Chapter 9 - Trouble
Isang linggo na ang nakalipas mula ng matapos ang Summoner and Guardian Beast Awakening sa Divine Tortoise Clan, maging sa ibang clan ng Primal Beast.
Mula noon palaging makikita ang nagtre-training na mga bata na nasa edad siyam kasama ang kanilang guardian beast.
Marami na ring mga bagong batang Summoner ang may first summon beast na.
Kung iisipin ang mga summon beast ay parang guardian beast lang. Ngunit sa katotohanan ang dalawa ay magkaiba dahil ang guardian beast ay konektado na sa kaluluwa ng summoner o kung tawagin ay soul bond samantala kung sa pagsailalim ng mga summon beast sa blood contract ay hindi talaga lubusang matibay.
May dalawang paraan ng pagsailalim sa pakikipagkontrata ng summon beast ang ginagamit sa Beastial Planet, una ang kuhanin muna ang loob nito, at ang pangalawa labanan hanggang ito ay matalo hanggang sa hindi na kayang labanan o kontrahin ang blood contract. Karamihan sa mga summoner o halos lahat, ang ginagawa ay ang pangalawang paraan kaya hindi nakakapagtaka na magkaroon ng betrayal, kung makaramdam ang beast ng karahasan sa kanyang summoner.
Ang pinagkaiba ng guardian beast at tamed beast ay ang loyalty. Dahil ang guardian beast ay hinding-hindi magtataksil sa summoner dahil konektado na ang kanilang soul. Maaari rin namang magkaroon ng soul bonding sa ilalim ng tamer at summon beast kung ang loyalty ng tamed beast ay umabot ng 100% at doon maaactivate din ang pakikipagusap ng beast at Summoner through soul bond.
Kung namatay naman ang guardian beast ng summoner ay muli itong mabubuhay hanggat ang tamer ay 'di mamatay ang Guardian Beast.
Kung ang tamed beast naman na may soul bond ang namatay ay malaki ang backfire na mararanasan ng tamer sa kanyang soul source at ang paglanghap ng essence dahil nakakonekta na ang kanilang soul sa isa't isa.
At kung ang beast naman na walang soul bond ay mas maliit ang backfire.
Kung iisipin mas magandang may summon beast na walang soul bond ngunit ang soul bond ay maraming advantage para sa summoner dahil mas mabilis magcultivate o maglanghap ng essence of nature ang beast na may soul bond, loyal at hindi magtataksil sa summoner at siyempre dahil ang soul nila ay nakakonekta na ay ganun din ang kanilang isip at pakiramdam kaya mas magiging maganda ang samahan at pagtutulungan ng summoner at beast sa pakikipaglaban.
Sa Divine Tortoise Clan, mayroon ng apat na bata ang nakapagcontract na ng kanilang First Summon Beast. Kasama rito ang magkakaibigang Matteo, Azi, at Yuno Trevor, pati na rin si Melissa ay nagkaroon na rin ng unang tamed beast.
Si Matteo, Azi at Yuno ay sinamahan ng mga guwardiya ng Divine Tortoise Clan sa pagtunggo ng kagubatan upang sumailalim sa contract para sa kanilang unang summon beast. Hindi lahat ng kabataan ay sinasamahan ng mga guwardiya ng clan tanging mga may matataas lang na estado sa clan ang siyang binibigayang pansin. Maswerte nalang si Melissa at Lolo niya si tandang Dan na mataas na ang ranggo.
Ang pakikipagkontrata sa mga wild beast sa kagubatan ay napakahirap dahil ang bronze-rank beast ay hindi kayang talunin ng isang batang siyam na taong gulang lamang kaya marami sa ordinaryong pamilya ang hindi makipagkontrata agad ng summon beast dahil walang sumosuporta sa kanila. Ang pag-asa nalamang nila ay ang pagtunggo sa eskwelahan. Kada taon ang bawat sinasamahan ang mga bagong summoner ng clan upang magtungo sa eskwelahan upang doon hubugin ang kanilang kakayahan.
Ang Primal Beast Continent ay may isa lamang na paaralan ang Azure Dragon Academy. Ang bawat Kontinente sa Beastial Planet ay may isang paaralan lamang .
Ang lahat ng kabataan ay makakapasok sa eskwelahan ngunit hindi lahat ay napagtutuunan ng pansin. Dahil hindi porke't lahat ay pwedeng pumasok ay hindi pa rin mawawala ang salitang malakas at mahina.
