webnovel

Chapter 23 - Time Machine

Date: June 9, 2020

Time: 9:30 A.M.

Kararating lang ni Jin sa office building at paakyat na siya papuntang 19th floor sa Operations Department. Napakasaya at napakagaan ng kanyang mood habang naglalakad. Lahat ng tao ay binabati niya ng good morning sa bawat madadaanan niya.

Nasa loob na siya ng elevator at hinihintay na lang niya na makarating siya sa 19th floor kung saan naka-locate ang Operations Department.

Habang naghihintay, ay bigla niya naaalala ang mga nangyari sa kanila ni Chris noong gabi na nagsayaw sila sa ulan at nang halikan niya ito. Biglang napangiti si Jin ng walang dahilan at natatawa na lamang. Bigla biglang niya na rin  kinakausap ang kanyang sarili sa mga ginawa niya kay Chris noong gabi.

Ang mga kasabayan niya sa elevator ay pinagtitinginan na siya, dahil akala nila ay nababaliw na siya. Nang mapansin niya na nakatingin na sa kanya lahat ng tao sa loob ng elevator, bigla siyang namula at nahiya.

"Sorry po, 'wag niyo ko pansinin. Hindi po ako baliw. May naalala lang po ako." nakangiting sinabi ni Jin sa lahat ng nasa elevator.

Napailing na lang mga kasabayan niya sa elevator at hindi na siya pinansin pagkatapos.

Elevator chime - 19th floor

Nakarating na si Jin sa Operations room at napansin niya na wala pa si Chris. Kaya naman ay tumungo na siya sa kanyang desk para makapag-ayos ng gamit.

Nang makarating na siya sa kanyang desk, nakita niya na nakaupo si Luna sa kanyang swivel chair at nakikipagkwentuhan kay Jade.

Naguusap ang dalawang babae at tili sila ng tili habang may tinitingnan sila sa phone ni Jade. Nanonood sila ng mga snippets and trailers ng mga upcoming na BL series kaya naman ay labis labis ang kanilang kilig na nararamdaman.

"Hi, Luna, hi, Ms. Jade, kamusta kayo ngayon? Sana maganda ang araw niyo." kinamusta ni Jin ang dalawang babae at labis ang kanyang ngiti sa mga labi.

Napatigil ang dalawang babae sa panonood ng mga BL trailers at napansin ang napakasayang aura ni Jin, kaya naman na-intriga agad sila.

"Aba aba aba! Bakit naman ang saya saya natin ngayon? Ano nangyari kahapon ha? Parang hindi na matanggal ang ngiti sa mga kissable lips mo ha! Ano ibig sabihin niyan? Spill!" hirit ni Jade kay Jin.

"Jin, alam ko may something, ano 'yan!" tanong ni Luna habang nakapamewang, "Feeling ko,  Ms. Jade, may magandang balita to si Jin para sa atin!" hirit naman ni Luna kay Jade.

"Wala po, Ms. Jade at Luna, masaya lang ako. Nakakatuwa pala magsayaw sa ulan? Tsaka, iba pala 'yung pakiramdam 'pag nahalikan mo 'yung taong gusto mo?" sinabi ni Jin nang nakangiti at habang inaalala niya pa rin ang mga nangyari sa kanila ni Chris noong gabi.

Nagkatinginan sina Jade at Luna sa isa't isa nang marinig nila ang sinambit ni Jin. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa hindi inaasahang sinabi nito. Napahawak-kamay silang dalawa sa isa't isa at nanginginig na ang katawan nila at tila gusto nang sumabog. Hindi nagtagal ay tumili na ang dalawa, na siyang ikinagulat ng lahat ng nasa Operations Room, ngunit hindi nila ito pinansin. Tumayo ang dalawang babae at pinaupo nila si Jin sa swivel chair nito. Nang makaupo na si Jin, pumwesto ang dalawang babae sa harap niya at kinausap.

Si Jade na ang unang nagsalita at tila ganadong ganado siya. Pinalo pa niya ng kanyang kanang kamay ang desk ni Jin na siyang ikinagulat nito. Kinausap niya si Jin ngunit hininaan niya lang ang kanyang boses.  Huminga muna siya ng malalim upang kumuha ng bwelo at saka nag salita, "Jin! Talaga? Hala! Ang sweet naman! Nakakainis! Gusto ko makita! Sana tinawag niyo muna ako o nag video kayo. Ulitin niyo please!"

Pagkatapos magsalita ni Jade, si Luna naman ang humirit at hinampas niya din ang desk ni Jin ng kanyang kaliwang kamay at binulungan niya si Jin, "Jin! Bakit kayo nag kiss? Ibig sabihin ba... kayo na? Anong feeling na ma-kiss si Chris? Masarap ba? Sana nandoon kami ni Ms. Jade kahit as an audience lang para nakita namin 'yung moment!"

Napailing na lang si Jin sa dalawang babae na nasa kanyang harapan at natatawa sa mga reaction nito.

Nilapit ng dalawang babae ang kanilang mukha kay Jin at sabay nilang tinanong ito.

"Kayo na ba?"

Nilayo ni Jin ang mukha ng dalawa sa kanyang harapan at sinagot ang kanilang tanong.

"Hindi kami ni Chris. Ummm, hindi ko alam. Ang bilis ng mga pangyayari. Kusang kumilos 'yung katawan ko eh, parang may sariling isip. Pero, oo, hindi ko akalain na masarap pala 'yung ganoong pakiramdam." Nangiti na naman si Jin nang maalala niya ang halikan nila ni Chris, at ang pakiramdam kung gaano ito kalambot at kainit.

Pinagmamasdan ng dalawang babae si Jin kung paano ito ngumiti at kung paano nila nakikita sa mga mata nito ang labis na tuwa.

"Girl! Ito na ba yung matagal nating dasal? This is it na ba?" tanong ni Jade kay Luna.

"Ms. Jade, walang duda! Magiging abay na rin tayo sa kasal nila!" naiiyak na sinabi ni Luna.

Tumingin si Jin sa kanyang relo na nakasuot sa kanyang kanang kamay, dahil napansin niya na hindi pa dumadating si Chris. Tiningan at sinisilip rin ni Jin ang upuan ni Chris dahil malapit na mag 10 a.m. ngunit wala pa rin ito. Napansin din ng dalawang babae na wala pa si Chris kaya nagtaka rin sila.

"Wala pa rin siya? Na-late siguro siya ng gising?" tanong ni Jin.

"Aba! Kayo ang magkasama kagabi, lagot ka baka nagkasakit siya kasi nagsayaw kayo sa ulan tsaka nag kiss. Oops!" asar ni Jade.

"Bakit naman kasi sa lahat ng pagkakataon, bakit 'yung umuulan pa! Dapat 'yung clear ang sky! Nako, Jin! 'Pag si Chris nagkasakit alagaan mo siya!" hirit naman ni Luna.

Hinintay lang nila si Chris, ngunit nang magsimula na ang kanilang shift ay hindi pa rin ito dumadating. Iniisip na lang ni Jin na baka na-late lang ito at walang masamang mangyari. 

Ang mga ngiti ni Jin ay nawawala na paunti-unti, ngunit pinipigilan niya ang kanyang isip na baka tumakas na naman si Chris at naniniwala siya na dadating ito.

10:15 a.m. nang biglang pumasok ang kanilang manager sa Operations room, at mababakas mo sa kanya ang pagkabalisa, at tila may malungkot siyang ibabalita para sa lahat.

"Ms. Jade, nandito na pala manager niyo, aalis na ko at nakakahiya." bulong ni Luna kay Jade.

"'Wag na, dito ka lang, girl. Wala ka namang gagawin sa inyo for now, tsaka aasarin pa natin si Chris. Hintayin lang natin matapos mag announce si Boss Dave." hirit ni Jade.

Pumunta na si Dave sa gitna ng room ng Operations Department upang mag announce, "Everyone, gusto ko lang sabihin na... nag resign na si Chris." malungkot na sinabi ni Dave, tila naiiyak na siya ngunit pinipigilan niya ito, "Nagsubmit siya ng resignation letter sa akin bago umuwi kahapon. Wala na tayong cutie baby boy."

