webnovel

Chapter 27: Welcome Back!

Date: March 14, 2021

Time: 10:30 A.M.

"Ahhhh! Namiss ko ang init sa Pilipinas! Jin, nandito na ko. Hindi na ako makapaghintay na makita ka!"

Kalalabas lamang ni Chris sa airport at pinagmamasdan ang paligid habang natutuwa siya sa mga nakikita niya. Masaya rin siya dahil alam niya na ilang oras na lamang ay magkikita na sila ni Jin at naisipan niyang sorpresahin ito.

Tinawagan niya muna si Mr. Jill—

"Mr. Jill, kamusta po kayo?"

"Sir Chris? Ikaw ba 'yan?" gulat na pagkakasabi ni Mr. Jill, "Bakit ibang number ang gamit mo?"

"Pansamantala lang 'to, Mr. Jill, 'wag niyo muna ibibigay 'yung number na to kahit kanino. Nand'yan po ba si papa?"

"Wala si Mr. A. ngayon, sa Wednesday March 17, pa siya babalik, Sir Chris."

"Okay, Mr. Jill! Pupunta po ako d'yan "

"Ngayon na? Nasa Pilipinas ka na ba?" nakangiting tanong ni Mr. Jill, "Sige, Sir Chris! Aabangan ka namin! Iluluto namin lahat ng gusto mo! Gusto mo ba sabihan ko si Sir Jin?" tanong ni Mr. Jill habang galak na galak siya sa biglaang pagdating ni Chris.

"'Wag po muna Mr. Jill. Isusurprise ko siya eh." natatawang sinabi ni Chris.

"Okay, Sir Chris! Sige at mag ingat ka pauwi. Ihahanda na namin ang kwarto at ang pagkain mo."

"Thank you, Mr. Jill!"

Binaba na ni Chris ang phone at sumakay na sa taxi papunta sa bahay nila.

Nang makarating na ng bahay si Chris, tumungo muna siya sa likod ng puno ng mangga. Nagbabakasakali na nandoon si Jin na nagtatago.

"Dito kita madalas makita, Jin. Akala ko nagtatago ka na naman." bulong ni Chris sa kanyang sarili habang napapangisi siya.

Tumungo na siya sa tapat ng gate ng kanilang bahay at pinindot na ang doorbell.

Dingdong!

Pagkabukas ng gate ay sinalubong siya ni Mr. Jill na nakangiti at galak na galak dahil nakita siya na masaya at nakangiti.

Pagpasok niya ng bahay at nang makarating siya sa living room, nagulat siya sa kanyang nakita. Nakapila at nakalinya ang lahat ng empleyado sa bahay nila at sabay sabay siyang binati.

Lahat ay nakangiti ay natutuwa sa pagbati nila kay Chris at sabay sabay nila ito binigkas.

"Welcome back, Master Chris!"

Napaluha si Chris bigla at pinipigilan niya ito kaya naman pinupunasan niya ang kanyang mga mata at nakuha pa mag biro.

"Sabi ko sa inyo 'wag niyo ko tatawaging Master Chris dahil hindi ko naman kayo mga alagad! Kayo talaga!" naiiyak na sinabi ni Chris.

Ang mga babae ay naiiyak nang makita nila si Chris na nakabalik na, dahil sobrang namiss nila ang alaga nila at mahal na mahal nila ito ng sobra.

"Alam mo ba, Sir Chris, na tuwang tuwa silang lahat nang malaman na babalik ka na dito sa bahay? Sobrang namimiss ka na ng lahat. Dito ka na for good?" tanong ni Mr. Jill.

"Hindi po, Mr. Jill, saglit lang din po ako dito, mga isang linggo. Kaya lulubusin ko na po itong oras ko. Hindi tayo pwede malungkot lahat!"

"Kung ganoon ay lubusin na natin ang pagstay mo dito. Tara na, Sir Chris, sa dining area at nakahanda na ang pagkain." bilin ni Mr. Jill.

