Divine Entities
Overseer- kilala bilang mata o kataas taasang bathala sa lahat.
Lux- Isang supremong manglilikha at pinakamataas na uri ng anghel na nilikha ng overseer. Siya ay isang supreme creator at supreme angel din na nilikha galing sa puting salamangka na luha ni overseer. Siya ay mabait, mabuti, lahat ng kabutihang bagay ay nasa kanya. Ang utak nito ay mabilis pa sa kid kung mag isip. Kapatid din siya ni Nox.
Nox- Isang supremong manglilikha at supremong anghel din. kagaya din ni lux si Nox, si Nox ay isang supreme creator din ngunit siya ay nilikha galing sa itim na salamangka na luha ni overseer. Siya ay malakas, matapang, ngunit may maitim na plano siya kay Lux na kalaunan ay siyang daan din sa pagkamatay nilang dalawa. Isa siyang mabuting kapatid kay Lux but one day siya ay nag selos at nagalit ng palihim kay lux dahil kinaiinggitan niya ang kanyang kapatid dahil palaging si lux lang ang pinupuri ng overseer sa mga ginagawa nilang paglikha.
Setting
Divine world- isang dimension kung saan nakatira ang dalawang manlilikha at kung saan din nakalagay ang dalawang mesa.
Table of Lux Creaturae - Isang makapangyarihang mesa, kung saan dito lumilikha ng kung ano- ano si Lux. Kung ating iintindihin sa asignaturang agham ito ay kilala bilang universe.
Table of Nox Creaturae- Isang makapangyarihang mesa katulad din ito ng table of Lux Creaturae. Dito din Lumilikha ng mga bagay bagay si Nox. Isa din itong Universe na walang kabuhay buhay, ang laman nito ay mga halimaw at nakakapanindig balahibong mga nilalang ng kadiliman.
Solar system or lux teneberis- Unang lugar sa loob ng mesa ni Lux kung saan lumikha si Lux ng mga bagay bagay na may buhay o walang buhay. Lux teneberis ang tawag sa lugar na ito na ang ibig sabihin ay light dark, tanda ito ng pagkakaibigan ng dalawang anghel. Kinikilala ang pangalan na ito ng mga magical folks at iba pa.
Sun or Sol- Isang bituin o mas kilala bilang haring araw. Ito'y nagsisilbing liwanag sa mga non magical folks na nakatira sa surface ng earth.
Central Sun or Idalia- isang araw ngunit ito'y nasa loob ng earth, Ito'y nagsisilbing liwanag sa mga magical folks at sa maliit populasyon ng non magical folks at iba pa. Gagabi lamang sa agartha kung hihina at mawawala ito ng pansamantala at lalakas at lalakas ito na hudyat din na mag uumaga na.
Earth o mundi vita- lugar kung saan lumikha ng mga nilalang si lux.
Hollow earth o agartha- mundo sa ilalim ng earth, dito nakatira ang mga makapangyarihang nilalang kagaya nalang ng mga elementalist, summoner, necromancer at marami pang iba.
The moon of agartha o selene- isang buwan kung saan, ito ay nakalagay sa ilalim ng earth na pumapalibot sa idaliang araw o central sun. Dito binabase ng mga magical folks ang kanilang petsa dahil ito ay paikot sa araw na na may pagkapareho din sa pag ikot ng buwan sa planetang earth. May sarili itong liwanag, kung may banta ng panganib, digmaan o masamang mangyayari ito'y pupula.
ANG TATLONG KONTINENTE
ELEMENTAL CONTINENT- kontinente ng light folks
SELVIA CONTINENT- kontinente ng light folks
NOXIA CONTINENT- kontinente ng dark folks
KAHARIAN
AGARTHI- Pinakamalakas na kaharian sa agartha ito ay sentrong kaharian ng mga Light folks. Malalakas ang mga naninirahan dito isa na dun ang anak ng Hari at Reyna na si Prinsepe Xavier na may sampung kapangyarihang nanalaytay sa kanyang pagkatao. Kinatatakutan ang kaharian na ito dahil sa malakas na nga ang kapangyarihan ng mga taong naninirahan dito malakas din ang impluwensya nila sa lahat.
ELEMENTIA- Isang kaharian na ang mga naninirahan dito ay nagtataglay, kayang kontrolin, at manipulahin ang anumang elemento mapa major elements man o sub-elements. Pumapangalawa ang kaharian na ito pagdating sa lakas ng kapangyarihang kaya nilang ipakita o ilabas. Kagaya ng kaharian ng Agarthi. Ang Elementia ay isa rin sentro, sentro ng mga elemento ng kalikasan mapa major man at sub elements.
ZORARIA- Isang kaharian na ang mayorya ng mga naninirahan dito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng elemento ng apoy kaya nilang manipulahin at kontrolin ang nag iinit na elemento na ito nang hindi sila nasusunog dahil immune na sila sa paggamit nito. Ang kaharian na ito ay binansagang BEST PLANNER dahil sa magagaling sila sa pagplano at paggawa ng mga taktikang pangdigma. Ang tawag sa kanilang lahi ay mga ZORARIAN.
AQUARIA- Isang kaharian na matatagpuan sa Elemental continent na ang mga naninirahan dito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng elemento ng tubig. Ang kaharian na ito ay responsable sa pagpapanatili ng malaking porsyento ng pagsusuplay ng malinis na tubig sa buong Agartha. 30% ng malinis na tubig sa Agartha ay nanggagaling dito sa Aquaria. Ang tawag sa mga taong naninirahan dito ay mga AQUARIAN.
HEMALIA- Isang kaharian katulad ng ating mga naunang nabanggit ang lugar na ito ay matatagpuan din sa Elemental continent, magkasing lapit lang ito sa kaharian ng Agarthi mga ilang gubat at bundok lamang ang distanya nito sa bawat isa. Malaki ang ambag ng kaharian na ito pagdating sa hukbong sandatahang panghimpapawid, ang mga taong naninirahan dito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng elemento ng hangin kaya nilang manipulahin at ang nakakahindik-hindik na pwede nitong gawin ay pwede nilang alisan ang isang nilalang ng hininga na pwedeng ikamatay ng sino mang aalisan nila ng hininga. Tinatawag sila bilang HEMALIAN.
