webnovel

Chapter 39: Pagsapi

LUNA'S POV

Pagkababa ko sa kotse ni Kuya hinarap ko lang siya sandali. Nandito kami sa labas ng bahay nina Tita Kriztine.

"Mauna ka na susunod na lang ako dito mamaya."

"May pupuntahan ka?"

"Dadaan muna ako ng ospital."

"Sige. Ingat!"

"Ikaw na ang magsabi kay na Tita."

"Okay, Kuya. Bye!"0

"Bye!" Saka siya umalis na. Hinarap ko ang mansyon. Kagabi halos hindi ako makatulog sa sobrang excited ko na magpunta dito at makita si Azine. Napangiti ako ng maluwang. Sandali pa at nag-doorbell na rin ako. Mag-aalas nueve na rin pala ng umaga ngayon.

"Good morning, Aling Gina!" Masiglang bati ko sa kaniya na siyang nagbukas ng gate para sa akin.

"Good morning din sa'yo, ija" Napangiti din siya ng maluwang.

"Pasok ka."

"Salamat po."

"Mukhang masayang-masaya ka ngayon."

"Hindi naman po medyo lang."

"Sus, kitang-kita sa mukha oh? Siya sige pumanhik ka na nandiyan silang lahat sa salas."

"Sige po." Nagtuloy na ako sa loob. Pagkarating ko sa salas napahinto ako at napawi na rin ang ngiti sa labi ko. Napatingin silang lahat sa akin.

"Hi, ija!" Bungad sa akin ni Tita. Napangiti na rin ako ng bahagya. Nakatingin lang ako sa kaniya na napatayo na rin.

"Halika dito, Luna." Naiilang akong lumapit. Binati ko na lang din sina tito at kuya Julius.

"Luna." Napatingin ako sa kaniya.

"M-Maxine. Kailan ka pa?"

"Kadarating ko lang din. Sinabi sa akin ni tita ang nangyayari at nang malaman ko ay nagmadali na akong makapunta dito kaagad." Nginitian ko lang siya.

"Mabuti naman pala at alam mo na." Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan ni Max.

"Thanks for helping my boyfriend, Luna. Kung hindi dahil sa'yo baka hindi namin nalaman ang totoong nangyayari sa kaniya."

"Wala lang 'yon." Binitawan niya na ako.

"Nakakatuwa lang kaya pala no'ng unang pagkikita natin wala kang ibang bukang-bibig kundi si Azine. Ang ibig sabihin pala matagal na akong nakikita ni Azine at ako lang 'yong hindi nakakakita sa kaniya."

"Oo nga eh."

"Ang mahalaga ngayon nalaman na namin pare-pareho ang nangyayari kay Nizu at dahil 'yon sa'yo, Luna. Maraming salamat sa'yo, ija." si Tito.

"Wala lang po 'yon."

"Luna," napabaling ako kay Maxine.

"Nandito ba siya ngayon?" Napabaling din ako sa paligid pero mukhang wala siya dito kasi hindi ko siya nararamdaman.

"Wala pa siya dito." Napangiti ng pilit si Max. Ramdam ko na miss na miss niya na rin si Azine.

Nagtuloy kami ni Maxine sa kwarto ni Nizu. Naupo siya sa bangko sa harap ni Azine samantalang nakatayo lang ako at nakamasid sa kanila hindi kalayuan.

"Mabuti na lang hindi namin sinukuan si Azine. Ngayon, mas malaki na ang pag-asa namin na magkamalay na siya," sabi niya habang nakatingin kay Azine at hinahaplos ang pisngi ng kasintahan. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Napailing na lang ako.

"Kaya nga eh. Maxine,"

"Hmm?" Napatingin siya sa akin. Nanatili lang ako sa pwesto ko.

"Pasensya ka na nga pala kasi hindi ko nasabi sa'yo dati na nakikita ko si Azine. Isa pa hindi ko rin kaagad pinaalam sa'yo ang nalaman kong ito ayoko lang kasing pangunahan sina tita." Napatayo siya at napalapit sa akin.

"I understand, Luna. Huwag mo na ngang alalahanin 'yon kasi ang mahalaga na sa akin ngayon eh ang malaman ko na may pag-asa si Azine na mabuhay muli. Right now, honestly, I'm super happy, Luna. I can't wait to be with him for the second time again." Napangiti na lang ako para sa kaniya. Pero sa mga sandaling ito hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako para kay Maxine at Azine kasi magkakasama na ulit sila? O malulungkot kasi kahit anong tanggi ko napalapit na rin sa akin si Azine. Napalapit ulit siya kay Azine. Doon na siya naupo sa kama sa tabi ni Azine.

