webnovel

CHAPTER 16

JIN POV

Naghahapunan kami at lahat ay hindi pa rin makamove on sa nakakabiglang desisyon ni Mr. Gun kaya naman si Ms. Yura ang naging topic namin sa hapag kainan.

"Ano bang impression niyo sa magiging bago nating manager?" tanong ni Kookie.

"Parang masungit," sabi ni August.

"Hindi naman siguro. May anggulo namang mukhang mabait kaya lang parang prangka magsalita," ani Vince.

"She's pretty," may pilyong ngiting wika ni James.

"She's married," paalala ni Hope.

"Yes but at least mas magandang mukha niya ang nakikita natin sa umaga kesa yung laging nakasimangot na mukha nina Manager Bong," tawa ni James.

I sighed and shook my head. "There's something fishy about her. Parang hindi siya laki sa hirap. She sounds well educated too. Yung mga hirit niya kanina pang matalino eh."

"Baka kaya siya kinuha ni Mr. Gun dahil matalino siya," sabi ni RJ.

"Pero parang masyado siyang overqualified para sa isang assistant manager," sabi ko.

Tumawa si RJ. "Naalala ko yung pambabara niya kay Manager Bong. Simpleng angas."

"Yeah I found it cool too," tawa ko.

"Do you think she'll be comfortable with us? Imagine siya lang ang babae dito?" sabi ni August.

"Sa tingin ko parang hindi siya madaling ma-intimidate," RJ replied.

Huminga nang malalim si Hope at umiling. "Buti pinayagan siya ng asawa niya. Kung ako ang asawa non di ako papayag na ang makakasama niya ay lahat lalaki tapos sikat na eh ang guguwapo pa."

"Tama!" apir ni Vince sabay tawa ng dalawa.

"Siguro broad-minded ang asawa niya. Kasi si Ate Yura parang may pagka femenist din ang dating eh. Baka parehas sila praktikal mag-isip," salita ni Kookie.

"May anak na kaya yun?" ani James.

"Wala pa, natanong siya kanina ni Manager Eric," tugon ni RJ.

"I hope she's a good cook," sabi ko.

"I hope she's good at cleaning," sabi ni Vince.

"Sana masaya siyang kasama hindi kagaya nina Manager Bong na laging seryoso," pahayag ni August.

"Para sa akin ay dapat huwag muna tayong magdedepende masyado sa kanya. Let's observe first if we can really trust her," suhestiyon ko.

"But Mr. Gun brought her. If he trusts her then we should trust her too," tutol ni James.

"Tama naman si Jin mas magandang obserbahan muna natin siya kasi malay mo obsessed fan pala siya. Mas mabuti na yung sigurado tayo," wika ni Vince.

"Parang imposibleng fan natin siya. Although pinuri niya ang mga hitsura natin kanina pero wala akong nakitang sign na nastar-struck siya sa atin," pahayg ni RJ.

Kookie got thrilled and he pointed his finger to our leader. "Yes that's true! Yan din ang unang napansin ko kaya nga naging komportable agad ako sa kanya."

"You can't be that sure. Some obsessed fans are good in acting," wika ko.

"Yes I remember that make-up artist..." sambit ni James.

"Which one?" lingon sa kanya ni Vince.

"Ahh... the make-up artist from three years ago!" malakas na pagkakasabi ni August.

"Naalala ko na, yung hinire din ni Mr. Gun kasi kamag-anak niya pero obsessed fan pala," pahayag ni Kookie.

"She's acting cold all the time. Ni hindi nga tayo kinakausap nun pero yun pala ay lagi tayong kinukunan ng video nang palihim," wika ko.

"Sayo obsessed yun Jin!" tawa ni James.

"Buti na lang nabuking yun at nakumpiska ang cellphone tapos punum-puno ng video ni Jin!" may pang-aasar na tawa ni August.

"Tapos nung nabuko lumabas na ang tunay na kulay. Sinundan si Jin sa CR!" dugtong ni Vince nang humahalakhak.

"Hoy pwede ba huwag niyo ng ipaalala yang nakakakilabot na pangyayari na yan!" kunway galit na sabi ko habang natatawa. "O kung gusto niyo ungkatan na lang ng karanasan sa mga obsessed fans oh!" hamon ko.

"Eto si James madami!" tawa ni Kookie.

"Anong ako, ikaw kaya!" sagot ni James. "Ang dami ngang nagnanasa sayo eh!"

RJ stood up and brought his plate to the sink. "Tama na ang kwentuhan natin. Maaga ang call time ng photo shoot natin bukas."

"Iinom lang ako pre ng isang can ng beer bago matulog," sabi ko.

"Hoy Kookie ikaw maghugas ngayon," wika ni August.

"Ako na naman," napapakamot sa ulong reklamo niya.

"Hindi ka naman tumulong sa pagluluto ah," katwiran ni August.

"Si Jin lang naman halos nagluto ah," sagot ni Kookie.

"Don't worry simula bukas si Ms. Yura na gagawa niyan para sa atin. Kasama yan sa trabaho niya na uuwi lamang siya kapag tapos na tayong makapag dinner at magpapahinga na," balita ni RJ.

"Mabuti naman," sabi ni Hope. "Kasi pagminsan kahit pagod na pagod na tayo, kailangan pag magluto at magligpit imbes na nagbabawi na tayo ng tulog."

"Si Ate Yura na lang bukas ng umaga ang maghugas niyan!" protesta pa rin ni Kookie.

"Si Jin natutuwa din yan kasi mas madadagdagan time niya sa paglalaro ng online games," wika ni Vince.

"Hindi pa tayo nakakasigurado, paano kung hindi masarap magluto?" sagot ko.

"Yun lang," kamot sa ulong sambit ni August.

"Siguro naman marunong magluto yun kasi may asawa na eh. Imposible namang hindi niya ipinagluluto ang asawa niya," sabi ni RJ.

Chương tiếp theo