webnovel

Innocentia - Chapter 18

Nang ako'y magkamalay ay naabutan kong mahimbing na natutulog si July sa ibabaw ng aking tiyan habang inuunanan ang isa iynag kamay. Napansin kong may luhang pumatak sa isang mata niyang gumuhit sa itaas na bahagi ng kanyang ilong at doon natigil.

Si Jiro...

Hinaplos ko ang kanyang buhok. Hindi ako makapaniwalang pareho kaming naroon muli sa lugar nagsimula ang lahat. Ang lugar kung saan ko siya huling nakitang humihinga bago siya unti-untiang naglaho sa aking mga bisig.

Magkahalong matinding ligaya't lungkot ang aking nadarama sa mga sandaling iyon. Tanda na unti-untian na akong nauubos ng aking tinawag na mga hemera upang ikulong ang aking kakambal na si Neomenia sa kailaliman ng mundo ng mga tao.

Hindi ko alam ang aking pinaggagawa, panandaliang lunas lang sa aming mga problema ang aking ginawa at kahit natutunan ko na ang lahat ng kailangan kong malaman sa aking kakayanan ay balewala na rin ang lahat dahil sa nauubos na ang aking taglay na kapangyarihan. Sinubukan kong lahat para maging maayos ang aming muling pagtatagpo ni Ilrian. Hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan ng lahat. Kahit papaano, masaya na akong nakapiling ko siyang muli at alam kong maayos ang lahat para sa kanya, kahit sa maikling panahon na natitira sa aking buhay ay susubukin kong sulitin ang lahat. Marinig lang na sabihin niya sa akin na ako'y mahal niya.

Masyado akong naging makasarili noon kaya nangyari ang lahat ng ito sa amin pero gagawin ko pa rin ang lahat upang ituwid ang aking kapalpakan upang maging maayos ang lahat kahit kapalit nito ay ang aking buhay.

"July? July?" ang mahinang paggising ko sa kanya sabay haplos sa kanyang buhok. Mabagal na dumilat ang kanyang mga matang sa akin na nakatitig at ngumiti.

Mabilis siyang bumangon at binuhat ako upang mariing halikan. Natatawa ako habang kami'y nagpapalitan ng pagmamahal dahil sinasabayan niya ng pangingiliti ang aking tagiliran. Matapos magwalay ang aming mga labi'y agad niya akong niyakap ng mahigpit. Lubos na kaligayahan ang aking naramdaman at parang sasabog ang aking dibdib sa sobrang pagmamahal. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at di napigilang mapaluha nang ipatong ko ang akung mukha sa kanyang kaliwang balikat.

"Naaalala ko na ang lahat, Ianus. Naaalala ko na ang lahat. Patawad sa lahat ng aking nagawa sa iyo, kung alam ko lang noon na...." at natigil siya sa kanyang sasabihin dahil pinigilan ko ng aking hintuturo ang kanyang mga labi habang nakangiting tumatangis at pinagmamasdan ang kanyang mga mata.

"Ilrian, wala kang dapat ikahingi ng patawad. Nauunawaan ko ang lahat. Nakulong ko na si Neomenia sa kaibuturan ng mundo ng mga tao."

"Talaga?! Waaaawwww!!! Ganon kalakas ang mahal ko?!?!?! Galing pala ng turo ko sa iyo!!!" ang di niya makapaniwalang sigaw na parang manyak lang na nakakita ng isang seksing dilag. Natawa ako sa kanya ng sobra.

"Ano sabi mo? Galing ng turok mo sa akin?" ang natatawa ko pa ring biro sa kanya. Agad naging pilyo ang kanyang mga pagtitig at ngiti sa akin. Dahil sa pareho kaming walang salawal at nasa aking tagiliran lamang ang kanyang alaga'y naramdaman ko ang biglang pagkislot nito na parang agad na dumaloy ang lahat ng kanyang dugo roon.

Tahimik lang kaming nagtitigan habang mabilis na nagngangalit ang kanyang junior sa ilalim ng kanyang tunic at di nagtagal ay agad itong sumilip.

"Mahilig ka talaga, July."

"July ka diyan? Ilrian ang pangalan ko no! Gusto mo abutin tayo ng July hanggang next year sa kama sa taon ng mga tao?" ang pilyong sagot niya't agad akong sinunggaban ng halik sa aking labi.