"Babe, miss na miss na kita. Huwag kang mag-alala magkakasama na ulit tayong dalawa. Alam kong hindi ka pababayaan ng Diyos. Babe, kung nasaan ka man sana okay ka lang. Bilisan mo na ang pagbalik dito kasi hinihintay kita." Napatalikod agad ako nang lumaglag ang ilang butil ng luha sa pisngi ko. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Hindi ako nakapaghanda sa ganitong mga eksena. Parang tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko.

"Luna." Agad-agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at saka hinarap si Maxine.

"Bakit?"

"Are you okay?" Bahagya akong napangiti.

"O-Oo naman okay lang ako." Napatango-tango lang siya.

"Siya nga pala nasa'n si Doc Von?" Pagbabago niya sa usapan.

"Dumaan muna siya sa ospital may gagawin lang daw muna siya pero susunod din kaagad dito 'yon."

"Gano'n ba? Gusto ko rin kasi siya'ng makausap kasi hindi ko pa siya napapasalamatan sa ginagawa niyang sakripisyo sa boyfriend ko."

"Siguro papunta na rin dito 'yon."

AZINE'S POV

Nandito ako ngayon sa Hardin. Nakaupo ako sa nakalatag na damo at nakatanaw sa magandang tanawin. Gusto ko lang mawalan ng iniisip kahit sandali lamang.

"Nandito ka lang pala." Napalingon ako at sina Sky at Cloud pala. Naupo din sila.

"Bakit hindi ka pa bumababa?" tanong ni Sky.

"Gusto ko lang munang mag-stay dito for a while. For sure mapapadalas na ang pagpunta ko dito pagkatapos ng araw na ito."

"Wala na tayong magagawa 'yon na ang nakasulat sa kapalaran mo eh. Ang gawin mo na lang bumaba ka na at i-settle ang lahat. Maswerte ka nga at pinagbigyan ni San Pedro ang pabor mo."

FLASHBACK

"Maaari ba akong humingi ng pabor?"

"Sabihin mo."

"Kung pwede po sana maaari ho ba na makapagpaalam muna ako kay Luna? Kahit sa kaniya na lang po, San Pedro. Pagbigyan niyo ho sana ang hiling ko. Alam na ho ng pamilya ko ang nangyayari sa akin at kapag bigla akong hindi nagparamdam sa kanila baka mag-isip nang mag-isip ang mga magulang ko. Kung malalaman ni Luna kahit papaano mapapanatag ako, San Pedro. Pangako, sa kaniya ko lang ho sasabihin."

"Hindi maaring malaman ng kahit na sinong may buhay ang tungkol dito, Azine."

"San Pedro, magpapaalam lang ho ako sa kaniya. Pagbigyan niyo na ho ako kahit hindi ko na po sabihin ang dahilan." Napabuntong-hininga siya.

"Sige, magpaalam ka sa kaniya subalit magpaalam ka sa paraang hindi niya mauunawaan. Hindi maaaring malaman ni Luna at kahit na sino pang tao ang tungkol sa bagay na ito, Azine.

"Nauunawan ko ho. Maraming salamat!"

END OF FLASHBACK

"Kakayanin mo ba, Azine?" tanong ni Cloud.

"Paano kung may magtangka ulit sa buhay ni Luna, kaya mo bang hindi mangialam?" si Sky.

"Paano kung ligawan si Luna ng ibang lalaki, kaya mo bang magtimpi na hindi siya lapitan at kausapin?" si Cloud. Nasa Hardin ako pero parang ang lakas ng tama ng nitong mga tinatanong nila sa akin.

"Kaya nga kailangan kong magpaalam kay Luna, di ba? Diyan na nga kayong dalawa bababa na ako." Napatayo na ako at iniwan sila doon.

ARIF'S POV

"Ano'ng sabi mo?" tanong ko ulit kay Nico. Napahinto na ako sa paglalaro ng basketball dito sa campus.

"Ang sabi ko si Maxine lumuwas din kahapon daw."

"Bakit daw?"

"'Yon lang ang hindi ko alam." Nangunot ang noo ko. Isa lang naman ang palagi niyang pinupuntahan sa Manila eh. Pinasa ko sa kaniya ang bola at tumabi muna. Hinagilap ko agad ang backpack ko at kinuha ang cellphone. Dinial ko agad ang number ni Maxine.