Natulala si Jin sa narinig niya at hindi siya makagalaw. Hindi niya alam, pero para sa kanya, nadudurog ang puso niya sa masamang ibinalita ni Dave.

Gulat na gulat ang dalawang babae at tiningnan nila si Jin upang makita ang reaction nito. Tiningnan ni Jade si Jin at awang-awa siya para dito,  kaya hinawakan niya ang balikat nito at hinaplos upang damayan.

Biglang tumayo si Jin na siyang ikinagulat ng lahat at pinagtinginan siya. Ang kaninang punong-puno ng ngiti at saya, ay napalitan ng labis na kalungkutan. Lumabas siya sa Operations room na tila balisang balisa sa kanyang mga narinig.

Nagulat si Dave nang biglang lumabas si Jin ng walang paalam at si Jade na ang nagpalusot para sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit biglang nag resign si Chris? Nalulungkot ako para sa mga kaibigan ko." bulong ni Luna kay Jade.

Nagsimula nang tumakbo si Jin at ang kanyang nais lamang ay makapunta sa bahay nila Chris. Wala na siyang pakialam kung maabutan man niya si Mr. A., basta ang gusto niya ay makausap lamang ito at malaman kung bakit ito nag resign ng hindi man lamang sinasabi sa kanya.

Nasasaktan, disappointed, malungkot at nagagalit—iyan lahat ang nararamdaman ni Jin ngayon kapalit ng saya na kanina niyang naramdaman. 

Nang makarating na siya sa tapat ng bahay nila Chris na pagod na pagod, hinihingal at tagaktak ang kanyang pawis ay tuloy-tuloy niyang pinipindot ang doorbell hanggang sa may magbukas ng gate.

Biglang bumukas ang gate pagkatapos ng tuloy-tuloy niyang pagpipindot. Pagbukas ng gate ay si Mr. Jill ang bumungad at ang pinaka-una niyang nakita.

"Mr. Jill!" biglang sinigaw ni Jin.

"Sir Jin." malungkot na pagkakasabi Mr. Jill, tila alam niya na pupunta si Jin upang hanapin si Chris.

"Nasaan po si Chris? Gusto ko siya makausap." hinihingal na sinabi ni Jin.

"Sir Jin."

Hindi makapagsalita si Mr. Jill at hindi niya alam kung ano o paano niya sasabihin kay Jin ang lahat at awang-awa ito para sa dalawang batang importante para sa kanya na itinuturing niyang mga sariling anak.

"Mr. Jill, please po, nasaan po si Chris?" naluluha na sinabi ni Jin dahil sa halo halong emosyon na kanyang nararamdaman.

"Sir Jin, may iniwan sa akin si Sir Chris. Pinapabigay niya sa'yo kung sakaling pumunta ka dito sa bahay at hanapin siya."  malungkot na sinabi ni Mr. Jill at inabot niya ang letter na ginawa ni Chris.

Binuksan ito ni Jin na labis ang kaba sa kanyang puso, ngunit binasa niya ito ng buong tapang.

Hi Jin,

Sorry hindi ko na nasabi sa'yo. Alam ko kasi hindi ka papayag sa mangyayari. Ayoko din sana pero mas makakabuti siguro 'to para sa ating dalawa. Pinadala ako ni papa sa Japan para hawakan 'yung isang business namin doon. Hindi ko masabi sa'yo na isa 'to sa mga dahilan kung bakit ayaw kong bumalik dito sa amin. 'Wag ka magagalit sa akin, Jin, hindi ko kakayanin 'yun. Pwede bang hintayin mo ko sa pagbalik ko? Hihintayin ko 'yung araw na babalik ako sa tabi mo. Sorry kung ito lang 'yung paraan para walang mapahamak sa ating dalawa. Sorry kung iniwan ulit kita. Thank you sa huling gabi na nakasama kita, Jin. Hinding hindi ko 'yun makakalimutan. Gusto ko ulit ikaw makasayaw sa gitna ng ulan. 

—Chris

Nang mabasa ni Jin ang sulat sa kanya ni Chris, labis ang sakit na nararamdaman niya. Nalulungkot siya dahil sa biglang pag-alis ni Chris at hindi man lamang siya nakapag paalam. Tila nanginginig siya sa galit at hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, ngunit gusto niyang sugurin si Mr. A. Pinipilit niya ang kanyang sarili na makapasok sa bahay nila Chris, upang sugurin si Mr. A. ngunit pinipigilan siya ni Mr. Jill.

"Sir Jin, hindi galit ang sagot sa lahat. Pakiusap, 'wag mo hayaan ang sarili mo na sumabog. Hindi gugustuhin ni Sir Chris na mapahamak ka. Binilin ka sa akin ni Sir Chris, 'wag natin siya pag-alalahin. Hindi niya ginustong lumayo, pero kinailangan niya gawin iyon. May maganda siyang dahilan. Alam ko para 'to sa ikabubuti niyong dalawa. Hanggang sa pag alis niya, ikaw lang ang iniisip niya, Sir Jin."

Nawalan na ng lakas si Jin dahil sa halo-halong emosyon niya habang pinipigilan siya ni Mr. Jill at napaiyak na lamang siya sa mga isinambit sa kanya. Awang awa na si Mr. Jill  para kay Jin ngunit wala siyang magawa.

Habang umiiyak si Jin, nakita niyang nakatayo si Mr. A. sa tapat ng entrance ng bahay nito at pinagmamasdan siya.

Pinunasan niya ang kanyang luha, at inayos ang kanyang sarili, at tinitigan si Mr. A.

"Papatunayan ko sa'yo, Mr. A, papatunayan ko ang sarili ko sa'yo. Hintayin mo lang." nasa isip ni Jin.

Pagkatapos niyang makita si Mr. A., hindi niya na pinilit ang kanyang sarili na pumasok sa loob, at nagpaalam na lang siya kay Mr. Jill na aalis na siya, at nag sorry dahil sa panggugulo na kanyang ginawa.

Pabalik na si Jin sa office mula sa bahay nila Chris. Habang naglalakad siya, tila wala na siyang gana. Matamlay at hindi na niya pinapansin ang kanyang paligid at tuloy tuloy na lamang sa paglalakad.

Dahil hindi na rin niya napapansin ang daan, hindi niya namalayan na malapit na siya sa tawiran ng pedestrian lane. Tuloy tuloy pa rin siyang maglakad at wala na siyang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid.  Nakita niya na dumadadaan pa ang mga kotse, ngunit ang katawan niya ay kusang gumagalaw at nagtuloy-tuloy sa paglalakad at hindi iniinda kung masagasaan man siya. Para sa kanya, ayaw niya na mabuhay dahil sa labis na kalungkutan na  kanyang dinadanas.

Nasa gitna na siya ng pedestrian lane at tumayo lang. Pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid, at malapit na siyang mabangga ng isang kotse na paparating. Nagsisigawan ang mga tao sa paligid dahil malapit na siyang masagasaan nang biglang may humablot sa kanya at hinila siya pabalik sa gilid.

"Gusto mo na ba magpakamatay, Jin?" naiinis na sinigawan ni Rjay si Jin.

Tiningnan lang ni Rjay si Jin sa mga mata, at nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nakita niya na walang buhay ang mga mata ni Jin. Malungkot at hindi katulad dati na kapag nakatingin siya dito, ay punong-puno ng saya at kulay.

Nakatingin lang si Jin kay Rjay ngunit hindi siya umiimik. Nag alala na si Rjay para sa kanya, kaya inakbayan na siya nito at hinatid papunta sa kanilang office building.

Nang makarating silang dalawa sa office building, ay hindi iniwanan ni Rjay si Jin. Pagpasok ng elevator, nanlaki ang mga mata ni Rjay sa ginawa ni Jin, dahil imbis na ang 19th floor ang pinindot nito, pinindot nito ang PH para rooftop.

