webnovel
avataravatar

Chapter 26: Follow the Boss

LUNA'S POV

Napatingin ako kay Azine na sumulpot dito sa tabi ko. Nakatingin lang siya ng masama sa akin. Napakain na lang ako.

"Nailang ka ba sa tanong ko? Bakit, may boyfriend ka na ba, Luna? Mukhang wala naman kasi single ang naka-status sa facebook mo eh." Napatingin ako kay Arif.

Stalker ba siya?

"Ano pa ba?" si Azine. "Tigilan mo na ang pag-i-stalk kay Luna, okay?" dagdag pa niya. May pagkainis sa tono.

"Luna. Hey, Luna."

"Huh?"

"Are you okay?"

"O-Oo."

Natigilan ako ng maramdaman ko'ng inilapit ni Azine ang mukha niya sa akin. Nakatingin lang ako kay Arif.

"Follow me or else I'll rape you here."

"Ano?" Natampal ko ang bibig ko.

Nagulat ko rin yata si Arif sa bigla ko'ng pagsalita kaya natigilan siya sa pagkain at napatingin sa akin.

"Sorry may iniisip lang kasi ako eh.  Sandali lang Arif huh, punta lang ako sa banyo."

"Sige lang, I'll wait you here." Nagmamadali na akong lumabas ng canteen.

Nagtuloy ako dito sa banyo hindi kalayuan sa may canteen. Maliit lang 'to at may tatlong cubicles lang. Ini-lock ko agad dahil wala namang ibang tao.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kahihiyan.

Nakakahiya talaga kay Arif baka isipin niya nababaliw na ako.

"Ano'ng mahalaga sa lalaki'ng 'yon?" Napatingin ako kay Azine na nasa likod ko.

"Nababaliw ka na ba? Pumili ka naman ng lugar para sa mga wala'ng kwenta mo'ng jokes."

"You think I'm joking?"

Nakakatakot siya'ng tumingin. Napalunok na lang ako no'ng dahan-dahan siya'ng lumapit sa akin. Napaatras na din ako.

"L-Leave me." Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

Wala na ako'ng maatrasan dahil pader na ang nasa likod ko. Nagulat ako no'ng pabagsak na inihampas ni Azine ang kamay niya sa gilid ko.

Bakit gano'n para siya'ng totoo'ng tao. Para siya'ng buhay.

"Hindi mo ba sineryoso ang mga sinabi ko kagabi? You're my girlfriend now, Luna. At seryoso ako sa sinabi ko'ng nagsiselos ako kapag nakikita ko kayo'ng magkasama ng Arif na 'yon. Don't forget that you're already mine, Maria Luna Del Mundo!" Nangunot ang noo ko.

Ibig sabihin...

"Hindi ako nananaginip kagabi?" Seryoso pa rin siya.

"Fool!"

Hindi na niya ako binigyan ng chance na makapagsalita at hinalikan niya na ako agad. It's too aggressive again. Tinugon ko na lang ang halik niya. Naramdaman ko ang kamay ni Azine sa batok ko at mas idiniin niya pa ako sa kaniya. Natigilan lang kami nang may kumatok sa pinto. Nasa banyo nga pala kami.

Tiningnan ako ni Azine pero sobrang lapit niya pa rin sa akin.

"Go get your things and I'll walk you to your second class."

Palakad na ako ng hawakan niya ako sa braso kaya napabalik ako sa harap niya.

"One mistake, one kiss. Remember that, Luna."

Tss! Ghost kisser! Napangisi lang si Azine.

Ako naman ay binuksan na ang pinto at umalis na. Hindi ko na pinansin 'yong mga babae'ng naghihintay sa labas.

Binalikan ko na si Arif.

"Luna."

"Arif, kailangan ko ng umalis kasi may klase pa ako." Isinukbit ko na ang bag ko.

"Hindi ka pa tapos kumain eh."

"Busog na ako, salamat sa libre ah." Tinalikuran ko na siya.

"Luna, ihahatid na kita... May tumawag sa phone mo kanina." Hindi ko na siya nilingon at tuloy-tuloy na sa paglakad.

Sino naman ang tumawag?

Sumulpot naman ulit sa gilid ko si Azine.

"Are you afraid to make a mistake again, huh?" Pinasaringan ko lang ang nang-aasar na si Azine.

