webnovel

The Wedding

Chapter 8

Kagigising palang ni Erick ay lumabas na agad sya ng kwarto. Paglabas nya ay naabutan nya si Scarlett na nasa kusina at nakatingin na sa kanya, nakataas pa ang kilay.

"Hinahanap mo ako?" Mataray na tanong ni Scarlett dito. Nag-iwas naman ng tingin si Erick sa kanya.

"A-Akala ko kasi pumasok ka na." Sabi nya habang hindi makatingin ng maayos kay Scarlett.

"Bakit hindi mo yan sabihin sa akin ng maayos?" Mataray pang sabi ni Scarlett.

"K-Kakain na ako." Sabi nya tapos naupo sa tabi ni Scarlett.

Oo, sa tabi nya talaga.

"Bakit dito ka pa uupo sa tabi ko?" Mataray pang sabi ni Scarlett. Akmang tatayo na si Erick ng biglang magsalita ulit si Scarlett. "Ito naman. Binibiro ka lang, ehh." Natatawang sabi nito.

Tahimik silang kumain ng sabay habang ang maririnig mo lang ay ang tunog ng plato nila. Pasimpleng sinusulyapan ni Erick si Scarlett habang kumakain silang dalawa.

"Wag mo akong titigan." Sabi nya kaya agad na nag-iwas ng tingin si Erick.

_________________________

"Good morning, hon." Bati ni Spencer sa mapapangasawa.

"Good morning." Nakangiti ding sabi nito.

"Ready ka na ba para mamaya?" Tanong pa ni Spencer.

"Yeah." Bukas na kasi ang kasal nilang dalawa at ngayon ay maghihiwalay sila dahil hindi sila pwedeng magkita hanggang bukas.

"Wag kang masyadong lalapit sa mga boys, huh. Magseselos ako." Nakangusong sabi ni Spencer.

"Haha. Wag kang mag-alala. Matutulog ako kaagad, hindi ako magpapakapagod." Sagot naman ni Camille. Nagsimula na silang mag-impaki at magkahiwalay na umalis ng bahay nila. Si Camille ay pumunta sa bahay nila at doon hinintay ang mga kasama.

"Bakit pa kami nandito? Hindi naman kami imbitado sa kasal mo." Sabi ni Scarlett.

"Gusto ko din kasal." Tumatawang sabi ni Annie habang nilalaro ang manika nito.

"Kapag niyaya ka na ng boyfriend mong magpakasal. Magiging masaya ka na." Sabi ni Camille sa kanya. Tumango-tango naman si Annie sa kanya.

"Paano kung malaman nila ang sekreto natin?" Tanong naman ni Scarlett.

"Edi, mag-ingat. Hindi naman nila malalaman, kung mag-iingat tayo, hindi ba?" Mataray nyang sabi.

"Paano ang kasal nyo bukas?" Tanong bigla ni Annie.

"Kaya nga hindi kayo imbitado dahil nag-iingat tayo. Wag na nga lang kayong mag-isip." Inis na sabi ni Camille. Naghanda na sila ng plano kung sakali mang hindi maging tama ang lahat.

Kailangan kasi nilang maging handa para sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Lalong-lalo na't isa lang ang pwedeng gumalaw sa kanilang tatlo. Kailangan nilang mag-ingat.

"Paano kung biglang dumating si kuyang pulit?" Bulol na tanong ni Annie.

"Erick, Annie. Erick ang pangalan ng pulis na yon." Sabat naman ni Scarlett.

"Of course, hindi nya paghihinalaan ang kasal ko. At, meron din naman akong panlaban para hindi sya makapasok doon." Nakangising sabi nito.

___________________________

Gabi na at hindi parin umuuwi si Scarlett. Ito nanaman si Erick. Naghihintay nanaman sa pagdating ng babae. Panay ang buntong-hininga at nagdadalawang-isip kung tatawagan ba ito o hahayaan nalang.

Panay ang kilos nya at talagang hindi sya mapakali sa isang tabi. Paano kasi kung hulihin sya ng mga kasamahan nya dahil hindi nya iyon magawa? Wala na syang magawa at piniling tawagan nalang ito.

"Hello?"

"Scarlett, hindi ka nanaman ba uuwi?"

"Ahh, tatlong araw akong hindi uuwi. May pupuntahan kasi kami ng katrabaho ko ngayon at kailangan naming mag-stay ng tatlong araw doon."

"Ganon ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"

"Kailangan ko bang sabihin sayo?"

"H-Hindi. P-Pero sana lang, s-sinabi mo." Naiilang kong sabi. Bigla kasing nagiging magaspang ang ugali ni Scarlett ng walang dahilan.

"Sige na. Magtatrabaho na ako."

"Sige." Sabi ko tapos napatingin sa screen ng cellphone ko ng babaan nya ako ng tawag

Napabuntong-hininga ako at pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko.

Nagluto na ako ng pagkain ko at naghanda nang matulog. Hanggang sa paghiga ko sa kama ay iniisip ko parin ang kalagayan ngayon ni Scarlett. Hindi ko alam kung bakit ganito din ako.

Alam kong naiinis na din ito sa akin pero hindi ko padin maiwasang maging makulit sa kanya. Hindi ko alam na nakatulugan ko pala ang pag-iisip at nagulat nalang ng makitang umaga na.

Naghanda ako ng sarili kong agahan at napaisip na ito pala ang unang araw mawawala ulit si Scarlett sa bahay nya. Dahil sa kakaisip ko ay muntik ko tuloy masunong ang niluluto kong itlog.

Naghanda na akong pumasok at habang nasa daan ay hinayaan kong maglayag ang isip ko papunta kay Scarlett. Panay ang buntong-hininga ko habang nasa trabaho ako, buong araw.

______________________________

Busy ngayon si Nash habang nakatingin lang kay Annie. Nagluluto sya ngayon ng pagkain nila ni Annie dahil manonood sila ng palabas. Habang nagluluto ay nakabantay sya dito.

Kakalipat nya lang at sa parehong kwarto sila matutulog ni Annie katulad ng nakasanayan. Palagi naman kasi syang nasa bahay ni Annie at uuwi lamg kung kailan nya gusto kaya mas minabuti nalang nyang manatili sa bahay ni Annie.

Alam din naman nyang gusto din ni Annie na nandito sya dahil minsan ay hindi pa sya nito pinapaalis kapag uuwi na sya. Iyon talaga ang dahilan ng paglipat nya.

Malapit din naman ito sa trabaho nya. Malapit na syang magtatlong taon sa kompanya ng tatay nya na kanya nang hinahawakan ngayon dahil sa pagkawala na nito.

Ang totoo ay si Annie nalang ang meron sya ngayon at lubos nyang pinagsisisihan ang pang-aabuso sa kainosentehan nito. Natapos na syang magluto at tumabi na ng upo kay Annie.

"Nood na tayo?" Tanong nya dito. Nakangiti itong tumango-tango sa kanya. Namili na sila ng palabas at napili nila ang palabas na frozen.

Lumipas na ang kalahati ng palabas at nakatulog na si Annie. Siguro dahil masyado itong napagod sa kakalaro buong araw. Tumulong din ito sa kanya mag-ayos ng mga gamit nya.

Binuhat nya ito at dinala sa kama nila. Nang maihiga nya ito doon ay iniligpit nya ang mga gamit nila. Nang matapos sya ay agad syang nahiga sa tabi ng nobya at yumakap dito.

- To Be Continued -

(Thu, August 19, 2021)

Chương tiếp theo