Natakot si Rjay sa maaaring gawin ni Jin, kaya sumama na rin siya. Dahil ang nasa isip niya, baka tatalon ng building si Jin kaya nais dumiretso nito sa rooftop.

Nang makarating sila sa rooftop, nauna maglakad si Jin. Nakasunod naman si Rjay sa likod ni Jin at nakahawak sa t-shirt nito para anytime na bigla itong tumakbo at tumalon, ay mahahatak niya ito pabalik sa kanya. Sinusundan niya lang si Jin na naglalakad at nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na papunta ito sa isang swing upang umupo, kaya binitawan niya na ito.

Umupo si Rjay sa tabi ni Jin at tinitingnan niya lang ito. Nalulungkot siya sa kanyang nakikita, dahil ngayon niya lang nasilayan na malungkot si Jin, sa buong buhay niya. Walang araw na hindi nakangiti si Jin at lagi niyang nakikita 'tong masaya, kaya naninibago siya sa pinapakitang malungkot na side nito.

Ipinatong ni Rjay ang kanyang kamay sa kamay ni Jin na nakarest sa gitnang part ng upuan ng swing, at tiningnan lang  siya nito sandali, at tumingin na ito sa malayo na tila napakalalim ng iniisip.

"Ano ba ang problema, Jin? Sabihin mo sa akin." tinong ni Rjay.

Walang emosyon nang magsalita si Jin at walang gana, "'Yung problema ko? Kinuha sa akin 'yung buhay ko."

Nakaramdam ng inis si Rjay nang marinig niya ang sinabi ni Jin, ngunit hindi niya ito ipinakita. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Sigurado ka bang kinuha sa'yo 'yung buhay mo?" tanong ni Rjay at napatingin si Jin sa kanya na nagtataka. "Paano kung iniisip mo lang na kinuha 'yung buhay mo sa'yo? Paano kung kusa talaga siyang lumayo at umalis?" dagdag niya.

"Umalis? Kusang lumayo?" natatakang tanong ni Jin.

"Oo, paano kung  hindi rin 'yun ang buhay na para sa'yo kaya kinuha siya sa'yo? Paano kung may ibang buhay na naghihintay para sa'yo at sa kanya?" pangangatwiran ni Rjay.

"Anong ibig mo sabihin?"

"May mga buhay na akala natin, para sa atin, pero hindi pala. Dahil baka may nakalaan na ibang buhay para sa atin kaya kinuha at dahil iba ang para sa'yo."

"Ano 'yung buhay na para sa akin?" tanong ni Jin at napatingin na naman siya sa malayo.

"'Yung buhay na ako  ang kasama mo, Jin. 'Yung tayong dalawa lang ulit..."

Tumingin ulit si Jin kay Rjay at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

Hahawakan na dapat ni Rjay ang pisngi ni Jin upang haplusin ito, nginit bigla itong tumingin sa malayo ulit. Nalungkot siya dahil hindi pa rin siya mapansin ni Jin, at naiinis din siya at the same time dahil kahit wala na si Chris, ay hindi niya na makuha ang attention ni Jin.

"Jin, nandito naman ako! Hindi naman kita iiwanan!" nagmamakaawang sinabi ni Rjay.

Tiningnan lang ulit siya ni Jin at ngumiti ito, kaya naman ngumiti rin siya pabalik. Ngunit napansin niya na unti-unting nawawala ang ngiti nito at bumalik ang mukha na walang emosyon.

"Kung kailangan mo ng kasama, Jin, nandito ako. Ako 'yung kaibigan mo na laging nandito para sa'yo. 'Yung hindi ka iiwanan kahit saan. 'Yung lagi kang sasamahan. 'Yung hindi ka ipapahamak. Ako 'yung nandito sa'yo, noong una pa lang. Pwede ba na ako—" naputol ang dapat na sasabihin ni Rjay dahil biglang nagsalita si Jin.

"Salamat, Rjay. Gusto ko muna mapag-isa. Okay lang ba?" sinabi ni Jin habang nakatingin na siya ulit sa malayo.

Pumayag naman si Rjay at nagpaalam kay Jin at umalis na sa rooftop pagkatapos. Nang makarating na siya sa pintuan ng rooftop, ay tinitingnan niya lang si Jin na nakatingin lang sa malayo. Naiinis siya dahil kahit wala na si Chris, ay hindi pa rin niya makuha na siya ang pansinin ni Jin.

Dahil sa inis ay sinuntok niya ang pader at nagdugo ang  kanyang kamao, ngunit hindi niya ininda ito dahil sa galit at inis na bumabalot sa kanyang puso.

Habang nakatingin lang sa malayo si Jin, hinihintay niya marinig ang hum ni Chris, ngunit wala siyang ibang marinig kundi ang ingay ng paligid. Mga ibon, busina ng mga kotse at ingay ng mga tao lamang ang kanyang naririnig.

"Hindi ba si Chris ang buhay ko? Iba ba ang para sa akin? Sino ba makakapagsabi? Bakit kung kailan malapit ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko, bakit bigla siyang nawala? Hihintayin kita sa hanggang sa pagbalik mo. Ikaw at ikaw lang ang hihintayin ko kahit gaano pa katagal. Alam ko dadating ang araw na makikita kita ulit. At kapag nagkita na tayo, sasabihin ko na ang tunay kong nararamdaman, pangako."

Bumalik na si Jin sa Operations room at umupo na sa kanyang swivel chair sa pwesto niya. Tinitingnan siya ni Jade at naawa ito para kay sa kanya.

Hindi mahawakan ni Jade si Jin, dahil nararamdaman niya na gusto nitong mapag-isa. Walang ginawa si Jin kung hindi i-focus ang sarili niya sa pagtatrabaho at hindi rin siya nakikipagkwentuhan sa iba niyang mga workmates gaya ng dati. Kakausapin sana siya ni Fred upang damayan, ngunit sinensyasan siya ni Jade na 'wag na muna lapitan si Jin at hayaan muna ito, at sumangayon naman si Fred.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Pagkauwi ni Jin ay hindi niya na din kinausap si Jon na nakaupo lamang sa sofa habang nilalaro si Bullet, at dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Nagtaka naman si Jon dahil tuloy tuloy ang batang Jin na tumungo sa kwarto nito ng hindi siya pinapansin. Napagtanto niya na may problema ang kanyang batang sarili, kaya naman ay pinuntahan niya ito sa kwarto at kinausap.

"Anong nangyari, Jin?"

"'Yun din ang gusto kong itanong sa sarili ko. Kung anong nangyari." sagot ni Jin habang nakahiga na siya sa kanyang kama at tinatkpan niya ang kanyang mga mata, "Wala na siya. Wala na si Chris." dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ni Jon at ang nasa isip niya ay namatay na si Chris at bigla siyang natakot.

"Huh? Wala na si Chris? Anong nangyari! Saan? Bakit? Hindi mo siya naligtas? Ikaw kasama niya! Puntahan natin si Chris!" nagaalala na at nagpapanic na si Jon.

"Hindi na natin siya mapupuntahan. Wala na siya dito."

"Anong wala na siya? Saang hospital si Chris dinala? Ako ang pupunta!"

Tinanggal ni Jin ang mga kamay na nagtatakip sa kanyang mga mata at tiningnan ang nagpapanic na si Jon at tinawanan ito.

"Bakit ka natatawa! Tingin mo nakakatawa 'yung pagkawala ni Chris?" naiinis na tono ni Jon.

"Nakakatawa ka kasi! Anong hospital sinasabi mo? Hindi naman namatay si Chris! Tsaka sige, puntahan mo siya sa Japan." sagot ni Jin habang napapailing na lamang siya.

"Whaaat! Nasa Japan siya? Ha? Paano? Bakit?" Gulat na gulat si Jon sa nalaman niya.

"Hindi ko din alam. Wala na pumapasok sa utak ko. Hindi ko na kaya mag isip." sinabi ni Jin at muli niyang tinatakpan ang kanyang mga mata.

"Anong balak mo ngayon?" tanong ni Jon.