{ "Hello?" }

"Nasa Manila ka?"

{ "Yeah. -Max, dito lang muna ako." } Tama ba ako ng dinig?

"Are you with Luna? Siya ba 'yong nagsalita?"

{ "How did you recognized her voice that easy?" }

"Si Luna ba 'yon?"

{ "Yeah, it's Luna. Bakit ka ba tumawag?" }

"Bakit kayo magkasamang dalawa?"

{ "I can't tell you right now, Arif. Sorry, I have to go, bye!" } Binabaan niya na ako. Ano ba'ng nangyayari? Wait! Bigla akong may naisip. Ano nga 'yon?

"Nico." Napalapit siya sa akin.

"Bakit?"

"Ano nga ulit ang pangalan no'ng boyfriend ni Maxine?"

"Hmm..." Sandali siyang nag-isip.

"Azine if I'm not mistaken? Yeah, it's Azine."

"Azine? Parang narinig ko na sa kung saan ang pangalan na 'yan."

"Baka kay Maxine. Siya naman ang madalas magkwento sa'yo ng tungkol kay Azine eh." Napailing ako.

"I think I heard it with someone else. Kanino nga 'yon? Alam ko na."

"Laro lang ako."

"Sige." Bumalik na si Nico sa paglalaro. Binuksan ko kaagad ang data at binalikan 'yong school page namin. Pinanood ko 'yong video ni Luna noong muntik na siyang maaksidente. Tama, dito ko nga narinig ang pangalang Azine. Ilang beses ko na rin yatang narinig 'yon kay Luna pero hindi ko lang matandaan.

"Siya pala si Azine?"

AZINE'S POV

Nakamasid lang ako kay Luna habang naglalakad ng nakatungo. Parang may malalim siyang iniisip. Sumulpot ako sa harap niya. Nagulat pa ito ng makita ako. Parang ang lungkot naman ng mukha niya.

"May problema ba?" Mahinahon kong tanong sa kaniya. Nginitian niya ako pero halata namang pilit lang. Parang gusto niyang umiyak.

"Are you okay?" Napatango lang siya. Nararamdaman ko si Luna at hindi siya pwedeng magtago sa akin.

"Sumunod ka sa akin." Tumuloy ako sa isang kwarto na nasa tapat namin. Ito na ang pagkakataon ko para makapagpaalam sa kaniya. Pumasok na si Luna at lumapit sa akin.

"Azine..."

"Luna, may kailangan akong sabihin sa'yo."

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa akin, Azine. Naiintindihan ko naman ang lahat eh. Noong una pa lang alam ko na darating ang araw na aalis ka at iiwan mo din ako kaya lang akala ko handa na ako pero hindi pa pala. Kapag natapos na ang lahat ng ito ako na kusang lalayo sa inyo. Puntahan na natin si Maxine kanina pa siya naghihintay sa'yo. Halika na." Tinalikuran niya na ako.

"Luna." Napahinto siya pero hindi ako nilingon. Alam kong umiiyak siya at agad na pinunasan para hindi ko na makita.

"Look at me." Hindi niya ako sinunod.

"Luna, what's wrong with you? Walang kinalaman si Maxine sa sasabihin ko sa'yo." Hinarap niya na ako.

"Hinihintay ka niya puntahan na natin siya."

"I don't care. It's about us! I'm talking about us, Luna."

"Siya ang totoong girlfriend mo." Natigilan ako 

"You mean all these time you never considered me as your boyfriend? Hindi mo man lang ba sineryoso ang mga sinabi ko sa'yo dati? I'm not playing around here. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo, Luna. I love you!"

"Tumigil ka na. Si Maxine ang girlfriend mo kaya puntahan mo na siya ngayon."

"I don't love her anymore!"

"Nababaliw ka na!"

"Yes, I am! Nababaliw ako sa'yo, Luna. Ikaw ang mahal ko pero pinagtatabuyan mo ako sa iba."

"Tinanong mo ba ako kung mahal din kita? Si Maxine ang totoong nagmamahal sa'yo, Azine. Hindi... Hindi kita mahal!" Napaiyak na siya. "Para sa akin isa ka lang sa mga kaluluwa na dapat kong tulungan. Isa ka lang sa mga misyon ko, Azine. Sige na puntahan mo na ang pamilya mo. Sila ang totoong nagmamahal sa'yo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Luna. Buong akala ko pareho kami ng nararamdaman. Kahit kailan lang kami nagkakilala totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. Mahal ko talaga si Luna. Tiningnan ko lang siya at saka umalis na.