Kinuha ko ang phone sa bag at tiningnan kung sino ang tumawag. Si Je pala. May nakita ako'ng isa pa'ng miss call. Unregistered number pero parang familiar. Hindi ko na lang pinansin at ibinalik na sa bag ang cellphone.

"Am I not a good kisser?" sabat na naman ni Azine.

"Shut up!" Napailing na lang ako.

Nakarating na rin naman ako sa second class ko. Hinarap ko muna si Azine bago pa ako makapasok. Nasa gilid lang kami.

"Umalis ka na." Mataman niya lang ako'ng tiningnan.

"Don't try to eat with him again, okay? Hintayin mo'ng mabuhay ako ulit at ako ang sasama sa 'yo kahit saan pa'ng food station 'yan. Tss!" Ma-awtoridad niya'ng sabi. Naglaho na siya.

Mabuhay ulit? Hintayin siya para samahan ako'ng kumain? Kailan pa kaya mangyayari 'yon? Tss! Baliw na Azine.

Pumasok na ako sa room namin. Nakita agad ako ni Je. 'Yong mga kaklase ko nakatingin lang sa akin at nakangiti.

"Hi, Luna!" bati nila.

Nangunot na lang ang noo ko at binati sila pabalik. Lumapit kaagad sa akin si Je at hinila ako paupo.

"Luna, tinatawagan kita kanina nagri-ring lang phone mo." Ibinaba ko muna ang bag ko sa bangko.

"Nag-cr ako tapos iniwan ko 'yong bag ko sa canteen."

"Oo nga pala galing ka nga pala sa canteen kasama si Arif." Napatingin ako ng direkta kay Jedda.

"Paano mo nalaman?"

"Paano 'ninyo' nalaman. Nasa headline na naman kayo'ng dalawa ni Arif kani-kanina lang."

"Na naman?"

"Yep! Luna, kayo na ba talaga ni Arif?" Napanguso ako at nabatukan si Je. Napadaing naman ito. OA ang hina lang eh.

"Pati ba naman ikaw? Tsk! Pahingi notes kay sir Tarantado este Barumbado."

"Ay, mas bet ko 'yong Tarantado."  Natawa na lang kami'ng dalawa ni Je.

Kinuha niya ang notes kay sir Barumbado at ibinigay sa akin. Kukuhanin ko na sana ang notebook ko nang may kumatok na lalaki sa pinto. Napatingin kami'ng lahat sa kaniya.

"Dito ba si Ms. Maria Luna Del Mundo?" Saglit sila'ng napatingin sa akin. Siniko naman ako ni Je.

"Bakit ka hinahanap no'n?"

"Ewan ko."

"Luna, hinahanap ka." si Cedric.

Napatayo na ako at nilapiyan ito.

"Ipinapatawag ka ni Sir Andrew. Sa gymnasium ka dumiretso."

[ AUTHOR'S NOTE: Ang gymnasium ng MSU ay kasalukuyan pa'ng ginagawa pero tingin ko malapit na rin namang matapos kaya sinama ko na dito.😊 Okay, exita na ako. Enjoy reading! ]

"Sige."

"Luna, bakit hinahanap ka ni Sir Andrew?" tanong ni Glyde.

"Kinuha niya kasi ako sa team niya." Nagulat sila sa sinabi ko pati si Je. Hindi ko nga pala nasabi sa kaniya. Napalapit na ako sa kaniya.

"Kailan pa 'yan, Luna? Bakit hindi ko alam?" Nagtatampo pa'ng tanong niya.

"No'ng iniwan mo 'ko kasi sabi mo mamamalengke kayo ni Tita." Napangisi siya.

"Ay, noon ba 'yon? He-he!"

"Alis na muna ako." Isinukbit ko na lang ang bag ko.

"Luna, galing mo talaga. Nakasuporta kami'ng lahat sa 'yo." si Aldrin. Sumang-ayon naman sila'ng lahat.

"Salamat sa inyo." Hinarap ko muna si Je.

"Kita tayo mamaya." Nag-hand sign lang siya ng okay. Tuluyan na ako'ng umalis at nagpunta sa gym.

Wala naman ako'ng nakitang ibang estudyante dito maliban sa Volleyball team. Marami sila siguro nasa mahigit labing-lima. Ang dami pala'ng player ng volleyball.

"Luna, dito." Tawag ni Sir Andrew sa akin.