"Hindi ko alam. Wala na kong gana. Gusto ko na lang humiga at ayoko nang bumangon." matamlay na sagot ni Jin.

Iniwanan muna ni Jon ang batang Jin sa kwarto, at tumungo sa kanyang sofa upang umupo at magisip-isip.

"Ano na nangyayari? Ibang-iba na talaga 'yung takbo! Hindi naman umalis si Chris pero ngayon nasa Japan na siya! Kaso, hindi ba mas maganda 'yun? Kung hindi siya uuwi, ibig sabihin hindi siya mawawala. Tingin ko mas makakabuti nga iyon." nasa isip ni Jon.

Para kay Jon, ang kailangang masiguro niya na habang wala si Chris sa Pilipinas, ay okay ang batang Jin at walang mangyayaring masama dito. At balak niya rin na alamin ang mga bagay tungkol sa pagkamatay ni Chris sa kanyang panahon.

Lumabas muna siya upang ipagpatuloy ang kanyang pag-iimbestiga at tumungo sa V. Mapa street at nagbabakasakali na may makuha siyang sagot sa pagkakataong ito. Habang naglalakad siya, tumitingin lamang siya sa paligid nang may nakita siyang isang matandang lalaki na nasa 65 years old na ang edad na nagwawalis sa kalsada. 

"Teka? Siya 'yung matanda na nakita ko noon! 'Yung may hawak na barbeque pati isaw tapos akala isa akong baliw! Sana hindi na niya ako natatandaan." Naisipan niyang lapitan ito at tanungin, "Excuse me po, Itatanong ko lang po kung 'yung buong pangalan po ba ng V. Mapa Street ay Villafuerte Mapa Street po?"

"Ay oo, ayon nga ang buong pangalan ng street na 'to. Bakit?" nakangiting sagot sa kanya ng matanda.

"Dati ba ang pangalan ng street po na 'to ay 306 Street?"

"Oo, iyon ang pangalan nitong street namin dati, bago ito binili ng mayaman na businessman. Bakit mo naitanong?"

"Tama nga ang kutob ko na ito talaga ang lugar kung saan nangyari ang insidente!" nasa isip ni Jon. "May hinahanap po kasi akong lugar dito. May alam po ba kayo dito na parang building na walang laman? 'Yung hindi pa natitirahan?"

"Ahhh! Oo, may nakita akong building na malapit dito ngunit medyo tago. Malaki pero ginagawa pa lang at walang laman."

"Alam niyo po ba kung saan banda?"

Itinuro ng matandang kausap ni Jon ang lugar kung saan ang tinutukoy niya na building at sinamahan siya nito. At nang makita niya ang building, ay lumapit siya sa entrance nito. Nakita niya na walang mga construction workers na nagtatrabaho dito, ngunit maayos na ang building kaso walang laman sa labas pa lamang.

"May gusto ka pa bang itanong, bata?" hirit ng matanda kay Jon.

"Maraming salamat po sa pagtuturo sa akin ng lugar na 'to. Wala na po." nakangiting sagot ni Jon.

Tumalikod na ang matanda at ngumiti ito at bumulong sa kanyang sarili.

"Hindi, sa'yo ako dapat magpasalamat, dahil hindi ka sumuko. Alam kong magagawa mo ang misyon mo sa pagkakataong ito."

Lumingon muli ang matanda at tiningnan si Jon nang nakangiti at may mga luha sa kanyang mga mata.

"Bakit po kayo naiiyak? May masakit po ba sa inyo?"

Pinunasan ng matanda ang kanyang luha, at lumapit kay Jon at muling kinausap.

"'Wag na 'wag kang susuko. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo. 'Wag kang tumulad sa akin."

Nagtaka si Jon sa isinambit ng matandang lalaki sa kanya.

"Ano pong ibig niyong sabihin? Ano pong 'wag tumulad sa inyo?"

"Wala na akong silbi, matanda na ako. Wala na akong lakas at sinayang ko ang buong pagkakataon. Kaya gusto ko sabihin sa'yo na habang may oras at kaya pa ng katawan mo, 'wag kang susuko. Ituloy mo lang ang pinaglalaban mo."

Hinawakan ng matandang lalaki ang mga kamay ni Jon at may inabot itong isang sobre na naka sealed pa.

Tiningnan ni Jon ang sobre na inabot sa kanya ng matanda at nagtaka. Ang inakala niya ay nanghihingi ng donasyon ang matanda dahil inabutan siya ng sobre nito.

"Ay pasensya na po kayo, wala po akong perang dala ngayon. Pero hayaan niyo po, uuwi muna ako sa amin at babalikan ko kayo para makapag bigay akong donation. Malaki po ang naitulong niyo sa akin eh." nakangiting sinabi ni Jon.

Napangiti ang matanda sa sinambit ni Jon at napailing.

"Para sa'yo 'yan. Mamaya mo na buksan pagkauwi mo."

Kinilatis ni Jon ang sobre at kinakapa kung anong ang nasa loob. Nakafocus lang siya at tinitingnan kung may mga nakasulat ba o nakatagong mensahe sa sobre.

Tumingin muli si Jon sa matanda at ngumiti, ngunit medyo naiilang siya dahil hindi niya alam kung ano ang ibinigay sa kanya nito. Nagpaalam na ang matandang lalaki sa kanya at umalis na ito.

"Hmmm, weird. Ano kaya 'to? Pero mamaya ko na lang titingnan sa bahay pag uwi ko. Baka siguro mga postcards 'to."

Itinago niya na sa kanyang bag ang sobre na inabot sa kanya ng matanda, at lumapit na sa entrance ng building.

Tumingin muna siya sa paligid kung may mga tao, at nang makita niya na walang tao ay agad siyang pumasok sa loob .

Nagulat si Jon sa kanyang nakita dahil napakalaki nito sa loob kumpara sa itsura nito sa labas. Napansin niya na maraming pintuan at maliligaw siya kung tutuloy siya sa loob. Kaya naman ay gumawa siya ng palatandaan sa bawat pinto na kanyang papasukan upang makabalik siya sa tamang daan.

Habang naglalakad siya sa loob ay napansin niya na maayos ang mga gamit, ngunit hindi ito nagalaw ng matagal na panahon.

Kinuha niya ang phone ni Chris mula sa kanyang bag at tiningnan ang mga photos na naka-save sa Gallery app nito. Napansin niya na tila may pagkakapareho ang itsura ng lugar na napuntahan niya at ang lugar na nasa photos ng phone ni Chris.

"Kung hindi ako nagkakamali, ito na nga 'yung lugar na kinuhaan ni Chris. Ibig sabihin ay nanggaling siya dito. Maraming pasikot-sikot ang lugar na 'to. Buti na lang nag-iwan ako ng mga palatandaan kung hindi maliligaw din ako. Tingin ko napagod si Chris kakatakbo dahil mahirap nga hanapin ang palabas kung hindi mo alam ang lugar na 'to."

Nang masiyasat na ni Jon ang lugar, lumabas na rin siya sa building.

"Mukhang ito na nga ang hinahanap ko. Pero bakit dito siya dinala? Anong meron sa lugar na 'to? Sinong nakakaalam nito? Mga tanong na kailangan ko ng sagot."

Bumalik na siya sa bahay, inilapag niya ang kanyang bag sa sofa at naisip na i-search ang tungkol sa 306 street at ang istorya sa likod nito. Nagbabakasakali siya na may makitang article tungkol dito.

Hiniram ni Jon ang laptop ni Jin at sinearch niya ang 306 Street Sta. Mesa, ngunit walang lumalabas sa kanyang mga hinahanap at wala siyang makitang history tungkol dito.

"Arrgghh! Paano ko naman makikita kung anong mayroon sa lugar na 'yun kung wala namang nakalagay tungkol doon sa mga articles na hinahanap ko!"

