webnovel

Chapter 25

"Si Blythe po?" tanong ko agad kay Tita Kristine pagkapasok ko sa bahay nila.

"Nasa kwarto niya. Hindi pa tapos gumayak " sagot naman ni Tita.

"Hintayin ko na lang po" sabi ko.

May usapan kasi kami na aalis kaming dalawa. Sabi ko sa sarili ko na babawi ako sa kanya dahil tinulungan niya ako nung isang araw. Tinanong ko siya kagabi kung pwede siya ngayon kaya eto at aalis kami.

Maya maya pa ay bumaba na rin si Blythe. Nakasuot ito ng kulay dilaw na sweatshirt at jeans. May ngiti sa labing lumapit ito sakin.

"Tara na" aya nito kaya naman nagpaalam na kami kay Tita. Iginaya kami nito palabas ng gate.

"Anong oras kayo uuwi?" tanong ni Tita samin nang makalabas kami

"Kapag galit kana saka ako uuwi" sagot naman ni Blythe kaya hindi ko mapigilang matawa.

"Hwag ka nang uuwi. Bwiset ka talaga" sabi naman ni Tita kaya lalo napalakas ang tawa ko.

"Hindi ka naman mabiro" sabi ni Blythe at nilambing ang Ina.

"Sige na tumuloy na kayo" si ni Tita Lyn saka kumaway samin

Pagkatapos non ay lumakad na kami ni Blythe.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya habang naglalakad palabas ng village.

"Ang lakas ng loob mong mag aya tapos ako ngayon ang tatanungin mo. Grabe nga" sabi nito at umiling iling pa.

"Aba'y malay ko ba kung anong trip mo sa buhay. Baka naman kasi kapag ako ang namili ng pupuntahan natin ay hindi mo magustuhan." paliwanag ko sa kanya.

"Bakit libre mo ba?" tanong niya sabay ngisi

"Oo" maikling sagot ko. Medyo nag alangan pa ako dahil wala akong tiwala sa kanya at baka maubos lahat ng pera ko.

"Hindi mo naman agad sinabi" sabi niya habang may malawak sa ngiti na akala mo'y bata na binilhan ng laruan ng kanyang magulang.

Namasahero lang kami papunta sa gusto niyang lugar habang tahimik na kasunod lang ako sa kanya. Buti na lang ay walang traffic kaya hindi ganoon katagal bago kami makarating sa aming destinasyon.

Nung una ay nagtaka pa ako dahil ang akala ko ay sa mall kami pupunta pero bakit nasa harap kami ng simbahan...

"Dito mo talaga gustong pumunta?" tanong ko saka hinrap siya

"Oo" maikling sagot ni Blyhte habang sinisilip ang loob ng simbahan.

"Sure?" tanong ko ulit.

"Bakit parang ayaw mo pa" nakataas ang kilay na sabi niya.

"Hindi naman.....sadyang iba lang ang inaakala kong pupuntahan natin" sabi ko naman.

"Hwag kana magreklamo. Baka hindi natin maabutan yung misa" sabi niya sabay hila ng kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.

Hindi naman ako rereklamo. Iba lang talaga yung nasa isip ko.

Pagpasok namin sa loob ay nagsisimula na ang misa. Mabilis na luminga linga si Blythe a naghanap ng mauupuan namin. May katabi kaming dalawang babae na panay ang tingin kay Blythe pagkatapos ay bubulong saka hahagikgik.

Hindi ko alam kung simba ba talaga ang pinunta nila dito o si Blythe.

Napatingin naman ako sa aking kasama. Hindi naman maipagkakailang may itsura talaga silang kambal pero ang mga mata talaga ang pinakagusto ko sa lahat.

Ang mata nila ay nangungusap at parang may kung ano na humihigop sayo para mapatitig ka. Marami na akong nakitang ganyan at iba iba pa ang kulay pero mata lang ng kambal ang halos hindi ako magsasawang tignan.

I don't know but there's something on it. I just can't figure it out.

Tahimik na nakinig na lang kami sa sermon ng pari. Pagkatapos ng ilang minuto ay nag aya na si Blythe kaya naman lumabas na kami. Para nmang nabagsakan ng langit at lupa yung dalawang babae na katabi namin nang tumayo na kami ni Blythe at umalis.

"Saan na tayo pupunta?" tanong ko kay Blythe nang makalabas kami.

Hindi siya sumagot at nginitian lang ako. Sa pangalawang pagkakataon ay kinuha na naman niya ang kamay ko at nagsimulang maglakad.

