LUNA'S POV
Napaunat ako sa kama na kinahihigaan ko at napamulat.
"Hi!" Napatingin ako sa kabilang side at nakita ko si Azine na nakaupo at nakatunghay sa akin. Pinagmasdan ko lang siya.
"Good morning."
"Ano'ng ginagawa mo na naman dito?" Tanong ko habang hindi pa rin kumikibo sa pagkakahiga.
"Hinihintay kita eh."
"Alam mo na kung nasa'n si Maxine 'di ba siya na lang ang guluhin mo."
"Mamaya ko na lang siya pupuntahan. Kanina ka pa nga pala ginigising ni Paulo pero hindi ka naman niya magising kaya umalis na siya para pumasok. Bumangon ka na at mag-ayos kasi, I think, mali-late ka na." Tinalikuran ko siya ng higa.
"Hindi ako papasok wala akong gana."
"Luna."Niyapos ko na lang ang unan ko. Narinig kong nag-ring ang cellphone ko na nasa bag.
"Tumatawag ang kaibigan mong si Jedda." Paano niya nalaman 'yon? Napabangon ako at kinuha ang cellphone. Si Je nga ang tumatawag. Tiningnan ko muna sandali si Azine na nakatingin din sa'kin.
"Sagutin mo na for sure itatanong niya kung papasok ka ba o hindi." Hindi ko sinagot ang tawag ni Je, pinatong ko na lang ang cellphone sa kama at tumayo na.
"Puntahan mo na ang girlfriend mo." Lumabas ako at nagtuloy sa cr pero wala akong naabutan na ka-board mate ko dito sa labas. Baka may pasok silang lahat?
Palabas na ako nang mabungaran ko si Lolo sa labas ng banyo. Nakatayo siya at nakatingin sa'kin. Napalapit agad ako sa kaniya at niyakap siya habang ito naman ay inalo ako.
"Si Mike po Lolo."
"Alam ko, ija." Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kaniya.
"Wala po akong nagawa para iligtas siya."
"Hindi lahat ng kaluluwa ay maililigtas mo Luna kaya ipanatag mo ang loob mo dahil nandyan ka lang para gabayan sila pero nasa kanila na kung pipiliin nilang makatulay sa liwanag o hindi. Posibleng maulit muli ang nangyari dahil may ibang kaluluwa na gagawin din ang ginawa niya. Ija, magpakatatag ka dahil nagsisimula pa lang ang 'yong misyon." Naglaho na si Lolo sa harap ko. Kinalma ko muna ang sarili ko saka muling bumalik sa kwarto. Biglang sumulpot si Azine.
"Hindi ka talaga papasok?" Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Jedda na sinagot naman kaagad nito.
{ "Luna-" }
"Magkita tayo sa Mini papasok na ako."
{ "Okay." }
SCHOOL CAMPUS. Papasok pa lang ako ng gate nang lumitaw si Azine.
"Tigilan mo na ang kasusunod sa'kin puntahan mo na lang ang girlfriend mo." Sabi ko sa kaniya habang naglalakad.
"Kagagaling ko nga lang sa kaniya." Hindi ko na lang siya pinansin. Nasalubong ko naman si Arif sa may hallway papuntang Mini, mag-isa lang siya. Paglapit ko mataman lang siyang nakatingin sa'kin.
"Kung makatingin naman sa'yo 'tong loko na 'to akala mo kakainin ka na ah." Hinayaan ko na lang na magdaldal 'tong si Azine.
"Luna, okay ka na ba?" Sincere na tanong sa'kin ni Arif.
"Oo naman. Bakit?"
"Wala lang."
"Sige alis na ako." Nagsimula na akong maglakad pero tinawag niya ako ulit kaya napaharap ako sa kaniya.
"Bakit na naman ba? Luna, kung makatawag naman sa'yo ang lalaking 'to parang close na close kayo ah." Nanggagalaiti pang sabi ni Azine.
"Ahm..."
"May gusto ka bang sabihin o kaya itanong sa'kin?" Feeling ko kasi parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.
