webnovel

Chapter IX: Terrified

Charlie POV

Pinaupo na kami ng lalakeng may suit and tie. Ako naman pinapwesto ako sa may kanang bahagi ni president at sa kaliwa naman si Max. Magkatapat kami ni Max at si President ay nasa malaking upuan. May apat namang upuan ang hindi na occupy. Katabi ko si sofie na parang sanay na din sa ganitong set up ng mga mayayaman. Nahihiya tuloy ako sa pagiging ignorante ko.

Ang daming nakahanda sa harap namin na pagkain. Yung totoo huling pagkain na ba namin ito sa mundo? May fiesta ba?

Napatingin ako kay president at ganun din siya sakin? Nginitian ko siya at ganun din siya sakin. miya miya nag scrib siya at pinakita niya yun sakin na may nakasulat na 'Welcome sa bahay. Ngayon ka lang nakapunta dito tama?' napanod nalang ako habang nagkukuwentuhan yung iba naming mga kasama. Napatingin naman ako kay sofie na nakatahimik lang.

Tumingin naman siya sakin at napakunot. "may problema ba?" tanong ko. Bihira lang kasi to tumahimik e although tahimik talaga to lalo na sa room. I mean hindi siya parang kahit nakatahimik e magalaw pero ngayon kasi as in walang halos kibo. May ano?.. Nahihiya din ba ang mga halimaw?

"naiihi ako" she mouthed. Natawa ako sa sinabi niya. sabi na e may kailangan haha. tumingin ako kay president at minouth ko yung sinabi ni sofie. Miya miya sinenyasan ni president yung lalakeng nakasuit at pinakita yung iniscrib ni president dito sabay turo kay Sofie.

Pinasamahan naman si sofie papuntang banyo sabay pumasok ang mga iba pang pagkain na nakatakip dala dala ng mga katulong?. Ilan ba ang katulong dito?

"This is the Beef Borgouge with oyster sauce" sabay pakita samin ng mga kasambahay ng nakatakip na dala nila kanina. Miya miya pinakita din yung kaninang nakatakip sa harapan namin although may mga pagkain na din na hindi na nakatakip pero umuusok. Mapapalaban ako nito ng matindi. Sana maraming rice haha.

Luminga linga ako para tignan kung nasan yung rice pero bat ganun? Wala?

Pinaliwanag pa ni tito suit and tie yung ibang pagkain na kung saan di ko maintindihan sa way ng pagbigkas niya. nakita ko nalang na may mga alimango, beef paella, lechen flan, gelatin at may mga shakes at juices pa. nakita kong naglagay na ng puting tela sa dibdib nila at kinuha yung fork and knife sa gilid ng platong nakataob.

Binaligtad na ng mga maid pati yung akin habang ako inaayos ko yung bib sa damit ko. Pano ba to? Di ako komportable nakikiliti yung leeg ko. Kahit malambot yung telang puti. Miya miya umupo na din si sofie at binaligtad na yung plato niya para makakain.

Okay mukhang resbakan na pero bago yun pray muna syempre. Kaya pinikit ko yung mata ko at yumuko. Ilang saglit lang ay napatingin dinilat ko na ang mata ko at napatingin sa kanila na para bang nakatingin din sila sakin?. Ano na naman ginawa ko? Si president din nakatingin din sakin malaunan ay ningitian niya ako at nagsulat sa kanyang clipboard.

'dapat nilakas mo na yung prayers' napatingin ako sa lahat pero yung iba kumakain na si Max ningitian din niya ako sabay mouthed niya ng "amen". Bigla akong nahiya sa ginawa ko. Although dapat di kinahihiya yun. Ewan ko ba, napatingin ako sa kung ano nalang ang una kong reresbakan na pagkain na nakahanda. Nakita ko agad yung paborito kong menudo! Yay! Wala naman atang pumapansin sa pagkaing ito kaya kinuha ko na yung lalagyanan at gamit yung sandok nito nilagyan ko yung plato ko.

Kinuha ko na din yung ibang nakahanda katulad ng paella dahil eto lang ang may kanin. Kumuha din ako ng alimango at yung beef borloloy ata tawag dito. Basta, halos mawalan ng space yung plato ko sa mga kinuha ko. Ganito ba ko kagutom haha. Miya miya tinapik yung braso ko ni sofie na kinagulat ko. Problema nito?

