webnovel

CHAPTER 17: A MEMORY?

"Tsk. Pasalamat ka at may utang na loob ako sa iyo. Kung hindi ay kahapon pa ako umalis dito at bumalik sa Saido." Iritadong sabi ko saka umupo sa couch.

Uminom ako ng tubig at bumuntong hininga.

He wants to stay here for 1 week!

Palibhasa ay wala siyang inaasikaso sa Saido kaya prenteng prente siya dito. Walang iniisip na kahit na ano maliban sa mga babae niya.

"Why don't you relax here too? Minsan ka lang naman mag travel at mag saya. Bakit hindi mo pa sulitin?" Aniya saka ngumisi.

Inikot ko naman ang mata ko.

"I don't have time for that."

"Now, you have. I'm giving you time." Aniya.

"Whatever. Just for one week. Kapag sumobra doon ay bahala ka na sa buhay mo." Sabi ko.

"Of course." Tagumpay siyang ngumiti saka tumayo na. "Papasok muna ako sa kwarto ko. You know what I mean." Aniya saka kumindat.

Wala akong nagawa kundi pagmasdan siya habang paakyat ng hagdan.

"I'll burn you, Maxson." Bulong ko saka padabog na tumayo. Lumabas na ako para pumunta sa kung saan pwedeng kumuha ng babae. Pero dahil maarte ang lalakeng iyon, dapat ay suyudin ko ang mga mukha ng ipapadala ko sa kaniya sa hotel.

Bakit ba naman kasi nagkautang na loob ako sa lalakeng iyon?

"Well, what choice do I have?" Tanong ko at saka lumabas na ng hotel. Habang naglalakad ay maraming napapatingin sa akin. Napakunot noo ako at tinignan ang suot ko. Hindi naman siguro dahil sa suot ko ano?

Hindi ko na lamang sila pinansin at dumiretso na sa isang building kung saan pwedeng kumuha ng babae. Huwag niyo na lamang akong tanungin kung saan ko nalaman ang lugar na ito.

Pagkapasok ko ay simpleng lugar lamang ang bumungad. Hindi halatang may kababalaghan ng nangyayare sa loob. Ngumiti naman ang babae sa desk na agad akong binati.

"Magandang umaga po, madam. Ano po ang maitutulong ko?" Magalang niyang tanong. Inilibot ko ang tingin ko at siniguradong walang makakarinig sa akin. Kahit papaano ay may hiya namang natitira sa katawan ko, ano. Si Maxson lang naman ang walang hiya.

Lumapit ako sa kaniya ng kaunti at mahinang nagsalita.

"Gusto kong makita ang mga babae niyo dito." Sambit ko na ikinangiti niya naman.

"Hindi ko alam na babae din pala ang gusto mo, madam." Aniya na agad ikinapula ng mukha ko. Umiling ako ng mabilis saka umiwas ng tingin.

"Huh? H-hindi sa akin! Para sa... Para sa kakilala ko." Sambit ko saka naglapag ng pera sa mesa. "Sakto na ba to?"

Tinignan niya ang nilapag ko at nanlaki ang mata.

"O-oo naman, madam! Masyadong malaki na ito." Ibabalik niya sana ang sobra pero pinigilan ko siya.

"May particular siyang gusto. Kaya naman handa akong magbayad sa pinaka-maganda, pinaka alam mo na." Nahihiyang sambit ko.

Tumango naman siya saka dinala ako sa kung saan. Binuksan niya ang isang pinto na nasa medyo likod ng bar nila. Pagkapasok namin ay bumungad ang medyo madilim na paligid. May mga energy stones lamang na nagpapaliwanag ng kaunti sa loob na mayroong iba't ibang kulay. May mga babaeng sumasayaw sa entabladong maliit na halos hubot hubad na.

Naku! Mapapatay ko talaga si Maxson.

Dinala na ako ng babae sa isang room. Sa loob ay may mga babae na nag aayos sa tapat ng salamin. Lahat sila ay nagsusukat din ng mga damit.

Napadako ang tingin nila sa amin. Sinabihan sila ng kasama ko kung anong pakay ko dito at agad naman silang naging interesado. Tumango naman ang kasama ko kaya sinimulan ko silang tignan isa isa.

"Maganda pero... hindi papasa." Bulong ko.

Paikot ikot pa ako hanggang sa mapatingin ako sa isang babaeng malakas ang confidence. Maganda siya at maganda din ang katawan. Nakangisi siya sa akin. Kaya naman tinuro ko siya kaagad.

"I want that one." Sambit ko. At doon na nga natapos ang transaksyon namin. Sinabihan ko siya na pumunta sa hotel kung saan kami nag se-stay at pumunta sa room ni Maxson. Syempre binigay ko ang info kung saang room siya at saang hotel.

Umalis na siya at ako naman ay napabuntong hininga. Hanggang ngayon ay namumula pa din ang mukha ko sa hiya.

Dahil sasama lang ang mood ko kapag bumalik ako sa hotel, nagpalakad lakad na lamang ako. Palingon lingon ako sa paligid at hindi ko sinasadyang biglaang may mabangga.

"Pasen--Captain Chen!" Bulalas ko.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Look where you're going." Cold niyang sabi.

"Sorry na nga eh." Sambit ko saka pinagmasdan siya habang papalayo.

Ang sungit naman nun.

Teka...

"Baka nag away sila ng babae niya?" Bulong ko. Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko siya.

Gusto ko lang din na magtanong sa kaniya tungkol sa bagay na bumabagabag sa akin. Pero gusto ko muna siyang sundan.

