webnovel

Chapter 22

Mukhang naka-high na gumising si McKenzie dahil sa nangyari kahapon. See? Ang aga-aga na-i-stress na agad ako. Buwisit talaga!

Bago pa tuluyang masira ang kanyang araw at mood ay isinantabi na niya ang kanyang mga iniisip na may kinalaman sa pesteng kahapon.

Kahit may pasok sila ngayon ay excused si McKenzie. At naiisip pa lang niya ang pagpasok ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang magiging hatol sa kanilang anim. I won't think about that at the moment. Bahala na.

Ngayon ang araw nang pagpunta niya sa Spain at hindi ito alam ng gang. Sa isip ni McKenzie ay baka maudlot pa ang kanyang pag-alis kung sakaling ipapaalam niya sa mga kaibigan.

Isa ring dahilan kung bakit siya puyat ay dahil ginabi siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Sino bang hindi mara-rush sa gano'n? Bigla-bigla kang paaalisin. Parang ang lapit lang ng Spain sa Pilipinas, tsk.

I might stay there for a while. Only myself, McKenzie Knight Henderson can take a vacation in the middle of the semester. Good luck na lang sa gang.

Habang kumikilos na siya upang maghanda ay hindi niya maiwasang isipin at magtaka kung ano ang sasabihin sa kanya ni Royce.

After an hour, she's already finished and ready to go. She checked her belongings first for the nth time and when everything seems fine, she left her penthouse and went straight to the airport.

Sakto lang ang dating ko at ngayon ay nakasakay na ako. In five minutes ay lilipad na. Natulog muna si McKenzie dahil matagal pa ang travel time na 14 hours bago siya makarating sa Barcelona, Spain.

***

Makalipas ang apat na oras ay nagising si McKenzie at kumain. Tiningnan niya ang kanyang selpon at nag-message sa kanilang group chat. Kinumusta niya ang mga kaibigan at gano'n din sila sa kanya. Nagkuwentuhan lang sila at mayamaya ay nagpaalam na rin sa isa't isa.

Nag-binge watching muna siya ng movie. Nang makatapos siya ng ilang movies ay natulog ulit siya.

Makalipas pa ang ilang oras ay nakarating na si McKenzie sa Barcelona. Pagbaba niya ng airport ay may malalaking bisig ang sumalubong sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit.

"Finally, Innamorata! Welcome amore mio!" nakangiting bati sa kanya ni Royce at halos hindi na siya nito pakawalan.

"Grazie amore mio," nakangiti rin niyang bati pabalik at bago pa siya makaganti ng yakap ay isang labi ang dumampi sa kanyang labi. Isang masuyong halik ang iginawad ni Royce kay McKenzie na tinugunan niya rin ng may pananabik.

Ilang minuto muna ang itinagal ng kanilang halikan bago nagpasyang humiwalay si Royce at dinampian siya nito ng halik sa kanyang noo.

"You never changed Innamorato. You're still hot and handsome."

"Thanks, Innamorata but I already know that," sabay kindat nito sa kanya. "And did I forget to remind you how alluring you are right now?"

Nginitian na lamang ni McKenzie si Royce at marahan na hinampas sa braso. Kahit kailan, napakabolero talaga.

Inalalayan na siya ng kasintahan at kinuha ang ibang luggage na kanyang dala. Nakangiti silang umalis ng airport at sumakay na sa sports car ni Royce.

"Saan tayo pupunta ngayon, Innamorato? And this car of yours is very exquisite. What brand is this?" tanong ni McKenzie habang sila'y nagbibiyahe.

Sandali munang nanahimik si Royce saka sinulyapan si McKenzie bago sumagot.

"Malalaman mo na lang mamaya Innamorata." Ibinalik na nito ang tingin sa daan. "This is my favorite McLaren Elva," tipid nitong sagot at mas dumiin ang pagkakahawak nito sa manibela.

Ilang minuto pa ay huminto na sila sa tapat ng isang mansion. Ang high-tech na gate nito ay kusang bumukas at pumasok na sila upang gumarahe.

Pagkaraa'y bumaba na ang magkasintahan at pumasok na. Lalong humanga si McKenzie nang makita niya ang kabuuan sa loob. This is my first time here so what would you expect? Everything here screams luxury. I can't even compare ours from here.

"Good evening Señor Royce, Señora McKenzie," bati sa kanila ng dalawang maid at isang butler. Kinuha ng mga ito ang kanilang mga dalang gamit sa kotse at ipinasok.

