webnovel

I. Límni

Darah's

Nang maka alis na sila Antiope at Christine ay hindi na kami masyado nag imikan ni West. Were are too pre-occupied to what Christine said earlier. I feel like I am to blame pero pare parehas naman namin itong kasalan pero Hans still choose to saved me and West, like he always do.

Naalala ko tuloy, lagi niyang sinabi na, I always saved West from her acts but the truth is, it is Hans who were always there to saved her. He's more like a brother to me. And it's a waste that Hans is now gone.

Tumayo ako at napag isipan ko lumabas "Where are you going?" tanong sakin ni West. Tiningnan ko naman muna bago siya sagutin. I actually don't even know kung saan ako pupunta, pero gusto ko munang mapag isa "Diyan lang sa labas" saad ko at ngumiti ng pilit. Tumango naman sya sakin.

Dumiretso na ako labas, naglalakad lakad muna ako. Napag desisyunan ko nalang na gawin yung lakad na dapat na gagawin namin kanina. Hindi naman ako mawawala dito! Sinundan ko yung sa tabing tubig. Nilibot ko ang paningin duon. Ang ganda! May dalawang puno sa kabilang dako na may mga bulaklak na kulay puti at kitang kita naman yun dito sa kinatatayuan ko.

I heave a sigh, if Hans is just here, he would love it here.

Itinuloy ko na ulit ang paglalakad ko ng ilang minuto and surprisingly hindi man lang ako nakaramdam ng pagod at gutom. I didn't taste my food earlier. Nang tingilain ko ang langit ay madilim dilim na ito, nilibot ko ang paningin at mga nagtataasang mga puno ang naririto kumpari duon sa bukana pero hindi ito nakakatakot tingnan bagkus ay para kang nasa isang magandang paraiso, napatingin naman ako sa tubig at ang linaw ng tubig nito. Parang nang aakit! Nilibot ko ang paningin ko. Wala naman sigurong tao dito! Saad ko sa isip ko. Lumapit ako sa isang malaking bato duon at isa isa kong hinubad ang suot ko. I'm going to take a dip!

Nagsimula na akong lumusong sa tubig at ang sarap sa pakiramdam, nagtutuloy pa ako hanggang sa umabot sa bewang ko ang tubig, tuloy ang nakaladlad kong buhok ay basa na. Binasa ko ang katawan ko sa pag dampi dampi ng tubig, maya maya ay nakita kong maliwanag na ang buwan at tumatama ang liwanag nito sa tubig. Nakasilaw! Lumusong pa ako hanggang mabasa na lahat ang katawan ko, I dive and swim. Refreshing! I would like to go here again.

Nang umuhon ako ay ang bumungad sakin ay yung liwanag ng buwan, nasa malalim na akong parte at ang tunog na nangingibabaw dito ay pag langoy ko sa tubig. I stayed in couple of time ng napag desisyunan ko nang umahon sa mababaw. Hanggang abot bewang na ang tubig ng umahon ako ng makarinig ako ng kaluskos. Nilinga ko ang paningin ko para tingnan ko may tao. Maya maya pa ay ng may bigla lumabas sa may malaking bato na lalaki agad ko naman tinakluban ang dibdib ko ng kamay ko.

"Sino ka!?" Galit kong sigaw. Lumakad pa nang kaunti yung tao at nang makita ko ito ay nanlaki ang mata ko "Dimitrov!?" Halong bulong kong saad

Hinigod nya naman ako ng tingin ng mapagtanto ko 'yun ay agad kong nilubog ang sarili ko sa tubig at agad naman na tumalikod si Dimitrov. Nang makatalikod siya ay tumayo ako pero hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko "What are you doing here!?" Tanong ko

"Hunting" simpleng saad niya "What!?" Singhal ko "At this hour?" Dagdag ko

"What are you doing here? I thought bukas pa kayo pupunta dito?" Balik tanong niya sakin. Hindi ko naman sya sinagot. Nagsimula na akong umahon "Don't you ever look!" Banta ko sa kanya habang papunta sa damit kong nakapatong sa ibabaw ng bato "Not interested" he said. Tiningnan ko naman sya ng masama, though hindi naman niya nakikita. Piniga ko muna yung buhok ko at saka isinuot ang damit ko. Nang matapos ako ay pumunta ako sa harap niya. Nagulat naman siya sakin.

