Nagising ako sa dahil sa sobrang init, hindi rin ako makagalaw dahil para akong nakatali. Nang imulat ko ang mata ko ay kaagad akong tumingin sa gilid kung saan nakapuwesto si Dice. Naroon pa rin ito at payapang natutulog. Napangiti ako pero agad din iyong napawi nang marealize ko na maliwanag na ang paligid at higit sa lahat ay lunes ngayon! Kaagad akong tumayo pero bigla naman akong nahulog sa sahig dahil nakabalot ako sa kumot na para bang lumpia. Ang sakit huhu. Dali dali ko itong tinanggal saka ako tumingin sa orasan, halaaaaa 6:40 na palaaaa! 7 lang ang simula ng klase at may flag ceremony ngayon kaya dapat mas maaga pa dapat kamiiii!
Kaagad kong niyugyog si Dice para gisingin siya pero hindi pa rin siya nagigising.
"Oi gumising ka na late na tayo!" Sabi ko pero hindi pa rin effective. Tinakpan ko ang ilong niya dahil 'yon na lang ang naisip kong paraan. At bigla naman siyang nagising.
"Papatayin mo ba 'ko?" He said.
"Kanina pa kita ginigising pero ayaw mo kasi kaya— basta... Late na tayo, mag seseven na!" Sabi ko, kaagad naman siyang napabangon.
"Sabay na kaya tayong maligo?" Hirit pa niya. Alam ko naman na nagbibiro lang siya pero natulala ako dahil do'n.
"Ewan ko sayo." Sabi ko naman.
7:30 na kami nakarating sa school, di na rin ako nakaabot sa first subject ko. Paglabas namin ng kwarto kanina ay wala na si Julie at tinext ko naman si Key kung nasa bahay na ito at ang sabi naman niya ay kararating lang daw.
Noong nakaraang dalawang linggo ay hindi nagpapansinan sina Snow at Erine, hindi naman pinapansin ni Erine si Ciro pero kahit na ganoon ay kinukulit pa rin ni Ciro si Erine.
Lunch na at kahit na ganito ang kalagayan ng pagkakaibigan namin ay sabay sabay pa rin kaming kumain. Dahil hindi na ako makatagal sa ganitong sitwasyon, sinabihan ko sila na magpunta sa room kung saan nagtapat sin Ciro kay Erine mamayang 5:00 pm pagkatapos ng klase.
Buong afternoon period ay distracted ako lalo na sa subject ni Dice dahil naaalala ko ang nangyari kagabi. Naiinis din ako dahil palagi siyang nakangiti sa mga kaklase kong babae na nagtatanong sa kaniya. Parang hindi man lang siya apektado, e siya nga 'tong kiniss ako sa noo.
Pagkatapos ng last subject ay tinext ko si Dice na wag na akong hintayin. Kaagad naman akong dumiretso sa meeting place namin kasama si Erine, nauna naman si Snow sa amin. Pagdating namin doon ay wala pa si Ciro, hindi pa siguro tapos ang klase nila.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ni Snow.
"Aayusin natin 'to." Sabi ko naman.
"Anong aayusin? Wala nang aayusin! Erine seduced Ciro!" Sumbat ni Snow.
"Seduced? Wala nga akong ginagawang kahit ano." Hirit ni Erine.
"Wala? Simula noong bata pa kami gusto ko na si Ciro, ako ang kasama niya palagi at ako ang nasa tabi niya. Sinikap ko na magustuhan niya rin ako pero bakit ikaw ang pinili niya na kailan lang niya nakilala?" Lumuluha na si Snow. Hindi ko alam na ganoon pala kalalim ang nararamdaman niya para kay Ciro.
"Sorr—" -Erine
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Buong buhay ko isang bagay lang ang pinangarap ko... gusto kong makasama si Ciro hanggang sa pagtanda ko, pero sinira mo 'yon lahat!" -Snow
"Hindi ko alam na magkakagusto siya sa 'kin at ayoko ring sirain ang pangarap m—" -Erine
"Gusto mo ba siya?" -Snow
Hindi nakasagot si Erine. Sarkastiko namang napatawa si Snow.
