Sobrang nakakahiya ang ginawa ko kanina dahil halos magwala na ako. Nakakatakot naman talaga ang ipis diba? Worst case scenario na yung nangyari sa akin.
Pagkatapos kong sumigaw ng malakas kanina ay kaagad kinuha ni Zenin yung ipis na para bang humahawak lang siya ng isang normal na bagay.
Sabi ni Aling sonya magpalit daw ako ng damit. Wala akong dala kaya pinahiram muna ako ni Zenin, siya lang kasi ang may pinakamaliit na sukat ng damit kumpara sa ibang tao rito.
Matapos ko namang magbihis ay kumain na kami. Napansin ko na ang saya ng pamilya nina Aling Sonya dahil habang kumakain ay nag-uusap sila at nagtatawanan. 'Yung buro na sinasabi kanina ni Aling Sonya... it looks weird dahil itsura pero it taste fine. I liked the color because it's pink.
Nang makatapos na kaming kumain ay nagpaalam na si Aling Sonya sa mga kasama niya sa bahay dahil sasamahan pa raw niya akong pumunta sa XX Hotel.
"Okay lang bang magpahatid na lang tayo kay Zen, 'nak?" Tanong ni Aling Sonya.
"Opo, okay lang po." Sagot ko naman.
"Ay mabuti naman. O sya't ako'y magbibihis muna't maghapon na ako sa palengke. Nangangamoy na." Pabiro nitong hirit. Natawa na lang din ako. "Zenin, Apo, Ipasyal mo muna si Shihandra dyan sa labas nang hindi mainip."
"Sige po, 'La." Sagot naman ni Zenin na nasa likod na pala namin.
Umalis na si Aling Sonya pala magbihis at inaya naman ako ni Zenin sa labas.
"Ilang taon ka na, Shihandra?" Tanong nito habang mabagal kaming naglalakad palabas ng bahay.
"I'm 17." Sagot.
"Sabi na nga ba halos magkasing edad lang tayo eh." Aniya. "Ako naman 18. Bakit ka nga pala napapadpad sa lugar namin?"
"I was with someone... kaso naligaw ako." Yun na lang ang sinabi ko. "Tinulungan lang ako ni Aling Sonya."
"Ah. Sa pananalita mo, pakiramdam ko mayaman ka." Sabi niya.
"..."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, I suck when it comes to conversations.
"Nakikita mo ba 'yon? Yung bahay sa di kalayuan na napapaligiran ng mga bulaklak." Itinuro niya ang isang pamilyar na bahay sa di kalayuan. "Pakiramdam ko malapit na kaming mapalayas dito kasi may nakabili na no'n at sakop no'n 'yung lupa na tinatayuan ng bahay namin."
"Pwede ba tayong lumapit doon?" Tanong ko. Parang nakita ko na ang bahay na 'yon.
"Sige, pero sandali lang ha. May tao yata doon ngayon." He answered.
He lead the way hanggang sa makalapit na kami sa bahay.
"These are daisies, right?" Tanong ko kay Zenin nang makarating kami sa mga bulaklak na nakapaligid sa bahay.
"Oo, yun ang pagkakaalam ko." Sagot niya. "Siya nga pala, yung tshirt ko, kahit wag mo na ibalik."
"I'll give it back, kapag nagkita tayo uli---" Napakapit ako kay Zenin nang bigla na lamang tumahol ang dalawang aso na papalapit sa amin ngayon. They are running so fast kaya napahigpit ang kapit ko kay Zenin. They are running towards us. What am I gonna do... I'm afraid of dogs!
Nang makalapit sila Kay Zenin ay winagayway nila ang kanilang mga buntot. They seem happy pero nakakatakot pa rin dahil sa sobrang hyper ng mga galawa nila. Pati ako ay dinidilaan din nila kaya hindi ko alam ang gagawin.
"Wag kang matakot. Hindi ka naman nila sasaktan." Ani Zenin habang tumatawa.