Lumapit na rin ako sa kanila. Nginitian ko lang sina Max at iba pa.

"Guys, siguro kilala niyo na si Luna, siya ang sinasabi ko sa inyo'ng idaragdag ko sa team niyo."

"Hi, Luna! Welcome sa Volleyball team." Si Maxine. Nginitian ko siya.

"Salamat, Maxine."

"Hi, Luna!" bati sa akin no'ng isang player na panglalaki ang buhok.

"Hello!"

"Luna, welcome dito. Pansin ko nga magaling ka talaga'ng maglaro." sabi naman nito'ng isa'ng player na matangkad, medyo payat pero maganda. Mga tourism nga yata halos lahat ang mga ito eh.

"Hindi naman masyado mas magaling pa rin kayo. Salamat sa inyo'ng lahat." Wala namang imik ang mga barkada ni Max. Hindi ko na lang pinansin.

"Oh, paano sasabihan ko na lang kayo kapag may practice tayo. Tutal medyo malayo-layo pa naman ang intramural natin. Maiwan ko na muna kayo dito. Maxine, ikaw muna bahala kay Luna."

"Yes, sir!" Umalis na din si sir matapos makapagpaalam pa sa iba.

"Luna, join us here. Ipapakilala kita sa team." Lumapit ako kay Max.

Una niya'ng pinakilala sa akin ang mga kaibigan niya.

"Ito naman si Santy, engineering student siya." Ang tinutukoy niya ay ang babae'ng panlalaki ang buhok.

"Hi!" Nakipagkamay ako sa kaniya na maluwang naman ako'ng nginitian.

"While this is Rica, Tourism din."

"Welcome sa team namin, Luna."

Ito naman 'yong pumuri sa akin kanina. Siya 'yong matangkad na payat pero maganda. Tourism naman pala.

"Salamat!" Nginitian ko siya at nakipagkamay. Mukha namang mababait sila eh. Pinakilala niya pa sa akin 'yong iba.

"Baka may klase 'yong iba pwede na kayo'ng umalis." Sabi ni Max sa mga kasama.

Matapos makapagpaalam sa amin ay nagsialisan na sila at ngayon ay kami na lang ni Max ang narito. Nauna na rin kasi'ng umalis ang apat na barkada niya.

"May klase ka pa ba, Luna?" Tanong ni Max.

"Meron pero ipinagpaalam na ako ng mga kaklase ko."

"Gano'n ba? Tara, canteen muna tayo." Kagagaling ko lang do'n.

"Sige."

Naglakad na kami palabas. Kaya lang bigla ako'ng nailang dahil paglabas namin habang papunta sa canteen nakatingin lang sa amin 'yong ibang estudyante. Tiningnan ko si Maxine pero balewala naman sa kaniya.

"'Wag mo sila'ng pansinin." Sabi niya na hindi ako tinitingnan at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

"Huh?" Tiningnan niya na ako at sabay napangiti.

"Mga naiinggit lang sila sa 'yo. Alam mo ganyan din ako no'ng una."

"Napagkamalan ka rin nila?"

"Akala nila nagdi-date kami ni Arif dati kaya palagi rin kami'ng usap-usapan kapag magkasama kami. Ganyang-ganyan sila kung makatingin sa akin mabuti na lang medyo sikat ako dito kaya mas nadaig ko sila." Bahagya siya'ng napatawa.

Mabuti na lang sikat ka eh paano ako'ng hindi? Hu-hu!

"Luna, totoo pala'ng nakakakita ka ng mga multo?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Oo." Bakit bigla niya kaya'ng nabanggit?

"Honestly, no'ng una hindi talaga ako naniniwala eh. Nakakatakot ba?"

"Sobra, lalo na kapag nakita mo 'yong itsura nila. Pero mababait naman sila tayo lang talaga 'yong natatakot sa kanila."

"Hindi ko yata kaya 'yan. Kung ako ang nabigyan ng ganiyang ability baka..."

"LUNA! MAX! UMALIS KAYO DIYAN MAY MALALAGLAG NA SANGA!"

Pareho kami'ng napahinto ni Max. Naramdaman ko'ng umalis kaagad si Maxine sa tabi ko samantalang ako naman ay tiningala muna ang sinasabi no'ng estudyanteng sumigaw. Napamulagat na lang ako nang makita ko ang matulis na sanga na tatama sa aking mukha. 