"Ha? Ahm, wala. Sige." Siya na 'yong naunang umalis. Nangunot ang noo ko sa kaniya.
"Ang weird niya."
"Weird talaga." Tiningnan ko na si Azine.
"Ikaw naman multong may sapak sa utak. Tsk!" Umalis na ako at pinuntahan si Jedda sa Mini. Nakita ko naman kaagad siya na nakaupong mag-isa dito sa may harap ng Prod. Si Azine naman ay nakasunod lang sa akin.
"Luna." Tawag niya sa'kin. Naupo ako sa katapat na bangko tapos si Azine naman ay umupo din sa tabi ko.
"Bakit hindi ka pumasok sa first class?"
"Tinanghali ako ng gising eh."
"Sinungaling." Singit ni Azine. Pinasaringan ko lang siya.
"Kaya pala."
"Uy, Luna, andyan ka na pala." Napatingin kami kay Liezel, classmate ko, na nakalapit na sa'min.
"Oo, bakit?"
"Hinahanap ka ni ma'am Ana, puntahan mo raw siya sa faculty."
"Sige, salamat." Umalis na rin ito.
"Let's go." Aya ni Je na napatayo na sa kinauupuan.
"Sama ako."
Papasok pa lang kami sa loob nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang lalaki na familiar sa'kin. Saan ko nga ba siya nakita? Inisip ko munang mabuti kung saan ko nga ba siya nakita. Napalingon ako sa papaalis na sanang lalaki.
"Sandali, sir." Napahinto siya at napatingin sa'kin.
"Sino naman 'to, Luna?" Tanong ni Azine. Tama siya na 'yon. Siya 'yong lalaking sinusundan ni ate Melissa sa may Puregold.
"Yes, miss?" Nakapormal siya ng suot.
"Ahm... itatanong ko lang po sana kung may kilala kayong Mel-"
"Luna." Napatingin ako sa biglang sumulpot sa gilid ko, at tumawag sa pangalan ko.
"Ate Melissa." Napansin kong nangunot ang noo nitong lalaki nang banggitin ko ang pangalan ni ate Melissa.
"Melissa?" Tingin ko kilala niya si ate Melissa.
"May kilala po ba kayong Melissa?" Napatango siya.
"Sino'ng Melissa ang tinutukoy mo?"
"Melissa Olavidez po." Mas nagulat siya sa sinabi ko pero mas nahimigan ko na may galit sa puso niya.
"Paano mo siya... Can we talk somewhere private?" Tinanguan ko lang siya. Tiningnan ko si ate Melissa. Hindi naman siya tumutol.
"Je, sandali lang, hintayin mo na lang ako dito."
"Sige."
"Huy! Saan kayo pupunta?" Inis na sabi ni Azine. Tiningnan ko siya sandali at umalis na rin. Hindi naman na siya sumunod.
CURBA GRILL, FOOD STATION.
Nag-order lang siya ng maiinom namin pero hindi ko pa rin naman nagagalaw gano'n din siya. Wala din dito si Ate Melissa ngayon.
"I'm Alvin Martinez and you are?"
"Luna. Maria Luna Del Mundo, sir." Napahinga siya ng malalim bago muling nagsalita.
Paano mo nga pala nakilala si Melissa?"
"Ahm...mahirap pong i-explain eh pero kailan lang din po kami nagkakilala ni ate Melissa." Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Kailan lang? Pero matagal ng...patay si Melissa."
"Alam ko po, sir." Kinalma niya ang sirili niya.
"Kayo po, ano po'ng connection niyong dalawa ni ate Melissa?" Hindi muna siya nakapagsalita.
"She's my ex-girlfriend."
"Pwede ko po bang malaman kung bakit kayo nagkahiwalay?"
"Ayoko na sanang pag-usapan ang tungkol sa kaniya, pero sige ikukwento ko na rin sa'yo tutal matagal na rin lang naman akong naka-moved on kay Melissa." Hinayaan ko lang siya na magpatuloy sa pagkukwento.
