webnovel

Chapter 22: Deja vu

"Now, for the last part..." ani Aina. "Girls?"

Hinawakan ako ng dalawa niyang kasama sa magkabilang braso at balikat para hindi ako makapalag.

Inilabas naman ni Aina mula sa bulsa niya ang isang maliit na cutter.

"A-aina, don't." I said. Nanginig ako sa takot. This is much worse than before!

"Anong don't? Ito nga yung matagal ko nang gustong gawin e!" She stated then nilabas niya ang phone niya. Halos wala na akong makita dahil sa lakas ng flash na nakatutok sa akin. "You see this guys? Introducinggggg, Shihandra the former Goddess!" She's recording! Inilihis ko ang mukha ko nang itapar niya ang camera sa akin. "HAHAHAH, nakikitang niyo tong cutter guys? We're going to destroy her face just like how she destroyed her bestfriend's relationship."

"R-relationship? What d-do you mean?" Sabi ko habang nanginginig ang boses. Ano mang oras ay maaaring bumaon sa balat ko ang cutter na hawak niya na lalo pa niyang inilapit sa akin.

"Hahahaha, stop acting dumb, you bitch! 'Di ba inahas mo si Ciro even though sila ng bestfriend mo?" Aina chuckled like a crazy witch. Saan naman niya napulot ang balitang 'yon? Kailan pa naging sina Ciro at Erine, and more importantly, is this the reason why Erine was acting weird?

"Kahit kailan 'di ko magagawa 'yon kay Erine!" Dahilan ko. I can't do that to her! At saka kahit kailan hindi ko binalak na agawin si Ciro dahil kahit katiting ay wala akong nararamdaman sa kaniya! Isang tao lang gusto ko.

"Paano mo naman maipapaliwanag 'to? Malandi ka!" She threw a piece of paper on my face. Nang malaglag iyon sa lupa at nang masinagan ng ilaw mula sa flash ng phone ni Aina ay malinaw kong nakita na isa pala iyong picture.

A picture of me, and Ciro.

The same picture na ipinakita sakin ni Dice noon na naging dahilan ng misunderstanding namin.

"Bakit di ka makapagsalita? The evidence is right in front of your face! huling huli ka na kaya hindi ka makapagsalita no?" Dagdag pa ni Aina.

"That's just a misunderstanding!" I stated.

"See, guys? Nagmamaang-maangan pa. She betrayed her own best friend, how can we trust her?" Nilapit pa lalo ni Aina ang cutter sa mukha ko kaya pumalag ako upang makatakas. Dahil doon ay hinigpitan pa lalo ng mga kasama niya ang paghawak sa akin para siguraduhing hindi na ako makakapalag.

I'm... I'm scared!

"We're gonna do a lil scratch on her face to see kung ano pang itinatago niya sa maganda at maamo niyang face..." Ugh. She's still recording. Is this a moment to treasure? She's a psycho!

"Why..." I whispered.

"Huh? My sinasabi ka ba, Shihandra de Dios? no, Shihandra THE SLUT?"

"Why do y-you... hate me that much? Why won't you believe me? W-why are doing this? I have done nothing wrong, wala akong ginagawang masama sa inyo!" My whole body is trembling, this... reminds me of the past. The past that I have always wished to forget.

"Bakit naman kami maniniwala sayo? Bulag ka ba? Hindi ba pinakita ko na 'yung pic? All the students know about that already. Kahit pa yung mga teachers. At kung totoo mang hindi totoo na inahas mo si Ciro, who cares?" They all chuckled. Kung ganon, bakit nila 'to ginagawa? For what purpose?! "...At hindi ko rin ginagawa 'to para ipagtanggol si Erine... I hate her too, but I hate you a million times than her. Why, you ask?" This time ay halos 1 inch na lang ang layo ng cutter sa pisngi ko!

"BECAUSE OF YOUR FACE." Dagdag ni Aina. "My boyfriend... he's head over heels for you! He left me for YOU!"

WHAT KIND OF STUPID REASON IS THIS? I dont even know her boyfriend!

"That's why... ngayong araw na 'to, sisirain ko yang pagmumukha mo para wala nang magkakagusto sayo! Hindi na mahalaga kung ano man ang mangyari sakin after this!" She shouted!

Parang bumagal ang mga bagay bagay sa paligid nang. I know, alam ko na naghehesitate siya na gawin ang plano niya.

Bigla na lang may tumahol na aso sa di kalayuan at sinugod kami. Nagulat at napatakbo sila Aina sa sobrang takot at hinabol naman sila ng aso. Naiwan naman ako dito.

"A-aray..." Nasugatan ako sa leeg dahil sa cutter ni Aina. Dahil sa gulat ni Aina ay tumama ang talim ng cutter sa leeg ko. Buti na lang ay hindi malalim.