Bago pumunta si Chris sa dining area ay kinausap niya ang lahat.

"Pwede po ba na samahan at sabayan niyo ko lahat sa pag kain?  Sa dining area po tayo lahat kumain." nakangiting request ni Chris.

Nagulat at nagtaka ang mga maid, butlers at iba pang mga trabahador sa bahay nila, ngunit silang lahat ay nakangiti at tuwang tuwa. Nauna na maglakad si Chris at pumasok na sa dining area at sinundan siya nila Mr. Jill at ng iba pa. Pagkaupo ni Chris sa kanyang upuan, napansin niya na ang lahat ay nakatayo sa harap niya at nahihiya.

"Bakit kayo nakatayo lahat d'yan? Ano, ayaw niyo po ba ako sabayan? Mr. Jill, tara na po?" pabirong sinabi ni Chris.

Nagkakahiyaan pa ang lahat habang si Mr. Jill naman ay naiyak at napa kwento.

"Sir Chris, Ngayon na lang ako nakaupo dito muli. Ang huling upo ko pa dito ay noong niyaya kami ni Ms. Agatha, dahil gusto niya ng kasabay kumain noong kasing edad mo siya. Naalala ko ang mga oras na 'yun at gulat na gulat kaming lahat." masaya na kinuwento ni Mr. Jill habang may mga luhang malapit nang tumulo sa kanyang mga mata.

Kinuwento ni Mr. Jill, habang ang iba ay naiiyak, na matagal na panahon na rin silang hindi nakakakain mismo sa dining room, dahil pakiramdam nilang lahat ay isa na lang silang mga trabahador at hindi na pinahahalagahan ang kanilang nararamdaman simula nang mawala si Agatha.

"Ano pa hinihintay niyo? Gusto niyo ba maabutan pa tayo dito ni papa?" natatawang sinabi ni Chris, "Upo na po kayo lahat!"

Lahat ay biglang nagsi-upuan at nagmadali na humanap ng kani-kanilang mga pwesto.

Nang makita ni Chris na nakaupo na ang lahat ay nagsimula na siyang kumain. Napansin niya na siya lamang ang kumakain at pinapanood siya ng lahat.

"Bakit hindi po kayo kumakain? Sayang ang niluto niyo. Namiss ko 'tong pagkain dito sa bahay! Kumain na po kayo lahat! Sige na po." masayang sinabi ni Chris habang natatawa dahil nahihiya ang lahat sa kanya.

Lahat ng mga trabahador ay tiningnan si Mr. Jill, habang si Mr Jill naman ay nakatingin kay Chris.

Nang malapit na si Chris sumubo ng isang kutsarang kanin, napansin niya na nakatingin sa kanya si Mr. Jill, kaya tumango siya at nagpapahiwatig na okay lang ang lahat.

Nagsimula na kumain si Mr. Jill at sumunod na rin ang iba pa at habang kumakain sila ay nagsalita si Chris bigla, "Namiss ko kayong lahat dito. Thank you kasi sinamahan niyo ko lahat. Thank you kasi hindi niyo pa rin pinapabayaan itong bahay namin. Mr. Jill, thank you din at alam mo na iyon."

Habang kumakain si Mr. Jill ay naluluha-luha pa siya, ngunit masaya siya para kay Chris.

"Sir Chris, ang laki na ng pinagbago niyo at kay Sir Jin ako dapat magpasalamat talaga. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ka namin makikita na ganito kasaya ulit. Hindi namin 'to mararanasan ulit." hirit ni Mr. Jill.

Pagkatapos nila kumain lahat, ay pumunta na ng kwarto si Chris. Pagpasok niya sa kanyang kwarto, natuwa siya dahil ganito pa rin ang ayos bago siya umalis at pumuntang Japan. Nakatitig lang siya sa kanyang higaan habang naalala niya ang gabi na magkayakap sila ni Jin dito at nakangiti.

"Jin, magkikita na tayo." 

