webnovel

Obsession 6

NAPABUGA muna ng hangin si Mackenzie at inayos ang sarili bago napagpasiyahan na lumapit kay Charles. This is it, ito na ang tamang oras na humingi siya ng sorry doon sa ginawa niya the last time na sinampal niya ito. Sana lang ay tanggapin nito ang kanyang pinaghandaang apology

"Wait, parang may off sa'kin—" hindi niya mapigilang maibulalas iyon sa kanyang sarili na parang may hindi maganda sa kanya

Inilapit niya muna ang sarili sa harap ng salamin at inayos ang buhok na buhaghag pa din, parang nagkaroon siya ng bad hair day o hindi kaya ay kinulang sa shampoo ang kanyang buhok. Pagkatapos no'n ay icheneck niya muna ang kanyang mga mata kung may muta ba doon pero wala naman

Inamoy niya din ang kanyang kili-kili pero wala naman siyang naaamoy na foul odor, excuse me hindi mabaho ang underarms niya. Hindi din niya nakalimutang amoyin ang sariling hininga baka kapag kinausap niya itong si Charles ay baka matumba dahil sa may bad breath siya

Malaking eww po iyon guys—

Nang nakalapit na siya sa puwesto nito ay umayos siya ng tayo at napabuntong hininga pa ng ilang beses. Parang hindi naman siya napansin nito dahil nakatalikod ito sa kanya at abala sa pagbabasa ng diyaryo

Nang ayos na ang kanyang pakiramdam ay tumikhim siya para kunin ang atensiyon ni Charles. At nang tumingin ito sa gawi niya ay halos mapuknat na ang kanyang labi dahil sa laki ng ngiting ibinigay niya dito

"Hi Charles! It's been a long time!" Bungad niya at patalon na kumaway dito

Alam niyang nagmumukha lang siyang kikay girl sa ginawa niya ngayong pakikipag-usap kay Charleston De Witt

Hindi man lang ito ngumiti sa kanya sa halip ay inilagay lang nito ang diyaryo sa mesa at tumayo para harapin siya

"Remove that smile on your face I know it's fake—" anas nito na ikinatikom ng kanyang bibig dahilan para maitago ang kanyang mga ngiping maganda at maputi

And how did he knew that it's fake?

"Okay, Charles. I just want to say sorry for what I did the last day na nagkasagutan tayo doon sa labas ng restaurant; hindi ko naman kasi sinadya 'yun—nabigla lang ako t-tapos ayon nasampal kita—" at kiming ngumiti dito

"Was that a sincere sorry, or just an excuse?" Nagdududang tugon naman nito

"Charles!"

"I'm so sorry Ms Mackenzie San Jose, but I can't just accept your apology. Hindi ko na iyon basta basta na lang na kalimutan; ilang araw mong pinamaga ang pisnge ko? It took three days before it finally heals my swollen cheek! Tapos sorry lang ang ibibigay mo sa'kin—that's a big no, no for me Mackenzie" umiiling iling na sagot ni Charles habang nakapatong ang dalawang braso sa matitipuno nitong dibdib

Imbes na magpakumbaba ay pinukol niya ito ng masamang tingin, ilang araw siyang walang tulog at halos hindi na siya makakain ng maayos dahil sa kanya tapos hindi pala nito matatanggap ang sorry niya? Who's he by the way?!

"Okay fine, kung hindi mo matatanggap ang sorry ko asa ka pang kakausapin pa kita pagkatapos ng project na ito. Diyan ka na nga!" At mabilis pa sa alas kwatrong tinalikuran ito

Hindi nakalampas sa pandinig ni Mackenzie ang nakakaasar na tawa ni Charles, bwesit talaga ang lalaking 'yun. Sobrang pakipot hindi naman siya babae—if she know na gusto lang ng lalaking 'yun na go good time-min siya

Pwes, hindi siya papayag na paglaruan siya nito. She's Mackenzie Bellisa Christine San Jose at walang makaka-uto sa kanya

NAPATAAS ang isang kilay ni Charles ng bigla na lang siyang talikuran ni Mackenzie at inirapan. Hindi niya mapigilang tawanan ito ng nakakaasar ang sarap lang asarin kasi pikon?

Napako ang mga mata niya sa katawan nitong balingkitan, hindi naman siya mataba at hindi din sobrang payat sakto lang. At hindi niya mapigilang tingnan ang dalawang pisnge ng puwit nitong medyo bumakat sa suot nitong blue pyjamas

Nice butt, thirty six ang size. Waistline, twenty one—boobs? Thirty two

At dahil sa nalaman na niya na madali lang pala itong mapikon, ito ang gagamitin niyang alas para hindi na ito makakalayo sa kanya. Kung pwedeng lang asar-asarin niya ito buong araw ay gagawin niya pero hindi pwede dahil may trabaho pa silang kailangan tapusin

PADASKOL na inalis ni Charles ang Nikon camera na gamit gamit niya at pagod na tiningnan si Mackenzie. Wala ba itong signature pose? Masyadong pang business ang kanyang mga ngiti—hindi nila ginanap ang photoshoot na ito para iendorse ang isang kompanya, nandito sila para ilabas ang mga bagong damit, swimsuits at iba pa

"I told you to be bold in front of the camera, wala ka bang ibang pose kundi 'yan? Subukan mo nga maging prim?!" Asik niya at ibinalik muli ang mata sa view finder eyepiece ng camera

Inadjust niya muna ang camera para magfocus ito at ilang ulit na inikot ikot ang zoom ring para makuha ang eksaktong anggulo ni Mackenzie. Pagkatapos ay inikot ikot niya pa focus ring ng camera nakita niya pa sa camera na inirapan siya nito at tinaasan ng kilay

"Okay! One, two, three" kaagad niyang pinindot ang shutter release button at inadjust muli ang zoom ring at focus ring

"Good, another pose!" Bulalas niya

At dahil sa nakaupo si Mackenzie sa malaking kulay abong sofa ay dahan-dahan nitong iniangat ang isang paa pataas dahilan para mailantad nito sa kanya ang makinis at maputing hita nito

Is she seducing me?

Nakadekwarto ito ng upo na pambabae habang may hawak na wineglass na may lamang champagne. Sinadya pa talaga nitong ipapungay ang may pagkasingkit nitong mga mata sa harap ng camera

"Okay, lean your back to the sofa and put your right elbow on its headrest" utos niya na kaagad namang sinunod nito

Napalunok pa siya ng ilang beses ng makita niyang pasimpleng binasa ni Mackenzie ang natural na mapulang makipot na labi nito. Parang gusto niyang lapitan ito at halikan ng mapusok hanggang sa magsawa siya

Focus Charles, she's just a woman okay? Babae lang siya at katrabaho mo. Control yourself to not be tempted to her charms!

Kastigo niya sa kanyang sarili. Para kasing inaakit siya nito na samahan siya at gumawa ng eksena sa harap ng camera

"Good job, Mackenzie. I think those pictures taken by Charles are enough." Singit ni Robbie na nakalimutan niyang nakitingin sa kanilang ginagawang photoshoot

Chương tiếp theo