"Kumakain ka naman siguro nito diba?"tanong niya sabay turo sa mga...street foods?

Mayroong fishball, squidball, kikiam, calamares, kwek- kwek, french fries, betamax o dugo ng manok, isaw, adidas o paa ng manok at marami pang iba. Marami kang pagpipiliaan. Lahat ay mukhang masarap pero dipende parin sa tao kung magugustuhan ba nila ang ganitong klase ng pagkain o hindi pero ako ang tatanungin ay bakit naman aayawan ko ito?

Sa katunayan nga ay mas gusto ko pa ang mga ganito kaysa sa mga mamahaling pagkain. Dito ay nakahain na sayo lahat ng klase ng street foods, ikaw na lang ang mamimili.

Pakiramdam ko ay nangniningning ang aking mata dahil sa nakita. Matagal tagal nadin akong hindi nakakain ng ganito simula nung lumipat kami ng bahay. Mabuti na lang talaga ay naisipan ni Blythe na dalhin ako dito ngunit ang hindi ko lang inaasahan ay kumakain din pala siya ng mga ganitong pagkain. Kadalasan kasi lalo na pagrich kid ang kasama mo ay sasakit ang tiyan o magsusuka kapag nakakain ng ganito kaya laking gulat ko na lang talaga na siya mismo ang nag aya sa kanitong klaseng lugar.

Lumapit kami sa mga nagtitinda at namili ng kakainin.

"Isaw nga po" sabay na sabi namin ni Blythe. Nagkatinginan kami dalawa at sabay na ngumiti.

"Isaw din trip mo?" sabi sakin ni Blythe habang may malawak na ngiti sa labi.

"Oo. Ikaw din?" galak na sagot ko naman.

"Eyyyy! Diyan tayo magkakasundo" sabi niya at nag apir pa kami.

Wow. He's the best!

Nung una ay nagtatalo pa kami kung sino ang magbabayad dahil nakarami kami ng kinain. Dapat ako ang magbabayad kasi sabi ko ay babawi ako sa kanya pero nung ilalabas ko na sana yung wallet ko ay inunahan niya ako kaya sa huli ay siya din ang nagbayad ng mga kinain namin.

"Sabi ko ako ang magbabayad " reklamo ko sa kanya kahit tapos na kaming kumain.

"Hanggang ngayon ba naman masama parin ang loob mo" sagot naman ni Blythe

"Syempre" sabi ko. Bigla kong naalala na hindi pa kami umiinom kaya naisipan kong bumili ng buko juice.

"Wait lang" sabi ko kay Blythe saka naghanap ng nagtitinda ng hinahanap kong inumin.

Hindi naman ako nagtagal kaya nakabalik agad ako

"Here" sabi ko sabay abot sa kanya ng binili kong buko juice

Huminto muna kami sa tabi habang nagpapababa ng kinain. Nakita kong nagpapaypay siya gamit ang kamay. Pawis na pawis si Blythe, idagdag mo pa na nakasuot siya ng sweatshirt kahit na tanghaling tapat.

Buti na lang ay naisipan kong magdenim skirt at simpleng shirt lang. Kinuha ko ang aking binpo sa bag at inabot 'yon sa kanya.

"Thanks" sabi ni Blythe at pagpunas ng pawis.

Habang naghihintay ay nakitang natanggal ang sintas ng suot kong sapatos.

"Paki hawak saglit" sabi ko at inabot kay Blythe yung buko juice na hawak ko saka nanalungko at magsisintas na sana.

"Stand up" biglang sabi ni Blythe

"Huh?"

"I said stand up" pag uulit nito kaya nagtatakang tumayo ako.

Nagtaka ako nang ipahawak niya sakin ang aming inumin at siya ang nanalungko at nagsintas ng sapatos ko.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong dumadaan.

"W-what are you doing?" nahihiyang tanong ko sa kanya at sinubukan siyang patayuin

"You're wearing a skirt tapos bigla ka na lang tatalungko diyan. Hindi mo ba naisip na baka masilipan ka sa dami ng dumadaan. Anong gusto mong gawin ko? Panoodin kang masilipan?" naiiling na sabi niya habang inaayos yung sintas ng sapatos ko

H-he has a point...

Hindi na ako nagsalita pa at pinanoodin na lang siya sa kanyang ginagawa hanggang sa matapos. Tumayo siya at kinuha ang kanyang inumin.

Pagkatayo niya ay pinitik niya ang aking noo.

"Dummy" sabi niya at nag aya nang umalis.

Chương tiếp theo