"So tell me, what are you hunting?" Saad ko at namayweng sa kanya "Goddess" bulong niya ng nakatulala sakin "Huh?" Saad ko at sininghalan siya

"Boar....I'm hunting a boar!" Agad na sagot niya. Kinunotan ko naman siya ng noo "Do you mind if go with you?" Saad ko. Hinagod ko naman ang tingin ko sa kanya. May dala siyang espada at pana "It's dangerous" saad niya.

Tinaas ko naman ang tingin ko sa kanya "Pero mas delikado kung solo akong uuwi diba?" Pagdadahilan ko. Napabuntong hininga naman siya. Maya maya ay tinanggal niya sa kanyang bewang yung belt nung sa espada at isinuot sakin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Nang matapos suya tiningnan nuya ako. Napalunok naman ako "Stay close to me!" Saad niya at nag simula na siyang maglakad at sinundan ko siya

Habang naglalakad naman kami ay tinanong ko siya "Kanina ka pa ba dun?" Tukoy dun sa lugar kung san naglalangoy ako at tumango naman siya. Nanlaki naman mata ko "Did you see me naked?" Halos pabulong kong saad "Whole naked? No, I only see you when you started to swim and stared at the moon" saad niya.

Napaisip naman ako "Then did you see my...you know" iniiwas ko ang tingin ko sa kanya pag katanong ko. I heard him chuckle "No but you look beautiful there" saad niya, namula naman ako sa sinabi nya. Buti nalang gabi! Hindi na ako nagtanong pa pagkatapos nun, nagtuloy nalang kami sa paglalakad. Maya maya naman ay tumigil siya at pinatigil ako sa paglalakad.

I look at him and he put his finger in his lips stating na 'wag ako gumawa ng ingay. Tinikom ko naman ang bibig. Nang may marinig kaming mabibigat ang yabag ay agad kami lumingon duon. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong puno na pede naming akyatin ni Dimitrov, tinuro ko 'yun sa kanya at sinenyas na umaakyat kami duon. Kumunot naman noo niya pero sumunod naman siya sakin.

Nang makaakyat kami ay mas nagkaroon kami ng malawak na tingin. Inihanda niya yung bow and arrow at itinutok sa ulo nung boar "Are you going to kill it?" Bulong ko at tumango naman sya. Napangiti naman ako "Good! Cause I'm gonna struck this sword in his heart" dagdag ko at dahan dahan na binunuot yun sa lalagyan. Nakita ko naman na napailing iling siya sa sinabi ko.

Ititunok niya muli yung pana at tsaka nirelease at sakto itong tumama sa ulo nung boar at nagwala naman iyon. Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng magandang pwesto, nang makahanap ako ay tumulon ako duon, gulat naman na tumingin sakin si Dimitrov, nang maayos ko na ang pwesto ko ay inayos ko ang hawak sa espada at tumalon sa puno at saktong baba ko naman ay saktong lapit nung boar kaya sumakto ang saksak ko duon. Pagkasaksak ko ay lumayo ako at hinayaan na mawalan 'yun nang buhay.

I don't know why but I feel like myself is smiling while watching the boar dying.

Lumapit sakin si Dimitrov "You look like a psycho while smiling" saad niya. Nilingon ko naman at tinaasan ng kilay "You're great! I didn't expect you to jump like that and" hinagod nya ako ng tingin "and you look like a mess" dagdag niya tapos humarap at pinunasan niya yung sa noo ko "Talsik ng blood" saad niya, umiwas naman ako tingin at inaya na siyang umuwi.

I need to go home.

Chương tiếp theo