"Kumain ka na ba Innamorata?" Nasa living room na ang dalawa.

"Gusto ko munang magpahinga Innamorato." Hindi na nagpumilit si Royce at inihatid na si McKenzie sa isang kuwarto.

Mahigpit muna siyang niyakap ni Royce saka siniil ng halik. Ilang minuto muna silang naghalikan at nagpaalam na ito. Nang makaalis ay natulog na si McKenzie.

***

"Good morning amore mio." Isang guwapong nilalang ang bumungad kay McKenzie nang siya'y magising. Hindi pa siya gaanong nakakadilat ay niyayaya na siya nitong kumain. Bakas sa itsura nito na ang saya. "May ipapakilala ako sa 'yo, Innamorata," at masuyo siyang hinalikan sa pisngi.

Pagkarinig ni McKenzie sa sinabi ng nobyo ay bigla siyang kinabahan at nagtaka. Sobrang aga naman ata para ipakilala niya ako sa kung sino, usal niya sa sarili.

Nag-ayos muna saglit si McKenzie ng sarili para magmukha siyang presentableng tingnan. Ayokong humarap sa iba na mukhang ewan ang itsura. Mahirap na. Mamaya may masabi pang kung anong klaseng girlfriend meron si Innamorato.

Sabay na bumaba si McKenzie at Royce na masaya habang magkahawak-kamay.

"Papà, Mama!" masayang tawag ni Royce nang pababa sila sa grand staircase. Parang gusto na agad na bumalik ni McKenzie ng Pilipinas o kaya'y sa kuwarto nang marinig ang itinawag ng kasintahan. Napahigpit ang kapit niya sa kamay ni Royce at para na siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan.

Ito ba 'yong sasabihin mo sa 'kin Royce? Sana sinabihan mo ako para naman aware ako at hindi 'yong ganito. Hindi ko tuloy alam kung anong ang gagawin at sasabihin ko, pagtatanong ni McKenzie sa kanyang isip habang binabalot ng matinding kaba.

Biglang huminto sa pagkain ang mga magulang ni Royce. Halos nakakabingi ang katahimikan sa loob ng mansion. Tumingin ang mga ito sa kanilang gawi.

Saglit lang na tinapunan ng tingin si McKenzie ng ina ni Royce habang ang ama nito ay hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon at pinasadahan lamang siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi mapigilan ni McKenzie na manliit ngayon lalo na ang mga malalamig nitong tingin ay parang humahagod at tila hinahanapan ng kamalian ang buo niyang pagkatao.

Dad, ito ba 'yong sinasabi mo sa 'kin noon?

Nagpatuloy na ulit ang mga magulang ni Royce sa pagkain. "Pagpasensiyahan mo na sila, Innamorata. Ganyan lang talaga si Mama at Papa. Don't worry, mababait sila," pang-a-assure ni Royce sa nobya. Sa halip na gumaan ang pakiramdam ni McKenzie ay lalo lamang itong bumigat.

Umupo na magkatabi si Royce at McKenzie saka dumalo sa hapag-kainan. Tanging mga pagkalansing ng mga kubyertos ang maririnig. Ramdam na ramdam ni McKenzie ang bigat ng atmosphere sa hapag-kainan. Hindi niya alam kung makakakain ba siya o kaya ang tamang sabihin ay kung nagugutom ba siya.

Lumilipad ang kanyang isip nang bigla siyang makarinig ng isang boses na malamig at tila nakakamatay. Kulang na lang ay maihi ang kung sino mang makakarinig kabilang na si McKenzie.

"Who are you and what are you doing here?" straightforward na tanong nito na para bang nagtatanong sa isang outsider.

Royce interrupted his dad. "Papà, she's my girlfriend. And please Papà, stop asking that kind of questions."

His dad seemed nothing to care and went on anyway. "Are you her spokesperson? Let her speak for herself. I want to know her more since this is my first time seeing what you claimed to be your girlfriend."

Bigla namang nagpantig ang tenga ni McKenzie sa narinig. Seriously, anong tingin niya sa 'kin? Nagsisimula ng mag-alburuto ang loob ni McKenzie dahil ngayon lang may nagsalita sa kanya ng ganoon.

"How did the two of you meet? Do you really love him or this is just for money?" patuloy pa rin ng ama ni Royce.

"Papà, stop!" at napatayo na si Royce sa kanyang kinauupuan. Inalo agad ito ni McKenzie at hinagod ang likod para kumalma. Ayoko namang kung saan pa mapunta ang usapang ito.