Muli, matapos ang matagal na panahon na aming hinihintay na kami'y muling magkasama't makapiling ang bawat isa'y pinagsaluhan namin ang init na aming nararamdaman para sa isa't-isa. Hindi ko napigilan ang aking sarili na pauli-ulit na lumundag sa kanyang ibabaw upang iparamdam sa kanya ang aking lubos na pagmamahal. Pinagmasdan ko ang bawat daing ng kasarapan na lumalabas sa mga labi't ipinipinta ng mukha ni Ilrian hanggang sa marating niya ang rurok ng kaligayahan habang nakahiga sa sahig ng throne room at liwanag lang ng buwan ang saksi sa aming munting kaligayahan.

Nang pareho kaming mapagod ay magkatabi kaming nahiga. Nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib habang hinahaplos niya ang aking buhok.

"Ilrian, gusto kong ulitin ang ating ginagawang paglalakbay dati."

"Sige ba, namiss ko rin na gawin natin yun eh. Nakakatuwa ka kasi pag lumilipad tayo."

"Kasi parang baby mo ko?"

"Oo eh. Baby na tinitira mo."

"Ayaw mo ba?" ang nananakot niyang tanong bigla. Humagikgik lang ako.

"Gusto." at tuloy muli ng aking hagikgik.

"Cute mo kaya nung ipinanganak ka."

"Kaya ako lumaking ganito kagwapo eh." ang pagmamayabang niya

"Paano na nga pala magulang mo?"

"Mahal ko sila pero ayokong..." at di na niya tinuloy ang kanyang sasabihin. Isang bagay na di dapat mauwi sa isang hindi pagkakaunawaan.

Bumangon kaming pareho ni Ilrian at ako'y kanyang binitbit ngunit nang subukan niyang lumutang ay walang nangyari. Nagtaka kaming parehong nagkatitigan. Matapos ang ilang saglit ay ibinaba niya ako't napatingin siya sa kanyang mga palad. May takot sa kanyang mga mata. Nalungkot naman ako para sa kanya.

"Ignis!" ang sigaw niya upang magpalabas ng apoy ngunit walang nangyari. Ilang beses niyang inulit ang kanyang sinabi't walang nangyari. Nilapitan ko siya't hinaplos ang kanyang likod at dama ko ang inis niya sa kanyang sarili na malaman na wala na siyang kapangyarihan. Hindi na nagbalik sa kanya ang lahat mula ng tawagin niya ang isang hemerang halos kunin na rin ang kanyang buhay.

Pumunta ako sa kanyang harapan at tumalikod na nagpabalot sa kanyang mga bisig. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat.

"Ianus, patawad. Wala na akong kapangyarihan."

"Hindi mo naman kasalanan. Masaya pa rin ako dahil buhay ka pa rin matapos ang lahat. Ako naman magtatanggol sa iyo ngayon."

Hinalikan niya ako sa batok ng mariin bago ako mabilis na lumipad sa kalangitan lumusot sa butas ng bubungan ng throne room.

Sa aming paglalakbay sa napakalaking kalawakan ay ikinuwento ko sa kanya ang mga bagay na nangyari matapos siyang mamatay. Ikinuwento ko rin sa kanya ang tungkol kay Claire at sa mga magulang nito na mga hemerang pinagbalat kayo ko lamang, hindi niya minasama ang aking ginawa at natuwa pa siyang sinabi na.. "Nagsisigurado pala ang misis ko. Binabakuran mo na pala ako mula pa nung ipinanganak ako."

Naging masaya ang aming mga sandali. Ilang araw ang lumipas at naging tulad na ng dati ang aming mga sandali sa palasyo. Kahit wala siyang kapangyarihan ay lagi ko siyang isinasama sa aking pakikidigma hanggang sa isang araw ay naisipan naming bumalik sa oras at panahon na kami'y umalis papuntang Lucerna.

Nang kami'y makabalik sa resort, agad kaming nag-empake at umalis ngunit dumaan muna kami sa breakwater na tinuro kong lugar kung saan nakatira si padre Alexis na si Periti sa tunay niyang pangalan. ngunit ang katotohanan ay iyon mismo ang lagusan kung saan kami pwedeng direktang makapasok pabalik sa Lucerna sa loob ng palasyo sa aming paboritong hardin.