"Kita mo na? Hindi ka makasagot! Yk, hindi ako papayag na mapunta si Ciro sayo. He's my fiance, at kahit hindi niya ako magustuhan, sa akin pa rin siya mapupunta." -Snow
Napatulala na lang si Erine. So, fiance pala ni Snow si Ciro? Ibig sabihin... kagaya namin ay...
"As soon as we graduate in college, ipapakasal na kami ng parents namin. Sunodsunuran ang parents ni Ciro sa pamilya ko kaya wala rin siyang magagawa." -Snow.
Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ciro na pawis na pawis. Humihingal pa siya at kaagad niyang sinuway si Snow. Hanggang ngayon naman ay hindi pa rin nagsasalita si Erine.
"Bakit Ciro? Tama naman ako diba?" Tanong ni Snow. Nakayuko na rin si Ciro. "Iwan ko muna kayo, kayo kayo na lang ang mag-usap, pagod na ako sa friendship na 'to." Dagdag pa ni Snow. Umalis na siya habang naiwan naman kami dito na hindi manlang umiimik.
"Totoo ba?" Sa wakas ay nagsalita na rin si Erine.
"T-that's true." Sagot ni Ciro.
"Kung ganoon bakit kailangan mo pa akong idamay? Bakit hindi mo na lang siya pag-aralang magustuhan?" Sigaw ni Erine.
"Dahil ikaw ang gusto ko. Ikaw at hindi siya." Sabi ni Ciro at nakayuko pa rin siya.
"Sasaktan lang natin ang isa't isa, dun ka na sa kaniya." -Erine
"Pero—" -Ciro
"Naaalala mo ba noong sinabi mo na limitado lang ang mga pwede mong gawin dahil sa pamilya mo at pakiramdam mo nakakulong ka sa isang malaking hawla?" Sabi ni Erine na ngayon ay nakatingin ng diretso kay Ciro. "Ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Sinabi mo rin noon na hindi ka makakawala dahil sa oras na mangyari 'yon ay maraming masasaktan."
"Gusto mo rin ba ako? Gusto kong malaman." Direktang tanong ni Ciro.
"Hindi, kahit kailan hindi kita nagustuhan." Sagot naman ni Erine. Ni hindi nga siya kumukurap.
"Pero bakit?" Tanong ulit ni Ciro habang nakangiti nang mapait.
"Dahil kaibigan lang ang tingin ko sayo, at hanggang doon na lang 'yon" Erine answered.
"Ganoon ba? Salamat, nilinaw mo." Nakangiti pa rin si Ciro at tahimik na lumabas ng room. Tumingin naman ako kay Erine na ngayon ay nakayuko na.
"Are you okay?" Tanong ko.
"Oo naman..." Sagot niya.
Tinanong ko naman siya kung gusto muna niyang umuwi. Pero ang sabi niya mamaya na lang daw at mauna na raw akong umuwi. Hindi naman ako pumayag, sabi ko doon muna siya sa condo namin. Nagdalawang isip pa siya dahil baka raw magalit si Dice, pero sabi ko naman okay lang naman siguro 'yon kay Dice. Pagkarating naman namin sa condo ay sinabi ko kay Dice na dito muna si Erine ngayong gabi. Tinanong pa niya ako kung magiging okay lang daw ba ako dahil hindi ako sanay na may katabi bukod sa kaniya (inaasar niya lang ako dahil mahimbing akong nakatulog sa kwarto niya kagabi), hindi ko na lang siya sinagot at inirapan ko na lang siya.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa kwarto ay tumulo na ang mga luhang kanina pa pinipigil ni Erine. Sabi na nga ba di siya okay.
"Sabihin mo lang sakin lahat, makikinig ako." Sabi ko.
"Shi... Nagsinungaling ako." She said. "I think I really like him."
"What? Bakit kabaligtaran ang sinabi mo?" Tanong ko.
"Dahil hindi katulad ng pamilya ni Snow ang pamilya namin, hindi kami ganoon kayaman katulad niyo nina Ciro." Sagot naman niya. "K-kung ako ang pipiliin niya siguradong tututol ang lahat sa pamilya niya at kapag hindi natuloy ang kasal nila ni Snow, malaki ang magiging epekto no'n sa kanila."
Niyakap ko na lang siya dahil kung ako ang nasa kalagayan niya ay hindi ko rin alam ang dapat kong gawin.
