webnovel

Chapter 07

~07~Leila

TUWA'NG-TUWA ang mag-lola nang maabutan ko sila sa bahay. Alas siyete pa lamang ay pina-uwi na kami kaya naabutan kong gising ang anak ko at si Mommy.

"Mo-mma wook!" Napangiti ako ng ipakita niya sa akin yung spiderman na laruan.

Nag-mano muna ako kay mommy bago lumapit sa anak ko at hinagkan ang matataba'ng pisngi nito.

"Ang bait ni tita Rianne mo, anak. Binili niya iyan sakaniya" nakangiti'ng ani mommy.

Ngumiti ako at humarap sa anak.

"Did you say 'thank you' kay Lola Rianne?" I asked him.

"Yep! Enkyu!" Natawa ako sakaniya at kinarga ko ito at niyakap-yakap.

"I miss you, my siopaoooo" siniil ko ng halik ang kaniyang matatabang pisngi.

"Mo-mma... iliti ako... iliti..." nakikiliti daw siya. Hahahaha.

"Ganon ba? Hmmm. Tabi ka kay momma ha?" Hinarap ko siya sa akin. Tumango naman ito.

Dalawang taon pero nakakaintindi na. He's turning three next month at pinag-iipunan ko na iyon. Gusto ko'ng tuparin yung cake na nakita niya sa facebook ko noon. Iniyakan niya pa kaso wala naman kami'ng pera noon pambili.

"What about, Lola? Logan?" Nakanguso'ng tanong ni mommy.

Akma'ng nag-isip ito.

"Momma... miss" yumakap ito sa akin.

It tugs my heart, seeing my baby boy acting like this.

"Sige na mommy, bukas sainyo uli si Logan" sabi ko.

Alam kong binibiro lang naman ni mommy si Logan. At alam ni mommy na miss ko na din ang anak ko makatabi.

Buong araw naman silang magkasama. Hahaha. Miss na miss ko na din ang baby ko.

IT'S ALREADY 7PM. I-Ilan lamang ang tumutungo sa Shop kung saan ako nagta-trabaho. Ilang araw na din ang lumipas simula nung huli kami'ng magkita ni Inspector Albez.

Ngunit si D ay palaging naka-buntot sa akin.

At doon ko napag-alaman... sikat pala siya.

Zetto and D are siblings na hindi ko alam dati. Vin never mentioned that his cousin Zetto has a brother?

At heto pa... pareho sila'ng may suot na Black Masquerade. Same style kaya nung una ay nahirapan akong i-distinguish kung sino si D or si Zetto.

Ngunit kalaunan ay napansin ko'ng magkaiba ang kulay ng disenyo ang suot nilang masquerade at ang hair style nila.

Zetto is the CEO of TS Company. While si D naman sa pagkakarinig ko ang humahawak sa BlackMasque Hotel. And I heard na meron din daw ito'ng Resort at kung ano-ano pa'ng pangalan na negosyo ay BlackMasque. I think, Black Masque is their Trademark. Bukod sa suot nila ito ay iyon din mismo ang pangalan ng kanilang mga businesses.

"Pansin ko wala ngayon si Mysterious guy ah" dunggol sa akin ni Ate Chels.

Mysterious guy, iyon ang tawag niya dito. Sobra'ng misteryoso daw kase. At kilala niya din pala iyon. Katunayan siya ang nagsabi lahat ng information na nalaman ko tungkol kay D.

"His name is D, ate Chels" I said. Nagkibit-balikat lamang ito.

"Whatever girl! Ngayon lang absent ang koya mo. Nasaan kaya yon? Hmmm..." hindi ko na lamang pinansin si Ate Chels dahil may dumating na customer.

Bakit ba ang boring ng araw na ito? Was it because hindi ko nakikita si D?

I sighed.

Hindi naman ito nagpapakita ng motibo sa akin. Pero minsan napapaisip ako kung bakit ito sunod ng sunod... bukod sa nalaman ko na kapatid siya ni Zetto at... maaari'ng may kinalaman din siya sa pagkamatay ni daddy.

Pero... kasama nga kaya siya?

Ayoko'ng magtiwala kaagad. Dapat nga lang na ganito at iniiwasan ko siya. Hindi ko alam kung mabuti ba talaga siya.