"Anong ginagawa natin dito?" ang naguguluhan niyang tanong habang ako'y nagbababa ng aking bitbit na bagahe sa aking tabi at agad na uupo sa gilid ng pantalan. Malakas ang hampas ng alon sa mga sandaling iyon at dahil sa nakatsinelas lang kami ni Ilrian ay tuwang tuwa akong inaabot ng tumatalsik na tubig ang aking paa.

"Gusto ko lang panoorin yung tubig." ang masaya kong sabi sa kanya at siya nama'y umupo na rin sa aking tabi habang sa likod niya nilagay ang kanyang dala. Tahimik kong pinagmasdan ang kabihasnan ng nakangisi.

Inakbayan ako ni Ilrian at pinasandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Ianus...."

"Ano yun, mahal ko?"

"Mahal na mahal kita." ang malalim at malambing niyang bulong sa akin ng kanyang nahihiyang tono sa pag-amin niya ng kanyang damdamin sa akin na ni minsan ay di niya nasabi. Niyakap ko siya ng mahigpit at tinignan siya sa mukha. Malayo ang kanyang titig nang siya'y aking makita bago niya nilipat sa akin ang kanyang pansin.

"Salamat, Ilrian. Kay tagal kong hinintay na sabihin mo sa akin ang bagay na iyan. Bagama't madalas sa gawa mo lang ipinapakita iba pa rin ang dating sa akin ng sinabi mo. Mahal na mahal din kita, Ilrian." at ako'y agad niyang sinalubong ng mahigpit niyang yakap at mariiing halik. Kahit may mga namamangkang nakakakita sa amin ay di namin sila pinansin. Proud na proud si Ilrian na ginagawa namin iyon sa kanilang harapan. Ang loko, matapos naming magyakapa't maghalikan ay isang pilyong ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Loko ka talaga. Tinitigasan ka nanaman no?"

"Sarap mo kasi eh. San ba tayo punta?"

"Gagawin naman natin yun kahit saan tayo pumunta. Ikaw? Ano gusto mo, dito o sa Lucerna?"

"Sa condo ko naman tayo. Wawasakin kita dun. Pero amy tanong muna ako? Nung hindi pa tayo mula nung mamatay ako, wala kang naging iba?" ang sagot niya sabay titg na nanunuri sa akin at nakataas pa ang isang kilay na kala mo'y umaasang makarinig sa akin ng masamang sagot.

"Alam mo naman si Mark lang sinagot ko pero hand-job lang." ang biro ko sa kanya sabay bigay ng seryosong mga titig at sinabing. "Sumpaan nating dalawa na para sa isa't-isa tayong dalawa." sabay guhit ng krus sa aking dibdib na nagpangiti sa kanya.

"Pagbalik natin sa office, makipagbreak ka na ha?"

"Tulungan mo ko."

"Sige, para di makaalma yung gagong yun babasagan ko agad ng mukha kapag nag-inarte." ang mayabang niyang sinabi at ako naam'y tumawa lang ng tumawa dahil pinatunog pa talaga niya ang kanyang magkabilang kamao na tila nangangati sa isang basag-ulo.

"Ikaw talaga, kilabot ka na nga ng mga bakla't babae pati..."

"Ayaw mo ba? Di ka ba proud sa akin?"

"Ilrian naman eh... makikipagbreak na nga ako eh basag-ulo naman ang hanap mo." ang lambing ko sa kanya na tinawanan niya ng malakas.

Nang kami'y magpasyang umalis na'y agad kong sinabihan si Mark na makipagkita sa akin. Tinawagan ko siyang malamig ang aking pananalita't ipinaalala sa kanyang pumayag akong maging nobyo niya ngunit hindi sa matagal na pahanon. Player din naman si Mark kaya't di niya pwede sa akin ipagdiinan na huwag makipaghiwalayan sa kanya. Kung tutuusin, ako ang masama dahil may motibo rin akong gamitin lang siya upang malaman ang damdamin ni Ilrian kung nasa puso pa rin niya ako.