Sinara na ni Jon ang laptop at inilapag muna ito sa sofa. Nagpahinga muna siya at tinawag si Bullet para papuntahin sa sa sofa upang laruin muna ito. Lumapit naman kaagad si Bullet sa kanya at tumalon ito papunta sa sofa. Habang nilalaro niya si Bullet, ay napapansin niya na lumalapit ito sa kanyang bag at tila umiiyak si Bullet dahil sa tuloy tuloy na ingay na ginagawa nito. Ang nasa isip niya ay nagugutom na si Bullet dahil gumagawa ito ng ingay 'pag nagpapahiwatig na gutom na ito at may naamoy si Bullet sa loob ng bag niya.

"Bullet, wala akong pagkain d'yan sa bag ko. Sandali, kukuhaan kita."

Kumuha si Jon ng cat food para kay Bullet, at tumungo na ulit sa sofa upang pakainin ito. Inaabot niya  ang food para kay Bullet, ngunit hindi ito kinakain ni Bullet. Tuloy pa rin ang pag amoy nito sa bag niya na siyang ipinagtataka na niya.

"Sabi ko sa'yo, walang food dyan, Bullet." Nagtaka si Jon, "Teka, baka may naiwan siguro ako dito."

Kinuha ni Jon ang kanyang bag at binuksan ito. Hinanap kung may naiwan nga bang pagkain ngunit habang hinahanap niya ang pagkain, napansin niya ang sobre na ibinigay sa kanya ng matandang lalaki kanina.

Kinuha niya ang sobre sa loob ng bag at inilabas ito. Pagkagawak niya sa sobre ay nilapitan ito ni Bullet at inaamoy nito ang sobre.

Inilapit ni Jon ang sobre kay Bullet at napansin niya na hinahaplos nito ang sobre gamit ang ulo nito. Inilapag niya ang sobre sa sofa na siya namang hinigaan ni Bullet at bigla itong tumahimik nang higaan ang sobre.

"Bullet? Bakit ka tumahimik nang higaan mo yan? Hindi naman 'yan unan. Hindi ka rin pala nagugutom. Ano bang mayroon dito? Ang natatandaan ko, sabi ng matanda sa akin, buksan ko daw ito pagdating ko sa bahay. Hmmm?"

Kinuha ni Jon ang sobre na hinihigaan ni Bullet, at binuksan ito. Nang kanya itong buksan ay may nakita siyang litrato at isang letter sa loob. Tiningnan niya muna ang litrato sa sobre. Nakita niya na may apat na tao ang nakatayo sa picture na isang ribbon cutting event. Nasa picture ay sina Mr. A., at ang asawa niya na si Agatha, ang mama ni Chris, at may dalawang pang tao silang kasama.

"Hindi ba si Mr. A. ito? Tsaka, itong katabi naman niya, 'yung mama ni Chris 'yung magandang babae, tapos, may kasama pa sila sa picture."

Napansin niya ang dalawang taong kasama sa litrato na nakangiti kasama nila Mr. A. at parehas na nakaakbay kay Agatha. Tiningnan niya ang litrato ng mabuti, dahil pamilyar sa kanya ang mukha ng dalawang taong ito.

"Hindi  ba ako nagkakamali sa nakikita ko ngayon? Totoo ba itong nakikita ko? Sina mama at papa?" gulat na gulat na sinabi ni Jon at tila bumilis ang tibok ng kanyang puso, "Sina mama at papa, kasama ang parents ni Chris sa ribbon cutting ng... V. Mapa street?"

Nagulat si Jon sa kanyang nakita. Ngayon niya lang nalaman na magkakilala ang parents ni Chris at ang parents niya sa tinagal tagal ng panahon.

"Bakit wala akong matandaan na nakita ko sila Mr. A. noong bata ako? Bakit hindi ko kilala si Chris kung magkaibigan ang mga magulang namin? Bakit wala akong matandaan? Magkakakilala silang apat? 'Yung matanda na nagbigay sa akin ng litratong ito, sino ka ba talaga? Bakit na sa'yo ito?"

Tiningnan niya ang likod ng picture upang malaman kung may iba pa siyang maaaring makita na makakasagot sa kanyang katanungan. At pagkatingin niya sa likod ng picture, ay may nakita siyang caption na nakasulat sa likod nito.

Ribbon Cutting Event

Renaming of 306 St. and grand opening of V. Mapa St. ( January 2000)

—Jin Torres (Photographer)

Nang makita ni Jon ang pangalan na nakasulat sa likod ng picture ay nanlaki ang kanyang mga mata, dahil pangalan niya ang nakasulat dito. Kinakabahan na siya at mas bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Agad niyang kinuha ang letter na nasa loob ng sobre para basahin ang nakapaloob dito.

Ang larawang ito ay kinuha ko noong ribbon cutting nang pagbubukas ng V. Mapa Street. Makikita mo sa picture na buntis na rito ang babae na katabi ni Ms. Agatha, na si Althea Torres. Dinadala ka na niya sa kanyang sinapupunan sa mga panahon na ito.

Ang tagal kong hinintay itong oras na 'to. Nagulat ka ba sa pangalan na nakita mo? Tama ang nabasa mo, Jin. Ako ito, ang Jin na bumalik sa panahon kung kailan nabubuhay pa ang mga magulang natin.

Nais kong ilahad sa iyo ang rason kung bakit ako bumalik sa oras na buhay pa ang ating mga magulang, bagamat alam ko na sa sarili ko na maaaring hindi na ako makabalik sa tunay kong oras sa tagal ng panahon na hihintayin ko bago pa mabuo ang time machine at alam ko na ang kapalit nito ay ang buhay at ang oras ko.

Isa lang ang misyon natin at iyon ay ang mailigtas si Chris mula sa kanyang kamatayan. Sa oras ko, wala akong kaalam alam na patay na pala siya at nabalitaan ko na lamang ito kay Mr. Jill. Kaya naman ninais kong bumalik sa oras upang mailigtas siya, ngunit sa kasawiang palad, hindi ako nagtagumpay. Wala akong sapat na kaalaman kung saan at paano ko siya ililigtas. Hindi ko napaghandaan ang lahat at ang tanging nasa isip ko lang ay basta mailigtas siya.

Kaya naman ay naghintay muli ako hanggang sa mabuo ang time machine at makabalik sa tunay kong oras. Pinagplanuhan ko na ang aking pagbabalik sa pangalawang pagkakataon upang masigurado na maililigtas ko siya. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nabigo dahil sa pasikot-sikot na lagusan sa building kung saan namatay si Chris. Huli na ang lahat nang matagpuan ko siya.

Ngunit, hindi ako sumuko. Alam ko na may paraan para mailigtas at mabuhay siya, ngunit gusto ko rin malaman ang puno't dulo kung bakit siya namatay. Sa pagkakataong ito, alam ko na hindi na ako ang makakagawa na mailigtas siya at alam ko na kakailanganin ko na ang tulong mo, Jin.

Nagtataka ka ba kung bakit magkakilala sina mama at papa at ang magulang ni Chris? Hindi ko pa maaaring sabihin sa'yo ang sagot, ngunit may taong magbibigay sa'yo ng buong katotohanan at hindi ako iyon. Siya ang sagot sa lahat ng tanong mo, pero may kinalaman ang mga magulang natin sa pagkamatay ni Chris.

Napagdesisyunan ko na bumalik sa panahon kung kailan nabubuhay pa ang mga magulang natin, para malaman kung ano ang tunay na kwento kung paano humantong sa ganito ang lahat at ano ang kinalaman nila sa magulang ni Chris. Natagpuan ko roon ang sagot na hindi ko inaasahan na malalaman mo rin sa takdang panahon.

Sa pagbalik ko sa oras na iyon, alam ko na sa sarili ko na dito na ako tatanda sa nakaraan at maaaring hindi na rin makabalik. Ngunit ito na ang huling pagkakataon para sa akin. Alam ko na hindi na kakayanin ng katawan ko sa pagsapit ng araw na kung saan mamamatay muli si Chris dahil sa aking mahinang katawan. Ngunit, ang utak at puso ko ay napakalakas pa rin. Pinagplanuhan ko ng maigi ang bawat hakbang at sinusigurado ko na magtatagumpay ito, sa tulong mo.

