webnovel

Chapter 30

Matapos ang libing, pilit ibinalik ang lahat sa normal. Nagtrabaho ng muli si James, habang abala naman sa paghahanap ng trabaho si Nathalie. Nakakuha na sila ng mag-aalaga kay Jasmine.

Hiring ang Dela Fuente Chocolatier, may position doon na hiring bilang senior advertising manager. May work experience naman doon si Nathalie kung kaya't sinubukan niyang mag apply doon.

Habang nag hihintay siya ng HR, pinag masdan niya ang ayos ng kompanya, napakaganda ng desenyo, tila pinag isipan, kaya mas pinursigi niyang makapasok dito.

"Sana matanggap ako dito" sambit niya sa kanyang sarili.

Ang kagandahan sa Kompanyang ito ay puro Pilipino ang kinuhang magtatrabaho. Sa Pilipinas pa sila naghanap ng mga kwalipikadong applicants. Ito ang kagustuhan ng kanilang CEO. Mayamaya ay may tumabi kay Nathalie.

"Hi bago ka pa lang mag aapply?" Ani ng empleyado

"Oo. Bakit?" Tugon ni Nathalie

"Wala lang..sana matanggap ka.. napakabait kasi ng boss namin, masaya dito para kaming isang pamilya" ani ng empleyado

Umismid lamang si Nathalie, at hindi pinansin ang mga sinabi ng empleyado. Ilang minuto ang nakalipas, dumating na ang HR at kaagad na siyang tinawag. Tinungo nila ang interview room kung saan madadaanan ang office ng CEO. Tingin tingin si Nathalie subalit hindi niya nakita kung sino ito.

Pagkarating sa interview room, kaagad siyang tinanong ng HR. Nasagot naman niya ang lahat ng katanungan at naimpress niya ito kung kaya't naaprubahan siya bilang senior advertising manager.

Habang breaktime pa ang mge empleyado, itinuro sa kanya ang magiging opisina niya. Sa isang department ng kompanya siya naka assign kung saan siya ang manager ng advertising team,

Nang mga oras na iyon, wala si Scarlet kung kaya't ang kanyang secretary lamang ang nagpapatakbo dito. Siya si Ana hindi lamang siya isang sekretarya kundi siya ang kababata ni Scarlet. Kaya malaki ang tiwala niya dito at higit sa lahat Ipinag utos din ni Scarlet na walang dapat makaalam na wala siya sa opisina.

Nagtungo si Scarlet sa North Carolina, upang bumili pa ng building na pwede niyang pagtayuan ng mga branch ng kanyang company. Dahil din sa koneksyon ni Ace, marami silang nahanap at nabili, kung kaya't unti-unti na silang umaangat sa public market. Nais ni Scarlet na makilala ang produkto niya sa buong mundo kaya doble kayod ang kanyang ginagawa.

Makalipas ang dalawang buwan. Lumabas na ang tunay na ugali ni Nathalie, mapagmataas sa mga empleyado niya at palagi niyang nasisigawan sa tuwing nagkakamali ang mga ito.

"Ano ba yan! Wala na ba kayong maisip na maganda para advertisement? Isang linggo ko ng hinihintay yan!!" Ani ni Nathalie

"Wala pa po Mam.. lahat po kasi ng pinapasa naman nirereject niyo." Ani ni Ana

"Sumasagot ka pa! Eh sa hindi maganda yung mga proposals niyo! Hala sige! I need it by the end of the day!" Tugon ni Nathalie

Dahil sa takot ng mga empleyado niya, wala silang magawa kung hindi ang sumunod. Kahit ang magsumbong sa HR ay hindi nila magawa. Ang tanging hiling na lamang nila ay sana'y bumalik na si SS.

Si Ana ang laging napagbubuntungan ni Nathalie, dahil siya lamang ang may kakayanan na harapin si Nathalie, kumbaga immune na siya sa bunganga nito.