Sa condo, pagdating namin, ibinagsak lang namin ang mga bagahe namin at agad na nagsalpukan ang aming katawan ni Ilrian. Agad niya akong binuhat na parang bagong kasal lang at maingat na ihiniga sa ibabaw ng kanyang kama. Sa unang pagkakataon sa kama niyang iyon ay matatabi na kami at ganito pa ang magaganap. Natawa ako bigla sa idea na pumasok sa aking kokote.

"Ilrian, pwedeng mamaya na lang ito? Para mas ganahan ka?"

"Ianus naman eh! Gusto na dumura ni junior kanina ko pa tinitiis ang puson ko. Ang init na sa loob ng hawla niya eh. Namiss ko tunic natin sa Lucerna commando kasi ako dun. Dito, kahit boxershorts na mainit pa rin." ang daing niyang parang batang nagmamaktol habang nakapaibabaw sa akin.

"O sige na nga... quickie lang ha?" ang pakipot kong sagot at agad siyang napangiti ng abot sa tenga bago ako sunggaban ng mapupusok niyang mga halik.

Kung anu-anong pusisyon ang aming ginawa. Ang aming paglalaro'y nagtagal ng isang oras at habang kami'y magkatabing hinihingal ay biglang tumunog ang aking telepono. Si Mark, tumatawag na. Nangaripas ako ng pagkuha nito sa aking nahubad na shorts sa gilid ng kama at agad na sinagot.

"M-Mark?"

"Kanina pa kita hinihintay. Kala ko pupunta ka na dito?" ang sagot niya sa inip niyang tono.

"Kakarating lang namin kasi dito sa condo. Papunta na kami diyan." ang nahihiya't kabado kong sagot sa kanya.

"Anong 'pupunta kami diyan'? Isasama mo yang si July?"

"Oo, may pupuntahan din kami mamaya pagkatapos eh. Grocery." ang palusot ko't pinahabulan ko pa ng "Saglit lang tayo. May... sasabihin sana ako sa iyo eh."

"Baka pwede na dito na lang sa telepono?"

"M-may lakad ka ba ngayon?"

"Wala, inaalala lang naman kita papakapagod ka pa pumunta dito para lang kausapin ako."

Sa mga sandaling iyon ay napansin ko na lang na nakadikit na ang tenga ni Ilrian sa likod ng aking telepono't naririnig ang sinasabi ni Mark.

"B-Basta, importante lang. Alam mo na iyon."

"Okay, sige, hintayin na lang kita. I love you." ang lambing ni Mark na hindi ko na sinagot pa. Nang mapansin niya ang aking katahimikan sa paghihintay na ibaba niya ang tawag...

"Wala bang 'I love you' diyan?"

"Ummm.. personal ko na lang sasabihin sa iyo mamaya." palusot ko't ibinaba na ang tawag.

At sabay ngiti ni Ilrian sa aking nasabi. Palakpak tenga si kumag kasi naiisip na niya ang maaaring maging reaksyon ni Mark sa mga susunod na magaganap.

Nagmaneho si Ilrian ng kanyang sasakyan at pumunta kami ng Sta. Mesa kung saan nangungupahan ngaon si Mark sa isang apartment na nagpapa-bedspace.

Hindi na kami umakyat sa loob at hinintay na lang siyang lumabas sa ibaba ng apartment. Doon, naabutan niya kaming nakashorts na pula at puting shirt pareho ni Ilrian. Palabas niya'y nakaboxer shorts laman siya't naka tsinelas tangan ng isang kamay niya ang kanyang telepono. Nabigla si Mark nang kami'y makita. Takang-taka kung bakit ganoon ang aming itsura.

"Anong meron?" ang tanong niya. Kanina'y may sasabihin na sana siya sa akin ngunit dahil sa nakita niya ay nawala ito sa isipan niya.

"Ah.. Kasi... Umm...."

"Tol, makikipagbreak na daw sa iyo si Ian... Jiro... Oo, makikipagbreak na daw sa iyang si Jiro." ang muntik na madulas na sabi ni Ilrian kay Mark. Agad na nagsalubong ang kilay ni Mark sa sinabi ni Ilrian.

"July, pare, hindi ikaw ang kausap ko. Kung sa opisina o sa locations natin nag-aangas angasan ka dito sa teritoryo ko medyo umayos ka ha?" ang agad niyang sinabi bakas ang gigil bago tumitig sa akin.

