webnovel

Chapter 14

Hindi malaman ni Luke kung alin ang uunahin niya. Ang pwet niya bang nasaktan dahil sa pakakasalampak sa sahig ng CR, si Valerie ba na halos ay masakal na siya dahil sa pagkakayakap nito sa leeg niya, o ang sundalo niyang nasa baba na pakiramdam niya ay napisa ng dahil sa pagkakabagsak din ni Valerie sa kanya ng siya ay madulas.

"Val?" Tawag niya sa dalaga. "Hhhmmm..." Tanging sagot nito. "Okay ka lang?" Tanong niya at tango naman ang sagot ng dalaga. "Ah, eh, kaya mo bang tumayo?" Doon na tuimingin sa kanya ang dalaga at nakita nito ang hindi maipintang mukha ni Luke.

"Okay ka lang?" Biglang nakaramdam si Luke ng kakaiba ng kumilos si Valerie. Nanlaki ang mata ni Valerie ng maramdaman niya ang nasa ilalim na kangyang pang-upo at namula siyang bigla.

"Mr. Luke Villacorta!?" Tili ni Valerie na halos ikabingi ng binata. "Sorry, sorry." Sinubukang tumayo ni Valerie pero sa kasamaang palad ay muli lang siyang napaupo sa kandungan ni Luke. Napangiwi naman si Luke dahil sa nangyari at nakita iyon ni Valerie. "Sorry, sorry." Sabi niya dahil alam naman niyang nasaktan niya ang binata. Natawa na si Luke na ikinakunot ng noo ng dalaga pero maya-maya ay natawa na din siya. Pareho silang natingin sa pinto ng study room ng bumukas ito at iniluwa ang kani-kanilang mga magulang.

"Ooopppsss, nakaka-istorbo yata kami." Sabi ni Emma na pilit itinutulak palabas ang asawang si Arsenio. "Oo nga, oo nga." Sabi naman ni Lucy na hinihila naman palabas ang asawang si Damian. "Dad!" "Papa!" Sabay na tawag nila Luke at Valerie sa kanilang mga ama at lumapit naman agad ang mga ito.

.......

"May nag-leak palang tubo kaya nagkaroon ng tubig sa baba." Sabi ni Arsenio na kakalabas lang mula sa CR. "Tatawagan ko bukas ang tubero ng maayos." Sabi ni Damian na nilalagyan na ng benda ang paa ni Valerie.

"May masakit ba sa'yo iho?" Tanong ni Emma sa binata. "Naku, balae, bato-bato 'yang anak ko kaya kahit ilang beses pang bumagsak sa kanya si Valerie ay hindi niya iindahin." May nakakalokong ngiti sa mukha ni Lucy na nakatingin kay Valerie. Namula naman ang dalaga sa ibig sabihin ni Lucy samantalang patay malisya naman si Luke.

Matapos malagyan ng benda ang paa ni Valerie ay nagpaalam na ang mga Villaflores sa mga Villacorta at nagkasundo na sa susunod na pagkikita ay pupuntahan ang site kung saan itatayo ang hotel na kanilang pamamahalaan ng magkasama. Hindi pumayag si Luke na maglakad ang dalaga kahit sinabi pa nito na nabawasan na ang sakit ng malagyan ng benda. Binuhat niya ang dalaga hanggang sa sasakyan ng mga magulang.

"By the way iho, baka hindi na naman maihatid si Valerie pauwi, pwede mo ba siyang sunduin pagbalik niya next week?" Nakangiting tanong ni Emma sa binata. "Mom! Madaming trabaho si Luke. Mamasahe na lang po ako o kaya magpapahatid na lang ako..." Hindi natapos magsalita si Valerie dahil mabilis na sumagot si Luke. "Opo, Tita, susunduin ko po siya." Natuwa naman si Emma at tumingin kay Lucy na kumindat pa sa isat'isa.

.......

"Rise and shine, my bebeloves." Nangiti si Valerie sa tawag sa kanya ng ina. Halos kakagising lang niya ng pumasok ito sa kanyang kwarto. "Breakfast in bed." Sabi ng kanyang ina na hawak ang tray kung saan nakalagay ang kanyang umagahan. "Wow! Thanks, Mom!" Sabi ni Valerie sabay ayos ng upo.

"So, where are we going today?" Tumaas ang kilay ni Emma sa tanong ni Valerie. "None, dito lang tayo sa bahay." Sagot niya na kinakunot ng noo ng dalaga. "Sabi ko sa'yo Mom babawi ako 'di ba?" Sabi naman ni Valerie. "Anak, hindi naman ako sadista para ayain pa kita kung saan-saan sa ganyang sitwasyon. Dito na lang tayo sa bahay at pagluluto na lang kita ng mga paborito mo." Nakangiting sabi ni Emma. "Okay, if that's what you want. Just give me two-three days to recover and we'll do what you want." Nag-thumbs up naman sa kanya ang ina.