"We became in a relationship for almost seven years kaya akala ko siya na talaga ang babaeng makakasama ko habang-buhay. Mabait siya, mapagmahal, maganda, of course, kaya naman mahal na mahal ko si Melissa but..."
"But?" Napatiim-bagang siya at naikuyom niya ang palad na nakapatong sa mesa. Ramdam ko ang galit niya.
"She cheated on me." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko pa naman alam ang buong kwento dahil hindi pa naman sa'kin nagkukwento si ate Melissa.
"Paano, sir?"
"Magpapakasal na sana kami ni Melissa pero out of a sudden bigla siyang nawala sa ere the day before our marriage. Isang text message na lang ang natanggap ko from her, saying she left me at sumama siya sa ibang lalaki, kay Rex."
"Sino naman po si Rex?" Putol ko sa sasabihin pa ni sir Alvin.
"Pinsan ng present wife ko, si Valiree. Kaibigang matalik naman ni Melissa si Valiree. I'm too fool! Hindi ko manlang napansin na may secret relationship pala silang dalawa for a long time. Nalaman ko na nag-abroad pala sila, but after 1 week nakita ko si Rex sa Manila. Sobra akong nagalit sa kaniya kaya hindi ko mapigilan na mabugbog siya that time. Tinanong ko kung nasa'n si Melissa pero...ang sinabi niya lang... she's dead. Hindi ko-Hindi ko matangap na-na patay na 'yong babaeng mahal na mahal ko." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang luhang bumagsak sa kaniyang pisngi. Hanggang ngayon affected pa rin siya sa pagkawala ni Ate Melissa. Napainom muna ako kasi bigla akong nauhaw sa kwento niya.
"Okay lang po ba kayo?"
"Yeah. Sorry, I can't let my self not to cry." Natawa pa si Sir Alvin.
"Ayos lang po 'yon, umiyak lang po kayo kung gusto niyo."
"Pero no'ng una hindi talaga ako naniwala na patay na si Melissa pati ang mga magulang niya."
"Bakit po?"
"Kasi wala naman kaming bangkay na iniyakan." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Walang bangkay?
"Ano po'ng ibig niyong sabihin?"
"Nasunog raw ang katawan ni Melissa dahil na-enggaged siya sa car accident sa America kaya wala ng bangkay na nadala si Rex dito sa Pilipinas. Hindi ko pinaniwalaan ang sinabi ni Rex, naghintay pa rin ako sa pagbabalik ni Melissa, na isang araw babalik siya sa'kin na buhay kaya lang six years na ang lumipas until now hindi pa rin siya nagpapakita sa'kin. Sumuko na ako na talaga nga yatang patay na siya kaya muli kong binuksan ang puso ko kay Valiree kasi siya 'yong nanatili sa tabi ko noon."
"Hindi 'yan totoo, Alvin." Napatingin ako kay ate Melissa na kanina pa yata nakatayo sa may likod ko at nakikinig sa'min. Medyo lumapit siya kay Sir Alvin.
"Ate Mel-" Tiningnan ko si Sir Alvin na napatingin din sa'kin.
"Alvin, makinig ka sa'kin hindi kita niloko." Pilit na sabi ni ate Melissa na wari ba'y maririnig siya ng kausap. Nakatingin lang ako sa kaniya na pinipilit kausapin ang ex-boyfriend. Nag-ring 'yong phone ni sir Alvin na kinuha naman nito.
"Excuse me lang, Luna."
"Sige po." Tumayo siya at umalis para sagutin ang tawag. Hinarap ko naman si ate Melissa.
"Ate Melissa-"
"Luna, walang katotohanan ang sinabi ni Alvin tungkol sa'kin. Hindi ko siya niloko." Napatingin muna ako sa paligid. May ilan-ilan na napapatingin sa'kin.
"Mag-usap tayo pagkatapos ate."
"Luna." Tawag ni sir Alvin na nakabalik na pala.
