webnovel

CHAPTER 13

JIN POV

"Ms. Yura, mukhang malakas ang kapit at koneksiyon mo kay CEO Gun ha. Paano ka nakapasok bilang assistant manager nang ganun-ganun na lang? Tapos sa DVX ka pa talaga inilagay," prangkang kompronta agad ni Manager Bong pagkaalis na pagkaalis ni Mr. Gun.

She was taken aback by the question pero ilang saglit lang ay idinaan ulit sa ngiti ang narinig. "Yung pinsan ko at si Mr. Gun ay magbestfriend noong araw. Magkaklase sila nung high school. Mr. Gun was a family friend kaya siguro hinanapan niya na lang ako ng paraan para mabigyan ng trabaho." Tinakpan niya ng kamay ang bibig at mahinhing tumawa. "Ikaw naman! Bakit naman ganyan kayo mag-isip Manager Bong? Kung malakas ang kapit ko kay Mr. Gun hindi ba dapat nasa main office ako ng Fyne at merong magandang posisyon? Ganun ba kaprestihiyosa ang trabaho ng isang assistant manager na kailangan mo pa ng malakas na kapit? Sa pagkakaintindi ko ay pinagandang pangalan lang ito ng isang alalay."

Natameme si Manager Bong sa pagkakabara sa kanya. Nagkatinginan kami ni RJ. Mukhang parehas kaming natatawa sa isipan. This is her second strike. She really knows how to hit the spot without telling you she hit it.

"Dahil binanggit mo na rin kung anong klase ang trabaho mo. Dapat hindi ka gaanong concious sa hitsura mo. Hindi porket sikat na mga celebrities ang kasama mo ay dapat lagi ka na ring postura," ani Manager Junu.

"I-I don't get what you're saying?" she asked looking confused,

Tiningnan siya ni Manager Junu mula ulo hanggang paa. "I'm referring about your clothes. Dapat simple lang lagi ang kasuotan mo at hindi agaw atensiyon."

Lumaki ang mga mata ni Ms. Yura at litong tumingin sa kanyang damit. "A-Anong mali sa damit ko. Hindi ba ito simple? Malinaw na malinaw na sinabi sa akin ni Mr.Gun na dapat comfortable clothes like shirt, jeans and sneakers. That's what I'm wearing now."

"Oo nga pero tingnan mo naman yang t-shirt mo, Balenciaga. Ang pantalon mo D&G, yang sneakers mo Gucci. Lahat branded. Magtataka ang makakapansin niyan kung paanong ang assistant manager ay halos parehas lang ang halaga ng damit sa damit ng mga artists."

Asiwang ngumiti siya at hinaplos ang kanyang T-shirt. "Ah... actually these are my precious clothes. Regalo ang mga eto sa akin. Pinili ko talagang isuot ngayon. Unang araw nating magkakakilala kaya gusto kong maging presentable at mag-iwan ng magandang impression but don't worry simula bukas magsusuot na ako ng murang damit." She suddenly look confused again. Lumingon siya sa amin ni RJ. She approached us quickly and leaned her face toward RJ. "Gaano ba kamura ang sinasabi nilang simpleng damit?" she whispered.

Nagulat si RJ sa di inaasahang pagtanong sa kanya but he answered nonetheless. "Twenty dollars or less maybe?"

"Dati ba nagsusuot ka din ng ganyan kamurang damit?"

"Yes, I wasn't born from rich family."

"Ahhh okay... thank you," she smiled without moving her face away from him kaya napakurap at napalunok ang aking kasama. She returned to her normal posture but she continued looking at RJ and me. "Bakit andito pa kayo? Dapat nagpapahinga na rin kayo kagaya ng mga kasamahan niyo." She quickly changed her tone like an older sister.

"Si RJ ang leader at si Jin naman ang pinakamatanda sa grupo. Kung may concern ka about the misbehaviours of members you can ask their help," wika ni Manager Eric.

She gave me a bigger smile. "Oh so you're the eldest. Actually, you look young compare to other members," she casually remarked.

"Ms. Yura let's not act too comfortable with them yet. Be careful with your tone. You are not in the same level so you better know your place," sita ni Manager Bong.

"Okay lang Manager Bong," sabi ko. "Thank you for the compliment Ms. Yura," I slightly bowed at her.

"Don't thank me. It's not a compliment, it's a fact," she responded with poker face.

Whoa. Savageness.

Chương tiếp theo