"Luna!" Narinig ko pa'ng sigaw ni Max at ng ilang mga estudyante.

Napapikit na lang ako no'ng malapit ng tumama sa mukha ko ang matulis na sanga ng narra na nadito sa gilid. Bigla ko'ng naramdaman na may mabilis na yumakap sa akin at medyo inilayo ako sa babagsakan ng sanga. Dahan-dahan ako'ng nagmulat at tiningnan kung sino ang nagligtas sa akin.

"A-Azine."

Nanginginig ko'ng banggit sa pangalan niya. Tiningnan niya ako sandali at saka agad na luminga sa may puno. Napatingin na rin ako. May nakita ako'ng kaluluwa na agad di'ng naglaho.

"Luna!"

Naglaho agad si Azine. Napatingin ako kay Maxine at sa mga nakakita. Nakatulala lang sila na parang nakakita ng multo.

Nakita siguro nila ang pagligtas sa akin ni Azine.

"Are you okay, Luna?" Napatango lang ako.

"Ano'ng nangyari kanina? Lahat kami nagulat. Sino'ng nagligtas sa 'yo?"

"H-Huh?"

"Don't mind. Halika sasamahan muna kita sa clinic." Nagpadala na lang ako sa kaniya.

"Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina."

"Para'ng nakakita nga ako ng magic eh."

"Sino kaya 'yong nagligtas kay Luna? Muntik na siya, huh."

"Sino pa eh di multo."

"Oo nga siguro." Usap-usapan ng mga estudyante.

"Teka, nakuhanan mo ba?"

"Oo naman. 'Yon ang mga bagay na hindi pinapalampas. Sigurado'ng pagkakaguluhan na naman 'to." Usapan naman nito'ng mga news reporter kuno.

JEDDA'S POV

Napatingin ako sa mga estudyante at bawat nadadaanan namin ay abala sa mga cellphones nila. Papunta kami'ng mini ngayon nina Glyde kasi tatambay muna kami.

"Ano'ng nangyayari?" Napatingin ako kay Glyde. Napansin niya rin siguro ang ikinikilos ng mga ka-schoolmate namin.

"Baka may news na namang nai-post. Wait, ako na aalam." Kinuha niya ang cellphone at tiningnan habang naglalakad kami.

"Oh my God!" Namimilog ang mata ni Glyde nang tingnan ko siya.

"Bakit? Ano 'yon?" Kinuha ko ang cellphone sa kaniya dahil hindi na ito makapagsalita.

"Si Luna."

Ibinalik ko na sa kaniya. Ang cellphone ko naman ang kinuha ko at tinawagan ang number ni Luna. Sinagot niya naman kaagad.

"Nasa'n ka?" Okay, papunta na ako diyan."

"Ano daw?" Parang hindi pa rin makapaniwala si Glyde.

"Nasa clinic si Luna." Dali-dali na kami'ng umalis ng mini at nagpunta sa clinic.

LUNA'S POV

"Papunta na sila dito." Sabi ko kay Maxine na nakatayo sa gilid ko habang ako ay nakaupo sa clinic bed.

"Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalala niya'ng tanong.

"Ayos lang ako, Max, salamat sa pag-aalala at pagsama sa akin dito. Natural na sa akin 'yong gano'ng eksena."

"What do you mean?"

"Kanina kasi may nakita ako'ng multo baka siya ang may kagagawan."

"What? You mean they're trying to kill you?"

"Minsan... oo."

"Oh my God! Ngayon naiintindihan ko na 'yong nangyari sa 'yo no'ng nakaraan sa labas ng campus. It's too scary, Luna." Halata nga'ng natakot siya.

"Nasanay na rin ako."

"Eh," Naupo siya sa may tabi ko bago magpatuloy sa pagsasalita.

"'Yon ba'ng nagligtas sa 'yo kanina siya rin 'yong multong sinasabi mo na nagtangka sa buhay mo?" Pansin ko ang pagka-curious ni Max.

Sasabihin ko ba na ang boyfriend niya ang nagligtas sa akin?

"H-Hindi. Iba'ng kaluluwa 'yong nagligtas sa akin kanina."

"Hmm! Mabuti na lang iniligtas ka niya. Sobra ako'ng natakot kanina."

"Pasensya ka na nga pala."