"B-but... what if kagatin ako?!" Nakakapit pa rin ako sa damit ni Zenin na halos mapunit ko na dahil sa pagkakahawak ko at pagtatago ko sa likod niya.
Nawala lamang ang atensyon ng mga aso sa amin dahil sa papadaang kotse na nanggaling sa bahay na napapaligiran ng mga daisy. Mabilis na tumakbo ang mga ito para tahulan ang kotse. Nanlaki ang mga mata ko nang huminto ito harapan namin.
I know this car. This is Dice's car!
Kaagad na bumukas ang pinto ng kotsee at iniluwa nito si Dice.
"Why are you here, kid?" He asked me. "At sino 'tong lalaking 'to?"
Ngayon ko lang napagtanto na nakahawak pa rin pala ako sa damit ni Zenin at nakatago sa likod nito. Kaagad akong bumitaw at lumayo. "I just... ano kasi, naligaw ako." Napakamot ako. "And this is Zenin... I met him here."
Nagulat ako nang bigla na lamang akong hilahin ni Dice palapit sa kaniya at palayo naman kay Zenin.
"Can you explain why you're hanging out with a ramdom stranger in a place like this? With a GUY, to be exact." Aniya habang nakangiti nang nakakatakot.
"I'm not hanging out with him! He just-"
Hindi ko na naipagpatuloy ang pagpapaliwanag ko dahil nagsalita siya agad.
"Is that why you two seem so close just now?" Tanong pa niya.
Hindi ako nakapagsalita. Pano ko ba kasi ipapaliwanag? He seem so angry, kaya kinakabahan ako. Ngayon ko lang siya nakita ganoon.
Naramdaman ko na lamang ang paghawak ni Zenin sa aking braso, matapos ay hinila niya rin ako nang marahan sa panig niya. "SIR, pwede ko ho bang malaman kung sino kayo? Hindi ko ho pwedeng hayaan si Shihandra na sumama sa inyo hanggat hindi ako nakakasigurado na magkakilala talaga kayo." Zenin said, bravely. He's holding my arms gently and he's not letting go, ganoon din naman si Dice.
Bago pa man makasagot si Dice ay may isang tao pa na bumaba sa kotse ni Dice mula sa passenger seat.
Si Ms. Sabrina Prinsesa.
Hindi ko siya napansin kanina. She's holding her phone, close to her ear. May kausap siguro sa selepono.
"Rest assured, Zenin. Magkakilala sila." Ani Ms. Sabrina. "BTW, Mr. Lucrenze, something came up. I'm so sorry." Mukhang magkakilala sila ni Zenin.
"I see... okay, you can go now since we already found her." Sagot naman ni Dice.
"Thank you. Goodbye!.... Yes, sir... I'll be there in a few minutes." Pagpapaalam ni Ms. Sabrina. Pagkatapos ay umalis na siya.
"Now, you can let go of her." Maawtoridad na pananalita ni Dice. But what's creepy is... he's smiling like a nice guy.
"Anong nangyayari dito, Apo?" Tanong ni Aling Sonya na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin. "Maaari ko bang malaman kung sino sila?" Dagdag ni Aling Sonya.
"Magandang araw po..." Ani Dice sabay ngiti. "Hindi niyo na po ba ako naaalala, Lola Sonya?"
"Pamilyar ka nga sa akin Hijo..." Napasingkit ang mata ni Aling Sonya, tila ba tinititigan niyang mabuti si Dice.
Parang nakalimutan yata ni Zenin at ni Dice na hawak pa rin nila ang magkabilang braso ko. Awkward.
"Lola, siya po ang nakabili ng lupa." Pagsingit ni Zenin.
"Binili ko po ang lupa na 'to, pero di po ibig sabihin ay papaalisin ko kayo... kung iyon man ang iniisip ninyo." Paliwanag ni Dice sabay sulyap kay Zenin na para bang pinapatamaan ito.