Tiningnan ni Chris ang bracelet na kanya pa rin sinusuot at hindi tinatanggal na bigay sa kanya ni Jin at hinalikan ito. Habang nagmamasid-masid siya sa kanyang kwarto, may napansin siyang isang painting na tila nakatakip sa isang tela. Kinuha niya ito at tinanggal ang telang nagtatakip dito.

"Nandito na pala itong pinagawa ko doon sa painter. Akala ko hindi na naipadala dito. Hindi ko na naibigay kay Jin 'to. Ngayon, mabibigay ko na at sana magustuhan niya." nakangiting sinasabi ni Chris.

Tinitingnan ni Chris ang painting at nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ito. Ang painting na pinagawa niya ay ang picture ni Jin. Ito ay isang painting na kung saan ang kaliwang parte ay ang 6 years old na batang Jin at sa kanang parte ay ang 21 years old na mukha ni Jin.

"Kamukhang kamukha ni Jin si Sir Jon dito sa kanang part, lagyan mo lang siya ng bigote. Kamusta na rin kaya si Sir Jon? Matagal ko na rin pala siyang hindi nakikita din."

Fast forward

Date: March 14, 2021

Time: 6:00 P.M.

Nag-message si Chris kay Jin gamit ang ibang number niya.

"Hi Jin, nandito ako sa Jinny's Hinihintay ka! Ready na ko uminom at kumanta."

Nasa laboratory ang dalawang Jin at patuloy na binubuo ang time machine nang matanggap ni Jin ang message.

Nagpunas muna si Jin ng kanyang pawis at kinuha ang phone at binasa ang message.

"Hi Jin!" napasigaw bigla si Jin sa tuwa, "Sa wakas nandito na siya! Nandito na siya!"

Labis ang tuwa niya at tumatalon pa ito at excited na excited na ikinagulat naman ni Jon.

"Oh? Sino naman 'yan? Ang saya mo masyado ah? Napapatalon ka pa ah?" asar ni Jon.

"Bumalik na siya! Si Chris! Nandito na siya!" masayang binalita ni Jin.

"Whaaat! Nandito na si Chris?"

Tila nagulat si Jon at hindi niya alam ang mararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa siya na nandito na si Chris, o kakabahan dahil bumalik ito malapit sa araw ng kanyang pagkamatay.

"Bakit parang hindi ka masaya d'yan? Gusto mo sumama? Nasa Jinny's siya ngayon." tanong ni Jin.

"Hindi na, ayoko kayong guluhin. Masisira lang ang moment niyo. Sige na, puntahan mo na si Chris. 'Pag may nangyaring hindi maganda, tawagan mo agad ako! Sige na, Magpalit ka muna! Pagwapuhin mo muna sarili mo! Ang dumi mo! Baka mandiri si Chris sa atin niyan!" biro ni Jon.

Agad pumunta sa kwarto si Jin at nagpalit ng damit.

"Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. Isang linggo na lang ang natitira. Kailangan masiguro ko na ligtas si Chris! Ito na ang pagkakataon ko, kung hindi, masasayang ang pagstay ko dito. Salamat sa matandang Jin na nakilala ko, at alam ko kung saan ko hihintayin si Chris!" sinabi ni Jon sa kanyang sarili habang nakatitig siya sa time machine sa kanyang harapan.

Masayang bumalik si Jin sa bahay at pinuntahan niya si Bullet upang kargahin ito.

"Bullet, nand'yan na 'yung isa mo pang daddy! Bumalik na siya!" sinabi ni Jin kay Bullet habang hinahalik-halikan niya ito.

"Meow!" sagot ni Bullet.

Habang karga ni Jin ang alaga niyang pusa, nakatingin lamang sa kanya ito, kaya nakatitig lang siya sa mga mata nito pabalik. Dahan-dahang nag blink ang mga mata ni Bullet, na siyang ginawa rin ni Jin pabalik.