PAPAUWI NA AKO at mag-isa ko lamang. Nung nakaraan ay kasama ko si D at nilalakad ako nito hanggang sa makarating sa amin.

Trip ko lang talaga mag-lakad, hindi naman sobrang layo ng bahay namin. At tsaka... nagtitipid din ako.

At sa mga nagdaang araw na palaging may kasama. Ngayon lamang ako kinabahan dahil mag-isa ako at ramdam ko na naman ang naka-masid na iyon.

Napapikit ako ng mariin at nag-dasal na sana wag akong sugurin nito.

Ngunit nang akma akong tatakbo ay may humablot sa braso ko.

"Ahhhh! Let go!!" Pinag-papalo ko yung humawak sa akin ngunit malakas ito.

Hinila niya ako at hindi ko namalayan... yakap na niya ako.

Yakap???

Teka...

Naamoy ko ang pamilyar na amoy ni... !!!

Nang mag-angat ang tingin ko ay kusang bumagsak ang suot na maskara at tumambad sa akin ang mukha ni...

"V-Vin?"

Nanlaki ang mata ko.

Ngunit bago pa man ako makapag-salita pa ay isang nakakahilo'ng amoy ang dahan-dahang nagpabagsak sa talukap ng mata ko...

I WOKE UP with the sun hitting my face. Nang tuluyan na akong nagising ay inikot ko ang mata ko sa silid ko.

I am at home?

Was it just... a dream?

I blink multiple times bago tuluyang tumayo.

"Mom???" Tawag ko. At doon ko siya nagdatnan sa sofa namin habang nanonood kasama si Logan.

"Hindi niyo ako ginising?" Naguguluhang tanong ko nang humarap ito sa akin.

Umangat ang tingin niya.

"Sorry dear, sabi kasi nung naghatid sa iyo kagabi ay kailangan mo daw ng pahinga kahit isang araw lang" ani mommy. Nanlaki ang mata ko.

Ano daw???

"What??? Naghatid? Sino po'ng naghatid sa akin mommy?" Lumapit ako sakaniya. Naguguluhan.

Kumunot naman ang noo ni mommy.

"Eh yung naka-maskara'ng itim! Hindi ko natanong ang pangalan eh... pero infairness anak! Matipuno at mabait. Sigurado ako'ng gwapo yon" kinikilig na sambit ni mommy.

Napa-ngiwi naman ako.

Si... D kaya ang tinutukoy ni mommy?

Pero bakit... nakita ko si Vin kagabi?

Vin? Did I really saw him? Or I was just too tired last night kaya nag-hallucinate ako?

Do I miss him that much?

I sighed.

Miss... I missed him? Saan nanggaling yon, Leila?

I sighed.

At dahil ano'ng oras na ay hindi na ako humabol pa sa klase. Imbes, hinanda ko na lamang ang uniform ko para sa Café mamaya.

As usual ay kakaunti lang ang nagpupunta dahil hapon pa lang naman. Kaya hindi kami gaano napapagod ni Ate Chels.

"Hoy babae! Nga pala... naiwan ni Mysterious Guy yan oh" sabay abot sa akin ni ate Chels nang isang leather na wallet.

Napakunot naman ang noo ko.

"Naiwan? Kailan?" Nagtataka'ng tanong ko .

"Kailan pa? Edi kahapon. Nagulat nalang kase ako nang isasara ko na yung shop, bigla siya'ng dumating at hinahanap ka! At di niya siguro namalayan nalaglag niya yang wallet na yan sa sobrang pagmamadali na sundan ka!" Iniwan nito sa akin yung wallet.

So... siya nga ang naghatid sa akin kagabi?

HINDI KO NA hinintay si ate Chels magsara at nauna na ako. Mukhang hindi pupunta si D dito kaya mabuti pa't ibigay ko na lamang sakaniya bukas kung magkikita kami sa school.

Kaso... kinabukasan ay... 

Hindi ko siya makita.

Hindi siguro pumasok kaya nagbaka-sakali ako sa shop.

Ngunit ganon din ang panlulumo ko nang magdilim na ay wala parin siya.

I sighed.