Sa totoo lang, I felt offended and judged about his question because he clearly crossed the line. I know that they are way too rich than us pero kailangan pa bang ipamukha sa 'kin? At mukha bang pera ang habol ko kay Royce Genesis? Yes, their family owns billions of worth of companies but the hell I care.

Kahit ang sama-sama na ng loob ni McKenzie ngayon ay nagpapasalamat siya sa kanyang sarili dahil nakapagpigil siya. I deserve an award for this. This is rare for a person like me na makapagtimpi.

She calmed herself first and she motioned Royce to sit down again. Nang medyo nabawasan ang kanyang inis ay sumagot na siya in her very respectful manner.

"I'm McKenzie Knight Henderson, Royce's girlfriend. I'm here because Royce asked me to come since he's going to tell me something." Huminga muna siya nang malalim saka nagpatuloy. "We met in United Kingdom where I had my tennis tournament and he approached me first." Itinuloy pa ni McKenzie ang pagkukuwento. "And yes, I really love him."

The last words I uttered, for the first time, felt different. Did I really mean it? Or did I just say it because—fuck! I don't know anymore.

After she answered all his queries, he stared intently to McKenzie for a couple of seconds. Then he spoke.

"If that's the case, then when will you get married?"

This man in front of me never failed to make me uncomfortable and agitated. Wala na ba siyang magandang itatanong sa 'kin? Sa lahat lahat ng bagay, ito pa talagang pinakaayaw ko.

She didn't answer. She knows that Royce is aware of how sensitive the topic was, for her. Instead, they continued to eat breakfast and Royce diverted the topic into business stuffs.

Few minutes have passed and they're finished with their meals. Royce's parents didn't stay any longer and they left immediately without saying anything to the both of them.

"I think I need to go back in my room," mahinang sabi ni McKenzie kay Royce na mukhang frustrated at worried. Tumayo na siya at nauna nang umalis.

Pagpasok niya ng kuwarto ay isasara na sana niya ang pinto nang biglang may pumigil. Paglingon ni McKenzie ay si Royce. Sinundan siya nito.

Mabilis na ini-lock ni Royce ang pinto at agad siyang siniil nang mapusok na halik. Gulat na gulat siya dahil hindi niya inaasahan 'yon. Ang malilikot nitong kamay ay malayang naglalakbay sa kanyang katawan pababa. Nang hindi siya tumutugon ay kinagat nito ang kanyang pang-ibabang labi na kusa namang bumuka para patuluyin si Royce. Habang tumatagal ay mas nagiging agresibo si Royce at nakaramdam na naman ng kaba si McKenzie.

Nang hindi niya makayanan ay pilit niyang inilalayo ang nobyo ngunit hindi pa rin niya ito maawat hanggang sa buong lakas niya itong itinulak. Saka lang ito natauhan.

"I'm really sorry Innamorata. I can't help it. I really, really missed you." Medyo hinihingal pa ito. "And about the marriage—"

"Please Royce, cut it out. I don't want to talk about it. I'm not in the mood. And you know me about this, right?" Bigla na namang bumangon ang kanyang inis dahil ilang beses na niyang sinabi na wala pa siyang balak tungkol sa bagay na ito. I'm only 21 for goodness' sake! Can't he wait? He's five years older than me and there are only few years remaining before I finish my degree. Maybe I will when that time comes.

Dahil sirang-sirang na ang kanyang araw dahil sa mga nangyari ay hindi na niya alam. I didn't know na ganito pala rito. Akala ko sa pagpunta ko rito ay mawawala ang stress ko dahil sa lesbian na transferee na 'yon pero hindi pala. Tulad niya ay gano'n din dito.

Since I met that fucking person, lahat na lang ng aspeto ng buhay ko ay nagkanda-letse-letse na. Tama nga talaga si Dad. Ba't kasi napadpad pa siya sa Henderson University. At heto ako ngayon, miserable na naman.

Ilang saglit lang ay walang ano-ano'y umalis na si McKenzie sa lugar na 'yon dahil hindi niya makayanan pa. Mabilis niyang kinuha ang kanyang mga gamit at hindi nagpapigil kay Royce na patuloy siyang sinusuyo pero hindi niya ito pinapansin. Ang tanging nasa isip ni McKenzie ngayon ay ang makaalis sa lugar na 'yon.