"Sir." Napatayo na ako.
"I'm sorry, but I have to go may lalakarin pa kasi ako eh."
"Sige po." May kinuha siya sa bulsa ng suot niyang coat at iniabot sa'kin, calling card pala.
"Call me when you have something to ask." Kinuha ko agad ito. Matapos bayaran ang binili namin ay umalis na rin siya habang ako ay tiningnan muli ang card.
"Kasinungalingan ang lahat ng sinabi ni Rex sa kaniya, Luna. Hindi ako namatay dahil sa car accident kundi..." Nandito kami sa cr ng SBM building. Ni-locked ko ang pinto kaya walang makakapasok na manggugulo sa pag-uusap namin ni ate Melissa.
"Kundi ano?"
"Pinatay ako." Natigilan ako sa sinabi niya. Sandali akong hindi makapagsalita.
"Nino?" Sa wakas ay tanong ko.
"Ng sinasabi niyang wife."
"Si Valiree? Siya ang pumatay sa'yo? Kaibigan mo siya, 'di ba?"
"Oo."
"Paano? Bakit?" Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. Ibig sabihin pala iba ang nalalaman ni sir Alvin.
"Hindi pa kami ni Alvin may gusto na si Valiree sa kaniya kaya lang ako ang nagustuhan nito. Mabait at mapagmahal si Alvin kaya agad ding nahulog ang loob ko. Pinilit ko siyang kalimutan dahil kay Valiree, ayoko kasing masira ang pagkakaibigan naming dalawa kaya lang sa tuwing pinipilit kong layuan si Alvin mas lalo ko lang siyang minamahal. Isang araw, naging kami na ni Alvin pero lingid 'yon sa kaalaman ni Valiree." Umula ng pwesto si Ate Melissa at lumapit sa may harap ng salamin. Ang pwesto ko naman ngayon ay nakatalikod sa kaniya.
"Naniniwala ako na walang sekreto ang hindi nabubunyag, kaya nalaman ni Valiree ang sekretong relasyon namin ni Alvin. Nagalit siya ng sobra dahil akala niya tinraydor ko siya pero ang hindi niya maintindihan nagmamahalan kami ni Alvin." Humarap na ako kay ate Melissa pero hindi muna ako lumapit. Siya naman ay humarap sa akin na may ilang butil ng luha sa pisngi.
"Kaibigan ko si Valiree kaya kahit galit siya sa'kin pinuntahan ko siya sa bahay nila dahil gusto kong humingi ng tawad at magpaliwanag na rin. Kinabukasan kasi kasal na namin ni Alvin at gusto ko rin siyang imbitahan pero pagdating ko do'n hindi pa man ako nakapagpapaliwanag sinugod niya na ako. Hindi ko siya nilabanan dahil inisip ko na 'yon na lang ang kapalit ng ginawa namin sa kaniya ni Alvin, kaso...aksidenteng natabig ako ng malakas ni Valiree kaya napatama ng malakas ang noo ko sa pader. Akala ni Valiree napatay niya ako kaya hindi niya alam ang gagawin niya. Dinala niya ako sa may likod ng bahay nila at doo'y naghukay siya ng paglilibingan ko. Nilibing niya ako do'n ng buhay, Luna." Maging ako ay napaluha na rin dahil sa kwento ni ate Melissa.
"B-Bakit walang tumulong sa'yo?" Sa wakas ay naitanong ko. Kinikilabutan ako sa kwento ni ate Melissa, napapanood ko lang kasi ang mga gano'n eksena sa Soco at Ipaglaban Mo. Hinarap niya ako.
"Dahil nagkataong kami lang dalawa ni Valiree ang nasa bahay no'ng mga panahon na 'yon." Medyo lumapit na ako sa kaniya.
"Bakit nagawa sa'yo ni Valiree 'yon? Magkaibigan kayo, 'di ba? Ano'ng ginawa ni sir Alvin?"