"Ms. Nathalie, lahat na lang po ng ipasa namin sa inyo rejected. Ang hirap po kaya ng gusto niyo mangyari." Ani ni Ana

"Hindi ko na kasalanan yun. Basta kailangan ko ASAP! Intiendes?" Tugon ni Nathalie

"Si!"  Ani ni Ana

Kaaagad na tumungo si Ana sa mga katrabaho niya upang matapos na nila ang kagustuhan ng terorista nilang manager.

Habang nasa  North Carolina si Scarlet, nagpasya siyang maglakad-lakad sa may tabing dagat. Nagmuni-muni siya roon, isang tao lamang ang kanyang naalala sa tuwing pumupunta siya sa may tabing dagat.

Umupo siya, pinagmamasdan ang alon na unti-unting bumabasa sa kanyang mga binti. Malapit na din naman lumubog ang araw kung kayat nag pasya na siyang maghintay. Matagal-tagal na din naman niya itong hindi nagagawa dahil sa mga pinagdaanan niya.

Habang nag hihintay siya, napatingin siya sa bandang dulo at natanaw niyang may tumatakbong lalaki. Hindi na lamang niya ito pinagtuunan ng pansin bagkos ay inilaan na lamang niya ang oras para bantayan ang araw.

Habang papalapit ang ang lalaki, unti-unti niya itong namumukhaan, at may ilang sandali pa ay nakita na niya ng buo ang wangis ng lalaki.

"James?" Ani ni Scarlet

"Scarlet?!" Tugon ni James

Nagulat ang dalawa sa hindi nila inaasahang tagpo. Tumayo si Scarlet at tinulungan naman siya ni James.

"Anong ginagawa mo dito?" Ani ni Scarlet

"Ah may binisita lang ako.." tugon ni James

"Sino??" Tanong ni Scarlet

Maya maya pa ay may dumating na mag-ina sa likuran ni Scarlet.

"James..." ani ng babae

Napatingin si James sa likuran ni Scarlet at medyo nabigla ito, samantala tiningnan naman siya ni Scarlet base sa reaksyon nito. Hindi nagtagal nagsalita naman ang bata.

"Daddy" ani ng bata

Nagtaka si Scarlet kung sino ang babae at ang bata. Maya maya ay lumapit si James sa bata at binuhat.

"Markuzz" ani ni James

"Namiss mo ako agad? Tumakbo lang ang daddy." Ani ni James

Nanlaki ang mata ni Scarlet ng marinig ang pangalan ng bata, maya maya naman ay nalaman niya ang pangalan ng babae.

"Sam, by the way si Scarlet nga pala." Ani ni James

Lumakas ang pintig ng puso ni Scarlet, dahan-dahan siyang humarap at nakita niya si Sam at si Markuzz.

"Hi.. Scarlet nga pala.." ani niya

"Sam .. nice to meet you" tugon ni Sam

Parehas nagtinginan ang dalawa mula ulo hanggang paa, hindi makapaniwala si Scarlet sa kanyang nasaksihan. Maya-'maya ay napawi ang atensyon nila ng biglang hawakan siya sa balikat ni Markuzz.

Paglingon niya, kusang loob ito na sumama sa kanya, kaya wala siyang nagawa kung hindi ang kargahin ito.

Nagtaka ang dalawa nina Sam at James kung bakit tila malapit ang loob ng bata kay Scarlet. Masayang masaya naman si Scarlet habang nasa kanya si Markuzz, maya maya ay ibinaba niya ito at lumuhod siya at saka hinalikan sa noo ang bata.

Tumayo siya at sabay punas ng mga luha sa kanyang mga mata. Nang aalis na si Scarlet, hinawakan ni Markuzz ang kanyang kamay at sinabi

"Can you stay?" Ani ni Markuzz

At tuluyan ng bumagsak ang luha ni Scarlet. At biglang napaakap kay Markuzz. Minsan sa buhay natin napakaraming mga pagkakataon ang hindi natin inaasahang mangyayari.. walang pinipiling oras, lugar, basta kusang dumarating na lamang..

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts
Chương tiếp theo