webnovel

Tinaguan

C5. Tinaguan

"WHERE'S SUZETTE FUENTES?"

"Ah... Hindi namin alam Lourd eh. Baka umalis?"

"Kaya nga. Nagtatanong ako sa inyo kung alam niyo ba kung saan siya umalis?"

"Hindi nga namin alam."

"Why?"

"..."

Umirap ako.

Hindi ko man nakikita, alam kong nakatulala na ngayon ang mga kaibigan ko sa lalaking naghahanap sakin ngayon. Base narin kasi sa boses ni Lourd, parang nang-aakit siya. The damn moves on fuckboys. Tsk.

"H-h-hindi nga namin alam L-Lourd." Ngayon ay mahina na yung pagkakasabi ni Marie. Sabi na nga ba! Kakasabi ko lang sa kanila na wag magpapaapekto sa lalaking yun! Piste sila.

"Ganun ba?" Ngayon, mas nakakaakit na ang boses nito. Kumulo ang ulo ko at nagtitimpi ng lumabas sa pinagtataguan ko. Pero di pwede! Ayaw ko siyang makita.

"O-oo." Sabi naman ni Justine na nautal rin.

Utal-utal pa siya!

Umirap ako.

"Sabihin ko kaya sa kanyang may dalawang boys na nagkagusto sa kanya, tiyak na mahihimatay yun." Bulong ko sa sarili.

"Osige. Salamat nalang." Narinig ko ang mga hakbang niyang papalayo. Doon lang ako nakahinga ng maluwag at lumabas sa pinagtataguan.

"Salamat naman at napalayas niyo!" Pinunasan ko gamit kamay ang noo kong pinapagpapawis dahil sa init at kaba rin na baka makita ako.

Nakita ko ang dalawa na nakatulala parin. May tumulo na nga ring laway sa bibig ni Justine. Umirap ako at tinampal ang bibig nilang dalawa na nakanganga.

"Hoy! Gising na kayo sa kahibangan niyong yan! Nakaalis na si Lourd kaya tara! Punta pa tayong canteen para kumain. Ginutom tuloy ako." Reklamo ko sabay hawak sa tiyan na kahit sa totoo lang, hindi naman ako ginutom. Gusto ko lang talaga kumain. Hobby ko kasi eh.

"Anong nangyari sa dalawa." Napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita. Lumingon ako sa likod at nakita na naman ulit si Cris at ang 'mahiwaga niyang ngipin'.

"Oh! Ba't nandito ka?" Tanong ko.

"Ako dapat ang nagtanong sa inyo niyan. Ba't kayo nandito?"

Nilibot ko ang paningin sa lugar na pinuntahan namin ngayon. Ngayon ko lang na-realize na nag stop over kami dito sa hallway ng mga SSG officers kasi nakita namin si Lourd na papalapit samin. Mabuti nalang at hindi niya kami nakita agad kaya nakapagtago pa ako.

"Ahh... may kukunin lang sana kami." Ako.

"At ano naman yun?" Si Cris.

"W-wala na siya?". Lumingon kaming dalawa kay Justine na nagsalita. Mabuti nalang at nagising rin. Haystt...

"Oo teh, kanina pa." Sagot ko.

"Sino?" Ay! Nakalimutan ko ang tungkol kay Cris.

"Ha?! Asan si Lourd?!" Napahampas tuloy ako sa noo ko nang ito ang nasabi ni Marie pagkabalik niya ng huwisyo.

"Wala na kanina pa. Para kayong tanga diyan na nakanganga haysttss." Ma-drama kong saad.

"Lourd?" Naks! Nandito pa pala siya.

"Oums." Tumango kaming tatlo.

"Teka lang, ba't ba nauuso ngayon ang 'oums' 'oums' na yan ha?" Nameywang si Cris.

Sapo noo kaming sumagot sa kanya.

"Di namin alam."

"I don't know."

"Tanong mo sa unggoy."

"Ha?" Ngumanga si Cris kaya ang nakakabulok niyang hininga ay lumipad papunta samin. Muntikan na kaming sumuka no'n at mabuti nalang, dahil sa sanay na kami, medyo naagapan na.

"Hakdog." Sabay rin namin at nilagpasan siya.

Chương tiếp theo