"Dahil napaniwala ni Valiree si Alvin sa mga kwento niya kaya hindi niya na ako hinanap at sa halip nagalit siya sa'kin, I think, hanggang ngayon nga galit pa rin siya."
"Ipapaliwanag ko sa kaniya ang lahat. Sasabihin ko na hindi mo siya niloko."
"Hindi na kailangan, Luna huli na ang lahat."
"Hahayaan mo na lang na galit sa'yo si Sir Alvin? Hindi ka manlang magpapaliwanag sa kaniya? Si Valiree, may dapat siyang pagbayaran hindi lang sa'yo, hindi lang sa Diyos, kundi pati sa batas ng mga buhay. Alam kong gusto mo ring linisin ang pangalan mo ate Melissa kaya nga hindi ka pa umaalis, 'di ba? Hayaan mong tulungan kita." Hindi na siya nagsalita kaya tinalikuran ko na siya at binuksan ang pinto.
"Ikaw ba ang nag-locked ng cr? FYI, para sa lahat ang cr na 'to baka hindi mo alam." Naiinis na bungad sa'kin nitong isang babae na makapal ang make-up. Marami na pala ang estudyante dito na naghihintay para makagamit ng banyo. Hindi ko na lang sila pinansin at umalis na. Pagpasok naman ng mga estudyante nilibot at sinuri nila ang banyo pero napansin nila na walang ibang tao doon.
"Sino ang kausap ng babaeng 'yon dito?" Tanong nitong babaeng tumaray kay Luna kanina.
"Ewan din namin. Eww! Baliw pala ang babaeng 'yon nilalapitan pa ni Arif." Sabat naman ng isa pa.
"Je." Nasalubong ko siya na pababa na ng hagdan. Nakalapit naman kaagad ako sa kaniya.
"Sorry, medyo natagalan kami sa pag-uusap."
"Ayos lang. Tara na may subject pa tayo."
"Teka, si Ma'am Ana kailangan ko pang-"
"Hay naku! Ayos na ang lahat, ako na ang kinausap. Explain ko na lang sa'yo later."
"Sige. Tara na."
STUDENT LOUNGE (NEAR AUTOMOTIVE BUILDING). Mag-isa lang ako dito sa shed kasi lumabas si Jedda ng campus, sinamahan 'yong isa naming classmate may bibilhin daw. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad saka may gagawin pa ako. Kinuha ko sa bag ang calling card na binigay sa'kin ni Sir Alvin. Kailangan ko siyang makausap ulit para malaman niya ang lahat. Dinampot ko ang aking cellphone na nakapatong sa mesang semento at dinial na ang number. Ilang ring lang at sinagot niya na rin ang tawag ko.
{ "Hello? Who's this?" }
"Ahm...sir Alvin?"
{ "Yes. Who's this, please?" } Narinig kong may kinakausap siya.
"Si Luna po."
{ "Ah, Luna ikaw pala 'yan. May itatanong ka ba sa'kin?" }
"Pwede po ba tayong mag-usap ulit ng personal?"
{ "Urgent ba? Busy pa kasi ako eh." }
"Urgent sir at tingin ko kailangan niyong marinig ang mga sasabihin ko."
{ "Sige, I'll see you later pero baka mamayang mga seven pm pa ako available. Saan ba kita pwedeng puntahan?" }
"Kung okay lang po sa inyo puntahan niyo na lang po ako sa dorm ko malapit lang sa school. Saint Maris Dormitory ang pangalan sir pero lalabas na lang po ako para makita ko kayo kaagad."
{ "I know that place. Sige, kita tayo mamaya, Luna." }
"Okay sir."
"Sino'ng kausap mo?" Nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ni Azine. Mabuti na lang nababaan ko na ng tawag si sir Alvin dahil kung hindi narinig nito ang pagsigaw ko dahil sa gulat.
"Alam mo kung may sakit lang ako sa puso baka namatay na ako dahil sa'yo." Naupo siya sa tabi ko.
