webnovel

My Girlfriend Is A Witch

Tác giả: Choi_Garcia052013
Kỳ huyễn
Đang thực hiện · 36K Lượt xem
  • 14 ch
    Nội dung
  • số lượng người đọc
  • N/A
    HỖ TRỢ
Tóm tắt

Si Vergel Allejo, isang simple at normal na teenager na desperadong makatapos sa pag aaral para sagipin ang kaniyang mga magulang mula sa kamay ng mga naiibang nilalang. Kasama na dito si Autumn Elizarde na isang mangkukulam na ang layunin la mang ay hanapin ang kaniyang kasintahan. Upang sabay nilang makamit ang inaasam na kamatayan. Ngunit gugustuhin pa rin ba ni Autumn ang masawi kung mahuhulog na ang kaniyang loob kay Vergel?..

Thẻ
4 thẻ
Chapter 1Chapter One

"Magandang umaga!"

"—ayy anak !"

"Pasensya na po.

"Vergel. Tanggalin mo nga iyang ugali mo na ganyan." sabi ni Eva habang nakahawak parin sa dibdib.

"Pasensya na. Ano po bang ginagawa nyo dyan?" he asked as he shook the broom. It was so scratchy that Eva pointed to the hole near the bottom of the sink. Vergel quickly understood. Eva saw another rat again.

"Mayroon po ba ulit?" tanong niya. Umiiling na tumango si Eva. Itinabi ni Vergel ang walis tingting na kanyang hawak.

"Ako na pong bahala." Lumayo si Eva sa lababo at pinanuod ang ginagawa ni Vergel. Nagset up sya ng trap para kung babalik pa ang daga'y mahuhuli na.

"Okay na po." aniya.

"Salamat."—Eva.

"Aling Eva kanina ko pa hinahanap si tatay at Nanay. Napansin nyo po ba sila?"—Vergel.

" Naku. Malamang nasa kwarto iyon ng Don. Alam mo naman na parating na sila eh. Ayaw nila na may ibang tao na papasok sa kwarto nila maliban sa magulang mo."—Eva.

"Ano po ba ang hitsura ng Don?"—Vergel.

"Hindi mo pa siya nakikita?"—Eva.

"Ang sabi ni Nanay nakita ko na sya noong 3 years old palang ako. Hindi ko na po matandaan ang mukha nya."—Vergel.

"Hay naku. Wag mo na alamin."—Eva.

"Bakit po?"—Vergel.

"Nakakatakot po ba?"—Vergel.

"Hindi naman."—Eva.

"Ano daw po ang hitsura?"—Vergel.

Biglang sumeryoso ang muka ni Eva at tumitig ng diretso sa binatilyo.

"Sabog daw ang buhok nito na parang hindi nagsusuklayan. Napakatulis ang ilong... at palaging galit."—Eva.

" Panong matulis?"—Vergel.

"Basta matulis. Sa tulis ng ilong nito at haba, mahihiya si phinochhio."—Eva.

"Aling Eva naman niloloko ako eh."—Vergel.

"Sandali at hindi pa ko tapos."—Eva.

"Matangus po ba yung ilong?"—Vergel.

"Hind! Hindi ka ba nakakaintindi ng matulis? Batang 'to ang tanga kausap."

"Gaano po ba katulis ang ilong nya? Yung tipong pwede na gamiting pang hold up?" Tila ngulat si Eva sa sinabi ni Vergel. Maya-may'y bigla itong pumalalpak ito.

"Wooh! sa wakas. Akala ko sayang lang pinapaaral sayo ng nanay at tatay mo eh."—Eva.

"Aling Eva naman eh."—Vergel. Tumawa si Eva habang inuumpisahan na ang paglilinis ng mga hugasin sa lababo.

"Hindi ko din masabi yung hitsura. Kung makikita mo sila para silang mga bampira. Palaging may kulambo ang mga mukha nila." Sabi ni Eva.

"Hindi ko po maisip eh." napapakamot na sabi ni Vergel.

"Wala ka naman n'on wag mo na subukan baka ma-fatigue ka lang. Hahaha." muling biro ni Eva sa binatilyo.

"Ewan." Nagpatuloy na lamang si Vergel sa pagwawalis.

"Gaano katagal na po ba kayo dito?"—Vergel.

"Matagal na."—Eva.

"Edi kilala na po ninyo lahat ng miyembro ng Pamilya Elizarde?"—Vergel.

"Oo." sagot nito habang abala na sa paghuhugas ng plato.

