webnovel

Chapter 3

"Krishianna Marie, here's the vid. I already found some friend who teaches us next week." Sambit ni Lexord at ipinakita pa ang vid recorded mula sa link.

Napakunot ang noo ko doon. "Sigurado kaba dito?" Tanong ko nang pilit niyang pinapanood iyong video sa akin.

"Of course, mukha ba akong nagbibiro?"

Inirapan ko sya. "Puro ka pindot ng link, mamaya ma hack yang account mo, iyak ka pag uwi mo."

Napatigil ako ng bigla syang tumawa. Tinignan ko sya na parang isang baliw na lalaki kaya napatigil sya doon. "No don't worry. But thank you for being concerned to me." Ngisi nya.

Kinuha ko iyong eraser bago binato sa mukha nya. Sayang lang dahil nakaiwas siya bigla, kaya hindi natamaan.

"Pinanganak ka bang asumero, ha?" Sarkastikong sabi ko, ang kaso, mas lalo lang syang natawa sakin.

"No, but your words gave the way to assume some things. But sorry for miss-understood you, Ms. Lorenzo." He grinned while looking at me before gave me a copy of link.

Nang maka alis sya ay sakto namang dating ng dalawa. Busy mag kwento si Irish tungkol doon sa Nerd kaya pinakinggan ko na lang habang nagsusulat.

"I think he will like me someday." Pag de daydream nya kaya napatingin ako sa kanya.

I sighed. "Alam mo, ganyan ka din noon noong hindi pa kayo ng ex mo."

Nagulat sya sa sinabi ko kaya inawat ako ni Chloe. "Ano ba, hayaan mo na lang maging masaya yung isa. Let's support them and move forward already na."

Totoo naman iyong sinabi ko. Pero mas pinili ko na lang na manahimik dahil baka kung ano pa ang lumabas na salita galing sa bibig ko at hindi na naman nila maintindihan ang pinupunto ko.

Mukhang nag tampo sa akin si Irish kaya natahimik sya. Ito na nga ba ang sinasabi ko e.

"Support ko kayo pero sana wag masyadong mabilis." Pag iingat ko sa salita pero hindi pa din sya kumibo.

Gusto ko lang iwasan nya maulit iyong dati. Ayoko din na minamadali nya dahil aakalain din ng lahat na baka na attract lang sya doon sa tao na yon. Halos lahat kasi ganoon ang rason. Akala nila gusto na nila, iyon pala ay hanggang pag hanga lang.

Irish sighed before giving up. "Wag kang mag alala, hindi ko naman paglalaruan yung tao. Gusto ko lang talaga sya, hanggang doon na lang yon."

Pinagkibit balikat ko nalang iyon bago tumayo mula sa upuan dahil wala namang prof. Hinanap ko pa muna iyong eraser na binato ko kay Lex bago mag paalam doon sa dalawa.

Habang naglalakad palabas ay nakita ko na ang katangkaran nya habang may kausap na dalawang lalaki na kasing tangkad nya lang din. Mukhang seryoso ang pinag uusapan kaya nag iba na lang muna ako ng daan para hindi ko sila ma istorbo.

Pumunta ako sa court para manood ng mga basketball player na nag ta-training para sa up coming instramurals. Halata naman na seryoso silang lahat sa ginagawa nila at focus doon kaya inilagay ko muna ang bag sa tabi ko upang panoorin ang ibang mga kaibigan ko dito.

"Where's Irish?" Tanong ni Andrei, ang ex ng kaibigan ko nang makita akong pinapanood sila.

Hindi ko sya pinansin kaya hindi na lang din nya pinagpatuloy ang mangulit. Dapat lang kung ayaw nyang sigawan ko sya, dahil ayoko din naman ng atensyon nila. Baka sumikat pa ako lalo, kahit na alam kong sikat kaming tatlo dito. Tama na siguro iyon.