Ikinalma ko muna ang sarili ko. This kind of thing... happened to me again.

Whoa. Ngayon ko lang naramdaman ng tuluyan ang pananakit ng mga parte ng katawan ko dahil sa ginawa nila. Laking pasasalamat ko sa aso na 'yon dahil niligtas niya ako. Hindi pa rin talaga nauubos ang swerte mo, Shi.

Tumakas na ako habang di pa nakakabalik yung tatlo. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon dahil sa takot. Madilim na ang paligid kaya kinuha ko ang phone ko para sindihan ang flashlight. Napakarami na palang missed calls at texts na naipon, hindi ko agad nabasa dahil napagkasunduan namin ni Erine na isilent ang phone namin kanina.

Wait, nasaan na nga pala si Erine?!

Hindi ko na pinansin ang ibang messages at inuna ko munang basahin ang text ni Erine sa akin na kanina ko pa pala nareceive.

'Sorry, Shi! Need ko na umuwi, may emergency sa bahay, don't worry, sinabi ko na kay Sir Dice ang whereabouts natin'

Sa mga oras na 'to, nakauwi na siguro siya. I hope she's fine.

Sobrang gulo ng isip ko, sobrang bigat na rin ng mga hakbang ko. Buong school... they all misunderstood. Damay si Ciro at Erine. How can I clear this? Paano ako papasok bukas, paano ako kikilos gaya ng dati?

Akala ko imahinasyon ko lang 'yung mga titig at tingin ng mga estudyante kanina pero hindi pala. They all hate me now... because of something I didn't even do. And for sure ganoon din dila kay Ciro, and Erine must have felt bad pero kahit ganoon ay pinakisamahan pa rin niya ako.

Wait. Naaalala ko na parang may sinabi sa akin si Erine tungkol sa picture na iyon dati. Oo, tama! Sinabi niya sakin na siya ang nagoakita no'n kay Dice. Pero saan naman niya nakuha 'yon?

Argh. Sobrang sakit na ng ulo ko.

Lahat ng taong nadadaanan ko ay napapatingin sa akin. Siguro sobrang gulo na talaga ng hitsura ko ngayon.

Halos mapatalon ako ng biglang magvibrate ang phone ko. Tumatawag si Dice!

"Hello?" I said in a monotonous voice.

["Nasaan ka ba?! I've been searching for you! Do you have any idea how worried I was?! Saan ba kayo nagpunta ni Erine ha? Mr. de Dios called and told me you're still not home!"] Halos mabingi na ako dahil sa sigaw niya. It made me happy that he was worried pero parang wala akong lakas ngumiti ngayon.

"Malapit na ako sa condo, hintayin mo na lang ako do'n." I answered. Hindi masyadong nagsink in sakin ang mga sinabi niya. I feel numb and hurt the same time.

["Okay, I'll wait for you."] He said. Pagkatapos ay ibinaba ko na ang phone ko. It's not true na malapit na ako, siguro nasa kalahati pa lang ako ng lalakarin ko pauwi.

it's already 8:00 nang makarating ako sa condo and I don't know kung bakit parang ang bagal ng oras. Nasa tapat lang ako ng pinto at medyo naghehesitate na pumasok sa loob. Alam ko na, I'll just immediately run papunta sa kwarto ko para hindi ako makita ni Dice ng ganito.

I pressed the passcode para makapasok. Rinig na rinig ko ang pag beep nito at nakaramdam ako ng saya dahil parang ang tagal na mula nang nagawa ko 'to. I paused. Bakit nga papa dito ako umuwi?! Kila Papa nga pala dapat! Ugh, I'm screwd.

Tatakbo na sana ako paalis pagkatapos ng huling beep ng pagpress ko sa passcode pero bigla itong bumukas at tumambad si Dice sa akin.

"Wha—" Gulat na na gulat siya dahil sa nakita niya. "WHAT HAPPENED TO YOU, KID?!"

He held my hand and dragged me inside. He held my face and looked at every inch of it. He also scanned my arms and legs, it's so embarrassing!

"Fvck, you have so many bruises, what the fvck really happened?!" He yelled. Kitang kita ko kung gaano siya kainis.

"I..." Napahinto ako. Is it really fine to tell him? "N-nothing." I said then I rushed into my room. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa 'kin. I locked the door na lang para hindi siya makapasok.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salimin. Sobrang gulo ko na nga. Kinilabutan ako bigla nang maalala ko ang nangyari kanina. Bigla na lang tumulo ang luha ngayong wala nang nakakakita. Hindi ko mapigilang mapaiyak hindi dahil sa sakit ng katawan. Niiyak ako dahil sa naulit na naman ang nangyari noon.