"Ah! Dice... ikaw ba yan? Ikaw ang anak na lalaki ni Daisy hindi ba?" Asked Aling Sonya.
Tumingin ulit ako sa paligid. That's right! As I thought, ito yung bahay at lupa na binili ni Dice sa auction kanina!
"Tama po kayo Aling Sonya. Ako nga po yung batang madalas iwan sa inyo ni Nanay noon." Pagkompirma ni Dice.
"Talaga ba? Ang laki laki mo na! Ang tagal na nating hindi nagkikita, 'nak!" Mangiyak ngiyak si Aling Sonya. Niyakap niya ni Dice, at sinuklian din ito ni Dice ng mahigpit na yakap. Si Zenin na lang ngayon ang nakahawak sa braso ko... which he slowly let go of.
"So, ano ang relasyon mo sa kaniya... Shihandra?" Bulong ni Zenin, pero napatingin si Dice, narinig niya rin siguro ito.
"He's my hus- I mean he's my distant relative." I lied. Muntik ko nang masabi na asawa ko si Dice. Hindi sinabi ni Dice kay Ms. Sabrina ang totoo, kaya baka hindi ko rin dapat sabihin kay Zenin.
"Mabuti naman." Sagot ni Zenin.
"Mauna na po kami Lola Sonya... babalik na lang po ako bukas para ayusin ang bahay." Pagpapaalam ni Dice.
"Magkasama pala kayo ni Shihandra... mabuti naman. Naligaw raw siya kanina sa palengke, muntik pa siyang mapagtripan ng notorious na manyak doon. Buti na lang ay nakapagtago siya sa pwesto ko. Sasamahan ko sana siya sa XX hotel dahil hindi raw niya alam ang daan papunta doon." Paliwanag ni Aling Sonya.
"Ganon po ba... buti na lang po at kayo ang nakakita sa kaniya. Mapapagalitan ako kapag nawala ang batang 'yan."
Oo na, Dice. Kailangan pa bang ipamukha sa akin? :)
"O siya't kayo humayo na... mag-iingat kayo." -Aling Sonya
"Kayo din po." -Dice
Tahimik lang ako na sumakay sa backseat. Kaagad din kaming umalis. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Dice. Alam kong wala akong ginawang mali pero hindi mawala yung takot ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya kanina. He seem so tired. Bakas ang pawis sa suot niyang polo, at bagsak na rin ang buhok niya.
Hindi siya nagsalita sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa hotel. Hinatid niya ako sa room ko.
Yun ang akala ko. Akala ko ihahatid lang niya ako pero as soon as makapasok kami sa kwarto... he grabbed my clothes as if he's gonna do something that's beyond me... something that lovers do.
I was stunned. Hindi ako makagalaw.
"I wanna fcking strip you right now." He said.
"E-eh?" He said something I didn't expect to hear from him.
"Get changed. I don't want to see you with this shirt on. It doesn't suit you. I'll give you 10 seconds."
Huh?!
Mabilis akong kumuha ng panibagong damit sa luggage ko at dumiretso sa CR para magpalit.
I misunderstood him once again!
Paglabas ko ng CR nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng bintana at nakatingin sa labas. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong narinig naman niya ang paglabas ko sa CR.
"A-are you angry?" Tanong ko.
"No. Who said I'm angry?" Sagot niya. The sound of his voice got me terrified.
"I'm sorry." Sabi ko na lang, "kung ano man ang nagawa ko."
"You have a phone with you... right?" He asked.
"Y-yes." Sagot ko.
"Bakit di ka sumasagot sa mga tawag ko?" Tanong pa niya.
Kabado naman akong sumagot. "My phone died... n-nakalimutan kong icharge."
"Diba sinabi ko wag kang lalayo sa hotel? You should have told me you want to go somewhere... dapat nasamahan kita." Dagdag niya.
Napalunok ako. He is really angry. "Sinundan lang kita kanina kaya ako umalis... di mo kasi sinabi sa akin kung saan ka pupunta. I got lost... I got chased by a pervert, then I ended up at Aling Sonya's place." Paliwanag ko. Nanginginig pa rin ako dahil sa karanasan ko kanina sa palengke.