"Jed!" Sigaw ko kaya napatingin ang iba sa akin. Wala akong pakielam sa kanila kung gawin nilang issue ang pag tawag sa kaibigan ko.

Tumingin naman si Jed sa direksyon ko matapos kausapin ang ka play mate nya bago lumapit.

"Oh?" Takang tanong nya habang pinupunasan ang pawis nya gamit ang kanang kamay.

"Lapit dito, may sasabihin ako." Pinatabi ko sya kung saan ako nakaupo.

Pero ang tukmol ay ngumisi lang at bahagyang namula dahil alam kong aasarin lang ako.

"Krish, alam mo namang hindi tayo talo diba?" Pang-aasar nya kaya hindi ko napigilan na sipain sya sa tuhod.

"Umayos ka nga baka masampal na kita sa susunod. May sasabihin lang kasi ako." Pikon na sabi ko dahil kahit kailan, hindi na tumino to.

"Ano ba ang sasabihin mo?"

"Kilala mo ba si Lexord pati yung Israel na binully nyo last time?" Seryosong tanong ko kaya napakunot ang noo nya.

"Gago hindi ako nang bully doon. Si Andrei may gawa non-"

"Kung kilala mo nga?" Nagtitimpi na ulit ko sa kanya at mukhang nahalata nya ang pagiging iritable ko sa kanya.

"Oo pero yung Israel hindi. Bakit mo ba naitanong?"

Kahit sya ay nawe weird-uhan sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot at pinalayas na sya sa harapan ko kaya naman nakapag isip isip ako.

Hindi kaya, mukhang delikado ang mga tao na iyon?

Nasa malalim ako na pag iisip ng may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa kaliwa ko nang makitang si Lex na naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Bakit?" Tanong ko nang kunin nya ang bag ko at ipinatong sa lap nya.

"We need to practice later, you want to watch their training?" He asked so I nodded as a response.

Parehas lang kaming tahimik at nanood kaila Jed at Andrew. Hindi ko na pinagtuonan ng pansin iyong ex ng kaibigan ko matapos nyang gawin rebound si Irish ay hindi na din kami nag uusap.

Ayaw ni Irish na sisihin ako sa nangyari sa kanila. Kaya itinigil ko na din iyon at nakinig sa kaibigan ko. Pinilit nya din na mag move on agad kahit walong buwan din silang nagkasama. Hindi rin naging madali sa kanya tanggapin iyong nangyari sa kanila.

Nakita kong tumatakbo si Andrew sa kabilang side habang hinahabol sya ni Jed nang bigla suang tumalon at shi-noot ang bola sa ring bago saluhin ni Jed ang bola mula doon.

Pinanood ko lang sila mag damag dahil busy naman iyong mga Profs para sa nalalapit na prelim exams para sa amin. Kung iyong iba ay nagsisimula nang mag review, ako naman ay kung kailan malapit na ang date noong Prelim Exams namin.

Hindi din naman kasi ako iyong tao na mag a advance reading dahil mabilis ko lang din namang nakakalimutan. Iniiwasan ko din ang pressure sa sarili ko para hindi ako ma blanko sa exam.

"They're done already, let's go?" Nagising ang diwa ko mula sa pag iisip nang magsalita si Lex.

Tumango ako bago kunin ang bag ko mula sa kanya. "Doon ba ulit tayo sa likod ng school?"

"No. But if it's okay to you na sa condo ko?" Biglaan nyang sabi kaya napatigil ako.

Tumingin ako sa kanya. "Ang daming lugar bakit sayo pa?"

Umirap sya. "Edi sa inyo, ok kana?" Sarkastikong sabi nya sa akin. Mukhang na offend yata sa sinabi ko pero wala akong panahon suyuin sya.

Kung sa bagay, baka mali ko lang ulit dahil tinanong nya ako nang maayos. Gusto kong humingi ng tawad ang kaso ay nahihiya naman ako. Mukhang assuming pa naman itong tao na to.