"Jiro, anong ibigsabihin nito? Break?" ang natatawang pilit na tanong ni Mark. Tumango na lang ako't kinabig si Ilrian upang sumakay na sa kotse niyang naka park sa likod lang namin ngunit agad na inabot ni Mark ang isa kong braso't kita sa kanyang mga tingin na humihingi siya ng paliwanag.

"Teka naman. Pag-usapan naman natin ito Jiro. Naging masamang jowa ba ako sa iyo?" ang nagmamakaawang sabi niya. Umiling lamang ako.

"Eh bakit ganoon? Parang nung isang araw lang ang saya pa natin taposnagcelebrate pa tayo. Jiro naman. Iiwan mo ko bigla sa ere? Taas ng paggalang ko sa iyo at di ako nagkulang sa iyo. Kung tutuusin lahat ng kaya ko ibibigay ko sa iyo." ang suyo pa niya.

"Mark, mabait kang tao. Sobra, pero naaalala mo na sabi ko sa iyo, hindi tayo pwedeng magtagal?" at natahimik si Mark sa aking nabanggit.

"Tara na Jiro." ang sabi ni Ilrian sa akin matapos akong akbayan. Napansin ni Mark ang kakaibang kilos namin at agad niyang hinila si Ilrian at nagpalipad ng isang malakas na suntok. Nanlaki ang aking mata't natakot na dumapo ito sa mukha ng aking mahal. Sa isang iglap ay pinahinto ko ang takbo ng oras at gamit ang aking matinding kagustuhan ay nagsibalian ang lahat ng buto ni Mark mula sa kanyang daliri hanggang sa kanyang braso. Nakita iyon ng mga halos mapapikit na mata ni Ilrian habang siya'y nasa aktong iilag na.

Natauhan ako bigla sa akin ginawa't pinatakbo ng normal ang daloy ng panahon at biglang napahiga si Mark sa matinding sakit dulot ng aking nagawa. Namilipit siya sa matinding sakit at sa lakas ng kanyang sigaw ay napatingin ang mga tambay sa paligid.

Muli'y pinatigil ko ang oras at pinanonood laman ako ni Ilrian na hilumin at buuhin ang lahat ng binaling buto ni Mark. Nang matapos ay pinabalik ko na lahat sa normal at pigil na natatawa si Ilrian sa akin.

"Tol, ano ginagawa mo diyan sa sahig?" ang tanong ni Ilrian kay Mark na bakas sa mukhang nagugulumihanan.

Bumangon siyang napatitig sa kanyang brasong kanina'y nananakit. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Sorry, Mark. Sorry, may nauna na kasi sa puso ko bago ka pa dumating." ang nasabi ko sa aking sarili sabay talikod sa kanya't pumasok sa loob ng sasakyan. Nang makasunod si Ilrian sa kotse..

"Nangangati pala ako sa basag-ulo ha? Ano ginawa mo kanina mahal ko?" ang tukso niya.

"Hmph! Yoko lang na masaktan ka. Mahal kita eh." ang kunyari'y nagtatampo kong sagot.

"Sweet mo talaga, Ianus. Tinitigasan tuloy ako." ang pilyong sagot niya.

"Ano ba yan! Bottomless?" ang sagot kong kanyang tinawanan. Agad na lang niyang inabot ang aking malapit na kamay at pinahaplos ang bukol sa pagitan ng kanyang mga hita habang nagmamaneho pauwi sa kanyang condo.

Bago kami makarating sa bahay, pareho kaming inabutan ng matinding gutom, sa Lucerna kasi'y hindi na kailangang kumain o uminom dahil sa hindi kami doon tumatanda hindi tulad dito sa daigdig ng mga tao.

Para kaming mga lovebirds na kumain sa tabi ng mismong bintana ng restaurant na aming pinuntahan at balewala sa amin ang mga nagiging reaksyon ng mga napapadaan sa tuwing kami'y nagsusubuan o patukang naghahalikan.

Naging maligaya ang araw naming dalawa. Kahit sa opisina, hindi maiwasang mapansin ng lahat ang pagiging malapit namin sa isa't-isa at ang nawalang pambabara sa akin ni Ilrian.