***

Nag-stay muna si McKenzie sa isang hotel para doon magpalipas. Inayos niya muna ang kanyang mga gamit saka naligo. Nang nakaayos na ay humilata lang siya at walang ginawa. Kinuha na lang niya ang kanyang selpon at nagtingin ng ilang notifications at messages. Hindi siya nag-abalang mag-reply dahil wala siya sa mood.

Nanatili lang siya sa hotel ng buong araw at nag-isip ng mga bagay-bagay. Maybe I deserve a rest after all my mishaps today and for everything that happened.

***

Maagang gumising at naligo si McKenzie para maaga siyang makaalis. I felt recharged and new today. Sa wakas ay gumaan na rin ang aking pakiramdam at hindi na clouded ang aking isip mula sa mga pangyayari kahapon, sabi niya sa sarili. Nagsuot siya ng isang formal dress para maganda at maayos siyang tingnan. Nang ready at satisfied na siya sa kanyang itsura ay umalis na siya.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na siya.

Centro Médico Internacional Lastra

Sa ospital ang punta ni McKenzie dahil gusto niyang humingi ng sorry kay Royce sa iniasal niya kahapon at para kausapin na rin ang nobyo para makabawi man lang. Buti na lang at may isa pang lugar kung saan puwede ko siyang puntahan at makita. At syempre, dito ko lang naman siya makikita. He's a doctor after all.

This is my second time to visit here. This hospital is not just an ordinary hospital. It is the top medical center in the world. Though very expensive, the service and treatment are 100% guaranteed. When it comes to healthcare, the Lastra hospital is an excellent choice.

The staff greeted her when she entered the hospital lounge area.

"Good morning ma'am but visitors are not allowed at this moment," bungad na bati nito kay McKenzie.

"Good morning but I'm McKenzie Knight Henderson and I'm looking for Dr. Royce Genesis Lastra," pormal niyang sagot.

Nakita niya kung paano ito nagulat at na-shock nang malaman kung sino siya. Walang ano-ano'y sinabi agad nito kung nasaan si Royce. Namumutla pa ito kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"A-ah M-Ms. Henderson, he's in his o-office, fourth floor," medyo kinakabahan at natataranta nitong sabi. Nagtungo agad si McKenzie.

Sumakay na siya sa elevator at pinindot ang fourth floor. Saglit lang ay nakarating na siya.

Nakita naman agad ni McKenzie ang office ni Royce dahil nag-iisa lang ito roon. Hindi na siya nag-abala pang kumatok at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Roy—"

Hindi na natapos ni McKenzie ang sasabihin dahil imbes na si Royce ang masorpresa ay siya pa ang nasorpresa dahil sa kanyang nasaksihan. Pumunta ako rito para ayusin ang anumang misunderstanding sa pagitan naming dalawa kahapon pero mukhang hindi naman siya affected sa nangyari sa amin.

Parang kahapon lang—ang bilis naman ata Royce.

Nakahubad ito habang may kahalikan na isang nurse habang nakapatong pa ito sa kanyang nobyo na halos pambaba na lang ang saplot.

Pinicture-an ni McKenzie ang dalawa ngunit 'di niya alam na nakabukas pala ang flash ng camera kaya napatingin ang mga ito sa kanya lalo na si Royce na putlang-putla ang mukha.

"We're over Royce."

Hindi na siya nag-abala pang lumingon nang tawagin siya ni Royce at patakbong umalis sa lugar na iyon saka dali-daling sumakay ng elevator.

Bakit gano'n? Hindi man lang ako nasaktan sa nasaksihan ko. Something is really off with me.

Is that the reason why the staff there seemed nervous when I arrived here? Royce, is that what you called duty calls? Bullshit.

Sana pala matagal na akong pumunta rito. Para hindi ako nagmumukhang tanga ngayon at pinagti-trip-an lalo na't napakawalang-kuwenta pala ng dahilan ng ipinunta ko rito.

Saktong bumukas na ang elevator at dali-dali nang umalis si McKenzie sa ospital na 'yon. Umuwi na agad siya at nagpalit ng damit.

Papunta na siya ng airport ngayon para makauwi na ng Pilipinas. Sayang lang ang ipinunta ko rito. Nagpakapagod pa akong mag-travel tapos ito lang ang mapapala ko.

Okay na rin 'to. Worth it naman dahil nalaman ko ang totoo. May marriage marriage ka pang nalalaman. Gagawin mo lang pala akong kabit.

Nakabili na siya ng ticket pauwi ng Pilipinas at pasakay na sa eroplano.

I don't know what to feel anymore.

And that Lastra family?

Bloody hell.

Chương tiếp theo