Chapter 15
- Arabella's POV -
Nasa byahe na kami ngayon at pauwi na kami ngayon. Sila kuya ay kasama pa namin. Yung kuya ko lang, at yung girlfriend nya. Hindi na kasi nya pinasama sa van yung tatlo kasi madami na kami.
"Alam nyo, let's do this again next week." Sabi ng Girlfriend ni Kuya.
"Sige. Pero hindi ka na kasama. Ang ingay mo kasi." Sabi ni Brigitte at inirapan ang ate nya.
"Tumahimik ka nga." Sabi naman ng ate nya at kinurot pa sya sa tagiliran.
"Hindi ako sigurado. Baka kasi maging busy ako this week. Inaasikaso ko kasi yung mga papeles sa paglipat ng pangalan ni Bell yung mga ari-arian namin." Sabi naman ni Kuya.
"Kung ganon, hindi ako sasama kapag hindi ka kasama." Sabi naman ng girlfriend ni Kuya.
"Ate, ano ba? Tumigil ka nga. Ang sakit sa mata." Mataray na sabi ni Brigitte.
"Mas masakit ka nga sa mata kapag naglalandian kayo ni papa Levi, ehh." Biglang sabat ni Reggie. Sinamaan naman sya ng tingin ni Brigitte.
"Ayan kasi." Pang-aasar ni Anna sa kanya.
"Dito nalang kami." Biglang sabi ni Kuya.
"Bakit?" Tanong naming apat.
"Dito na kasi ang bahay namin." Sabi nya tapos binuksan na nya ang pinto. "Sasama ka pa ba, babe?" Tanong nya sa girlfriend nya.
"Hindi na. Pauwi na din naman si Brigitte, ehh." Sabi nya tapos kumaway nalang kay kuya.
"Ingatan nyo yung mapapangasawa ko, ha?" Sabi nya sa amin.
"Paano si Bell?" Tanong ni Brigitte.
"Shempre kasama din sya." Sabi nya tapos humalik sa akin tapos sa girlfriend nya pagkatapos ay umalis na agad kami. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa bahay.
"Dito ang bahay nyo?" Tanong ng girlfriend ni Kuya.
"Obvious ba? Hihinto ba tayo dito kung hindi nila bahay to?" Mataray na sabi ni Brigitte sa ate nya.
"Hala! Pabida ka, sis? Di ikaw ang kausap ko." Mataray din sa sabi nya.
"Sige, bababa na ako." Sabi ko. Nang makababa ako ay kumaway muna ako sa kanila at pinanood muna silang makaalis bago ako pumasok sa loob.
"Ate!!" Malakas na sigaw ni Martin ng makapasok ako. Mabilis itong lumapit sa akin at yumakap.
"Haha. Martin, amoy pawis pa si Ate." Natatawang sabi ko. Agad din naman syang bumitaw sa akin. "Sige na, maglaro ka nalang ulit dyan. Maliligo lang ako saglit." Nakangiting sabi ko tapos kumaway muna sa kanya bago ako pumunta muna ng kusina para uminom.
Nang makarating ako sa kusina ay naroon din si Heaven. Nag-iwas sya ng tingin tapos bumalik sa ginagawa nya. Ako naman ay kumuha ng tubig at mabilis kong ininom iyon dahil nauuhaw na talaga ako. Paalis na sana ako ng biglang magsalita si Heaven.
"A-Ahh, Bell..." Mahinang tawag nya sa akin. Agad naman akong humarap sa kanya.
"Ano yon?" Tanong ko.
"Pwede ko bang tanungin kung sino yung lalaking kasama mo kanina?" Tanong nya na parang nahihiya.
"Sinong lalaki?" Kunot-noong tanong ko.
"Yung mentor mo sa GYM." Sagot nya. Nag-isip ako kung sinong mentor at naisip kong baka yung apat yung nakita nya. Sila lang kasi yung kasama ko sa ring kanina. Nakita ko din kasi sya at yung mga kaibigan nya kanina.