"It's okay, Luna."

"Luna!" Napatingin kami sa mga dumating.

"Je. Glyde." Napatayo na si Max.

"Luna, ayos ka lang ba? Wala ka ba'ng sugat? Pasa? Ano?" Tarantang tanong ni Je nang makalapit siya sa amin ng tuluyan.

Sinuri niya pa ang kabuuan ko.

"Ayos lang ako."

"Luna, akala namin kung ano na ang nangyari sa 'yo." si Glyde.

"Salamat sa Diyos nakaligtas naman ako." Napatingin ang dalawa kay Maxine.

"Hinatid ako ni Maxine dito." Tiningnan ni Je si Maxine.

"Maxine, salamat sa pagdala dito kay Luna. Kami na ang bahala sa kaniya." Turan ni Je kay Max.

"You're welcome!" Hinarap ako ni Maxine. "Luna, balitaan mo ako kapag ayos ka na, huh?"

"Sige. Salamat." Nginitian niya lang kami at umalis na.

"Luna, kasama mo siya no'ng nangyari 'yon kanina?"

"Oo, Je." Naupo si Je sa tabi ko.

"Ipaliwanag mo nga 'to." Tiningnan ko ang ipinakita sa akin ni Jedda na video ko.

"May nag-post na naman?"

"Aha!"

"Grabe Luna nakaka-amazed 'yong nangyari sa 'yo kanina. Totoo ba 'yon o edited lang?" Natawa ako kay Glyde.

"Totoo 'yon." Hindi na ako masyadong nagpaliwanag dahil bigla ako'ng nakaramdam ng pagod. Muntik na ako kanina mabuti na lang dumating si Azine.

"So, sino?" Napatingin ako kay Je na naghihintay sa sagot ko. Nangunot ang noo ko.

"Ano'ng sino?"

"Sino 'yong nagligtas sa 'yo kanina? Babae o lalaki'ng multo?"

"L-Lalaki." Napangiti ng maluwang ito'ng dalawa at nanukso.

"Tigilan niyo ako."

"Sus! Sino, si Azine ba?"

"Huy, hindi, ano!" Tanda niya pa rin si Azine? Sa pagkakaalala ko isa'ng beses ko lang sinabi sa kaniya 'yon ah.

"May klase pa ba tayo?"

"Isa na lang mamayang hapon."

"Mabuti naman ng makapag..."

"LUNA!" Pare-pareho kami'ng natigilan pati si Nurse Laila na nasa may table niya. Dalaga pa ito at maganda pero engaged na yata.

"I'm sorry, nurse Laila."

Agad na lumapit sa amin si Paulo. Mangiyak-ngiyak pa ito. Kagaya ni Je sinuri niya din ang kabuuan ko.

Maya-maya napangiwi na lang ako, "Aray!" nang bigla ako'ng hampasin ni Paulo sa balikat. Natawa naman sina Je at Glyde.

"Kung hindi mo kaya'ng iwasan ang disgrasya tumakbo ka na lang, bakla. Alam mo mapapatay ako ng nanay mo kung sakaling may masamang nangyari sa 'yo kanina eh. Mabuti na lang talaga may nagligtas sa beauty mo. Kung pwede lang itatali na talaga kita sa katawan ko eh. Bakla, pinakaba mo ako ng sobra, huh! Pero sino ba 'yong nagligtas sa 'yo kanina? Oppa ba?" Nahampas ko na lang siya ng unan pero mahina lang naman. Ang dami kasi'ng sinasabi eh.

"Wala'ng masamang mangyayari sa akin, okay? Gutom na ako, tara na."  Patindig pa lang ako nang itulak ni Je ang noo ko kaya napahiga ako sa kama. 

"Just take a rest for a little while, darling." Napatayo na si Je.

"Bibili na lang ako ng lunch natin para hindi mo na kailangang maglakad. Isa pa pagkakaguluhan ka lang ng ibang estudyante sa labas dahil sa nangyari kanina." May point naman si Je.

"Ako na lang ang bibili maiwan ka na lang dito Je."

"Sasama na ako sa 'yo Paulo naghihintay sa akin ang boyfriend ko sa labas eh. Luna, palakas ka agad, huh?"

"Salamat, Glyde." Umalis na sila'ng dalawa.

Maya-maya si Nurse Laila naman ang nagsalita kaya napatingin kami sa kaniya.