"Ano? Nai-sauli mo ba?" Tanong ni ate Chels. I slowly shook my head. Nanlulumo. I haven't open his wallet. At natatakot din akong buksan.

Hanggang sa matapos ang shift ay hindi ko man lang nasilayan si D.

Bakit ba hindi ko siya nakikita nito?

Kaya habang papauwi ay wala sa sariling binuksan ko ang wallet niya. Iyon na lang ang alas ko. Baka may matagpuan akong importante'ng bagay bukod sa pera niya.

At doon may nakita ako'ng isang card.

BlackMasque Hotel . Isang calling card!

Right! Tawagan ko kaya?

Napailing ako.

Pwede akong pumunta sa BlackMasque Hotel! Tama!

At dahil 8:30 pa lang at maaga kami'ng pinauwi ngayon ay napag-desisyunan ko na tumungo doon.

Baka kasi kailangan niya na ito'ng wallet niya at baka mabaliw yon kahahanap.

Naranasan ko na din kasi mawalan ng wallet. Halos maiyak ako kasi nandon lahat ng pera ko. Buti may maganda'ng loob na nag-balik.

Kaya dapat... ganon din ang gawin ko.

At bukod don... nais kong malaman kung si D ba at si Vin ay iisa... dahil sigurado ako na ang nakita ko bago ako mawalan ng malay ay si... Vin.

Inilabas ko yung card at ipinakita sa Taxi Driver.

"Alam niyo po ba kung saan ito'ng BlackMasque Hotel?" I asked.

"Opo, ma'am. Sikat po yan ah... mayaman po siguro kayo" sabay sulyap sa akin ni manong. Tipid naman akong ngumiti sakaniya.

"Ah, hindi ho. May sadya lang po ako doon" sagot ko.

"Ganon ba hija? Kala ko mayaman ka eh" i laughed nervously at ngi-ngisi-ngisi namang sumulyap muli sa akin si manong.

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa umikot ito at huminto na.

"Manong ito ho oh, 100. Pwede na yan" pagka-abot ko ay mabilis na akong bumaba.

Baka kasi makulangan pa si manong at singilin ako ng malaki dahil medyo malayo din pala. Kulang pa naman yung pera ko. Ipambibili ko pa ng gatas ni Logan.

Hindi naman ako mayaman, mukha lang siguro. Hahahaha. Alam ko yung tingin ni manong na yon... akala niya siguro magbibigay ako'ng tip. Hahahaha.

Namamangha ko'ng pinagmasdan ang mataas na gusali. Kulay itim at puti ito at sa tuktok niyon ay merong nakalagay na "BlackMasque".

Hindi ko namalayan nakanganga na pala ako kaya tinikom ko na ang bibig ko.

Katabi ng hotel ay ang isang Casino. BlackMasque Casino...

Napalunok ako.

Hindi ko maiwasan hindi magtaka...

Kung ganito na pala kayaman si D... bakit pa siya mag-aaral? At sa edad niya na iyon... teka... ilang taon na ba siya? Probably hindi nalalayo ang edad sa amin ni Zetto.

Tsaka baka gusto niya lang mag-aral at sa kurso na gusto niya.

Ano na nga ulit course niya? Hmmm. Hindi ko man lang yata naitanong. I sighed.

Nang pumasok ako ay sinalubong ako ng mga naka-hilera'ng babae. Lahat sila ay naka puti'ng blouse at black na pencil skirt. At nakasuot din ng black masquerade.

Lumapit ako sa receptionist at inilabas yung card.

"U-Uh... miss. D-Dito ho ba nagtatrabaho si... D?" Tanong ko sa receptionist.

Ngunit hindi ako sinagot nito. Sapagkat mukhang may nakakuha ng atensyon niya.

At nang sundan ko ang tinitignan niya ay napaawang ang labi ko...

Apat na kalalakihan na mga nakasuot ng masquerade ang ngayo'y naglalakad patungo sa direksyon ko. 

Hindi ko maiwasan hindi mamangha...

Lalo na nang makilala ang nangunguna sakanila...

For the first time after 2 years... I felt my heart beating eratically... for unknown reason, my heart ached for the gray-eyed man whose wearing a black masquerade.

=====

To be continue...

Chương tiếp theo