"Sino sa apat?" Tanong ko pa.
"Yung nakagreen yung shorts." Sabi nya. Nag-isip ulit ako at nalala kong si Ryan ang nakagreen kanina.
"Si Ryan yon." Sagot ko.
"Ahh, ok." Sabi nya tapos nauna pang umalis sa akin. Nagulat ako dahil sa naging kilos nito kanina. Parang namumula din ito.
"Ano kayang nangyari doon?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin parin sa dinaanan ni Heaven.
"Nangyari kanino?" Biglang may nagsalita sa kung saan at nakita ko nalang si Dad na nasa tabi ko na. Umiinom ng kape.
"Dad, kanina ka pa po ba dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo. Ang lalim kasi ng iniisip mo, ehh." Natatawang sabi nya. "So, sino yun?" Tanong nya pa sa akin.
"Kanina po kasi magkausap kami ni Heaven." Sabi ko.
"Nag-away nanaman ba kayo?" Tanong nya sa akin sabay higop sa kape nya.
"Nagtatanong po kasi sya tungkol doon sa kaibigan kong si Ryan. Tapos parang may masama pa sa pakiramdam nya kasi namumula sya at nautal pa." Sabi ko.
"Sige, kakausapin namin sya mamaya ni Tita Made mo." Sabi nya.
"Maliligo lang po ako, dad." Paalam ko.
"Sige." Sabi nya. Umakyat na ako tapos agad akong naligo dahil nanlalagkit na din ako. Habang naliligo ako ay naisip ko yung nangyari kanina kay Heaven.
'Hindi kaya may gusto sya kay Ryan?'
"Hindi ako papayag. Hindi ko hahayaang masaktan nya ang kapatid ko." Sabi ko sa sarili ko tapos mabilis nang tinapos ang pagligo ko.
- Heaven's POV -
Nasa kwarto ako ngayon habang naglalaban ang ulo ko kung hahanapin ko ba ang pangalan ni Ryan. Gusto ko kasi syang makausap pero hindi ko alam kung bakit.
Napabuntong-hininga nanaman ako dahil masyado na akong naguguluhan sa sarilii ko. Unang beses ko palang syang nakikita pero parang gusto ko na ulit syang makita.
"Heaven?" Biglang sulpot ni Daddy. "Can I come in?" Tanong nya.
"Sure." Sabi ko tapos umayos ng umupo. Pinanood ko syang makaupo tapos dumating din si Mommy. "May problema ba, dad?" Tanong nya.
"Are not feeling well?" Biglang tanong nya kaya tumingin ako kay Mommy.
"Sabi ng Dad mo, kausap mo daw si Arabella kanina. Napansin daw ni Arabella na namumula at nauutal ka, may sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.
"I'm fine, mom." Sabi ko sa kanya.
"Are you sure?" Tanong ni Dad.
"Hmm." Sabi ko tapos tumango.
"Sige, bumama ka na maya-maya, ha? Kakain na tayo ng lunch." Sabi ni Mommy tapos lumabas sila ng kwarto ko. Ako naman ay wala sa sariling hinawakan ang laptop ko at sin-earch ang Ryan. Nagulat ako ng lumabas agad ang pangalan nya.
Pinindot ko iyon at lumabas agad ang marami nyang pictures. Sinubukan kong mag-scroll pa pababa pero puro litrato nya lang talaga ang naroon. Muhkang hindi din sya madalas magbukas ng social media dahil matatagal na lahat ang mga ito.
Naghanap pa ako ng iba at may nakita ulit akong isa pang account. Yon na siguro ang totoong account nya dahil kahapon lang ang huling litratong naipost sa account na yon. Nag-scroll ako pa baba at nakita ko ang trabaho nya.
