nakaraos ito sa isang paparating ma problema...
HORHE
Mag-aaply ako bilang staff ng café mo for free.
*nanlaki ang mga mata ni Butterfly sa narinig at kaagad napaharap kay Horhe.
BUTTERFLY
Deal!
*sambit kaagad nito nang makaharap na ikinangisi naman ni Horhe.
------------------------------------------------------------------------
MEAN WHILE
Tapos na ang palabas na pinanood nila Darcy at Dax sa sinehan, lumabas ang mga ito at sinalubong ng ulan.
DAX
Umuulan na pala.
*nakangiti nitong sambit habang nakatingala.
DARCY
Bakit ba gustong-gusto mo ang ulan?
DAX
Kasi hindi na lang ako ang nag-iisang umiiyak.
DARCY
Kaya naman pala, minsan kailangan mong gawin ang ilang mga bagay na mag-isa para maging matatag ka.
DAX
Masyadong malungkot umiyak mag-isa.
*malungkot na sambit nito habang nakatingin sa langit at napatingin na lamang ito kay Darcy ng marinig ang tunog na nagmula rito.
DARCY
Kung hindi mo natatanong maliit ako pero matibay 'tong balikat ko.
*sambit nitong naka-ngiti at malakas muli nitong pinalo ang balikat katulad ng kanina na dahilan upang magawa muli nito ang tunog na nagpalingon kanina rito at pagkatapos nito ay sumandal rito si Dax.
Naka-reserba na'tong balikat ko para sa'yo kaya kung kailangan mo umiyak nandidito ako.
------------------------------------------------------------------------
AFTER A WHILE
INT. CATACUTAN RESIDENCE-NIGHT
Bumukas ang pinto at kasabay nito ang pagpasok ni Darcy,may inda itong naririnig mula sa sofa na nagbigay ng takot sa kanya,marahan nitong tinungo kung saan nang-gagaling ang ingay. Sa tulong ng maliit na sinag ay nakita niya ang isang taong pamilyar sa kanya,samantala ay patuloy ang masamang pananaginip ni Juancho at patuloy rin ang paglapit ni Darcy sa kinatutulugan nito upang masipat ng mabuti kung sino ang natutulog sa sofa nila sa oras na ito.
JUANCHO
Bakit po?
*pailing-iling nitong pagtatanong ng tulog na tila ba na sa realidad ito.Tirik ang buwan noon katulad ngayon, umuulan din katulad ng gabi na ito,dahil sa lakas ng ulan na sinabayan ng lakas ng kulog ay nagising ang batang si Juancho---natatakot man dahil sa kulog at dilim ay lakas loob nitong tinungo ang kwarto ng kanyang Daddy,nang mabuksan ang pinto ng kwarto nito ay napaatras ito sa nakita, ang babaeng sabi ng kanyang Daddy na kaibigan lang daw nito ay nasa kama nito. Maya-maya ay bumangon ang babae at lumabas sa kwarto kasama ang Daddy niya.
BATANG JUANCHO
Bakit po siya nasa kwarto niyo Daddy?
*inosenteng tanong nito.
*nang makalapit ito ng tuluyan ay nakita nito ng malinaw kung sino ang taong kanina pa niya sinisipat na kanyang ikinagulat.
DARCY
Juancho?
*sabay sa pagka-sambit ng pangalan nito ay isang biglaang yapos ang naramdaman ni Darcy at isang hagulhol ang narinig niya mula rito.
Bakit ka ba umiiyak?
*malamyos na nag-aalalang tanong nito.
JUANCHO
Nakita ko ang Daddy ko na may ibang babae sa araw na namatay ang Mommy ko kaya pala...kaya pala di na siya bumalik kasi alam niyang masasaktan siya.
*sabi nito habang naka-akap na umiiyak kay Darcy.
DARCY
Tahan na, huwag ka nang umiyak.
*patuloy nitong pag-papagaan sa loob ni Juancho habang yakap ito.
JUANCHO
Huwag mo akong iwan katulad ng ginawa ni Mommy.
*mula sa akap ay unti-unting lumalapit ang mukha ni Juancho sa mukha ni Darcy na ngayon ay kabado.
DARCY
Ni...ni...nilalamig ako.
*palusot nito upang maka-iwas sa kasalukuyang sitwasyon ngunit sa 'di inaasahang pangyayari ay inakap siya muli ni Juancho
DARCY
Eehh??!!
*gulat na sambit ni Darcy at habang nakatuon ang pansin nito sa pag-akap niya ay pasimpleng niyang itinago sa likuran ng sofa na kanilang kinauupuan ang kumot niya.
JUANCHO
Sabi mo nilalamig ka, wala akong kumot kaya yayakapin kita hanggang sa mag-init ka.
*sa mga katagang narinig mula sa kay Juancho ay nanlaki ang mga mata ni Darcy at kasabay nito ang pagtibok ng puso nito ng kanina ay walang pintig maya-maya ay malumanay na lumuwag ang yakap ni Juancho at kasabay nito ay tinignan ang palad.
Sorry, hindi kita maliligtas...
*at muli nitong niyakap si Darcy at ilang saglit rin matapos nito ay ang biglang pagbukas ng ilaw na dahilan upang mapatingin ang dalawa sa kakapasok pa lang na si Horhe na mula sa nakangiting pagmumukha ay kaagad napalitan ng kunot sa noo dahil sa nakita, kaagad nitong kinabig papalayo ang kapatid na si Darcy kay Juancho.