"Okay lang ba'ng iwan ko muna kayo dito sandali magla-lunch lang ako sa canteen?"

"Sige po nurse Laila ako na ang bahala kay Luna."

"Sige. Tawagan niyo ako kapag may kailangan kayo, okay?"

"Okay po." Umalis na rin si Nurse Laila. Naupo si Je sa tabi ko.

"Huy, alam mo naku-curious talaga ako sa multo'ng nagligtas sa 'yo kanina. Magkwento ka nga alam ko'ng may something sa kaniya eh." Napabangon ako. Wala talaga ako'ng mailihim sa kaniya at kay Paulo.

"Ano'ng something?"

"Luna, 'wag ng in denial kilala mo 'ko. So, sino talaga itong si Azine maliban sa may gusto siya kay Maxine?" Nangunot ang noo ko.

"Tanda mo pa 'yon?"

"Of course! Magkwento ka na habang wala pa ang maingay na si Paula." Nag-alis ng sapatos si Je at nag-indian seat sa harap ko. Wala na ako'ng magagawa.

"Sasabihin ko na pero mangako ka na sa ating dalawa lang 'to, huh?"

"Okay promise!"

Ikinuwento ko sa kaniya kung paano nagsimula na makakita ako ng totoong multo. Siya na lang kasi ang hindi kompleto ang nalalaman kasi si Paulo medyo alam niya na ang mga nangyayari sa akin lately.

"Sino naman kaya ang matanda na nagbigay sa 'yo ng misyon?" Tanong ni Je matapos ang kwento ko.

"Hindi ko rin alam eh. Baka isa rin siya'ng multo o engkantado."

"Okay. Okay. Dumako naman tayo kay Azine na ito. Ano naman ang kwento tungkol sa kaniya?"

"Si Azine ay isa lang sa mga multong tinutulungan ko. Napadpad siya dito sa 'tin dahil kay Maxine. Si Max ang girlfriend niya no'ng nabubuhay pa siya." Ramdam ko ang kuryusidad sa mukha ni Je.

"So, siya pala ang unknown boyfriend ni Max? Oh my God!"

"Bakit?"

"I-Ibig sabihin... Ibig sabihin gwapo 'yan ano? Gwapo si Azine, ano?"

"Hindi naman masyado mas gwapo pa nga si Niel Murillo ko eh."

"Tss! Magugustuhan ba naman ni Max 'yan kung hindi gwapo. Swerte mo 'day, huh. Ano'ng eksakto'ng itsura niya, mala-Daniel Padilla ba? Enrique Gill o James Reid?"

"Hay, basta gwapo!" Napasimangot ako samantalang kinilig naman si Je at inasar ako.

"Hindi na ako magkukwento." Nahiga na lang ako.

"Uy, hindi na kita aasarin." Ibinangon niya ako. "Ituloy mo na dali." Napahinga muna ako ng malalim bago magpatuloy.

"Ayon nga hindi ko pa nasasabi kay Maxine na nakikita at nakakasama ko ang boyfriend niya kasi ayaw na rin ni Azine."

"Na-inlove na siguro sa 'yo si Azine, ano?" Mataman ko siya'ng tiningnan.

"Tatahimik na ako. Continue."

"Siguro nakikita niya ng nagmo-move on si Max at okay na ito kaya ayaw niya ng ipaalam pa. Kasi hindi magtatagal at aalis na rin naman si Azine. Malapit na siguro siya'ng umakyat sa langit." Napabuntong-hininga ako samantalang si Je naman ay parang nahawaan ko ng lungkot.

"Paano ka?" Napatingin ako kay Je.

"Huh?"

"Maria Luna Del Mundo, hindi ako manhid alam ko'ng nafa-fall ka na kay Azine. Inuobserbahan kaya kita." Hindi agad ako nakaimik.

"Paano kapag umalis na si Azine? Alam ko'ng napapalapit ka na sa kaniya. Luna, ihanda mo ang sarili mo para hindi ka na masyadong masaktan. Anuman ang mangyari nandito lang kami ni Paula, okay?" Napangiti na lang ako ng bahagya.

Paano nga kapag umalis na siya?

"Mga bakla I'm here! Gutom na ba kayo?" Nagkatinginan na lang kami ni Je at natawa.

______________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]

Chương tiếp theo