Di nagtagal, naamoy na ni Frida ang aming relasyon at mabilis itong kumalat sa buong opisina. Naalala ko pa nang malaman niya mula sa akin habang kami'y abala sa aming mga mesa.

"Jiro, anong nangyari kay July? Laging nakangiti ngayon tapos kayo na madalas magbreak ng sabay? Ano na pala nangyari dun kay Mark? Balita ko nakipagbreak ka daw?" ang intriga niya ng matigil sa pagsusulat. Nangiti ako ng sobra't di ko naitago ang mabilis na pamumula ng aking pisngi at ang pamumuo ng malamig na pawis sa aking mukha.

"Umm.. Ehh... Kasi..." ang nauutal kong sagot na may pilit na ngiti kay Frida.

"Wala na sila ni Mark, nakipagbreak siya." ang sagot ng nakikinig palang si Ilrian mula sa kanyang mesa. Nagulat na napatingin si Frida sa kanyang gawi.

"Tungkol naman sa madalas naming sabay na break at hindi ko na binabarubal yang si, Jiro. Kasi..." ang dagdag pa niyang grabe kung mambitin kaya't unti-untiang tumaas ang dalawang kilay ni Frida at ganoon din si Jessica na nakikinig na pala na natigil na rin sa kanyang ginagawa.

"Kasi ano?" ang sabi ni Jessica matapos itutok ang kanyang tengang naghihintay na makasalo ng karugtong mula kay Ilrian.

"Wala kayong pakialam ha? Mag-react babasagan ko ng mukha. Matanggal na ko kung matatanggal gigripuhan ko pa kayo sa labas ng opisina." ang pananakot niya. Matapos ang ilang saglit na katahimikan at ako'y nalubog na sa aking kinauupuan dahil inaasahan kong may ilalahad na si Ilrian sa kanila.

"Matagal na akong boyfriend niyang si Jiro. Akin lang siya at sa kanya lang ako. May problema kayong dalawa?" ang bungad niya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Frida at Jessica. Impit na tili ang pinakawalan ni Jessica't tila nawala ang kulay ng lipstick ni Frida sa mabilis na pagkawala ng dugo sa kanyang mukha.

Tumawa ng malakas si Ilrian at ako'y kinilig ng sobra sa kanyang ginawa. Nang tignan ko si llrian na kanina pa nakatitig pala'y bigla akong kinindatan nang magtagpo ang aming mga mata.

Isang weekend, naglakas loob na umamin si Ilrian sa mga magulang niyang nagluwal sa kanya sa daigdig na ito. Pinakilala niya ako bilang asawa niya. Nahimatay ang payat na ina niya't halos atakihin naman sa puso ang malusog niyang ama. Itinakwil man si Ilrian ng kanyang pamilya't mga kapatid ay nakaramdam naman ng lubos na kalayaan si Ilrian.

Mula noon, tuwing weekends ay umuuwi kami sa Lucerna at kung tinatamad naman o gusto lang namin magdate ay nananatili na lang kami sa mundo ng mga tao. Hindi na namin nagawang iwan ang mundo ng mga tao dahil sa bahagi na ito ng katauhan ni Ilrian at dahil sa maraming kakaibang bagay na magagawa kami rito hindi tulad sa Lucerna na puro granite lang ang aming nakikita.

Isang araw, habang kaming dalawa'y nakaupo sa magkatabing trono sa throne room ay nilapitan ako ni Periti upang makausap sandali. Iniwan namin si Ilrian na naghihintay at nililibang ang sarili sa ibinigay ko sa kanyang bola ng enerhiyang pwedeng panoorin ang kahit sino sa mundo ng mga tao. Ang timang, tuwang tuwang pinagtripan na pinagmasdan sila Frida, George, Jessica, si ma'am Sarah, si Mark, at kung sinu-sino pang mga kakilala naming dalawa sa mga pribado nilang buhay. Mahilig kasi siya sa reality tv shows kaya't ang bagay na iyon ay lubos niyang ikinatuwa.

Nang kami'y parehong makalabas ng matanda sa throne room, sa mismong corridor paglabas ay naghihintay ang napakaraming Sancti na nagliliwanag na sabay-sabay na nagsiluhuran at nagbigay pugay.