HORHE
Bakit ka nandito?
*naka durong tanong nito kay Juancho habang hawak ang kamay ng kapatid papalayo kay Juancho.
...at saka dito pa talaga?
*baling na tanong nito sa kapatid.
Aray!
*isang kutos ang ibinigay dumampi sa ulo ni Horhe na kaagad nitong ininda.
Mapa naman eh.
*sambit nito ng malaman kung kaninong kamay ang dumikit sa uluhan niya nang napalingon ito sa pinanggalingan ng kutos.
MAPA
Tumigil ka na nga.
HORHE
Gabi na kasi Mapa at nandito yang Juancho na yan at saka magkayakap sila ah...
MAPA
Mabuti at alam mong gabi na.
*awkward na napangiti si Horhe sa sinabi ng kanyang Mapa.
HORHE
Good night sa inyong lahat...
*at kasing bilis ng kidlat ay tumakbo ito papunta sa kanyang kwarto.
MAPA
Pag nalaman kong may ginagawa kang kabalastugan makikita mo.
*pahabol na sigaw nito at binaling matapos ang atensyon kina Juancho at Darcy.
Kung ano man ang nakita ni Horhe na ginagawa ninyo kanina gawin niyo na ulit...
*sambit nito na nakangiti habang naglalakad paatras palayo sa kanila papanhik sa taas at nang makalayo na ito ay nagsalita si Darcy.
DARCY
A...ayos ka na ba?
*tumango si Juancho bilang tugon...
Okay, good night...
*at kasing bilis ng kidlat ay tumakbo patungo sa kanyang kwarto,pagbukas nito ng pinto ng kanyang kwarto isang tao ang nakita niya at dahil sa dilim ay 'di nito kita ang mukha ng estranghero dali-dali nitong kinuha ang walis tambong naka-sabit sa likuran ng pintuan at pinaghahampas ang estranghero.
Magnanakaw!!!
*ilang beses nitong pinagpapalo ang dumadaing ng estranghero at matapos ang makailang palo at tumigil si Darcy dahil sa pamilyar na boses na narinig.
KINCHAY
Teka! Beshiwap si Kinchay 'to.
*pagpapakilala nito habang hawak ang walis tambo na nakahampas sa kanya.
Si Kinchay ako...
*flashlight nito sa sariling mukha upang makita ng kaibigan ang patunay na siya nga ito at binuksan ang ilaw ng kwarto.
DARCY
Anak ng butiking magnanakaw naman Kinchay, tigilan mo na nga ang pagpasok sa bintana ng bahay.
*nakahinga nitong sambit habang sinasara ang bintana ng kanyang kwarto kung saan dumaan si Kinchay.
Eeehh??!!
*gulat nito sa nasaksihang pagluhod ng kaibigan.
KINCHAY
Kailangan ko ng tulong mo.
DARCY
Bakit? Anong nangyari?
KINCHAY
May kailangan akong bayarang utang.
*pagmamaktol nito.
DARCY
Sabihin mo nga sa'kin saan mo ginagamit yung inuutang mo sa'kin.
KINCHAY
Pambayad nga sa utang, sinabi ko na sa'yo di ba?
DARCY
Kanino?
KINCHAY
Huwag na nga lang...
*matapos sabihin ito ay naglabas ng pera ang kaibigang si Darcy na kaagad kinuha nito at yumakap sa kaibigan na nagpautang.
Salamat talaga ng marami...
*pagpapasalamat nito habang yakap pa rin ang kaibigan at maya -maya ay may napansin ito.
Kung napipilitan ka lang ibabalik ko na'to.
*sabay balik nito sa perang kanila-kanila lang ay kinuha.
DARCY
Yung sumpa yung iniisip ko.
KINCHAY
Nakakairita na yang napasang sumpa sa'yo.
*buntong hininga nito at sabay patihulog sa kama ni Darcy na ginaya rin naman nito matapos.
DARCY
Oo nga eh, at saka kanina si Juancho...
*ilang segundo itong huminto dahilan upang mapaharap sa kanyang paghiga si Kinchay.
KINCHAY
Kanina mo nalaman na si Juancho ay 'di itinakda para sa'yo.
DARCY
Eeehh??!! Dahil sa talino mo nakakabasa ka ng ng iniisip ng ibang tao.
*gulat nitong napaharap ng higa sa kaibigan at maya-maya ay isang kutos mula kay Kinchay ang naramdaman.
Aray ko naman!!!
*inda nito sa kutos.
KINCHAY
Gagi!!! Nakita ko yung palad niya nung one time na naghugas siya ng pinggan ng last time na bisita niya rito---wala yung balat mo sa palad niya. Hinihintay ko lang na ikaw ang mag-sabi.
*lahad nito sa nangyari.
DARCY
Pero bakit, bakit sa t'wing nakikita ko siya tumitibok 'tong puso ko?
*sambit nito habang nakahawak sa kanyang dibdib at sa narinig naman na ito ay napabalikwas ng upo si Kinchay.
KINCHAY
Ang ibig mong sabihin...
*bago tinapos ang sasabihin ay inupo nito ang kaibigang si Darcy at itinuloy ang sasabihin.
May posibilidad na pwedeng itinakda rin siya na magtatanggal ng ipinasang sumpa sa'yo? As in yung legit na magtatanggal ng sumpa sa'yo?
*tumaas ang dalawang balikat ni Darcy bilang tugon sa sinabi ng kaibigan na tanda na hindi siya sigurado.