Kung Malakas ka ay ikaw ang nasa taas at kung ikaw ay mahina tiyak ikaw ay nasa baba.
Hindi tayo nabubuhay sa mundong pantay-pantay dahil sa lahat ng bagay may nakakaangat.
Mahalaga ang makipagkontrata sa first summon beast ng mas madaling panahon dahil mas madadali ang pagbreakthrough sa susunod na stage.
Dahil makakapagbreakthrough lamang ang tamer kung ang kanilang beast ay magbreakthrough rin sa susunod na stage.
Kaya kung mas maaga at nasa peak of tier na ang iyong beast ay mas mabuti. Tungkol sa pakikipagkontrata ng beast ay dapat rin kapantay ng tier ng tamer ngunit may special case na kayang makipagkontrata ng mas mataas na tier sa kanila ang beast kung ang kanilang soulforce ay sagana.
Samantala ng hapon na iyon makikita si Zeuz at si Munting Squeek na naglalakad sa kalye patungo sa burol. Kagagaling lang ni Zeuz sa bahay ni Tandang Dan. Nagusap rin sila ni Melissa at ipinakita rin sa kanya ni Melissa ang summon beast nito. Ang summon beast ni Melissa ay isang plant-type, ito ay isang Spirit-Gathering Hibiscus.
Ang Spirit-Gathering Hibiscus ay isang uri ng support type beast na kayang mag-gather ng spirit essence. Ang spirit essence ay ginagamit sa pagregain ng soulforce at maaari rin itong gamitin upang mas maging maganda ang kalidad ng pills na gagawin.
Binabalak talaga ni Melissa na maging isang Alchemist na kahit sa kanyang summon beast ay inaaply niya ito.
Habang naglalakad si Zeuz sa kalye patungo sa burol ay bigla na lamang siyang hinarangan ng tatlong batang lalaki na kaedad niya.
Ang tatlong lalaking ito ay ang grupo ni Matteo, Azi at Yuno.
"Tignan mo nga naman, nandito pala si Zeuz ang may guardian beast na walang affinity." nangiinsultong turan ng lalaki sa gitna, si Matteo.
Noong nasaksihan ni Matteo ang guardian beast ni Zeuz noong ceremony ay humahagalpak siya sa kakatawa.
Siya ang nangunguna sa pangiinsulto kay Zeuz. Para kay Zeuz sa tatlong lalaki sa harap niya ang pinakamasama ay si Matteo.
Hindi pinansin ni Zeuz ang pangiinsulto ni Matteo bagkus gumilid siya at ituloy ang paglalakad ay may humarang na isang itim na tigre sa kanyang daraanan. Nasa itaas ng tigre ay isang kulay itim rin na ibon. Ang tigre ay nasa adolescent period palang dahil hindi pa ito ganoon kalaki, ganun din ang itim na ibon.
"Azi, ano pa ang hinihintay mo. Summon your beast, now!" pasigaw na wika ni Matteo kay Azi.
Nangingig ang kamay ni Azi ng hawakan niya ang kulay tansong libro at sinummon niya ang kanyang beast.
Ang beast na sinummon ni Azi ay kulay puti naiiba sa beast na sinummon nina Matteo at Yuno.
Ginamit ni Zeuz ang kanyang Divine Tortoise Eyes upang alamin ang information ng tatlong beast na nasa kanyang harapan.
---------------------
[Beast Name]: Black Shadow Tiger
[Affinity]: Shadow
[Ranking]: 3rd-Stage Bronze-Rank
[Potential]: C-Grade
[Status]: Healthy
[Innate Ability]: Shadow Possession
[Description]: An ability to make the owner's body become pure Shadow and possess someone's shadow
[Skills]: Shadow Claw, Shadow Walk, Triple Shadow Strike
-------------------
--------------------
[Beast Name]: Red-Eye Black Crow
[Affinity]: Dark
[Ranking]: 2rd-Stage Bronze-Rank
[Potential]: C-Grade
[Status]: Healthy
[Innate Ability]: Cold Stare
[Description]: An ability to stare with a effect to stun a living things on certain amount of time.
[Skills]: Beak Thrust, Dark Claw, Wing Blade
-------------------
--------------------
[Beast Name]: Snow Mink
[Affinity]: Ice
[Ranking]: 3rd-Stage Bronze-Rank
[Potential]: C-Grade
[Status]: Healthy
[Innate Ability]: Snowstorm
[Description]: An ability to create snowstorm.