TERRARIA- Isang kaharian na matatagpuan din sa Elemental continent, parehong nasa iisang isla lamang matatagpuan itong kaharian na ito. Halos magkapalit lang ang kaharian na ito sa Zoraria. Isa ito sa mga importanteng kaharian na dapat protektahan ng mga Light folks laban sa mga Dark folks dahil sila lang naman ang isa sa may malalaking inaambag pagdating sa mga pangangailangan ng mga taong naninirahan sa agartha. Responsable ang kaharian na ito sa pag ambag ng malaking porsyento ng palay at iba pang mga pagkaing tinatanim hindi lang yon, 30% ng mga kasuotan at damit kagaya na lamang ng mga roba mga kasuotang pangmaharlika at iba pa ay galing dito sa kaharian na ito. Ang mga taong naninirahan dito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng lupa at mga halaman ang tawag naman sa kanilang lahi ay mga TERRARIAN.
DOSNIA- Isang kaharian na matatagpuan din sa Elemental continent, ang mga taong naninirahan dito ay nagtataglay ng isa sa kapangyarihan ng sub-elemental na kayang manipulahin ang mga metal. Malaki ang ginagampanang tungkulin nito pagdating sa paggawa at pagsuplay ng kagamitang pandigma dahil sila lang naman ang isa sa may malalaking ambag na 40% ng kagamitang pandigma ng agartha ay sariling gawa nila mismo, Hindi lang kagamitang pandigma ang ambag nila pati narin ang 20% ng makabago at advance na teknolohiya na meron ang agartha ay galing dito. Ang tawag sa mga taong naninirahan dito ay mga DOSNIAN.
EACRONIA- Isang kaharian din kagaya ng iba pang kaharian matatagpuan din ito sa Elemental continent. Ang tungkulin ng kaharian na ito ay ang pagsuplay ng malaking porsyento ng elektrisidad sa buong Agartha, 40% ng elektrisidad sa buong Agartha ay sila ang nagproproduce at 20% naman ng makabagong teknolohiya meron sa Agartha ay nanggagaling din dito sa Eacronia. Ang mga taong naninirahan dito ay nagtataglay ng kapangyarihan ng lighting at thunder at ang tawag sa kanilang mga lahi ay mga EACRONIAN.
MURIA- Isang kaharian na matatagpuan sa malamig at nagyeyelong parte sa hilaga ng Elemental continent, ang mga taong naninirahan dito ay kayang manipulahin ang yelo at tinatawag sila bilang mga MURIAN.
Naturia- isang kaharian na matatagpuan sa masukal na kagubatan ng agartha.ang ambag ng kaharian na ito ay mga pagkain galing sa kalikasan kagaya na lang ng prutas at iba pa. Ang mga taong naninirahan at taga hari dito ay kayang kontrolin ang mga halaman at mga puno, tinatawag sila ng naturian.
Wizardia- kaharian ng mga wizard, tinatawag silang wizardia, napapa bilang ang kaharian na ito sa malakas na kaharian sa selvia continent.
Summonia- isang kaharian na ang mga naninirahan ang mga sumon kaya nilang tumawag magtawag ng mga nilalang cagayan na lang naman halimaw, anghel, demons at minsan ay dark demons, mga Celestial being at mga diyos at diyosa sa imperium realm. Ang kanilang lahi ay tinatawag na summonian.
Necroria- isang kaharian sa kontinente ng selvia, madalas tinatawag ang mga naninirahan dito bilang necromancer dahil sa taglay nilang bumuhay ng mga patay. necromancer ang kanilang kapangyarihan at ang tawag sa kanilang lahi ay necrorian. Napapabilang sila saan sa dark folks subalit dahil sa kasakiman ng dark folks sila ay kumalas at sumanib sa light folks.
Witcheria- isang kaharian na kasapi ng mga dark folks ang kaharian na ito ay kaharian ng mga witch at ang tawag sa mga naninirahan dito ay mga witcherian.
Dracoria- kaharian ng mga bampira at sila ay mga kasapi ng dart folks. Tinatawag silang mga dracorian.
Wolfia- kaharian ng mga werewolf sila sa mga kasapi ng mga dark folks. At ang tawag sa kanila ay mga wolfian.
Elfia- kaharian ng mga else na matatagpuan sa dulong bahagi ng selvia continent. tinatawag silang elfian kagaya ng Naturia ang elfia ay nagtataglay ng kapangyarihan ng pagkontrol sa mga halaman at puno.
Orcharia- kaharian ng mga orc tinatawag silang orcharian, isa sila sa mga kasaping dark folks.
Dwarfia- kaharian ng mga dwarfs tinatawag sila ng dwarfian. responsible ang kaharian na ito sa pagmimina ng ginto at iba't-ibang mga mamahaling bato.
Magia- kaharian ng mga mage at tinatawag ang kanilang mga lahi bilang magian.
Soceria- kaharian ng sorcerer, tinatawag sila ng socerian sila ay isa sa mga kasapi ng mga dark folks.
Fairy- kaharian ng mga fairy matatagpuan ito sa sikretong lugar ng mythical island. Ang mythical island ay isang misteryong isla konti lang ang nakakapunta doon. Ang kanilang kaharian ay tago at bihira lang matagpuan.
Noxia- isang kaharian at sentro ng kaharian ng mga dark folks, kinatatakutan ang kaharian na ito dahil sa pwede nitong gawin, malakas ang mga naninirahan dito kaya ganun na lang kung matakot ang iba pang mga kaharian, mga nilalang at mapa iba't ibang lahi.
Councils
Lux teneberis council- council ng agartha na naglalayong ayusin ang hidwaan ng dalawang panig. Ang humahawak sa council na ito ay iisa lang walang iba kundi ang sinaunang reyna ng mga fairy
Aghartha council- council ng light folks
Dark council- council ng dark folks
Paaralan ng mahika