Binulungan ako ni Periti habang pinagmamasdan ang dami ng mga naroon ng "Kailangan mo na pumili ng iyong aatasan na papalit sa iyong lugar. Napag-alaman ng aking mga pinahanap na nasa loob ng isang dambuhalang kristal nakakulong si Neomenia sa pinaka gitna ng mundo. May lamat na raw ito't di malayong mangyari ang kanyang pagbabalik." at agad ko naman siyang nilingon at sinabing "Kayo na po ang bahala, bagama't ako ang pinakamalakas ay kakaunti lang din ang aking kaalaman. Kailangan ko na rin po makilala ang aking makakasama sa aking nalalapit na digmaan kay Neomenia."

Nalungkot ako sa nalaman kong balita, hindi ko inaasahang darating agad ang bagay na ito. Hindi ko lubos akalaing ang di ko pagpapabalik sa mga hemera na nagkulong kay Neomenia'y makakatulong ng lubos sa aming problema.

Tumango lang si Periti't itinaas ang kanyang kamay upang ang mga Sancti na nakaharang sa daa'y magbigay daan.

Paglabas ng palasyo'y bumungad sa akin ang pumangit na Lucerna. Naging puti at itim na lang ang kalahatan roon na dati'y puno ng kulay. Isang tuya sa akin ng tadhana at paninisi sa aking ginawa.

Sa labas, nagtipon kaming lahat kung saan ako at si Periti ay pinalibutan ng libo-libong mga Sancti.

Matapos huminga ng malalim ay pinagmasdan ko ang bawat isa na nasa aking harapan bago simulan ang aking maikling talumpati.

"Nalalapit na ang panahon ng aking muling pakikidigma sa aking kambal na kapatid. Hinihiling ko ang supporta ng ating mga pinakamalakas na kauri. Malugod po akong humihingi ng paumanhin sa inyong lahat sa kinalabasan ng aking mga aksyon at ngayon ay desidido na po akong ayusin ang lahat sa tulong ninyo. Masyado pa akong baguhan nang mangyari ang pagsugod ni Neomenia sa Lucerna, nagawa ko lang ang aking kayang gawin sa mga oras na iyon dala ng matinding kalungkutan sa pagkawala ng aking si Ilrian. Nakalimutan ko na mas malakas tayo kung pagsasamahin natin ang ating pwersa. Kinalabasan pa'y pinagtago ko kayong lahat sa bawat sulok na pwede ninyong pagtaguan sa Lucerna at sa mundo ng mga tao.

Mula ng maikulong ko si Neomenia sa kailaliman ng daigdig ay nagkaroon siya ng direktang impluwensya sa mga nilalang na ating dapat ipagtanggol. Ako mismo'y naging saksi sa mga naging resulta nito sa mga nilalang ng mundo at ang paglagi ng mga anino sa mundo ng mga tao.

Muli, patawad at hinihingi ko po ang inyong tulong."

Matapos noo'y nagsipalakpakan ang ilan at nagdiwang na naghuhumiyaw na sila'y susuporta. Nang mahupa ang madla'y sinamahan akong muli ni Periti pabalik sa loob ng palasyo. Sa aming paglalakad..

"Tapos na ang bagong palasyo." ang sabi ng matanda na aking nginitian lamang.

"Ianus, walang kapangyarihan si Ilrian at makakasama sa kanya na dito pa siya mamalagi sa Lucerna. Hindi na siya nababagay sa ating daigdig. Kung mahal mo siya'y hahayaan mo na lang siyang mamuhay bilang normal sa mundo ng mga tao. Wala ka na sa dati mong kalagayan at baka dumating ang araw na sugurin muli ng mga Tenebrarum ang Lucerna at wala ka na para ipagtanggol si Ilrian. Kung mahal mo siyang talaga'y uunahin mo ang kanyang ikabubuti." ang pangaral ng matanda sa akin. Nalungkot ako dahil sa tama siya sa kanyang sinabi. Tahimik na lang akong nakinig sa sunod niyang mga nasabi.

"Kung mahal mo siya, isaalang-alang mo ang kaligtasan niya. Kung kailangan mo siyang saktan, gawin mo." ang huling wika niya sa akin bago kami magwalay sa mismong tarangkahan ng palasyo. Napaisip ako ng malalim sa kanyang mga sinabi. Naglakad ako pabalik sa throne room kung saan naroon.

Chương tiếp theo