"uy! Hinay hinay lang may mga kasama tayo" huh? Ano ba sinasabi nito? tinuro niya si President at yung iba pa na nakatingin sakin. Ano na naman ginawa ko? Pwede bang lamunin nalang ako ng lupa please? Bakit ba ganito sila makatingin sakin? May mali ba? Ano ba?

Miya miya pinakita sakin ni president yung clipboard niya na may nakasulat na 'okay lang sofie. Sige lang kumain ka lang ethan' sabay ngiti niya. hindi ko nalang pinansin yung iba. Ningitian ko nalang ng nakakahiya si president at kumain nalang.

Naghanap ako ng kutsara pero bat wala? Ang andito lang na kubyertos ay tatlong tinidor, tatlong kutsilyo at isang malaking tila sandok na di naman pwedeng gawing kutsara.

"use the middle fork and small knife" sabi ni Max. Napatingin naman ako sa kanya na tila hindi naman siya tumitingin sakin dahil kumakain siya. hinihiwa niya yung isang pirasong karne sa gitna ng plato niya. napatingin ako sa plato ko kung saan yung gitna nalang ata yung walang ulam na nakalagay. Hayy... bahala na nga. Di ako mabubusog sa kakaisip nito kung paano ba kumain ang mayayaman.

Kaya naman kinuha ko yung tinidor na una kong nadampot at ganun din yung kutsilyo. Tsaka ko kumain although ginawa ko e parang yung tinidor ang kutsara at yung kutsilyo assistant ni fork para naman magamit ko. Di ko na inisip yung mga nasa paligid ko basta ako kumakain ako tapos.

After eating our breakfast na parang lunch na para sakin e nabusog ako. Lalo na dun sa alimango. Isa isa kasi kaming nagsialisan sa lamesa hanggang sa ako, si president, si max at si sofie ang naiwan.

Sinabihan din president yung lalakeng nakasuit and tie na umalis muna sila pati yung mga maids after magsilabasan sa dining yung mga kasama namin. Tapos na kami kumain pero nagpahinga lang kami dito.

"enjoying your food?" tinanung ako ni Max habang si Sofie sumusubo pa ng paunti unti ganun din si President. Nahiya bigla ako sa tanong. Syempre sino ba naman ang hindi masisiyahan sa kinain ko. Limang putahe ata yung niresbakan ko. Di pa kasama yung dessert at appetizer daw, Yung tinapay.

"o-oo. Di kasi ako nagumagahan samin" nahihiyang palusot ko. Napangiti naman silang tatlo.

"you know what charlie you are such a candid person" sabi ni Max. Naiilang kong ngiti sa sinabi niya.

Sa totoo lang akala ko sa una siya ang pinakamasungit pero..

sobra siyang understanding at caring, kaya siguro di kataka taka na siya ang vice president. Napakaapproachable niyang tao.

Hayy... Charlie bad shoot ka talaga sa mga ganitong situation... pinakita din ni president yung clipboard niya na may nakasulat na 'bihira nalang sa school natin yung ganyang humor' wala na talaga akong ibang magawa kung di ngumiti at humigop ng juice kahit tubig nalang to.

Lord please lunudin niyo nalang ako!!

Sa totoo lang nakakahiya talaga yung ginawa ko. Sana naman wala ng susunod pa. hayy... ang komplikado naman kasi mamuhay sa mayamang mundo.

Charlie POV

After we eat breakfast agad namang nagtungo sa kanya kanyang kwarto. Mga bandang 8:00 daw dapat nasa music hall na.

Nagulat ako na may sariling music hall si president. nasan kaya yun? Excited na ko makita!

Mga 7:00 palang kaya naman may oras pa para maghanda. Naglakad ako na may kasamang isang maid kung saan itinuro sakin kung saan yung 251. Nang marating na namin pumasok na ko ganun din yung maid para ipaliwanag yung mga bagay bagay.

"Sir eto pong bell rope is for anything you need po. Hilahin niyo lang po kung may kailangan po kayo. Kumpleto na din po yung gamit ninyo sa banyo. Kung gusto niyo naman po manood ng t.v pumalakpak lang po kayo ng dalawa at kung tapos na po kayo dalawang palakpak din po. Yung mga gamit ninyo po ay nasa drawer na po at nakaayos na din. May ibang mga damit din po dun kung naubusan po kayo ng gagamitin. May walk in closet po tayo. Yun lang po" Yeah! Nagpasalamat nalang ako sa maid at lumabas na siya. sa totoo lang wala akong masyadong naintindihan sa mga sinasabi niya kanina. Gusto ko lang naman mahiga dito sa kamang napakalaki.