Noong araw ng pagkamatay muli ni Chris, noong araw umabot sa iyo ang balita, Jin, ako ang may gawa noon. Hindi binalita ang pagkamatay ni Chris dahil tago lang ito noon pa man at naglakas loob akong baguhin ang mga pangyayari.

Naalala mo rin ba ang mga nakita mong litrato sa phone ni Chris? Hindi siya ang kumuha noon kung hindi ako. Ito ay para malaman mo ang lugar kung saan siya ililigtas sa loob ng building. Pati na rin ang papel na nasa kanyang damit, ako rin ang naglagay noon upang magbigay ng impormasyon bagamat alam ko na mahihirapan kang hanapin ang lugar na 306 Street. Iyon ang iniligay kong pangalan ng lugar upang mas maging matiyaga kang hanapin at alamin kung ano ang nakapaloob sa lugar na iyon. Ako rin ang tumawag sa phone ni Chris noong nasa hospital ka.

At ang huli, ako rin ang dahilan kaya napunta ka sa taong 2020. Sinamantala ko ang pagkakataon habang nasa loob ka ng transporter ng time machine at nakapikit, pumasok ako sa laboratory at binago ko ang petsa upang dito ka mapunta at masaad ang aking plano.

Para sa akin, Tinanggap ko na sa aking sarili na magiging isang parte na lamang ako ng nakaraan. Bagamat hindi ko na makakasama si Chris, basta ang gusto ko lang mangyari ay mabago ang nakaraan mabuhay lamang siya at makita ko siyang nakangiti sa akin sa huling pagkakataon bago ako mawala sa mundo.

Alam ko darating ang araw na iyon at naniniwala ako. Sa tulong mo, magiging matagumpay na ang lahat. 'Wag ka na mag alala, Jin, maaayos din ang lahat. Nakasaad na ito at lahat ng plano ko ay natutupad na. Alam ko marami kang tanong tungkol sa kung ano ang dahilan kung bakit namatay si Chris. Pasensya ka na kung hindi ko pa ito masasabi sa'yo ngayon.

Kung balak mo akong hanapin, 'wag mo nang ituloy dahil hindi mo ko makikita. Pero 'wag ka mag alala, alam ko kung kailan mo kakailanganin ng tulong at ako ang magpapakita sa'yo sa tamang oras at panahon, gaya ng ginawa ko ngayon. Ikaw at ang Jin sa panahong ito ang magiging susi at naniniwala ako na mabubuhay si Chris sa pagkakataong ito. Ipangako mo na mabubuhay siya, at pag nangyari ito sa araw ng March 21, 2021, ay magbabago ang itinakda. 

—Jin Torres

Pagkatapos mabasa ni Jon ang sulat mula sa matandang Jin, ay agad niyang pinasok ang picture at ang letter sa loob ng sobre at itinago niya na ito sa kanyang bag.

"Ang ibig sabihin nito, dahil nandito na siya ng mga taong 2000, kung babalik ako sa mga taong lampas nito, ay magkikita at magkikita kami at alam niya na lahat ng mangyayari. Ibig sabihin, isinugal niya na talaga ang kanyang buhay at hindi na siya bumalik sa tunay niyang oras. Nanatili na lang siyang nakakulong sa nakaraan para maligtas lamang si Chris. Ganoong katagal na panahon ang kanyang hinintay para lang magpang-abot kaming dalawa. 'Wag ka mag alala, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na binigay mo sa akin." nasa isip ni Jon.

Itinago na ni Jon ang kanyang bag sa isang cabinet sa kanyang sala at nilock ito. Ngayon ay mas desidido siya na mailigtas si Chris, dahil alam niya na ang isa niya pang sarili, ay iginugol ang kanyang buong buhay para lamang sa pagkakataong ito.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kinakatok ni Jon ang kwarto ng batang Jin ngunit hindi ito sumasagot, kaya naman pumasok na siya sa loob upang komprontahin ito.

"Hoy! Wala ka bang balak pumasok? Isang linggo ka ng nakahiga d'yan!" sigaw niya kay Jin na nakahiga lang sa kama, nakatingin lang sa kisame at tila binagsakan na ng langit at lupa.

Hindi umimik ang batang Jin at pumikit lang siya.

"Hindi ka ba napapagod humiga? Ang pahinga mo lang sa paghiga 'pag mag-C.R. ka o 'pag nagugutom ka, tapos babalik ka na ulit sa kama mo! Hindi mo na inaayos ang sarili mo! Tingnan mo nga, mas mahaba na 'yang bigote mo kaysa sa akin!" dagdag ni Jon.

"Wala akong gana. Gusto ko lang humiga. Pwede ba?" ang tanging sagot ni Jin at nagbuntong hininga ito.

Umupo si Jon sa sahig sa tabi ng kama ni Jin at isinandal niya ang ang kanyang ulo sa kama at nakatingin lang din sa kisame.

"Sa tingin mo, dadating si Chris agad kung nakahiga ka lang? Tingin mo matutuwa 'yun sa'yo kung makita ka niya na gan'yan ka?" sinabi ni Jon.

"Anong gusto mong gawin ko? Wala akong gana. Kahit anong gawin ko, tinatamad na ako." sagot ni Jin.

"Wala ka nang gagawin niyan? Hihintayin mo na lang si Chris bumalik ng nakahiga lang? Ayaw mo ba na pagbalik niya, maayos ka? Ayaw mo ba na may patunayan ka? Tingin mo maipagmamalaki ka ni Chris sa papa niya kung nakahiga ka lang buong magdamag?" tanong ni Jon at dinadaan niya ito sa paraang mahihikayat si Jin na maging inspired at motivated.

Napaisip bigla si Jin sa sinabi ni Jon, "Kung mapapakita ko kay Mr. A. na magiging successful din ako, tingin ko hindi niya na ko ilalayo kay Chris. Hindi niya na din ako mamaliitin, at mas maaga makakabalik si Chris niyan. Tama!" Biglang tumayo si Jin na siyang ikinagulat naman ni Jon.

Napansin ni Jon na tila nabuhayan na ng loob ang batang Jin. Nagmadali itong kumuha ng towel sa cabinet para maligo at mag prepare dahil nais niya nang pumasok at mag trabaho. Nag shave na rin siya ng kanyang bigote, pagkatapos ay nagbihis at nagpaalam na sa kanya na papasok na ito sa office.

Napailing na lang si Jon pagkaalis ng batang Jin at naglinis ng mga kalat sa bahay. Habang naglilinis siya, nakita niya ang isang picture album. Binuksan niya ito at tiningnan ang mga photos niya noong bata pa siya kasama ang kanyang mama at papa.

Nakangiti lang siya habang tinitingnan ang mga pictures. Malapit na siya sa pinakadulo ng album at pagkabuklat niya sa pinakahuling page, may nakita siyang picture na magkakasama sila sa isang kainan sa isang hotel. Natawa siya sa sarili niya dahil nakita niya kung gaano kadungis ang itsura niya noon habang pinapakain siya ng kanyang mama, na si Althea.

Inaalala niya kung saan ang lugar na iyon, ngunit hindi niya na maalala ito. Habang inaalala ito, tila nakaramdam siya ng sakit ng ulo, at sinara niya na lamang ang picture album at ibinalik ito kung saan niya ito nakita. Humiga na lamang muna siya sa kanyang sofa, upang maibsan ang nararamdaman niyang biglang pagkasakit ng ulo at nagpahinga.

"Bakit hindi ko matandaan 'yung lugar na 'yun? Alam ko 6 years old na ako noon, kahit papaano ay may maalala man lamang ako sa lugar na 'yun. Pero bakit hindi ko na 'to matandaan? Bahala na nga, sumasakit lang ulo ko."

Meanwhile sa office, habang seryosong nagtatrabaho ang lahat sa operations room, napahikab si Jade dahil sa antok. Nag-unat siya at tumayo saglit upang magising. Habang nag-uunat, ay biglang napatili si Jade at nagulat sa kanyang nakita— si Ji na nakatayo sa pintuan ng Operations room.