Alam ni Jin na pag tumingin ka sa mga mata ng pusa at  pumikit ito sa'yo ng dahan-dahan, ay isang sign na 'yun ang kiss ng mga pusa, kaya ibinalik niya din ito kay Bullet.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Habang hinihintay ni Chris si Jin sa Jinny's hawak ang painting na ibibigay niya, naabutan siya ni Jinny at pinuntahan siya nito sa table kung saan lagi siya nakaupo at ang favorite spot niya.

"Chris! Nakabalik ka na pala?" bati ni Jinny kay Chris.

"Ms. Jinny! Kamusta po kayo? Namiss ko po 'yung food niyo dito kaya ito agad ang unang lugar na pinuntahan ko."

"Aba naman talaga itong batang 'to marunong na mambola! Ay oo nga pala, Gusto mo kumanta? Maraming naghahanap sa'yo dito! May mga fans ka na nga!" natatawang sinabi ni Jinny, "Tinatanong nila kung kailan ka daw babalik. Narinig nila Jin 'yun at wala silang nagawa kung hindi palitan ka kumanta! Nako! Nung kumanta sila, pinatigil ko na agad! Baka mawala pa mga customers ko! O siya, Iseset up ko na yung stage ah? 'Yung food mo, ako bahala! Sagot ko na 'yun! Umupo ka lang dyan at magrelax at kantahan mo lang kami  mamaya!"

Umalis na si Jinny at pumasok na ito sa kitchen. Dahil wala pa si Jin, nakatingin lang si Chris sa view ng ilog at tinatanaw ang paglubog ng araw. Habang nakatingin siya dito ay may humawak sa balikat niya. Napalingon siya sa taong humawak sa kanyang balikat nang nakangiti at iniisip na si Jin na ang dumating. Pagkatingin niya ay nakita niya si Rjay na nakatayo.

"Bumalik ka na pala." seryosong sinabi ni Rjay.

Ang mga ngiti ni Chris ay unti-unting nawala nang makita niya si Rjay.

Umupo si Rjay sa harap ni Chris at kinausap niya 'to.

"Bakit ka bumalik, Chris?"

"Kasi... kasi gusto ko makita si Jin."

"Hindi mo ba alam na sa ginagawa mong 'yan, Mapapahamak si Jin!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa'yo nakasalalay ang buhay ni Jin! Hindi mo alam ang kayang gawin ni Mr. A.! Pwede niyang mapatay si Jin at iuutos niya lang 'yun! Gusto mo bang mawala siya? Hindi ka na dapat bumalik!"

Naiiyak na si Chris dahil sa kagustuhan niya lang naman na makita ulit si Jin, kahit sa isang pagkakataon at kahit saglit na panahon lamang.

"Saglit lang naman ako dito, Rjay, hindi ako magtatagal."

"Kahit na! Alam mo ba 'pag nalaman 'to ni Mr. A., katapusan na ni Jin 'to! Maraming mata si Mr. A! Malalaman at malalaman niya na nagkita kayo!"

"Pero—"

"Walang pero pero! Kung plano mo makipagkita kay Jin, 'wag mo na ituloy. Kung gusto mo pang makita na humihinga at buhay si Jin, layuan mo siya. Tingnan mo lang siya sa malayo pero hindi mo siya pwedeng lapitan."

"Kaso—"

"'Wag ka na mangatwiran, Chris. Umalis ka na at ako ang magsasabi kay Jin na kailangan mong umalis dahil may aasikasuhin ka pa."

Nagdadalawang isip si Chris kung aalis ba siya o hindi. Pero dahil naiisip niya na baka mapahamak nga si Jin, mas minabuti niya na lang na umalis.

Malungkot at matamlay na umalis si Chris. Lumabas siya ng Jinny's at dumiretso sa backdoor ng kitchen upang kausapin si Jinny.

Hinintay lamang  ni Rjay na dumating si Jin, "Napakatalino mong tao, Chris, pero pagdating kay Jin, nagiging tanga ka." nakangising sinabi ni Rjay habang natutuwa siya sa kanyang paglalaro kay Chris.