Pampamilya ata to! May pakulambo pa pero bitin naman.. nilalamok din pala ang mga mayayaman?!

Yung kwarto na to is like two rooms in one sa laki. Agad kong nilibot. Wala na talaga buhay prinsipe na ko. Haha. Agad akong tumalon sa kama at lechong baboy naman o halos lumubog na ko sa sobrang lambot ng kama. Ang sarap humiga. Baka makasanayan ko na to! Haha..

Miya miya may kumatok sa pinto ko. Nageenjoy pa kong tumalon talon oh!. Pinagbuksan ko naman yung kumatok. Ano ginagawa niya rito?

"M-Max? b-bakit?" taka ko. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Luminga linga siya sa loob ng kwarto ko na tila may hinahanap?. Sino?

"wala naman. Napadaan lang ako kasi may narinig akong may tumatalon talon sa kama. Dito sa room mo nanggagaling. Ikaw ba yun?" what? Narinig pala. Takte kahiya.

"a-ako? T-tumatalon sa kama? H-hindi a-ah!" ano ba naman yan charlie. Tumango tango lang siya pero halatang hindi kumbinsido.

"if you say so. By the way gusto mong... uhmmm..." speaking of gusto. Baka pwedeng maturuan ako nito. pwede!

"nga pala m-may dala ba tayong gitara? M-medyo iniisip ko pa din kasi yung sinabi mo kanina" isalang ba naman agad ako sa competition?! Although hindi ako nag eexepect but iba parin yung handa e.

"h-huh?! A-ah... oo... oo kumpleto si president ng instruments dito kaya walang problema. P-papunta na din naman ako sa music hall gusto mo sabay na tayo?" oh wow! yun naman pala e. Buti nalang.

"hintayin mo ko magbibihis lang ako ha!" at nagmadali akong tumakbo at nagbihis. Nakakahiya namang paghintayin si Max. kaya naman lumabas na ko habang sinusuot ko yung t-shirt ko. Nakita kong parang umiwas siya ng tingin?. Bakit may problema ba?

"may problema..."

"wala. Lets go na" in her commanding tone. bakit biglang nainis to? Ay alam ko na. Napaghintay ko ba siya? ganun ba ko katagal mag bihis? Nagpalit lang naman ako ng shorts at t-shirt ah!. Iba talaga ang mayayaman ayaw na ayaw maghintay. Buti si Freya hindi ganun.

Speaking of... habang naglalakad kami ni Max papuntang music hall ay tinext ko siya. sa totoo lang kahit sa text ramdam kong may ilang kami sa isat isa. Hayy... saka ko na nga muna iyon isettle.

Mga ilang minuto lang ay narito ay pumasok na kami sa music hall at laking gulat ko. K-kwarto pa ba to? P-paanong nagkasya to sa mansion na to? Abay isang extended family na ang pwedeng tumira dito ah.

Namangha nalang ako sa mga gamit na naririto kung saan nakapalibot halos sa kwartong ito. Mula sa mga simpleng instrumento hanggang sa hindi na ko familiar na instruments. Takte nakakatakot humawak dito at maglikot pag may nabasag o nasira kulang pa ang sampung taong magtrabaho para mabayaran kung ano man masira mo dito.

"so first dahil duet yun ay dapat may blending na agad tayo sa boses okay? Anong instrument ba ang gusto mong gamitin natin?" she asked. Napatingin nalang ako sa kanya habang iniisip ko kung paano magbeblend boses namin dahil mavibrato ako ewan ko lang siya dahil sa totoo lang di ako familiar sa tone na ginagamit niya.

"b-bakit g-ganyan ka makatingin sakin? M-may dumi ba ko sa mukha?" namula naman siya agad. Umiling nalang ako at nasabing...

"Piano tayo para makasabay ako" di ako sanay sa ibang instrument. Agad naman niya kong hinatak dun sa puting grand piano. "dahan dahan naman Max" kung makahila kasi mas malakas pa sakin to. M-may paa naman ako vice wag ganun.

Pinaupo niya ko at kumuha siya ng isa pang stool. "alright. A-ano yung piece natin gagamitin? If ever?" uhmm... wala pa ko naiisip e. Sa totoo lang kung ano nalang kasi maisip ko yun na yun. E kaso baka di niya alam...