Tuwang tuwa naman si Jade dahil nakita niya na okay lang si Jin, dahil labis ang pagaalala niya para sa kanilang dalawa ni Chris.

Tumungo na si Jin sa kanyang desk, at pagkaupo niya ay agad siyang kinausap ni Jade.

"Jin! Ikaw talaga! Pagkatapos ni—" Hindi tinuloy ni Jade na banggitin ang pangalan ni Chris, dahil naisip niya na baka biglang malungkot ito kaya iniba niya ang usapan, "Saan ka ba nagpunta, bigla kang nawala?"

"Sorry Ms. Jade. Nagkaroon lang ako ng realization. Hindi pala ako pwedeng basta magmukmok lang. Walang mangyayari sa akin." nakangiting sinabi ni Jin.

Gumaan ang loob ni Jade nang makita niyang nakangiti na si Jin.

"Jin, Alam mo ba, pati 'yung friend mo, si Rjay, nag aalala din sa'yo. Araw araw siya pumupunta dito para malaman kung pumasok ka na daw. Hindi mo daw kasi sinasagot 'yung phone mo. Nahihiya naman din daw siya pumunta sa inyo. Sabi ko, hindi ko din alam kung kailan ka papasok." nakwento ni Jade.

"Jin!"

May boses na tumawag kay Jin mula sa pintuan ng room nila. Tiningnan niya kung sino ito, at nakita niya si Rjay na nakangiti at masayang masaya.

Lumapit si Rjay sa pwesto niya at agad siyang kinausap.

"Bakit ngayon ka lang pumasok! Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Rjay.

"'Wag ka mag alala, okay na ko ngayon. 'Wag na kayo mag alala sa akin kasi maayos na ulit ako ngayon. Mas gagalingan ko!" nakangiting sinabi ni Jin.

"Nice! Pwede ba ako mamaya dumaan sa inyo Jin? May ipapatikim ako sayong niluto ko. Pero mamaya pa after shift, ako na lang pupunta sa inyo. Papatikimin ko rin kasi si kuya Jon. Sa kanya kasi ako nag tanong kung paano lutuin 'yun, kaya gusto ko i-judge niya." sinabi ni Rjay.

"Sige sige, sabihin mo sa akin pag papunta ka na mamaya." nakangiting sinabi ni Jin.

Pagkatapos nila mag-usap, umalis na rin si Rjay at  pumasok naman ang manager nila Jin upang mag announce.

"May announcement ako, pero bago 'yun, Welcome back sexy baby boy! Akala ko pati ako iiwanan mo na rin. Pero buti nandito ka na, dahil gusto ko maging part ka nitong life changing event na ito! Binigyan tayo ng tasks mula sa nakakataas para gumawa ng isang life changing project. Hindi nila sinabi kung ano ito, pero ang gusto nila, tayo ang mag-isip ng concept. Ang Operations Department ang inaasahan nila ngayon para sa biggest project na ito kaya naman bibigyan nila tayo ng malaking budget. Pero titingnan muna nila kung feasible ito talaga. So magme-meeting tayo kung anong gusto nating ipresent sa kanila. Any suggestions?"

Napaisip ang lahat ng mga nasa Operations team kung anong magandang concept ang pwede nilang i-present. Pati si Jade ay wala ring maisip, kaya tinanong niya si Jin.

"Jin, ikaw ba may naiisip ka na magpapabago sa buhay natin? Ibigay mo na kung mayroon kang naiisip."

"Ms. Jade, hindi ko alam kung pagtatawanan mo ko dito, pero isa lang naiisip ko." bulong ni Jin.

"Sige, what's that?" natatawang tanong ni Jade dahil alam niyang maaaring kalokohan na naman ang sasabihin ni Jin, "I won't judge you."

"Ms. Jade, naisip ko kasi, paano kung time machine ang i-present natin sa kanila?" seryosong tanong ni Jin.

Napatingin si Jade kay Jin at tumawa ng malakas.

"Jin! Ang funny mo talaga ever since! Ano ka ba? Masyadong mahal yan tsaka hindi natin alam kung magiging successful 'to. Wala pang nakakagawa ng time machine 'no! Kung meron man, sino and I'll give my full support. Tsaka sobrang hirap nito gawin kung magkataon." natatawa na sinabi ni Jade.

"Tama nga si Ms. Jade, mukhang imposible nga 'yun. Malaki-laking budget ang kakailanganin dito. Tsaka, 'yung time machine na 'yun, maaaring years pa siguro ang kakainin bago mabuo at sino nga makakagawa noon?" nasa isip ni Jin.

Habang nag-iisip si Jin ng malalim, may pumasok na tao sa isip niya, isang tao na napakalapit sa kanya.

"Ms. Jade, paano kung may kilala akong tao na nakagawa na ng time machine at alam kung paano ito mag-operate o alam kung paano ito buuin, tingin mo feasible to?" biglang tinanong ni Jin.

"Kung may kakilala ka, sino? Tsaka saan? Parang malabo naman 'yan. Isa pa, kailangan dito siya nagtatrabaho sa atin. Hindi naman tayo pwedeng kumuha ng outsider no!" hirit ni Jade.

"Kasi, Ms. Jade, sobrang malapit sa akin ng taong ito. Tingin ko matutulungan niya tayo, walang duda." seryosong sagot ni Jin at nakatingin siya sa mga mata ni Jade.

"Bakit? Nakabalik na ba siya sa oras? Kung oo, sige sabihin mo. But it's really hard to believe." bulong ni Jade

Nag-aalangan si Jin na sabihin kay Jade ang totoo. Ngunit, kung hindi niya naman ito sasabihin, hindi siya pagkakatiwalaan nito sa gusto niyang ibigay na concept.

"Wala na akong choice. Mukhang last resort ko na 'to. Ito lang ang pag-asa ko dahil isa si Ms. Jade sa mga malalakas dito sa Operations team. Gusto ko din mabuo 'tong time machine para sa pangarap ni Chris na mabalikan niya 'yung mama niya at makita ulit ito. Nandito naman si Jin Tanda para tulungan kami dahil nagawa niya na ito at nakabalik siya sa oras na 'to." nasa isip ni Jin.

"Ms. Jade..."

"O ano, Jin, may kilala ka ba na nakarating na sa past or future?"  natatawang tanong ni Jade.

"Mayroon po. Nakabalik na siya sa oras natin."  sagot ni Jin habang nakatingin siya sa mga mata ni Jade ng seryoso at hindi kumukurap.

Napansin ni Jade na tila seryoso si Jin, kaya nawala ang kanyang pagtawa.

"Seryoso ka ba talaga, Jin?"

"Opo, Ms. Jade."

"Sige, sino?"

"Ms. Jade, gusto ko lang sabihin na kahit anong mangyari, hindi mo sasabihin kahit kanino muna. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa buong Operations team. At alam ko dahil sa'yo, possible itong mangyari. Ms. Jade, i-promise mo sa akin na wala kang pagsasabihan."

"Okay! Sige go, pinky promises are never meant to be broken. Wala akong pagsasabihan"

"Ms. Jade, ang taong galing sa future at nakabalik na sa oras natin... ay ako." seryosong sinabi ni Jin kay Jade at binulong ito.

Humalakhak si Jade nang marinig niya ito.

"Jin! Ano ba 'yan! Funny ka talaga! Okay ka na ba talaga? Akala ko 'yung braso mo ang napilayan. Baka pati 'yung brain cells mo na-damage, Jin! 'Wag ka na nga mag-joke! Seryoso na tayo ngayon, kasi mahirap mag-isip ng concept."

Medyo nainis si Jin dahil ayaw siya paniwalaan ni Jade.

"Paano nga siya maniniwala sa sinasabi ko, wala naman akong patunay. Tsaka... sandali, alam ko na!" nasa isip ni Jin, "Ms. Jade, paano kung ipapakilala kita sa kanya, maniniwala ka ba?" seryosong tanong ni Jin.

"Nako, Jin, mamaya ipa-prank mo lang ako! Kukutusan kita up until the bottom of your spinal cord!"