Nagmamadali na si Jin  at tumakbo na siya habang nakangiti dahil makikita niya na rin si Chris sa tagal ng panahon. Pagdating niya sa Jinny's ay hinanap niya si Chris. Tiningnan niya ang favorite spot nila, at nakita niya na may nakaupo dito at nakatingin si ilog.

Dahan-dahang nilapitan ni Jin ang taong ito at hinawakan ang balikat at galak na galak. Paglingon ng taong hawak niya, nakita niya si Rjay.

"Rjay? Bakit ka nandito? Nasaan si Chris! Ikaw ba 'yung nagmessage sa akin? Hindi si Chris?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Umalis na si Chris. Iniwan ka na niya ulit. Ang sabi niya sa akin, ako na lang daw ang pumalit dahil natatagalan daw siya sa'yo at pinaghintay mo raw siya.  Hindi na siya tulad ng dati, Jin. Iba na si Chris ngayon. Malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya 'yung Chris na kilala natin." paliwanag ni Rjay.

"Tingin mo maniniwala ako sa'yo? Nasaan si Chris? Pinaalis mo ba siya? Nasaan siya! Chris!"

Sumisigaw si Jin at hinahanap niya si Chris, kaya na.an pinagtitinginan na siya ng mga tao na kumakain sa Jinny's.

Tumayo si Rjay at hinarap si Jin.

"Bakit mo ba hinahanap si Chris? Nandito ako, Jin! Hindi mo ba ko kayang pansinin? Hindi ba pwedeng ako na lang piliin mo? Ako 'yung nandito para sa'yo!" naiinis na sinabi ni Rjay.

"Hindi ko kailangan ng tao na pinagsasamantalahan 'yung kahinaan ko, Rjay, kaibigan kita! Kapatid ang turing ko sa'yo, pero anong ginawa mo!" nalulungkot na sinabi ni Jin.

"Pwede ba, Jin? Hindi kapatid ang turing ko sa'yo! Gusto kita! Mahal kita! Sinusuko ko 'yung buong pagkatao ko sa'yo, Jin! Hindi mo ba naiintindihan? Gagawin ko para sa'yo lahat! Bakit ba hindi na lang ako? Ako 'yung una mong nakilala, ako yung una mong naging kaibigan!" naiinis na sinabi ni Rjay.

"Hindi ko kailangan ng kaibigan na pinaglaruan ang katawan ko sa mga oras na nangungulila ako." sagot ni Jin.

"Anong pinaglaruan, Jin? Nagustuhan mo, nagpahalik ka! Nag-init ka! Anong sinasabi mo? 'Wag mo lokohin sarili mo!" naiinis na sagot ni Rjay.

Sa isang banda, nandoon sa kitchen si Chris, kasama ni Jinny at pinapakinggan ang pag-uusap na naganap. Labis labis ang kanyang pag-iyak nang marinig niya ang nangyari kina Rjay at Jin noong mga panahon na wala siya.

"Ms. Jinny, pasensya na po kayo kung dito muna ako nagtago ah? Pero hindi na po ako makakakanta mamaya. Parang hindi ko po kaya, Ms. Jinny, aalis na po ako." paliwanag ni Chris.

Umalis na si Chris sa Jinny's na balisang balisa sa kanyang mga narinig at hindi alam kung paano ito tatanggapin.

"Hindi ko inakala na maraming bagay ang pwedeng mangyari noong nawala ako. Hinalikan ni Jin si Rjay?" naiiyak na sinasabi ni Chris sa kanyang sarili habang naglalakad pauwi.

Sa kabilang banda, nagtatalo pa rin ang dalawa at nagsisigawan.

"Oo! Hindi ko napigilan ang sarili ko, pero hindi ikaw 'yung nasa isip ko nung mga panahon na 'yun! Si Chris! Si Chris ang iniisip ko at wala ng iba. Kung 'yun ang pinagmamalaki mo, dala lang 'yun ng init ng katawan, wala akong naramdaman na kahit ano sa'yo!" paliwanag ni Jin.