"Hey, Kid! Open the door! ya hear me?" Sobrang lakas ng pagkatok ni Dice sa pinto pero pinili kong hindi ito buksan.

Pumasok ako sa closet gaya ng parati kong ginagawa noong bata pa ako, buti na lang ay nagkasya pa ako. Lagi akong nag iiwan ng malaking space sa closet, who knows na mapapakinabangan ko ito ngayon.

Rinig na rinig ko pa rin si Dice kaya sinara ko ang closet. Kadiliman na lamang ang nakikita ko ngayon. Tinakpan ko rin ang tainga ko para wala na akong marinig. I can't help but cry... this is the worse!

Noong bata pa ako, iniwan ako ng mga taong inakala kong kaibigan ko. Iniwan nila ako dahil sa isang bagay na hindi ko naman ginawa...

Bigla na lang akong nakarinig ng mga pamilyar na boses.

"Shihandra pwede mo bang gawin 'to para sakin?"

"Oo naman!"

"thank you."

"Shihandra ako rin, pagawa. Pangit kasi ako magcolor."

"Ako rin."

"Shihandra, alam mo ba crush ko si Phil. Ang pogi niya hano!"

"Ah, oo nga."

"Diba sinabi ko na noon na crush ko si Phil? bakit mo siya inagaw? Porket mayaman at maganda ka, ang yabang mo na!"

"N-no, hindi ko siya inaagaw Marie..."

"Ayaw na kitang maging kaibigan."

"Maam tingnan niyo po, binasag po ni Shihandra yung aquarium, patay na po si Goldie! huhuhu!"

"Hindi po, Maam! Marie, ikaw ang nagtulak sa aquarium di ba?"

"Sinungaling, pinagbibintangan niya po ako ma'am!"

"P-pero totoo nam—"

"Shihandra... I want to talk to your parents, tell them to come tomorrow okay?"

"Pinatay mo si goldie tapos ngayon tinulak mo si Marie kaya nasa hospital siya ngayon!"

"Akala ko mabait ka shi..."

"Bakit ka naging bad?"

"Dapat lang sayo yan."

"Teka lang parang sobra na ang pagsaboy sa kaniya ng pinaghugasan ng mop"

"Kulang pa yan no."

"Nasaan na yung nga gamit ko?"

"Shihandra! heto oh."

"B-bakit niyo tinapon sa p-pond?"

"HAHAHAHA"

"Okay class, choose your groupmates. Group yourselves into 5."

"Oops, wala pang kagroup si Shihandra, group 6 kulang pa kayo ng isa diba?"

"Argh, ayoko makagrupo si Shihandra."

"Ako rin."

"M-marie, napasobra na ata pag gupit natin sa buhok ni Shihandra."

"Ok lang yan para magmuka siyang lalaki, alis na kyo ako na bahala dito, tawagin niyo na lang si Maam."

"Sige sige."

"Hawakan mo 'to Shihandra ha."

"A-aray! Maam ginupit po ni Shihandra yung buhok niya tapos gusto din daw po niya gupitin yung buhok ko pero ayaw ko po kaya sigugatan niya po ako sa kamay huhuhu!"

"Ma'am di po yun totoo...!"

"I will call your parents... this is unbelievable!"

"Marie, bakit mo ba sakin 'to ginagawa. D-diba... friends tayo? Why do you h-hate me now?

"I just hate you. Ayaw ko lang talaga sayo."

"W-why?"

"I don't like your face, hindi kita tinuring na kaibigan. Lahat kami ayaw na sayo."

"Mama, gusto ko po magtransfer ng school."

"Kid..." para akong nakahinga nang maluwag pagkatapos kong marinig ang boses na 'yon. Hindi ako makagalaw nang dahan-dahan niyang binuksan ang closet. Nanatili lang akong nakayuko at lalo ko pang tinakpan ng madiin ang tainga ko.

Hinawakan naman niya ako sa braso at unti unting tinanggal ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa aking tainga. Napatingala ako. Pinunasan niya ang luhang kanina pa ayaw magpapapigil.

"I found you."

Napahagulgol ako na parang bata dahil sa ginawa niya...

"There, there. Cry it out." He said then carried me out of the closet.

Ibinaba niya ako sa kama ko saka pinunasan ulit ang luha ko. Patuloy pa rin ako sa paghagulgol, tatakpan ko sana ulit 'yung tainga ko pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako. He pat my head then pulled me close to him.

Naramdaman ko na lang na nasa pagitan na ako ng mga bisig niya. And that made me cry even more.

Noong bata pa ako, kahit sina mama at papa ay hindi ako mahanap kapag nagtatago ako sa closet.

But he's different.

He found me.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

emi_sancreators' thoughts
Chương tiếp theo