Lux imperium academy- isang prestihiyosong paaralan sa agartha, pinakasikat sa lahat ng paaralan ng mahika. kung isa ka ng estudyante at nagkataon na nakapasok ka dito madali na lang sa'yo makahanap ng trabaho, dahil sa dekalidad at maganda ang pagtuturo nito sa mga estudyante ng mahika. Isa lang naman ito sa sinaunang paaralan na ginawa ng mga diyos at diyosa upang turuan, pagpraktisan ng mga mahikero. ang paaralan na ito ay binasbasan ng mga diyos at diyosa kung sakali mang magkataon na may magtangkang pumasok na mga kalaban, halimaw at iba pa ay may barrier namang pumoprotekta dito.

Silvester academy- kagaya ng lux imperium academy sabi nito ng paaralan ng mahika pumapangalawa lang naman ito sa pinakasikat at may dekalidad na edukasyon ngunit ang pagkakaiba ng nito sa lux imperium academy, kung ang lux imperium academy ay mix o halo halo. dito naman sa silvester academy ay all boy sa madaling salita lalaki lang ang pwedeng mag-aral dito.

Zenzaria academy- isang paaralan ng mahika, pumapangatlo nito sa ranggo ng magaling magturo ng mahika.

Hangfuf academy- isang paaralan ng mahika, pang-apat sa magagaling magturo ng mahika.

Zilter academy- kagaya ng iba pang paaralan ito rin ay paaralan ng mahika, ang paaralang ito ay katulad din ng silvester academy isa rin itong all boy school.

Nirvana academy- isang paaralan ng mahika itoy pang anim at is adding prestihiyoso ng paaralan na all girls o para lamang sa mga babae.

Angel hierarchy/ ranks
Master
-supreme angel
Highest triad
-seraphim
-cherubin
-thrones
Middle triad
-the dominions
-the virtues
-the powers
The lowest triad
-the principalities
-the archangels
-the angels

Angelic demons/ fallen angels hierarchy/ rank
Highest
-king
-duke
Middle
-princes / princess
- marquises
Lowest
Earls
Knight

Dark demons hierarchy/ rank
Principle infernal spirits
-The emperor or satan
- Prince or Beelzebub
-Crowned prince of hell or astaroth
Superior spirits
-lucifuge or lucifuge rofocale
-commander in chief of satanachia
-general or agaliarept
-lieutenant general or Fleruty
-brigadier major or sargatanas
Sub ordinate spirits
-field marshall or nebiros
-sub ordinate spirits.
Ang populasyon ng mga anghel, demons at darks demons ay lumalampas sa 100 millions.
Light realm - tirahan ng mga anghel
Middle realm- tirahan ng mga angelic demons o fallen angels
Dark realm o impiyerno- tirahan ng mga dark demons
Divine realm- tirahan ng mga natitirang buhay na diyos
Spirit realm- lugar ng mga kaluluwa o ang kabilang buhay
(if you wanted to read the story in an easy way kindly visit my wattpad account same parin po yung name po or surname and the title of the story po ay same din