"Jin, please, sa akin ka na lang! Hindi kita pababayaan, aalagaan kita. Lahat ng gusto mo ibibigay ko, pati buong sarili ko ibibigay ko sa'yo! Please 'wag mo kong layuan! Hindi ko alam gagawin ko 'pag nawala ka. Ikaw na lang ang kaibigan ko dito, Ikaw na lang ang kasama ko. Ikaw na lang ang nagmamahal sa akin." malungkot na sinabi ni Rjay.

"Oo, ako na lang ang nag-iisa mong kaibigan. Pero, anong ginawa mo? Hindi ko alam, Rjay, kung paano kita mapapatawad, dahil sarili ko hindi ko din mapatawad sa nangyari. Rjay, ayoko na makita ka muna."

Umalis si Jin sa Jinny's na galit na galit at dismayado dahil imbis na si Chris ang nakita niya, si Rjay ang kanyang nadatnan. Galit siya nang makauwi at dumiretso sa kanyang kwarto na sumisigaw. 

Narinig ni Jon ang mga sigaw, kaya pinuntahan niya ito kaagad at tinanong kung ano ang nangyari.

"Bakit gano'n? Akala ko magiging masaya ang gabi ko! Hindi ko nakita si Chris at si Rjay ang nakita ko! 'Pag nakikita ko siya, naiinis ako! Gusto ko siyang sapakin pero nagtitimpi lang ako dahil kahit ganoon, kaibigan ko pa rin siya! Naiinis ako sa sarili ko dahil naaalala ko 'yung mga nangyari!" sigaw ni Jin dahil sa galit.

"'Wag mo ng isipin 'yun. Ang mahalaga, si Chris ang totoong mahal mo. nadala ka lang ng pangungulila, Jin. Minsan ang katawan natin pag nakaramdam ng init, may mga oras na hindi natin talaga 'to malabanan o maiwasan. Hindi ibig sabihin na may nangyari o naganap sa inyo ni Rjay ay binabalewala mo na ang feelings mo para kay Chris. Oo, sabihin nating hindi mo napigilan 'yung sarili mo, pero iba pa rin ang nasa isip mo Jin, si Chris pa rin. Mahina ka nung mga oras na 'yun." paliwanag ni Jon.

"Kaso nadumihan na ni Rjay ang katawan ko! 'Pag nalaman 'to ni Chris, tiyak ko mandidiri 'yun sa akin! Magagalit siya! Baka hindi niya na ko gugustuhing makita!"  sigaw ni Jin.

"Tingin mo ba gano'n kababaw si Chris? Tingin mo mandidiri si Chris sayo ng gano'n na lang? Parang hindi mo kilala si Chris? Sabihin mo nga, kailan siya huling nagalit sa'yo?" pangangatwiran ni Jon.

"Hindi pa, Wala pa, Pero malaking kasalanan 'to! Ginawa ko 'to sa taong hindi ko naman gusto! Ang malala, sa kaibigan pa naming dalawa! Hindi ka ba nandidiri sa akin?" sagot ni Jin.

"Hindi ako nandidiri sa'yo. Nainis ako sa ginawa ni Rjay sa'yo. Noong oras ko, hindi niya 'to ginawa sa akin, pero inisip ko kung bakit ginawa niya ito sa'yo ngayon. Naisip ko, na baka kasalanan din natin kung bakit nagkagano'n si Rjay at nagkaroon siya ng obsession para sa atin." paliwanag ni Jon.

Nakatingin lamang si Jin sa kanyang matandang sarili at tila naiintindihan niya ang sinasabi nito, kaya patuloy niya itong pinakinggan.