[Skills]: Ice Spike, Snow Breath, Ice Guard
-------------------
Ang Black Shadow Tiger ayang first summon beast ni Matteo. Ang beast niya maganda ang skills na meron ito. Kung ito ay matured na tiyak magiging malakas ang beast na ito.
Ang Red-Eye Black Crow naman ay kay Yuno maganda rin ang mga skills na mayroon ito. Ang stage nito ngayon ay mababa pa pero mahahalintulad na rin ito sa 3rd-Stage. Lalo na ang Innate ability nito, Cold Stare, ang ability na ito ay mahahalintulad sa Death Stare na mayroon ang Guardian Beast ni Zeuz, subalit ang Cold Stare ay mas mababang uri lamang at ang effect ay inferior pa.
Ang mas nakakagulat ay ang kay Azi, ang Snow Mink. Kung makikita mo Wala sa itsura ni Azi na nagfo-form siya ng contract sa ganitong uri ng beast.
Kung tutuusin para kay Zeuz mabait si Azi, ngunit dahil elder ang kanyang tatay ay hindi siya pwedeng makisalamuha sa iba bukod sa mga nasa mataas na estado, na karamihan ay mga ignorante.
Ang Snow Mink ay may magandang potential at nakita ni Zeuz ang koneksiyon ng Snow Mink kay Azi.
Simula noong naganap ang mutation sa kanyang guardian beast. Ang guardian beast niya ay hindi mapakali ng ilang araw dahil siguro ito sa Hindi sanay sa pakiramdam ng bago nitong katawan.
Kaya labis ang pagiingat ni Azi sa pagkontrata ng beast at kung tutuusin ang Snow Mink ay hindi niya nilabanan bagkus kinuha niya ang loob nito hindi katulad ng kina Matteo at Yuno.
Sa ginawang pagharang ng tatlong beast kay Zeuz alam niya na hindi maganda ang nangyayari.
"Black Shadow Tiger, gamitin mo ang Shadow Claw sa kanya". utos ni Matteo sa summon beast habang nakaturo kay Zeuz
"Crow, Beak Thrust" utos rin ni Yuno sa kanyang Red-Eye Black Crow.
"S-Snow, I-Ice Spike" nauutal na wika ni Azi, ayaw ni Azi ang ginagawa niya ngunit masama ang tingin ni Matteo at Yuno sa kanya kaya napilitan siya.
Sabay-sabay na nagfo-form ng energy ang tatlong beast uoang gawin ang skills.
Binabalak ni Zeuz na isummon ang kanyang guardian beast na sina Xiao Yin at Xiao Yang para protektahan siya.
Ngunit nagulat nalang siya ng may maliit na pigurang tumalon mula sa kanyang likuran. Ito ay si Munting Squeek, naramdaman niya kasing nasa panganib si Zeuz kay bigla itong nagising sa mahimbing niyang tulog.
Nang tumingin siya sa tatlong beast na pasugod ay umilaw ang kanyang kulay asul na mata at naglabas ng asul na enerhiya na nahahaluan ng kulay black and purple.
Si Munting Squeek ay gumamit ng skill. Ang nangyari sa tatlong beast ay nagpagulat kay Zeuz maging sa tatlong batang lalaki na nasa harapan ni Zeuz. Dahil ang tatlo ay natigil na akala mo ay naestatwa ang tigre ay nakataas pa ang isang paa sa harap, ang Crow ay nasa himpapawid parin ngunit hindi na gumagalaw ang pakpak at ang mink naman ay nakanganga at may tila matulis na yelong lalabas sa kanyang bibig.
"A-Ang akala ko Wala pang summon beast ang basurang Zeuz na iyan?" kinakabahang wika ni Matteo at Yuno habang nakatingin sa isa't isa.
Habang si Azi naman ay natahimik nakikita niya sa mata ng kanyang beast ang takot, takot sa daga na nasa harapan nila.
Ginamit ni Zeuz ang kanyang Divine Tortoise Eyes kay Munting Squeek upang malaman kung anong ginawa nito ngunit nagulat siya sa nakita.
----------------------------
[Beast Name]: Twin Spirit Soul Rodent
[Status]: Healthy, Hungry, Angry
(Host current rank are not suitable enough to see data of this beast. Host current Divine Tortoise Eyes are able to see data of beast two rank ahead of Host's rank)
----------------------------
Hindi kaya ng Divine Tortoise Eyes? Two rank ahead? ibig sabihin si Munting Squeek ay Platinum-Rank or higher?