"Hindi po, Ms. Jade, ipapakilala kita sa kanya. Ang Jin na mula sa future, 7 years from now." seryosong nakatingin si Jin kay Jade.

Napapansin pa rin ni Jade na seryoso talaga si Jin at hindi ito nagbibiro na.

"Okay, Jin. Sige, bibigyan kita ng pagkakataon. 'Pag ako talaga niloloko mo, bibigyan talaga kita ng punishment na hindi mo magugustuhan! Nako ka ah! Sige kailan ko makikita tong 'Future self' mo?"

Tila nakakita ng liwanag si Jin nang pumayag si Jade na makita ang taong sinasabi niya.

"Ms. Jade, pwede po kayo mamaya? Sa bahay namin, doon ko siya ipapakilala." bulong ni Jin.

"Sige, mamaya. Nako talaga! Mamaya baka i-prank mo lang ako ah? Sinasabi ko sayo, Jin!" natatawang sinabi ni Jade.

"Hindi po Ms. Jade. Magtiwala ka sa akin." nakangiting sagot ni Jin.

Biglang kinausap ni Jade ang manager, "Boss Dave, pwede bang bigyan mo pa kami ng time para mag-isip ng concept? Bigyan mo kami ng 3 days para makapag isip ng kahit draft. Okay lang ba Boss?"

"Okay, sige. After 3 days, mag meeting ulit tayo. Sana ay may naisip na kayo na draft para sa concept natin."

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nakauwi na si Jin sa bahay kasama si Jade. Pagpasok nila sa loob ng bahay, nakita nila si Jon na nakaupo sa sofa at nagbabasa lamang ng article. Nang makita ni Jon ang bisita na si Jade ay nagulat siya.

"Ms. Jade, nand'yan pala kayo. Bakit po kayo napunta dito? May kasalanan ba si Jin?" tanong ni Jon.

"May pag-uusapan kasi kami nito ni Jin. Sabi niya may ipapakita daw siya sa akin. Hindi ba, Jin?" tiningnan ni Jade si Jin at nanlalaki ang mga mata niya.

Napakamot ng ulo si Jin habang kinakausap siya ni Jade, "Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag 'to kay Jin Tanda. Malamang magagalit 'to sa akin. Baka mamaya sapakin ako nito. Pero wala na, nandito na ako. Ayoko mapahiya, at gusto ko matuloy ito. Silang dalawa ang sagot para dito." nasa isip ni Jin.

Pinaupo muna ni Jin si Jade sa sofa, "Ms. Jade, saglit lang po ah?"

"Sure cutie, dito muna ako sa sofa, lalaruin ko muna yung cat mo."

Tumungo si Jin papunta sa kinatatayuan ni Jon at binulungan ito, "Pwede ba muna kitang kausapin sa kitchen?" Bulong ni Jin.

"Bakit?"

Hindi na nagsalita si Jin at tinulak niya na ito papasok ng kitchen.

Nang makarating sila sa kitchen, tumingin si Jin ng masinsinan sa mga mata ni Jon na siya namang nagtataka sa mga pangyayari.

"Jin Tanda, 'wag ka magagalit sa sasabihin ko." sinabi ni Jin na medyo kinakabahan at pinapawisan.

"Ano ba 'yun?" Tanong ni Jon.

"Ano kasi, ummm, alam mo na itong oras na 'to? Itong date na 'to mismo?" tanong ni Jin.

"Oh? Anong meron sa date ngayon? June 15, oh?"  tanong ni Jon.

"Kasi nag-announce si Boss sa isang project na gagawin namin na may malaking budget." sinabi ni Jin.

Natunugan ni Jon ang nais iparating ni Jin.

"'Wag mo sabihing, nasa isip mo na 'yung time machine?" tanong ni Jon.

Tumango si Jin, ngunit nahihiya siya, dahil may isa pa siyang gustong sabihin.

"Oh, anong mayroon sa time machine?" tanong ni Jon.

"Kasi gusto ko sana na 'yun ang concept na ipasa namin. Kaso, sa tingin ng iba, hindi 'to feasible dahil wala pang nakakagawa nito." paliwanag ni Jin.

"Anong tawag mo sa akin? Panaginip? Virtual Character? A.I.? Ito ako oh? Galing sa future na bumalik sa past! Ano ako, kabute?" pabirong sinabi ni Jon.

"Ayun na nga! Kasi kung walang patunay, hindi sila maniniwala. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Uy ito nga pala ako 7 years from now na bumalik sa past' tingin mo maniniwala sila?" paliwanag ni Jin.

"Sabagay. Baka sabihin nila na baliw ka na, tsaka baka mamaya magkagulo pa. Pagkatapos, mabalita pa ko sa TV ng wala sa oras. So, anong balak mo?" tanong ni Jon.

"Kasi, ang nasa isip ko, basta may isang tao na naniniwala sa atin at alam na feasible ito ng hindi niya sinasabi lahat ng secrets, at malakas sa Operations Department, pwede 'to matuloy. Pero sa panahon mo ba, paano mo natuloy 'yung time machine? Pumayag ba sila? Kasi kung nagawa mo 'to, malamang pumayag sila sa concept na 'to. Pero wala kang ipinakilala kay Ms. Jade noon, so tingin mo delikado 'tong gagawin natin?" tanong ni Jin.

"Ikaw... sa tingin mo ba tama 'tong naisip mo? Nakadepende na sa'yo 'yung mga susunod na mangayari, Jin. Kung anong desisyon mo, tandaan mo, maaapektuhan ako." sagot ni Jon.

"Wala na tayong ibang choice. Kung sa panahon mo, paano mo sila napapayag na gawin yung time machine?" tanong ni Jin.

Hindi alam ni Jon kung paano niya sasabihin kay Jin  ang totoong nangyari, pero dahil nandito na rin sa point na kailangan na nilang magawa ang time machine, wala na siyang ibang choice.

"Si Ms. Jade din ang tumulong sa akin. Pero matinding pagpapaliwanag ang ginawa ko sa kanya. Ito, aaminin ko sa'yo, kahit hindi dapat. Pero noong oras ko, si Chris ang nagpaliwanag lahat. Siya ang may mga kilala or may mga connections sa iba kaya mas naging feasible 'to. At dahil napaka advance ng utak niya 10 times sa normal na tao, mas alam niya kung paano ito magooperate ng maayos. Pero ngayon, wala si Chris, wala tayong ibang way para paliwanagan si Ms. Jade. Kung sa tingin mo 'yung pag-amin na iisa lang tayo ang pinakasagot, sige, payag ako." paliwanag ni Jon.

"Teka, Sabi mo nandito si Chris noong mga oras na 'yun? Pero ngayon wala siya. Ibig mo bang sabihin, nagbago na 'yung mga nangyari?" nagtataka na si Jin.

"Oo, ayoko sana aminin. Pero lahat ng nangyayari ngayon, hindi na ito 'yung mga nangyari dati kaya natatakot din ako. Pero tingin ko, wala na tayong magagawa kung hindi ayusin 'to. Kaya sa'yo nakasalalay, Jin, ang future mo at ang kalagayan ko ngayon. Isang mali lang natin, pwede ako mawala bigla. Pero hangga't maaari, tutulungan kita." paliwanag ni Jon na seryoso at desidido tulungan si Jin sa plano nito.

"Natatakot din ako. Baka mamaya magkamali tayo. Pero sige, lalakasan ko loob ko!"  sagot ni Jin.

Lumabas na ang dalawang Jin sa kitchen at pinuntahan si Jade na nakaupo sa sofa habang nilalaro si Bullet.

"Oh tapos na kayo sa meeting niyo?" nakangiting bati ni Jade.

"Ms. Jade..." biglang sinabi ni Jin.

"Yes, Jin? Ready ka na ba sa akin ipakilala 'yung sinasabi mo?"

Nagkatinginan  ang dalawang Jin, at labis ang kanilang kaba. Pinapawisan na rin ang dalawa dahil sasabihin na nila ang totoo at hindi nila alam kung anong pwedeng susunod na mangyayari.

End of Chapter 23

Chương tiếp theo