webnovel

Captulo Viente

Hindi mapakali si Lucas sa kaniyang higaan. Alas onse na ng gabi at tulog na lahat ang mga kasambahay at ang kaniyang mga magulang subalit siya ay hindi pa din dinadalaw ng antok.

Nais niyang makita at makausap ang kasintahan, ayaw niyang matulog sapagkat natatakot siyang panaginip lamang ang lahat sa paggising niya kinabukasan.

Bumangon siya sa kaniyang higaan at lumapat ang paa sa malamig at makintab na kahoy na sahig sa kaniyang silid. Marahan siyang tumayo at nagtungo sa pintuan, matapos makiramdam sa tahimik na paligid ay marahan niya itong binuksan at lumabas.

Tanging ang ingit ng kaniyang mga paa sa sahig at huni ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid. Nang marating ang silid na tinatahak ay saka lang siyang huminto. Hindi niya balak na abalahin ang mahimbing na pagkakatulog ng dalaga, nais lamang niya itong makita kahit saglit upang payapain ang sarili.

Matapos ang ilang sandali ay bumuntong hininga siya at napailing sa sarili. Kinamot niya ang batok at tumalikod na sa pinto upang bumalik na sa kaniyang sariling silid.

"Ahh!" hindi niya napigilang bulalas. Napahakbang siya ng isa pabalik at gulat na napatitig sa dalagang nakasandal sa dingding at matamang nagmamasid sa kaniya. "K-kanina ka pa diyan?"

"Medyo. Anong ginagawa mo sa harap ng kwarto ko Lucas?" nakataas ang isa nitong kilay na tanong sa kaniya.

Nakahinga siya ng maluwag at ngumiti. "Hindi ako makatulog, ikaw? hindi ka rin ba makatulog? saan ka nanggaling?" pinagmasdan niya ang kasintahan. Nakasuot ito ng kasootang panglalaki na kulay itim, nakapusod ng mahigpit at mataas ang buhok nito na wala ni isang hibla ng buhok ang nahiwalay.

"Sa burol." matipid nitong sagot.

"Sa burol?" kumpirma niya. "Malapit ng maghating gabi, hindi ka dapat nagpapagabi sa labas." sa kabila ng pag-aalala ay nakaramdam siya ng inis dito.

"Gusto kong pagmasdan ang mga bituin at alitaptap sa burol."

"Kahit na, dapat ay isinama mo ako." masama ang loob na sita niya dito. Hindi niya maintindihan kung saan nangagaling ang lakas ng loob ng dalaga. Bukod tanging ito lamang ang babaeng kaniyang nakilala na hindi takot sa lansangan sa kadiliman ng gabi.

Nginitian lamang siya nito at humakbang palapit sa kaniya. Hindi siya nakakibo ng maramdaman ang pagyakap nito sa kaniya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso at muntik ng makalimutan ang nararamdamang inis dito.

Gumanti siya ng yakap. "Sa susunod na naisin mong pumasyal at magmasid ng mga alitaptap sa burol ay sabihin mo sa akin, sasamahan kita." pinatigas niya ang tinig upang malaman nitong hindi siya papayag kung tatanggi ito. Naramdaman niya ang marahan nitong pagtango at siniksik ang muka sa kaniyang dibdib.

Mas bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib, ngayon ay hindi na siya nag-aalalang marinig nito iyon katulad ng dati. Hindi niya mapigilang dampian ng halik ang mabango nitong buhok.

"Bakit ganiyan ang iyong kasootan?" naalala niyang itanong.

Tiningala siya nito. "Para hindi ako makita sa dilim." muli itong ngumiti at sumilay ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Hindi niya mapigilang ang kamay na haplusin ang malambot nitong labi.

"L-Lyra... "

"Hmm?"

"Maari ba kitang halikan?" pigil ang hiningang anas niya. Matagal itong tumitig sa kaniyang mata at hindi niya sinubukang umiwas. Tumingkayad ito at walang pasabing inilapat sa kaniya ang sarili nitong labi.