"Nagulat agad kita sa lagay na 'yan?" Binalik ko na lang sa bag ang calling card at cellphone ko. Napatingin ako kay Azine. Na-realized ko na palagi ko na lang siyang sinusungitan isa nga pala siya sa mga kailangan kong tulungan.
"B-Bakit, may dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nagagwapuhan ka sa'kin, ano?"
"Assuming." Inalis ko ang tingin ko sa kaniya.
"Eh, bakit mo nga ako tinititigan?" Tiningnan ko ulit si Azine.
"Baka may gusto kang ipasabi kay Maxine 'wag ka ng mahiya." Pinaningkitan niya ako at nangalumbaba pa habang tinitingnan ako ng may pagtataka.
"Bakit bigla kang bumait sa'kin? May nakain ka bang kakaiba ngayon?"
" 'Wag na nga lang."
"Joke lang, ito naman hindi na mabiro."
"So, ano nga?"
"Kaibiganin mo si Max."
"Ano?"
Napatingin sa'kin si Maxine na kalalabas lang ng room dahil katatapos lang nang klase nila. Pinuntahan ko siya dito sa Crim Lab 1 (Criminology Laboratory). Itong room ay pinapagamit din sa kahit anong course kasi may ilang kurso na kulang sa classroom. Tahimik lang na nakasunod si Azine kasi 'yon ang sinabi ko sa kaniya dahil kung hindi ay hindi ko kakausapin si Maxine para sa kaniya.
"Hi! Luna, right?"
"Oo. Maxine, pwede ba tayong mag-usap ulit, kung wala ka lang klase?"
"Hmm...sige wala naman na akong next class eh." Nagpaalam lang siya sa mga barkada niya at sumama na sa'kin. Naupo lang kami dito sa may grand stand. Ito ay nasa gilid lang at mini stage na rin dito. Ginagawa rin itong tambayan ng mga estudyante. Nakatanaw lang kami ni Maxine sa malawak at kulay berdeng field dahil sa nakalatag na carabao grass. Si Azine naman ay nakaupo sa tabi ng girlfriend niya.
"Nagulat talaga ako no'ng marinig ko ang pangalan ni Azine mula sa'yo. Paano mo nga pala siya nakilala kasi naman hindi tayo nakapag-usap ng maayos no'ng nakaraan?"
"Ahm...ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo eh."
"Paanong hindi mo alam?" Nagtatakang tanong niya na sinamahan pa ng pagkunot ng noo na mas lalong ikinaganda nito.
"Hindi ko muna maipapaliwanag sa'yo ngayon pero magtiwala ka wala kaming ibang koneksyon ni Azine. Basta...ano kasi hindi ko..."
"Okay sige hindi na ako magtatanong pero sabihin mo sa'kin 'yong sinabi mo na marami kang alam tungkol sa aming dalawa? Ano'ng ibig mong sabihin do'n? Naguguluhan talaga ako eh kasi si Azine hindi naman siya taga-rito."
"Alam ko dahil no'ng six years old siya sa Canada na sila tumira." Parang nagulat naman si Maxine sa sinabi ko.
"Ang galing ng memorization mo, Luna ah." Hindi ko pinansin si Azine baka kasi pagkamalan ako ni Max na nababaliw. Sinamaan ko lang siya ng tingin at ito naman ay tinabunan ang bibig.
"Mukha ngang marami mong alam. You're right, sa Canada nga siya lumaki."
"Okay lang ba na napag-uusapan natin siya? Hindi ka ba nalulungkot?"
"Nalulungkot pero okay na rin na napag-uusapan natin siya kasi sobrang miss ko na siya eh."
"I miss you too, Babe."
"Ang bait mo pala talaga gaya ng sinasabi nila."
"Naku hindi naman baka 'yong magaganda lang ang naririnig mo tungkol sa'kin."
"Maxine, kung okay lang sa 'yo pwede ba tayong maging magkaibigan?"
"Hmm...sige." Napangiti ako.
"Thanks."
"Welcome! Masaya kasi kapag maraming friends eh."
"Tama ka." Nagkatawanan kami ni Maxine.
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️