"Who?" Tanong ko saka napaangat ang tingin.
"Ikaw. Gusto ka daw makausap ni Eisha at ni Leigh." Sabi ni Maxson saka sumipsip ng juice at umupo sa couch. Napaangat naman ang kilay ko.
"Ngayon na?"
"Oo. Nasa labas sila."
"Okay." Tumayo ako saka napahinto at napatingin sa kaniya. "At kelan naman kayo naging first name basis?"
Ngumisi lang siya saka nagkibit balikat. Pumunta na ako sa labas at nakita sina Lieutenant sa labas. Napangiti sila ng makita ako.
"Hello, Nyssa." Bati nila.
"Uh, medyo weird na nandito kayo ngayon. May problema ba?" Tanong ko. Ngumisi naman sila saka hinila ako palapit.
"Nabalitaan namin yung tungkol sa sinabi ni Captain Zeid kahapon ah. Wife pala ah." Pang aasar ni Eisha at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Umiwas iwas naman ako.
"W-What? Teka, ginawa niya lang naman yun para tigilan na siya ng mga babaeng humahabol habol sa kaniya. Ginawa pa akong pamalit sa asawa niya noon. Tsk." Sambit ko.
"But it's a progress. HAHAHA!" Eisha
"Ano? Anong ibig mong sabih--"
"Wala wala! Pero hindi kami nandito dahil doon. Nandito kami para yayain ka kung gusto mong sumama sa outing namin next week! Wag kang mag alala, ilang captain lang ang sasama at ilang lieutenant lang din dahil nga busy yung iba." Sabi ni Eisha saka binulungan ako. "Alam mo bang sasama si Captain Zeid?"
"Eh ano naman ngayon? Hayys. Gusto niyo ba talaga akong sumama?"
"Oi, Oi! Wag mong sasabihin na hindi ka sasama kapag kasama si Captain Zeid?" Tanong ni Leigh.
Parang ganon.
"Fine. Sasama ako. Pero wag niyo lang ako asar asarin kay Captain Chen. Hindi porque--"
"YEYYY! Alright, sasama ka sa amin ngayon mag shopping!" Sumigaw pa sila dahil sa excitement at para ba akong dinakip ng sampung kabayo ng hilahin nila ako paalis sa hotel.
Naku naman.
Mukhang sasakit ang ulo ko kasama ang dalawang to. At anong shopping ang pinagsasabi ng mga ito?
Napabuntong hininga na lamang ako at sumama. Kesa naman kaladkarin pa nila ako--na hindi malabong mangyare lalo pa't magkasundo sila at parehong may sirang turnilyo.
Nakarating naman kami sa isang shop. Napakurap ako ng marealized na nasa bilihan kami ng swimsuit. So sa beach kami mag a-outing? Akala ko naman picnic lang o ano. Kasi diba kasama si Zeid? Eh kahit noon naman hindi sumasama iyon sa mga ganito. Lalo na kapag sa beach ang usapan. Unless hindi niya alam ang lokasyon at mangyayare sa outing na ito tulad ko.
Humarap naman sa akin si Lieutenant Leigh saka ngumiti.
"Dahil medyo magulo mamili ng mga swimsuit si Eisha, tayong dalawa na lang ang magsama. Tutulungan kita." Aniya saka humagikgik pa.
"Hindi. Meron na ko." Sabi ko saka humugot na lang sa tabing rack kahit hindi ko pa naeeksamen ang nakuha ko. Dalawa kaming napatingin sa nahugot ko. Ngumisi naman ako ng makitang isang one piece iyon. Ngumuso naman siya at umiling.
"Hindiiiii! Tara, dito tayo sa parteng ito." Aniya saka hinila na ako. Agad ko namang naisabit pabalik ang hawak kong swimsuit kanina at nahila na niya ako papunta sa parteng... madaming two piece.
Two piece.
Napailing naman ako. Kahit naman puro sexy ang mga dress ko at mga sinusuot ko, sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakasuot ng two piece.
Pumili siya ng dalawang two piece at pinakita sa akin. Ang isa ay kulay black at ang isa ay kulay red.
"Saan ang gusto mo?" Tanong niya at ngumiti.
Wala! Pero... nakikita ko ang mata niya na para bang nagbabanta sa akin. Napabuga na lamang ako ng hangin at tinuro ang isang pares ng two piece na kulay itim.
"OKAY!" Masayang sabi niya saka nagtanong ng size ko. Sinabi ko naman kaya nagsabi din siya sa saleslady kung may size na ganon at kung ano ano pang hindi ko na pinakinggan. Hinintay ko na lamang sila sa may couch at nagbasa ng libro na nasa ibabaw ng maliit na mesa.
Ilang minuto rin ang tinagal nila bago natapos. Sa totoo lang, si Eisha talaga ang nagpatagal.
Pagkalabas namin ay dumiretso naman kami sa isang kainan para kumain dahil ginutom na kami. Nagkwentuhan kami ng mga bagay bagay at madami din silang kwento tungkol sa training days nila sa akademya.
"Ikaw naman, Nyssa. Hindi ba't magaling ka makipaglaban? Nag aral ka ba sa akademya ng Saido o nagtake ka ng special class tulad ng ibang mga tao na myembro ng noble families?" Tanong ni Eisha saka kumagat sa tinapay niya.
Uminom muna ako ng tsaa bago sumagot.
"Nag aral ako sa akademya ng Saido. Sabay kami ni Maxson."
"Oh si Maxson! Naging magkaklase ba kayo?" Tanong naman ni Leigh.
"Oo. Magkaklase kami."
Napatango tango naman sila.
"Naging mag... magkasintahan ba kayo ni Maxson?" Nanlalaki ang mata na tanong ni Eisha na dahilan upang muntik ko ng maibuga ang tsaa. Ano?!