Nakatalikod pa rin siya. Hindi ko makita ang reaksyon niya kaya lalo akong kinakabahan.
"You know... I shouldn't have brought you here." He said, then he left. I was left inside the room, dumbfounded.
In the end... I ended up being a burden to him. Alam ko naman na importante ang dahilan kaya siya nagpunta dito. Bakit ba ako sumama? Para panoorin ang bawat kilos niya?
Oo, inaamin ko... I got jealous dahil sa babaeng kausap niya. I felt really stupid noong nalaman ko na si Ms. Sabrina pala ang kausap niya, isang staff sa auction. I got suspicious for nothing.
Bakit ba lagi ko na lang pinagdududahan si Dice? Hindi ko naman siya boyfriend or anything. It's not like he likes me.
He's just my husband.
This is just a marriage of convenience.
A loveless marriage.
This unrequitted love of mine will just destroy him.
Siguro dapat ko nang tigilan 'tong kalokohan ko.
Dapat ko nang tanggapin na hanggang dito lang kami.
I will forever be a kid, who brings trouble to him everytime.
Nagpasya akong icharge ang phone ko. Binuksan ko ito kaagad kahit 1% pa lang.
I got 256 missed call from Dice and 67 missed calls from an unknown number.
Bakit and dami?
Ilang sandali pa ay nagring ang phone ko. May tumatawag na unknown number. Sinagot ko pa rin ito dahil baka importante.
"Hello?"
["Shihanda?"]
I can recognize her voice. I'm pretty sure it's Ms. Sabrina.
["This is Sabrina Prinsesa. Buti naman sinagot mo na ang phone mo ngayon. I got your number from Mr. Lucrenze, we've been calling you non stop."] She said.
"Bakit ka po napatawag?" Tanong ko.
["Nothing, just wanna say that I'm glad you are safe. Kung saan saan ka namin hinanap. Nagtataka ako kaninang umaga kung bakit hindi nakarating si Mr. Lucrenze kanina, so I decided to call him. Sabi niya nawawala ka daw. I decided to help him look for you. We went everywhere. Literally everywhere. Noong makarating kami sa palengke, may nakapagsabi na may nakakita daw sa iyo. Tugma naman ang description na binigay namin sa tinutukoy ng mga nasa palengke. Tapos nameet namin yung isang lalaki na nagtitinda ng turo-turo. Sabi niya bilisan daw naming maghanal dahil nakita raw niya na sinusundan ka daw ng lalaking kilala sa lugar nila bilang isang manyak. Mr. Lucrenze ran everywhere looking for you. He didn't even took a break. He's so worried. I somehow convinced him to stop by the house he bought, since yun naman talaga ang gagawin namin ngayon. Through the whole contract signing, he wasn't listening. He just signed the contract without saying anything."]
Hindi ako makapagsalita. I don't want to talk. I don't want her to hear my voice cracking.
["I just want to tell you na don't ever do that. Magpaalam ka muna kung aalis ka or something, may mga tao kasing nag-aalala sayo, you know."]
"I'm s-sorry." Yun na laman ang naisagot ko. She's right. I'm pretty dumb for following Dice. I should have waited for him.
["I'll make sure to scold Zenin too. Hindi manlang niya naisip na baka may naghahanap na sa kasama niya. You should've told Mr. Lucrenze that you have a date."]
HUH?!
"Zenin is not m-"
Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si ms. Sabrina.
"Ihavetohangupna, mybossisyellingatme"
Then she hung up.
Sobrang bilis nang pananalita niya, halos hindi ko na nga naintindihan.
She misunderstood everything.
Ganon din kaya ang nasa isip ni Dice kanina, that's why he was so angry?
Nagpaliwanag na ako kanina... pero sapat na ba iyon?
Everything is so messed up.
Is it time for me to give up?