Pagkatapos nang ilang minutong katahimikan ay nagsalita na ako. "Ngayon mo ba gusto o bukas na lang?" Tanong ko nang maalala na hihintayin ko pa ang kapatid ko sa building nila.

"Your choice, I don't want to decide." Kalmadong sabi nya kaya tumango na lang ako.

Mukhang ok naman na sya kausap kaya inutusan ko syang samahan ako sa building ng high school kahit nagtataka sya. Nag text na lang din ako kina Irish at Chloe na naka uwi na ako kahit hindi pa naman. Ayoko na munang malaman nila, dahil alam ko na aabot sa imagination nila na boyfriend ko ito. Baka magulat din si Irish kapag nalaman nya.

"Why are we here? Do you have a boyfriend there?" Naka kunot ang noong tanong nya habang hinihintay ang reply ng kapatid ko.

Tumingin ako sa kanya. "May kasabay tayong umuwi, sa back seat ka umupo kung wala kang dalang sasakyan ngayon." Sabi ko nang matanaw ko na ang kapatid kong nakasimangot papalapit samin.

"Who is he?" Masungit na tanong nya at tiningnan mula ulo hanggang paa si Lex kaya hindi ko maiwasan na matawa.

"I'm her bestfriend, what about you? You're the boyfriend?" Kalmadong tanong nya na mas napakunot ng noo sa kapatid ko kaya lalo lang akong natawa.

"The fuck?! Are you insane? Stay away from my sister!" Sigaw bigla nang kapatid ko habang tawa naman ako ng tawa sa kanila. Mukhang magkaka sundo sila, bardagulan palagi kung ganoon.

Lexord looked priceless. Nakita ko pa ang onti onting pamumula ng mukha nya sa kahihiyan habang naglalakad kami sa parking lot ngunit mas pinag tuunan ko nang pansin iyong kapatid ko na mukhang inis pa din sa kasama ko.

"Intindihin mo nalang muna, kailangan namin i practice yung sayaw dahil ka partner ko sya." Pag payo ko sa kanya kaya tinignan nya ako.

"Ate, I don't like him." Sabi nya pero tinawanan ko lang sya at binuksan ang kotse para maka alis na kami.

Awkward sa loob nang sasakyan dahil mukhang hindi naging komportable si Lexord mula sa backseat. Kung hindi ba naman nag conclude agad edi hindi sya mapapahiya. Panindigan nya na lang hanggang makarating kami ng bahay.

Nang madaanan namin ang Mcdo ay tinanong ko ang kapatid ko. "Nagugutom kana ba?"

"Yes, I'm already hungry." Sagot nya kaya tumango ako at nag drive thru para makakain sya.

"Ikaw, may gusto kaba na bilhin?" Tanong ko sa lalaking tahimik sa backseat kaya napa ayos sya ng upo.

Ngumisi sya nang nakakaloko. "Libre mo din ba ako?" Bulong nya para hindi marinig ng kapatid ko.

Napasimangot ako. "Ano ka, sinu swerte? Baka nga mas mayaman kapa sakin. Pero syempre ikaw magbabayad." Irap ko sa kanya.

Sinabi nya na wala syang gusto kaya inorderan ko na lang ang kapatid ko ng favorite nyang chicken, burger at mcfloat bago ibigay sa kanya.

"Thanks Ate, how about you?" Tuwang sabi nya nang makitang sya lang ang binilhan ko.

"Busog pa ako, kainin mo na lang yan pag uwi natin." Sagot ko na lang sa kanya dahil alam kong magagalit lang sya kapag sinabi ko ang totoo na wala akong balak bumili dahil busog pa ako. Alam ko na pipilitin nya lang ako kaya mas pinili ko na lang na mag sinungaling sa kanya.

Nag drive na ulit ako para mabilis kaming makauwi at magawa na ang kailangan naming dalawa sa bahay para makauwi sya nang maaga.

To be continued...

Chương tiếp theo