Nagtago ako sa mga pwedeng pagtaguan habang sinusundan siya. Nag ro-ronda lang pala siya at tinitignan ang mga nakaduty na squads. Pero maya maya ay naglakad na siya papunta sa kung saan. Sinundan ko pa din siya.

Pumasok siya sa isang gate. May dalawang guard sa labas kaya naman nagtago muna ako sa likod ng puno. Nakalagay ang apelyido nila sa gilid ng wall.

"Chen. Dito pala siya nakatira? Mmm.."

"Anong ginagawa mo dito?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may marinig na boses sa likod ko. Napalingon ako at nakita si Lieutenant Eisha na may dala dalang malaking scroll. Nakatingin siya sa akin na may bahid ng pagtataka sa mukha. Alanganin naman akong ngumiti.

Nakakahiya naman kung sasabihin ko na sinundan ko si Captain Chen!

"W-wala! Napadpad lang ako dito. Naisip ko kasing maglibot." Sagot ko.

Napakurap siya at ngumiti.

"Oh! Ganon ba? Itong bahay na yan, sa Chen Clan." Aniya saka tinuro ang bahay nina Captain Chen.

"A-ah.. Mukhang malaki ang bahay nila ah." Nasabi ko na lang.

Hindi ko naman alam isasagot ko eh!

"Mmm, may sasabihin ako sayo." Lumapit siya sa akin at bumulong sa tenga ko. "Sa byernes, malalaman na namin ang susunod na mapapangasawa ni Captain Chen."

Napakunot noo naman ako.

"Susunod?"

"Oo. Pangalawang asawa niya na. Pero hindi pa naman sila ikakasal. Sa byernes pa. Biglaan lang ito at hindi rin namin kilala ang babaeng papakasalan niya. Pero ang alam ko, galing na naman daw ulit sa Hong Clan." Paliwanag niya. Hinihinaan niya ang boses niya kaya naman lumapit pa ako ng konti. Para namang may kung anong kumukuha ng interes ko.

"Nasaan na pala ang nauna? At ano ang Hong Clan na iyon?" Tanong ko na naman.

Sa huli ay napaupo na lamang kami sa damuhan sa ilalim ng puno at kinwento niya ang lahat sa akin. Nalaman ko na namatay na pala ang unang asawa ni Captain Chen. At para mapanatili ang matatag at mapayapang na relasyon sa pagitan ng Chen Clan at Hong Clan, naisipan nilang bigyan ulit ng asawa si Captain Chen. Wala na namang nagawa ang Captain dahil nakasalalay dito ang buong clan nila.

"Napakalungkot naman ng buhay niya. Kaya pala napaka seryoso niyang tao." Sambit ko.

Napatitig sa akin si Lieutenant Eisha at ngumiti. Isang ngiting hindi ko maipaliwanag. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anong tingin mo kay Captain Zeid?"

Napakurap ako dahil sa tanong niya. Hindi ko talaga alam ang isasagot ko pero...

"Tingin ko... ang weird niya? Bukod doon, tingin ko napakatatag niyang tao. Kung sino man ang pangalawang mapapangasawa niya, hinihiling ko na lang na alagaan siya nun at mahalin. Ganon lang." Sagot ko saka umiwas na ng tingin. Tumayo ako at umunat. Tumayo na din siya at inakbayan ako.

"Parang yan din ang sasabihin ng unang asawa niya sa kaniya." Natatawang sabi ni Lieutenant saka inangat ang scroll na dala niya. "Oh siya, aalis na ako at ibibigay ito sa leader ng Chen Clan. Mag libot ka na muna! Bye~" Paalam niya saka tumakbo na papunta sa gate ng bahay nina Captain Chen.

Tumalikod na ako at napahawak sa dibdib ko.

Bakit parang... parang nalulungkot ako?

---

Umupo ako sa tabi ng puno saka binato ang bato na nakuha ko.

AYAW MAWALA SA ISIP KO ANG SINABI NI EISHA!

Lungkot.

Yan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam!

Umiling ako at huminga ng malalim.

"Kailangan ko lang mag meditate at mawawala na to lahat."

Nag indian sit ako saka pumikit. Huminga ako ng mahinahon saka nag isip ng magagandang bagay. Ilang minuto pa ay napakagaan na ng pakiramdam ko.

Dumilat na ako at tumingin sa magandang tanawin sa harap ko. Nasa tapat ako ng ilog. May daungan ng maliliit na bangka sa ibaba.

Kumulo naman ang tiyan ko kaya napakamot ako ng ulo.

"I guess I have to eat something."

Tumayo na ako para pumunta sa pwedeng makainan. Habang naglalakad ay may biglaan na lamang pumasok sa isip ko.

"Captain Chen!"

Agad namang lumingon si Captain Chen at nakita ang isang babae na hindi ko maaninag ang mukha. Tumakbo iyon palapit sa kaniya at may inabot na baunan.

"Niluto ko yan para sayo. S-sana magustuhan mo." Sambit nung babae. Tinignan lang ni Captain Chen ang dala niyang baunan saka tumalikod na. Hindi man lang tinanggap ang binigay noong babae.

"Don't talk to me. Don't come near me." Sambit lamang ni Captain Chen bago nakalayo. Tinignan lang siya ng babae habang palayo siya. Ngumiti ang babae pero ramdam ko ang lungkot niya.

"S-susubukan ko ulit sa susunod." Sabi niya sa sarili saka naglakad na din palayo.

Napahawak ako sa ulo ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Ano ang alaalang iyon?

S-Sino ang babaeng iyon?

Chương tiếp theo