"Hindi ko naisip na sa mga biro natin sa kanya, iba na pala ang ibig sabihin para sa kanya. 'Yung mga times na pag wala siyang kasama at nandoon tayo para sa kanya, ang nasa isip ko lang ay tinuturing kong kapatid si Rjay kaya dapat samahan siya. Pero lingid sa kaalaman natin, iba na pala ang ibig sabihin noon para sa kanya. May part din sa atin na mali at iyon ang hindi natin naipaliwanag sa kanya ng mabuti kung ano ang intensyon natin. Kaya, Jin, Patawarin mo na rin 'yung sarili mo dahil hindi mo sinasadya. Hindi natin sinasadya" paliwanag ni Jon.

"Hindi ko pa kayang makita si Rjay sa ngayon. Pakiramdam ko gusto ko siyang sapakin, kaya hindi muna ngayon. Gusto ko 'pag mahinahon na ko tsaka kami mag-uusap, pero si Chris, pupuntahan ko siya ngayon sa kanila! Samahan mo ko! Puntahan natin siya." sagot ni Jin.

"Hindi pwede, Jin, hindi tayo sigurado at baka nandoon si Mr. A. at pag nagkataon, malalagot tayo at si Chris. Gusto mo ba na  may mangyaring hindi maganda sa kanya? 'Wag ka mag alala, gagawa at gagawa ako ng paraan. Magkikita kayong dalawa at hindi na kayo maghihiwalay kahit kailan... pangako." paliwanag ni Jon at lumabas na siya sa kwarto pagkatapos at iniwanan muna si Jin sa kwarto upang makahinga at makapagisip-isip.

Naalala ni Jin na nag message si Chris sa kanya gamit ang ibang number, kaya nag message siya dito.

"Chris, pinuntahan kita sa Jinny's pero hindi na kita naabutan. Sorry. Natagalan ka ba?"

Hindi nag re-reply si Chris kaya nag message ulit si Jin.

"Chris, 'wag mo naman sana ako iwasan. Galit ka ba sa akin? Tatawagan kita, sagutin mo please…"

Tinawagan ni Jin si Chris at nagring ito, ngunit hindi ito sinagot. Tumawag ulit siya sa pangalawang pagkakataon at ito ay sinagot na ni Chris, ngunit hindi nagsasalita.

"Chris! Buti sinagot mo na ang tawag ko. Kahit 'wag ka ng magsalita, pakinggan mo lang sasabihin ko. Patawarin mo ko, Chris. May aaminin ako sa'yo at may kasalanan ako na nagawa. May nangyari sa amin ni Rjay, pero hindi ko sinasadya. Nadala lang 'yung katawan ko. Pero hindi ibig sabihin na gusto ko 'yung nangyari. Pinaliwanag ko kay Rjay 'yung nararamdaman ko. Sinabi ko sa kanya na wala lang sa akin ang lahat ng nangyari. Please Chris, sana mapatawad mo ko, kasi hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa'yo kung sakaling sa iba mo pa malaman 'to.  Gusto ko na sa akin manggagaling 'to. Hihintayin ko 'yung panahon na mapatawad mo ko. Alam ko na hindi sapat na mag sorry lang ako, pero maghihintay ako, gaya nang paghihintay ko sa mga sulat mo sa akin."

Narinig si Jin  na tila umiiyak sa phone si Chris at binaba nito ang phone.

"Hindi ako galit sa'yo, Jin. Kahit kailan hindi ako nagalit. Naiintindihan ko 'yung nangyari. Pero sa ngayon, pasensya na kung hindi ako nagsalita. Tama si Rjay, mapapahamak ka lang sa akin, Jin. Gusto pa kita makita. Ayaw ko na isang araw na makita kang hindi ka na gumagalaw at ngumingiti at mabalitaan na wala ka na. Hindi ko 'yun matatanggap, Jin. Patawarin mo na ang sarili mo, alam ko hindi mo sinasadya." sinabi ni Chris sa kanyang sarili.

Humiga na siya sa kanyang kama at pumikit at inalala ang boses ni Jin na matagal niyang hindi narinig. Nakaramdam siya ng saya nang marinig ang boses nito bagamat nalulungkot at nangungulila siya hanggang sa nakatulog na siya.

End of Chapter 27

Chương tiếp theo