Nagising si Lucas sa tilaok ng manok sa umaga. Napigil ang akmang pagbangon dahil sa mabigat na nakadagan sa kaniyang braso at dibdib. Pagod na minulat niya ang mata at hindi napigilan ang ngiti sa kaniyang labi.

Marahan siyang yumukod at dinampian ng halik ang noo ng nahihimbing na dalaga. Muling bumalik sa kaniyang alalala ang nangyari kanina lamang, hindi niya inakalang ang simpleng halik ay tila naging mitsa sa apoy na matagal niyang tinitimpi.

Kung maari ay nais niyang paulit-ulit na maranasan ang kasiyahang idinudulot ng kanilang pag-iisa. Alam niyang labag sa pamantayang moral ang ginawa nila ng kasintahan subalit wala siyang nararamdang pagsisisi.

Naramdaman niya ang paggalaw ng dalagang kayakap na tila nangalay sa pagkakadapa sa kaniyang dibdib. Pabagsak itong tumiya na nakidipa ang dalawang braso, ang isa ay nakapatong pa rin sa kaniyang dibdib at ang isa naman ay nalawit sa hingaan.

Hindi niya mapigilang matawa subalit agad nawala ang kaniyang ngiti ng bumaba ang puting kumot na nakatakip dito ng muli itong gumalaw. Humantad ang malulusog at maputi nitong dibdib. May mga mapupulang bakas doon hanggang sa leeg nito na alam niyang sanhi ng kaniyang mga sabik na halik.

Bumigat ang kaniyang mata kasabay ng kaniyang mabagal na paghinga. Iniaangat niya ang kalahati ng katawan at pinatakan ng damping halik ang makinis na balikat ng kaniyang kasintahan.

Nagising si Kallyra ng maramdaman ang mumunting halik sa kaniyang pisngi patungo aa kaniyang labi. She opened her eyes and scowled at the man who keeps stealing kisses from her.

"Buenos días mi amor." he whispered without stopping. Hindi pa ito nakuntento at dumagan sa kaniya.

"Urgh, ang bigat mo Lucas." reklamo niya. She yelped when he suddenly rolled over and switch their position. Siya naman ngayon ang nakadagan dito. Kailangan mo nang bumangon baka may makakita sayo mamaya paglabas mo sa silid ko." nangingiting paalala niya dito.

"Mamaya na, maaga pa." he growled. Marahan nitong pinaglalandas ang magaspang na palad sa kaniyang makinis na likod pababa sa kaniyang pang-upo at marahan din nitong pinisil iyon.

Natatawang tinapik niya ito sa dibdib. "Ang kamay mo Lucas, gusto mo bang tanghaliin tayo dito sa higaan, halika na bumangon na tayo pareho." Aniya at sinubukang kumawala sa mga bisig nito.

He furrowed his brows and closed his heavy eyes. May mumunting sinag ng araw na pumapasok sa siwang ng bintanang yari sa tisa tanda ng pagbubukang-liwayway at tumatama iyon sa muka ni Lucas na lalong nagdipina ng pangahan nitong muka na may mumunting balbas.

Sigurado siyang pagkakaguluhan ito ng mga model scout sa US kung sakaling doon ito lumaki. He will probably earn the title of the most gorgeous man alive in the modern era.

Hindi niya mapigilang patakan ito ng mabilis na halik sa labi. He growled again and catches her lips before she could move away. He kissed her hard and play with her tongue until they both out of breath. This time she did not stop his hands from roaming around her body. They were both burning hot and forgot about the possibility of getting caught and continue to satiate their raging lust.

Tahimik na tinuon ni Kallyra ang pansin sa pagkain habang patuloy sa pagkukwentuhan ang mag-asawang De la Torre. Naroon sila sa hapagkainan at kumakain ng tanghalian. Sometimes, she could feel Lucas stealing glances at her and she winked at him when she caught him.

