webnovel

Chapter 1: Forest

Chapter 1

"ANAK, galingan mo lalo sa pag-aaral ha? Kaunti nalang makakapagtapos ka na," ang sabi ni Mama habang nakahawak sa balikat ko.

Tinitigan ko siya ng ilang segundo. There are some kinds of pressure in her words. After a few, si Papa naman ang tinignan ko, na nililibot ang tingin sa kalawakan ng Noathast Academy. Halata sa expression niya ang pagkamangha sa ganda ng academy.

"Ganitong klase ng paaralan ang pinapangarap kong pasukan noon. Napaka-swerte talaga ng anak natin at napakatalino niya," todo ngiting bigkas ni Papa.

Nagtinginan sila na tila nakikita na ang magandang kinabukasan namin hindi pa man ako nakakapagsimulang mag-aral.

Kaka-enroll ko lang ngayon. At sinamahan nila ako para na din tulungan akong magbitbit ng mga gamit at mag-ayos sa magiging apartment ko na walking distance lang sa paaralang ito. Mahigit tatlong oras kasi ang biyahe mula dito hanggang sa bahay namin sa Tarlac. Depende pa sa traffic.

"Pwede na po ba tayong pumunta sa apartment para makapag-ayos na? Gusto ko na pong magpahinga."

"Aba, oo naman! Kailangan mo ng magpahinga at bukas na ang unang araw ng klase mo." Hinawakan ako ni Mama at giniya para tumayo.

Nakaupo ako sa bench sa harap ng isang malaking fountain na nakatayo sa pinaka-center ng academy.

Nagsimula na kaming maglakad palabas pero ang mga leeg ng mga magulang ko ay halos magkandabale sa paglingon sa bawat madaanan namin.

This academy is prestigious and indeed beautiful. Hindi mapagkakailang puro mayayaman at anak ng mga malalaki at sikat na tao ang mga nagsisipag-aral dito. Obviously, I do not belong to those mentioned. I was fortunate to be given a scholarship to enter this school. And that also explains kung bakit late enrollee ako. I graduated as Valedictorian in high school, and this is the reward I received aside from the medal and cash incentive.

Noathast Academy is so picky. They will only take 1 or 2 scholars yearly, unlike any other prestigious schools that are more than that. I definitely understand why they have the high standards.

This academy is owned by the Z Group. One of the biggest companies in Asia. I do not know much about the business world, but their company is quite popular since they owned different business lines such as Z Medical, Z Electronics, A2Z casino, ZEUS resorts at iba pang klase ng negosyo. Hindi ko lang alam kung ano ang pangalan. Basta ang alam ko mayroon din silang construction firm and law firm.

And just like what my parents are fantasizing, when you graduated from this academy, mataas man o hindi ang grades mo, your future is secured. Mataas ang probability na makapasok ka sa isa sa mga kompanyang pag-aari ng Z Group, na mahirap pasukin at hindi basta-basta even though you have the skills and knowledge.

On top of it, iba ang tingin sayo ng mga tao if you're studying or you have graduated from this academy.

To sum it up, it is beyond privilege to study at Noathast Academy.

MGA ALAS KWATRO ng hapon nang umalis na ang mga magulang ko. Tinulungan nila akong mag-ayos ng apartment at kumain muna kami sa pinakamalapit na fast food bago sila bumyahe pauwi.

Pagbalik ko sa apartment, napansin ko agad ang sketch pad ko. Napangiti ako. Hilig ko ang mag-drawing at ito ang nakakapagpasaya sa'kin. Kinuha ko iyon at lumabas muli para magpahangin.

Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng isang gubat.

Matagal kong tinitigan ang labas ng gubat. Iniisip kong mabuti kung safe nga bang pumasok sa loob. But anyway, maglalagay naman siguro sila ng karatulang bawal pumasok sa loob dahil nakamamatay kung hindi safe diba?

I shrugged then gave a final decision. As I entered the forest, I realized it wasn't as scary as I thought it would be. Bukod sa mga plants and other small animals which I am familiar with, wala akong nakikitang nakakatakot.... so far.

May nakita akong dalawang malaking puno.

Natuwa ako sa view kaya naman naisipan kong iguhit.

"But I really love you, Hades."

Natigilan ako sa pagguhit nang bigla akong makarinig na may nag-uusap. Lumingon lingon ako para hanapin kung saan nanggagaling iyon. And right there, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko, nahaharangan lang ng matataas na halaman at mga bamboo tree, nakita ko ang magandang babae na may kausap na matangkad na lalake. Hindi ko ma-describe ang itsura niya sapagkat nakatalikod ito sa akin. Nakalong-sleeves ito na dark blue na bumagay sa itim na itim nyang buhok at pants. Base naman sa batok niya, masasabi kong maputi sya.

"Really? You followed me up here just to say that bullshit?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. Kailan pa naging bullshit ang pagsabi ng I love you? That guy, no wonder, is a cold-hearted one.

"I love you, Hades! What can I do for you to believe me?" Akmang hahawakan ng magandang babae ang mukha ng lalake pero umiwas ito.

"How many times do I have to tell you na wala kang mapapala sa akin? Kaya pwede? Tigil tigilan mo ko?!"

Kinilabutan ako sa lamig ng boses niya.

"Hades!" wari'y maiiyak na ang babae.

"Don't you ever annoy me again!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paanong hindi? Bago umalis ang lalakeng may malamig na puso, lumingon siya sa kinatatayuan ko... sa akin! As if kanina pa niya ramdam ang presence ko at kanina pa niya alam na nakikinig ako sa kanila. Ang sama pa niya makatingin sa akin na halos napaatras ako.

Na-curious siguro ang babae kung saan biglang tumingin ang lalake kaya sinundan niya ito ng tingin. So ayun nakita niya rin ako. Pagkaalis na pagkaalis ng lalake, nilapitan niya ako. Halos madapa pa siya kasi lubak lubak ang lupa. Naka-highheels ba naman eh.

"You are the newbie, right?"

Tumango ako. Hindi na ako nagtaka dahil ininform ako na ang mga pictures ng newbie students ay pinapakita sa mga screen. Sa cafeteria, sa may information board and everywhere inside the school bilang pag-welcome daw. That's their tradition.

"Makarating lang sa iba ang nasaksihan mo ngayon, malilintikan ka talaga sa'kin," pananakot niya with matching panlilisik pa ng mga mata.

"What are you smiling at?" kunot noong tanong ng babaeng maganda. Dagdagan ko. Babaeng maganda na may pangit na ugali.

"Ikaw. Nakakatawa ka."

"Huwat?" Lalo siyang nairita.

"Nag-effort ka pa talagang lapitan ako para takutin. Why do you think ipagkakalat ko ang nakita kong pangda-dump sayo ng lalakeng yun? Bakit, may pake ba 'ko sa'yo?" And there, iniwan ko siyang napanganga sa pagkainis.

Kawawang bruha. Binasted na nga, binara pa.

Chương tiếp theo