"Artista pala sya..." Sabi ko sa sarili ko. "Kaya parang pamilyar sya sa akin." Sabi ko pa. Nag-scroll pa ako pababa at may nakita akong picture ng isang babae. Nakauniform ito na parang sa uniform namin at nakangiti habang nakatingin kay Ryan.
'Beautiful gift from god'
Sabi doon sa post. Muhkang itin-ag lang din sya dahil silang dalawa ng babae ang naroon at parang eni-dit pa ang picture na yon. Bigla ay nakaramdam ako ng kirot sa hindi malamang dahilan.
'D*mn that smile.'
This time, sya na mismo ang nagpost. Hindi ko alam pero paranmg maluluha ako dahil lang s isang litrato. Doon ko lang din nakilala ang babaeng nasa mga larawan. Walang iba lang kung hindi ang hafl sister ko.
"Are they dating?" Tanong ko sa sarili ko. Bumuntong-hininga ako at tumingala para pigilan ang luha ko. Kasabay naman non ang biglang pagkatok ng kung sino.
"Heaven?" Biglang sulpot ni Arabella.
"What do you want?" Agad kong tanong.
"Gusto ko lang humingi ng favor." Sabi nya kaya napakunot ang noo ko.
"Favor for what?" Mataray ko pahng tanong.
"If ever man magkita kayo ulit ni Ryan, pwede mo ba syang layuan?" Tanong nito dahilan para mag-init lalo ang ulo ko.
"Bakit? Kasi ayaw mong maagaw sya?" Mabilis at galit kong tanong sa kanya.
"Anong maagaw?" Tanong nya.
"Wag ka na ngang painosente. Alam kong ayaw mo akong lumapit sa kanya kasi boyfriend mo si Ryan!" Hindi ko na napigil ang luha ko dahil sa sakit na parang trinaydor ako.
"Anong... Anong girlfriend? Heaven, wala kaming relasyon ni Ryan. Kaibigan ko lang yun." Paliwanag nya.
"Then, why are you asking me a favor to stay away from him?" Tano9ng ko nanaman.
"Heaven, kahit na hindi tayo close. Ayaw parin kitang masaktan dahil kapatid kita. Ayokong maloko ka ni Ryan dahil wala pa syang siniseryoso at ayokong mapabilang ka sa mga babaeng iniwan at pinaiyak nya lang." Sagot nya dahilan para matahimik ako. "Kaya please. Layuan mo si Ryan dahil ayokong masaktan ka lang ng g*go na yon." Sabi nya tapos lumabas na sa kwarto ko.
Ako naman ay naguilty at naawa din sa sarili ko dahil sa harap pa ako mismo ni Arabella umiyak na parang batang inagawan ng candy. Bumuntong-hininga ako tapos pumasok ng banyo para maghilamos.
- Devin's POV -
"Grabe, noh? Magkapatid pala ang dalawang yon." Sabi ni Kyle na parang hindi parin makapaniwala.
"Well, sa totoo lang. Magkamuhka naman talaga sila ni Bell, ehh. Hindi lang talaga natin napansin." Sabi ni Noah.
"Nalaman ko ding ngayon na may kapatid pala si Brigitte." Sabi naman ni Levi.
"Oo nga, ehh. Grabe ang ingay nila kapag pinagsama sa iisang lugar." Reklamo naman ni Kyle.
"Shut up, Kyle." Sabi nya tapos umiling-iling.
"You don't look surprised?" Biglang sabi ni Noah sa akin.
"Because, I already know it before you guys." Sabi ko.
"What?!" Gulat na tanong nila sa akin. "How?!"
"kuya, and Arabella's big brother is bestfriends. Nung once na bumisita sila, kasama nila si Bell at pinakilala sa amin as her younger sister." Sabi ko.
"Edi, may bago ka nanamang natutunan kay Bell?" Tanong nya.
"Oo." Sagot ko. Nakita ko lang silang ngumisi na parang nanunukso pero hindi ko na sila pinansin.
- To Be Continued -
(Fri, July 16, 2021)