"Sa susunod ay huwag kayong magpapagod na dalawa upang hindi kayo tinatanghali ng gising, maganda sa katawan ang sikat ng araw sa umaga." ani Don Serio.

She bit her lower lip and lower her head when she felt her face getting hot.

"Natapos na namin ang mga kailangang ayusin sa pabrika Papa. Kaya wala balak naming magpahinga ni Lyra ngayong araw." narinig niyang wika ni Lucas.

"Mabuti yan. Bakit hindi mo isama si binibining Lyra sa dagat upang makapasyal naman siya rito. Mula nang dumating siya dito sa atin ay trabaho na lamang ang kaniyang pinagkakaabalahan." ani naman ni Donya Juliana.

"Iyon nga ang balak ko Mama." sang-ayon ni Lucas.

"Magtutungo ako sa kampo ngayon." si Don Serio.

"Hindi pa rin ba nahuhuli ang mga bandidong nagnakaw ng mga armas Papa?" tanong ni Lucas sa ama.

Bumuntong-hininga ito at uminom ng tubig, tanda na tapos na itong kumain. "Hindi pa. Kagabi ay nagkaroon na naman ng nakawan, at mga pasabog naman ang kanilang ipinuslit." naiiling na wika ng Don.

"Sa tingin ko ay imposibleng mga simpleng bandido ang mga iyon Papa. Malinis ang nangyaring nakawan, at bukod pa roon ay hindi maglalakas ng loob ang mga karaniwang indiyo lamang na pagnakawan ang mga kamalig na binabantayan ng daan-daang gwardiya sibil. At sa tibgin ko ay isang grupo lamang ang siyang may kagagawan ng pagpapasabog sa Fort Santiago." si Lucas.

Marahang uminom ng tubig si Lyra sa hawak na baso at matamang nakinig sa pag-uusap bg mag-ama.

"Iyon din ang aking palagay, subalit dahil eksperto ang mga magnanakaw ay wala kaming mahanap na kahit anong ibedensiya, at kahit isang saksi ay wala." muling nailing si Don Serio. "Labis ang galit ng Gobernador heneral at ngayon ay nanghihingi ng paliwanag sa Malacañang. Nagbabanta na paigtingin ang batas militar." may panlulumo sa tinig nito.

"Iniisip ba nilang isa itong kudeta?" Hindi mapigilang singhap ni Donya Juliana.

"Sa lagay ng mga pangyayari ay mukang ganoon nga. Noong nakaraan lamang ay may mga pinatay na opisyal sa labas ng Intramuros kasama ang ilang gwardiya sibil, hanggang sa ngayon ay wala pa ding nakukuhang saksi."

"Sana ay hindi ito maging mitsa ng digmaan." ang nag-aalalang sambit ng ginang.

Matapos ng pananghalian ay naghanda na ang magkasintahan sa pag-alis. "Nakahanda na ang mga dadalhin natin" Si Lucas. Inabot nito ang kaniyang kamay at marahang pinatakan ng halik sa labi.

May hawak itong malaking basket na may nakatakip na puting tela. Katulad ng napagkasunduan ay pupunta sila ngayon sa tabing dagat upang mamasyal. Sumakay sila sa kalesang inihanda ni tatang Pitong.

Mataas pa rin ang sikat ng araw ng marating nila ang dagat. She gasped in awe at its beauty. Puting-puti ang buhangin at asul na asul naman ang karagatan maging and langit. Tila musika sa kaniyang pandinig ang mabining hampas ng mga alon. She inhaled the salty air softly while the sea breeze is blowing towards her making her hair dance merrily.

This place is totally different compared to the beaches in the year 2000, kahit pa yung mga preserved areas ay hindi maikukumpara sa ganda nito.

Sandaling nagpaalam si Lucas upang manguha ng kahoy na gagamitin nila sa pagluluto, mag-iihaw sila ng isda mamaya.