"Mababait po ba sila?"—Vergel.

"Nagbabago ang tao kapag lumilipas ang panahon." napapakamot nalang si Vergel sa makahulugang tugon nito. Bigla kasi itong naging seryoso at tila nagbalik-tanaw sa mga nagkaraan.

"Emo ka aling Eva ah." natatawang sabi pa nya.

"Vergel. Nandito ka lang pala." Biglang pumasok sa dirty kitchen ang nanay Ester niya. Nagpupunas pa ito ng kamay gamit ang suot nitong lukot na lumang t-shirt.

"Bakit ho?" tanong nya. Nagpatay malisya si Eva na parang wala silang pinaguusapan ni Vergel.

"Ang tatay mo inatake nanaman ng highb blood." nasapo ni Ester ang kanyang noo.

"Ho?!" akmang tatakbo si Vergel para puntahan ang tatay niya.

"Wag mo na abalahin pinagpapahinga ko na." sabi ng ginang. Kumalma naman agad si Vergel.

"May ipapagawa ba kayo sakin nay?"—Vergel.

"Hindi ko alam kung kaya mo iyon anak."—Ester.

"Ano po ba iyon?"— Vergel.

"Mamaya nalang siguro. Baka malapit na ang mga Elizarde." sabi nito. Magsasalita pa sana si Vergel nang makarinig sila ng tunog ng bell na nagmumula sa loob ng mansyon. Nagkatinginan si Ester at Eva.

"Naku. Paano kaya ito? Pinagpahinga ko si Jose." problemadong sabi ni Ester. Ilang sandali pa nga'y natuon naman ang mga mata nina Eva at Ester kay Vergel. Napalunok naman bigla si Vergel dahil sa kakaibang titig ng dalawa.

"Vergel. Magbihis ka dali." —Ester.

"Bakit po?"—Vergel.

"Wag nang madami ang tanong. sumunod ka nalang." Pinagtulakan ni Ester ang anak palabas ng dirty kitchen.

"Pero nay ano pong susuotin ko?"—Vergel.

"Yung lumang uniporme ng umalis na butler. Nakalagay sa damitan ng tatay mo. magmadali ka. susunod ako sayo."

Surprisingly, Vergel immediately obeyed his mother's command. He did not see or even witness what Eva and Ester did next to facilitate their work. Their hands wave and the equipment moves spontaneously as they please. They seem to have their own lives and they are able to control these things just by waving their hands.

As ordered by his mother, he immediately got dressed even though he had no idea what would be his part in the reunion of their bosses. He had never seen them. During his almost 17 years in his home, he only heard that they were all going home. Ayon sa kanyang ina na si Ester ay nagwatak-watak ang mga ito nang pumanaw ang pinaka bunso sa pamilya. Sa kanilang mag-asawa iniwan ang lahat ng gawain sa tahanan maging ang mga malalawak na lupain na malayang napagtataniman ng mga magsasaka. Mayroong sabi-sabi na ang kaniyang mga magulang ay alipin ng mga anak ng demonyo. Buong buhay siya'y na-bully hanggang sa tinanggap na lamang niya na ganun kasama ang tingin sa kanila ng mga tao. Kahit na nga taliwas iyon sa mga nakikita niya. Dahil napakabuti ng kanyang mga magulang at binusog siya ng pagmamahal at aruga. Bagay na hindi nya ni minsan kinahiya tungkol sa kaniyang mga magulang.

"Vergel." biglang sumulpot si Ester. Nakabihis na ito at nakaayos. Bahagya pa siyang nagulat sapagkat hindi niya alam kung saan dumaan ang kaniyang ina.

"Nay.."—Vergel.

Kahit na nabigla'y bumalik siya sa ginagawang pagaayos ng kwelyo. Lumapit si Ester upang tulungan ang anak.

"Vergel, makinig ka, sa gilid ka lang tatayo. Kami ni Eva ang kikilos sa lamesa. Wag kang gagawa ng bagay na ikaw ang mapapansin nila." bilin ni Ester.

"Ganun po ba sila kaselan?"—Vergel.

"Oo. Mga Elitista sila. Ayaw nila ng mga nagkamali. Kaya doon ka lang sa gilid."—Ester.

"Opo." sagot ni Vergel.

Sa loob-loob niya'y hindi naman iyon mahirap gawin dahil hindi siya pansinin.

"Ayan. Tara na." yaya ng ginang. masigla namang sumunod si Vergel sa ina.

Bạn cũng có thể thích