"Hahaha! Napaka imposible nyan. Napakababaero ni Maxson pero off-limits ako. Although medyo ipinaglalapit kami ng mga parents namin pero hindi talaga pu-pwede. Magkaibigan lang kami ni Maxson. Alam niya din iyon." Sagot ko.
Sabay silang napatango tango at para bang nabunutan ng tinik sa leeg.
"Siya nga pala, ang detalye ng outing... Mmm, naiset kasi iyon bukas eh. Iyong mga pagkain na madali lamang iluto ay lulutuin doon... Sa beach. May beach house naman doon.. At iyon namang iba ay magdadala kung sino ang gustong magdala." Eisha
Doon na nga nagsimula ang paguusap namin tungkol sa outing. Matapos naming kumain ay umalis na din naman agad kami at pumunta muna sa mga pwedeng tambayan. Nang mag aalas singko na ay umuwi na din kami. Napakamot naman ako sa batok. Mukhang magiging maingay at magulo ang araw ko bukas.
---
KINABUKASAN
Nandito na kaming lahat sa beach. Dala ang napakaraming pagkain. Sa totoo lang, mukhang hindi namin mauubos pero... hindi natin alam. Baka may ala-balyena kung kumain dito.
Hindi kami sabay sabay dumating sa beach dahil may kanya kanya kaming sinakyan. Nakisakay lang naman ako kina Eisha at ang iba ay nauna na gamit ang mga karwahe nila. Ang iba, tulad nina Zeid at Lieutenant Ren ay dumating ng pinakahuli. Hindi sila nakasabay sa amin eh.
Ngayon nga ay inaayos na namin ang lahat sa beach house. Hindi gaanong mahaba ang beach. Sakto lang at kami lamang ang mga tao dito pati na din ang care taker.
Matapos naming mag ayos ay agad akong umupo sa couch.
"Eyyy, Nyssaaaa~" Parang siraulong sabi ni Captain Masashi saka umupo katapat ko. May hawak siyang bote ng sake at ngumiti sa akin. Hindi pa siya mukhang lasing na lasing. Lasing lang.
"Oi, Captain Masashi. Mukhang konti pa lamang ang nainom mo ah." Pagbibiro ko.
"Ahahahahaha! Gusto mo bang sumabay? Tara uminom tayo!" Aniya saka para bang may instant baso na pumatong sa mesa. S-Saan niya nakuha yan?
"Ahehehe pasensya na pero--"
"Tatanggihan mo ba--"
"Hayys oh siya oh siya bago pa ang mahabang litanya mo Captain." Sambit ko saka uminom na ng sake kasama niya. Nagkwentuhan lang kami at sa totoo lang ay napaka interesting niyang tao. Pero tamad.
Napansin ko na wala na ang iba sa beach house at lahat sila ay nasa baybay na. Sumilip pa ako at lahat sila naka suot na ng swimsuits. Kaming dalawa na lamang ni Captain Masashi ang hindi.
"Mukhang excited silang lahat." Puna ko saka umupo ulit. Natawa naman si Captain Masashi saka tumango.
"Kita ko nga. Ahh~ nandito lang naman ako dahil makakalayo ako sa tambak na mga papeles sa estasyon." Aniya saka sumandal sa couch. Natawa naman ako.
"Paanong hindi tatambak, eh mukhang tamad ka namang gawin lahat." Sabi ko saka uminom.
"Alam ko, alam ko. Siya nga pala, nagkaroon na kami ng report patungkol sa totoong pakay nina Kaito sa artifact. May lead na din kami sa kung sino pa ang nasa likod ng lahat ng ito." Aniya.
Napahinto naman ako at napatingin sa kaniya. Bakit niya sinasabi sa akin to?
"Hindi ba ito dapat pribado? Bakit mo sa akin sinasabi, Captain?" Kunot noong tanong ko.
Ngumiti siya.
"Hindi ko pa naman sinasabi ang buong detalye. At saka baka may alam ka lang. Lalo na si Maxson. Tingin ko ay madami siyang koneksyon at pwedeng pagkunan ng importanteng detalye. Isa pa, nadamay ka na dito. Tama lamang na sabihin ko sa iyo ang progreso namin."
"Ikaw ang bahala." Sambit ko na napapailing.
"Hindi pa namin kumpirmado ang ibang detalye pero kapag naaprubahan na, sasabihin ko sayo." Aniya.
"Salamat, Captain. Oh siya, tutulong na ako sa kanila magluto ng ibang pagkain. Maiwan na muna kita dito, Captain." Umunat ako saka ngumiti sa kaniya. Tumango naman siya saka nagpatuloy na sa paginom. Kelan kaya siya matatapos?
Naglakad na ako palabas at nakita na nagluluto sila sa labas. Naaamoy ko ang... barbecue.
"WOIII! Nyssa!" Tumakbo papalapit sa akin si Eisha. "Bakit hindi ka pa nakasuot ng swimsuit? Magpalit ka na!" Aniya na mukhang excited pa sa akin. Napatingin ako sa mga suot nila. Two piece...
Maliban na lamang kay Captain Xu na naka one piece.
Napadako naman ang tingin ko kina Lieutenant Ren at Zeid na mukhang galing sa kabilang parte ng baybay. Nakasuot lang ng trunks si Lieutenant Ren habang si Zeid ay may suot na pang itaas. Pero naka unbuttoned ang pang itaas niya.
Napaiwas naman ako ng tingin. Nagkakasala ang mata ko.
"Hoy! Magbihis ka naaa." Pamimilit ni Eisha kaya naman napangiti ako ng medyo awkward.
"Oo na. Magbibihis na."
Nakita kong napasulyap si Zeid sa akin pero nagmadali na akong bumalik sa beach house.