Nang mapag-isa ay naupo siya sa lilim ng punong niyog at hinayang tanggalin ang sapin sa paa. Tinanaw niya ang malinis na dagat na tila inaakit siyang magtampisaw at sisirin ang kagandahan ng ilalim niyon.

Walang pagmamadaling tinanggal niya ang kasuotan, liblib naman ang lugar and so far wala siyang nakikitang ibang tao. Kung sa mundong pinanggalingan niya ay may ganito kagandang lugar at malayang makakapunta kahit na sino ng walang entrance fee ay super crowded na ang lugar na ito.

Itinira niya ang kaniyang panloob na kapirasong damit, wala siyang choice dahil wala naman siyang nadalang swimsuit, who will need it in the space?

Nakarinig siya ng yapak ng paa at huminto iyon. Lumingon siya upang alamin kung sino ang dumating, ilang dipa ang layo sa kanya ay naroon ang natutulalang si Lucas, she watched him stared at her, mula sa kinatatayuan she can still see clearly the admiration in his eyes.

She crossed her arms and grinned widely. "Gusto mo ba ang nakikita mo Lucas?." Nanunukso niyang tanong na may mapang-akit na ngiti. Agad namula ang buo nitong muka.

Man, halos magkulay kamatis na ito, napahagikhik siya, subalit napanganga ng hinubad din nito ang suot nitong damit at mabibilis ang hakbang na lumapit sa kaniya.

Napalunok siya at hinintay itong makalapit, nabibingi siya sa malakas na kalabog ng kaniyang dibdib. The guy can earn billions with that kind of body, mahihiya ang mga kaibigan niyang model, how the hell he was able to get those hard looking abs. Oh my god...

Napaigik siya ng maramdamang may isinuot ito sa kaniyang ulo, pagkatapos ay itinaas ang kaniyang kaliwang kamay at may isinuot rin, ganoon din sa kaniyang kabilang kamay, And then she realized, isinuot nito ang damit nito sa kaniya. What the.. akala niya susunggaban siya nito.

Sayang... natatawang palatak niya sa isip.

"Anong naisip mo at naghubad ka sa ganitong lugar!" galit na asik nito. Nginitian lamang niya ito ng malapad.

"Maliligo ako." Aniya at nagkibit pa ng balikat. "Hindi ako makakaligo ng nakabaro't saya Lucas, malulunod ako." Inis na kinamot nito ang ulo at pilit nitong iniiwasang tumingin sa nakahantad niyang hita.

Natawa siya at niyakap ito sa bewang. Tiningala niya ito, nakasimangot pa rin pero namumula ang pisngi.

"Wag ka nang magalit mahal, at wag ka na ring mahiyang tingnan ako, palagi mo akong makikita ng nakaganito sa loob ng ating silid kapag mag-asawa na tayo." Natatawang tukso niya.

He glared at her but still failed to hide his smile. Tumingkayad siya at mabilis na hinalikan ito sa panga, hinapit siya nito sa bewang at ginawaran ng mainit na halik ang kaniyang labi. Inilayo niya ang bibig ng maramdamang umiinit na ang kaniyang pakiramdam.

He growled in protest and tried to catch her lips for another hot kiss but she did not allow him. "Let's play Lucas. Paunahan tayong makalangoy hanggang sa may batuhan." tinuro niya ang mga batuhan ilang dipa ang layo mula sa pangpang. "If you win, we can kiss until you are satisfied. Kapag ako ang nanalo, you can't kiss me in a week." nakangiting hamon niya.

Nagsalubong ang makakapal nitong kilay. "Game." he grab the back of her head and kissed her hard until her legs turned jelly before running fast to the shore.

"You cheated!" asar na sigaw niya at mabilis na tumakbo pasunod dito. Humahalo sa maingay na hampas ng alon ang halakhak nito.

She lost.

Although she can't considered it a lost because she liked the bet anyway. Pareho silang nakahiga sa buhanhinan at ninamnam ang init ng araw. It wasn't too hot, and the heat was giving her a nice feeling, it dries the salty droplets of water all over her body.

Chương tiếp theo