"Uhmmm... kung ano kaya hintayin nalang natin sila? Masakit sa ulo mag isip ng kanta e" tinaasan naman niya ko ng kilay na para bang may gustong palabasin.

"well, honestly kaya nga inaya kita dito para makapagpractice na agad tayo ng piece natin dahil ayaw kong makatambal si Zayne" huh? Bakit naman? E sa totoo lang di hamak na mas magaling siya sa bosesan kesa sakin tsaka last year alam kong siya yung kaduet niya diba?

"huh? E kayo na pala magk..." hindi na niya ko pinatapos magsalita.

"no excuses okay? Ikaw na yung katambal ko kaya mag isip ka na ng piece na gagamitin natin. I can Adjust kaya kahit ano okay lang sakin" okay, okay! Relax masyadong masungit agad? Wala namang pressuran oh!

Ilang minuto pa ko nag iisip habang siya marami rami na ding nasasuggest pero di ko makuha yung pasok. Alam ko naman yung mga kanta niyang sinasabi pero pag siya nag drop ng beat di ko makuha. Minsan mabilis minsan mabagal. Napapakamot nalang ako ng ulo sa ginagawa niya sakin. May ka duet na naman kasi siya e bakit ako pa hinatak dito? Dapat pala di ko na inopen up yung sinabi niya kanina. Kainis naman.

"ayusin mo naman kasi" sabay pitik niya sa sintido ko, ang sakit ah!

"mag focus ka kasi. Hayy... bat nung recital ang ayos ayos tapos ngayon ganyan?" iba naman kasi yun sa ngayon oh!. Di ba pwedeng mag concentrate ako?

"okay! Okay ganito ako nalang magbibigay ng key sa piano tapos tignan natin kung paano magblend okay? Hindi yung bawat mali ko pinipitik mo ko. Nakakarami ka na" ang sakit sakit e. Namumuo na ata yung dugo sa sintido ko.

Miya miya habang nagiisip ng kakatanhin namin napapabeat na yung kaliwang paa ko and I start to close my eyes and visualize kung anong kanta mabubuo ko.

My eyes are no good, blind without her

The way she moves, I never doubt her

When she talks, she somehow creeps into my dreams

She's a doll, a catch, a winner

I'm in love and no beginner

Could ever grasp or understand just what she means

Baby, baby blue eyes

Stay with me by my side

'Til the mornin', through the night

Well baby

Stand here, holdin' my sides

Close your baby blue eyes

Every moment feels right

And I may feel like a fool

But I'm the only one, dancin' with you

Oh oh oh oh

I drive her home when she can't stand

I like to think I'm a better man

For not lettin' her do what she's been, known to do

She wears heels and she always falls

Don't let her think she's a know-it-all

But whatever she does wrong, it seems so right

My eyes don't believe her

But my heart, swears by her

Baby, baby blue eyes

Stay with me by my side

'Til the mornin', through the night (can't get you out of my mind)

Well baby

Stand here, holdin' my sides

Close your baby blue eyes

Every moment feels right

And I may feel like a fool

But I'm the only one, dancin' with you

Oh oh oh oh

Can't get you out of mind

Pagdilat ko ng mata ko at natapos na yung kanta isang palakpak naman yung ginawa ni Zayne habang pumapasok isa isa yung iba.

"yun oh! Panalo na tayo niyan. Ganda pala ng blend ng voice niyo e" mapang asar na tono ni Zayne. Napatingin naman ako kay Max kung saan sinamaan ng tingin niya ito. "o mukhang nakahanap ka ng bagong duet kaya di mo na ko kailangan ha!" sarcastic nitong sabi. Sabay upo nito sa cielo kung saan parang may kung ano sa atmosphere ang bumalot. May something ba sa dalawang to?.

Ilang minuto din na parang ang awkward ng paligid hanggang sa umalis si Max sa hall. Nakita ko namang siniko ni Ranjie si Zayne. Umiling lang si ethan habang patuloy sa kung ano mang kinukuting ting nito sa cielo. Napatingin siya sakin at isang tingin ang parang nagbigay sakin ng lamig. Uhmm... a-ano na naman ba ginawa ko?

"okay guys uhmm... before anything else pag usapan na muna natin yung magiging tao sa lahat ng categories okay?!. Dating gawi padin voting tayo." Ice breaker na sinabi ni Fiora. Hanggang sa huling tingin niya sakin na para bang may kasalanan na naman akong ginawa. Yung totoo may galit ba sakin tong mga to?

Chương tiếp theo