Busy sa pagbabasa si Valerie ng tumunog ang kanyang cellphone. Nangiti siya ng makita kung sino ang nasa caller ID.

"Hello." Bungad na sabi ni Valerie. "Hi!" Masayang bati ni Luke. "Bakit ka napatawag?" Tanong ni Valerie. "Wala naman, kakamustahin lang kita." Sagot ni Luke. "Okay naman. Eto nakakulong ako sa kwarto. Ayaw ni Mommy na lumabas eh kaya dito lang ako sa bahay." Sabi ni Valerie. "Ipahinga mo muna 'yang paa mo at 'wag mong pwersahin. Baka imbis na gumaling agad eh madisgrasya pa kapag pinilit mo." Sabi naman ni Luke. "Yes, Sir!" Nakangiting sabi ni Valerie.

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni Valerie. "Nandito ako sa Base." Sagot ni Luke. "Ang sugat mo?" Tanong ni Valerie. "Napalitan na po ng bandage dito sa clinic sa Base." Sagot ni Luke. "Talaga?" Pagkokompirma ni Valerie. "Opo, kahit tanong mo pa kay Andre. Kasama ko siya kanina." Sabi naman ni Luke. "Good." Sabi naman ni Valerie.

"Cap!" Nadinig ni Valerie ang boses ni Andre. "Copy!" Sagot ni Luke. "Val, I need to go. Tawagan na lang ulit kita mamaya." Sabi ni Luke. Kinabahan naman si Valerie bigla. "Mag-ingat ka." Nangiti naman si Luke sa sinabi ng dalaga. "Okay, bye." At naputol na ang linya.

.......

"Status report?" Tanong ni Luke. "One suicide bomber, one hostage." Sagot ni Andre. Nasa harap sila ngayon ng isang mini grocery kung saan isang suicide bomber ang nang-hostage ng isang cashier sa loob nito. "Bowie?" Tawag ni Luke sa kanilang bomb expert. "Mababang uri lang ng mga pampasabog ang nakikita ko, Cap, pero magdudulot pa din ng damage lalo sa malalapit. Hawak ng suicide bomber ang detonator." Sagot ni Bowie. "Aziz?" Tawag ni Luke. "Targeting, Cap!" Sagot ni Aziz. "Ceasar? Darwin?" Tawag ulit ni Luke. "Moving, Cap!" Sagot ng dalawa. Tumingin si Luke kay Andre at ng tumango ito ay naglakad na sila papunta sa loob ng grocery.

Nakataas ang mga kamay nila Luke at Andre ng pumasok sa loob ng grocery para ipakita sa suicide bomber na wala silang hawak na baril o kahit na ano na maaaring ikatakot nito. Naalarma naman ang suicide bomber kaya naidiin nito ang hawak na kutsilyo sa leeg ng cashier ng makita ang dalawang binata. Kalmado lang dalawa kahit nakita nila ang dugo sa leeg ng biktima. Hindi sila pwedeng magpadalos-dalos ng galaw.

"Huwag kayong lalapit. Pasasabugin ko 'to!" Nakita ni Luke ang detonator na hawak ng suspect sa kabilang kamay. "Nandito kami para maka-usap ka. Hindi kami kaaway, kakampi kami." Sabi ni Andre. "Wala na kayong magagawa! Wala na akong trabaho, iniwan na ako ng asawa at anak ko! Ano'ng pang silbi para mabuhay ako?" Sigaw ng suicide bomber. "May paraan pa. Hahanap tayo ng mapapasukan mo. Kakausapin natin ang asawa mo." Patuloy ni Andre. "Tutulungan ka namin." Dugtong pa ng binata. Lumuwag naman ang pagkakadiin ng suicide bomber sa kutsilyo.

"Aiming, Cap!" Singit ni Aziz na naka-lock na ang sniper gun sa detonator.

"Tutulungan ka namin para maayos ang lahat." Muling sabi ni Andre. Nang tuluyan ng lumuwag ang pagkakahawak ng suicide bomber sa kutsilyo ay nakakita ng pagkakataon ang cashier para makatakas. Mabilis niyang kinagat ang braso ng suicide bomber saka tumakbo ng mabilis. Kasabay nito ay pagputok ng sniper gun ni Aziz pero hindi niya tinamaan ang detonator dahil gumalaw ang suicide bomber.

"Mga sinungaling!" Nanlaki ang mga mata nila Luke at Andre. "Dapa!" Sabay nilang sigaw.

Chương tiếp theo