Nagtuloy ako sa kwarto ko at naabutan ko nga doon si Maxine kasama sina mommy. Nandito na rin si Doc Von at may kasama pa siyang isang doctor na ngayon ko lang nakita dito. Medyo may katandaan na ito. Napatingin silang lahat sa may pwesto ko. Nakikita ba nila ako?

"Luna, lumapit ka dito." si Kuya Von. Napatingin ako sa may likuran ko at nando'n nga si Luna. Napahinga ako ng maluwang. Akala ko naman nakikita na nila ako. Tiningnan ako ni Luna saka siya lumapit sa mga ito. Medyo mugto ang mata niya. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Luna, I'd like you to meet Doctor Severino Isidro. He's expert in spiritual domain and I invited him to help us."

"Hi, Luna! Just call me Doc Rino." Masuyo nitong inilahad ang palad sa harap ni Luna. Napangiti ng bahagya si Luna dito at inabot na rin ang kamay ng doctor.

"Nice to meet you po, Doc Rino."

"It's a pleasure to meet you too, ija." Hinarap niya na sina mommy.

"Naikwento na sa akin ni Doc Von ang buong pangyayari. To be honest with you ngayon lang ako nakarinig ng ganitong cases and I think medyo mahihirapan tayo. Luna," binalingan niya si Luna.

"Ang sabi ng kuya mo nakakakita ka daw ng mga kaluluwa?"

"Opo, Doc."

"Nakikita mo ang kaluluwa ni Azine?"

"Oho."

"Luna, kasama ba natin siya ngayon? Nandito ba si Azine?" Diretsa siyang napatingin sa doctor. Lahat naman ng narito ay nakamasid lang at naghihintay ng sagot. Napatighim si Luna at tiningnan ako. Napatingin lang din ako sa kaniya pero wala akong sinabi.

"Kasama ho natin siya ngayon."

"Nandito ang anak ko?" Napatingin ako kay na mommy. Napaiyak na naman ito habang sapo ni dad. Si Kuya Julius din ay halatang nagalak sa sinabi ni Luna. Napatingin ako kay Max at napangiti din ito.

"Gusto kong makausap ang anak ko. Nizu! Miss na miss ka na naming lahat." Napatingin lang ako sa kanila. Sa mga sandaling ito nakaramdam din ako ng sobrang pagka-miss sa kanila. Gustong-gusto ko silang yakapin. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko kaya napaiyak na din ako.

"Mom. Dad. Kuya Julius. Miss na miss ko na rin kayong lahat." Napaiyak na din talaga ako. Nakatingin lang sa akin si Luna.

"Ija," Nilapitan ni mama si Luna.

"Where's my son?" Nilapitan ko si mommy.

"He's right beside you, tita. Umiiyak din po siya sa pagka-miss sa inyong lahat." Nanginginig ang boses ni Luna habang nagsasalita at halatang pinipigilan ang sarili sa pag-iyak. Nilapitan ni dad si mommy while may luha na rin sa mga mata. Hinarap ako ni mommy na parang nakikita ako. Sandali lang at si Doc Rino naman ang binalingan niya.

"Doc, may paraan ba para sumapi ang kaluluwa ni Azine kay Julius? Gumawa ka ng paraan Doc gustong-gusto kong mayakap at makausap man lang si Azine." Nagkatinginan sina Kuya Von at Doc Rino.

LUNA'S POV

Nakaupo na si Kuya Julius sa solo sofa at nakasandal doon. Mukha namang may kakayahan itong si Doc Rino. Nasa gilid lang kami at pinagmamasdan lang ang ginagawa ni Doc. May kung anong parang Latin na salita siyang binabamggit. Tiningnan ko si Azine na nakatingin din sa akin pero biglang napabaling ng tingin sa ibang direksyon. Mga ilang saglit pa saka lumapit si Azine kay kuya Julius. Pumwesto siya sa kung paano ito nakaupo hanggang sa hindi ko na makita si Azine.

"Gumana," sambit ko. Napatingin sila sa akin. Naramdaman na rin ng katawan ni Kuya Julius ang pagpasok ng kaluluwa ni Azine. Parang medyo nahihirapan siya.

"Ano nang nangyayari?" si Tito Julio.

"Von," nag-aalalang tawag ni tita kay Kuya.

"Let's just wait for a while, Tita, Tito." Napatingin ako kay Maxine na nasa tabi ko lang. She looks really worried. Nahawakan ko na lang ang kamay niya kaya napatingin ito sa akin. Pinilit niyang ngumiti at saka kami muling tumingin kay na Kuya Julius.

Maya-maya biglang natigilan si Kuya Julius. Iminulat na nito ang mga mata at saka isa isang tiningnan ang mga nakapaligid sa kaniya.

"Ikaw na ba 'yan, Azine?" tanong ni Doc Rino sa kaniya. Dahan-dahan siyang napatayo. Tumingin siya sa gawi namin.

"Mom? Dad?" Nang magsalita siya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Boses ni Azine ang narinig ko. Siya na nga ito. Naramdaman kong bumitaw si Maxine sa pagkakahawak sa akin. Hinayaan ko na lang at bahagya akong napagilid sa tabi ni Kuya Von. Drama ng magpamilya ito at chance ni Azine na makausap ang pamilya niya. Pagtingin ko ulit kay Kuya Julius hindi na siya ang nakikita ko kundi si Azine.

Napalapit na sina tita at tito kay Azine. Parehong luhaan ang mag-asawa at ramdam na ramdam dito ang pagka-miss nila sa isa't isa.

"Nizu, anak? Ang mommy mo ito, anak."

"M-Mommy." Agad na nagyakap ang mag-ina. Hinayaan muna ni Tito Julio ang asawa na mayakap ang anak kahit siya mismo ay miss na miss na rin ito.

"Bakit ngayon ka lang? Miss na miss ka ni mommy, anak. Miss na miss kita." Nasa yakap pa rin ang dalawa.

"I miss you too, mom. I miss you so much!" Ilang sandali pang nagyakap ang dalawa nang maghiwalay din ang mga ito. Si Tito naman ang hinarap ni Azine. Nagkatinginan lang sila sandali at para bang agad na nag-usap sa pamamagitan ng mga mata.

"Anak." si tito.

"Dad."  Nagyakap din ng mahigpit ang mag-ama. Naiyak na din ako sa sitwasyon ngayon.

"Maghihintay kaming lahat sa'yo, anak."

"Magkakasama-sama din tayo, dad. Ikaw si mommy, si Kuya Julius at ako. Malapit na po tayong mabuo ulit."

"Oo, anak." Nagyakap silang tatlo. Napalapit na rin si Maxine sa kanila.

"Azine." Napabitaw na muna sina tita. Napatingin naman si Azine kay Maxine na nasa harap na niya. Umiiyak na rin si Maxine.

"Max." Agad na niyakap ni Maxine si Azine. Ilang saglit akong napatingin sa kanilang dalawa. Napatingin si Azine sa may pwesto ko pero agad ko siyang iniwasan. Pinahid ko ang aking luha at tumalikod na sa kanila.

Nang makalabas ako sa sa kwarto doon bumuhos ang aking pinipigilang luha. Nasasaktan ako pero masaya ako para kay Azine. Darating ang araw na magkakasama at mabubuo na rin sila at masayang-masaya ako doon. Kaya lang nang makita kong yakap niya si Maxine doon ako mas nasaktan. Akala ko kaya ko na pero hindi pa pala. Ngayon ko na-realized na mahal ko pala siya pero hindi pwede dahil may totoong girlfriend na siya.

"Luna." Natigilan ako nang makita ko si Aling Gina sa harap ko. Alalang-alala ang mukha nito at halatang nakikisimpatya sa aking nararamdaman.

"Ayos ka lang ba, ija?" Agad kong pinunasan ang luha ko. Tinanguan ko siya.

"Aling Gina, pasabi naman ho kay Kuya na mauuna na akong umuwi sa bahay kasi medyo sumakit ho ang ulo ko."

"Sige sasabihin ko sa Kuya mo."

"Salamat po." Nagmamadali na akong umalis at bumalik sa bahay ni Kuya. Umakyat kaagad ako sa kwarto ko at napasandal sandali sa pinto. Panay pa rin ang buhos ng luha sa pisngi ko. Napalapit ako doon sa bulaklak na bigay ni Azine. Umiyak lang ako nang umiyak. Maya-maya biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko sa nakasukbit kong sling bag.

"Arif?"

{ "Luna, are you crying? What's wrong? " }

Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Napaiyak na lang ako.

__________________________________________________

End muna natin dito hahaha! Iyakan time 😭😭😭

Chương tiếp theo