"Paano na ngayon? Titiisin mo na lang na pareho kayong nasasaktan?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin... H-hindi ko n-na alam. Sa totoo lang masaya ako na malaman na ako ang gusto at hindi ikaw, noong una hindi ko maintindihan kung bakit palagi kong iniisip kung anong meron sa inyo. Naiinis ako dahil palagi kayong magkasama at parang ang saya saya niyo palagi. Noong nakita ko 'yong picture niyong dalawa, nasaktan ako pero noong mga panahon na 'yon ay gulong gulo ako. Naiinggit ako sayo. Kaya imbes na kausapin ka ay ipinakita ko kay Sir Dice 'yung picture at sinabi ko rin na palagi kayong magkasama. Pero noong malaman kong misunderstanding lang pala ang lahat, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan at sobrang naguilty ako dahil sa ginawa kong hindi pagpansin sayo at panghihimasok sa inyo ni Sir Dice." Paliwanag niya.
So siya pala ang nagpakita kay Dice ng picture na iyon? Pero saan naman niya 'yon nakuha?
"Noong araw na 'yon, gusto kong sabihin kay Ciro na sa tingin ko ay ganoon din ang nararamdaman ko para sa kaniya pero biglang dumating si Snow. Napalitan na naman ng lungkot ang saya na nararamdaman ko nang malaman kong si Ciro pala ang palaging ikinukwento ni Snow sa akin. Ayokong saktan si Snow at lalo na si Ciro kaya nanahimik muna ako. Dalawang linggo ang lumipas na hindi ko magawang kausapin si Ciro sa personal dahil sa tuwing nakikita ko siya, parang hindi ako makahinga at hindi rin ako mapakali. Pero lagi niya pa rin akong kinukulit at sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay walang palya niya akong tinatawagan bago siya matulog. Isang araw hindi siya nakatawag at sobrang nanibago ako at nacurious kung bakit. Sumunod na araw, hindi pa rin siya tumatawag. Naaalala mo ba noong dalawang araw siyang umabsent? Doon ko narealize na gusto ko rin siya, matagal na, mas nauna pa ako sa kaniya, hindi ko lang maamin. Ang sabi niya sa akin, kaya siya hindi pumasok ay dahil pinilit niyang makawala sa hawla, hindi ko siya naintindihan no'n pero ngayon naiintindihan ko na kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya sa akin tungkol doon." Dagdag ni Erine. Nakayakap pa rin siya sa akin at patuloy sa pag-iyak.
"Naaalala mo ba 'yung promise natin noon na sabay tayong magkakajowa, ikakasal, at magkakaanak? Ang sabi pa natin noon dapat sabay tayong mamamatay. Kaya hanggang ngayon NBSB tayo, pero kasal ka na kaya isang promise na ang hindi natin natupad." Sabi niya. Natawa kami pareho.
"Para tayong tanga." Sabi ko, at natawa rin siya.
"Pwede bang takasan ko muna 'to?" Tanong niya. Nagets ko naman ang sinabi niya.
"Pwede naman, pero hindi pwedeng lagi ka na lang tumatakas." I said.
"Kapag handa na ako." She whispered.
"May sasabihin din pala ako..." Bulong ko, ayaw ko kasing marinig ni Dice. Tinignan naman ako ni Erine. "I t-think I like... Dice."
...
Ang bilis, lumipas na naman ang isang linggo. Ganoon pa rin, pero ngayon hindi na talaga nagpapansinan ang tatlo. Si Snow, sa ibang circle of friends na nakabilang, si Ciro naman ay hindi na namin madalas makita. Ang sabi ni Erine, mabuti na rin daw 'yon para makalimutan na nila ang isa't isa. Naisip ko tuloy na hindi fair ang sitwasyon dahil ibang kwento ang alam ni Ciro.
Pagkatapos ng buong araw na klase ay sinabihan ako ni Dice na matatagalan daw siya sa ngayon kaya hintayin ko na lang daw siya uli sa kotse. Low-key naman akong nagpunta sa kotse niya gaya ng nakasanayan ko, himala naman walang nakakakita sa 'kin at kumekwestyon sa relationship namin ni Sir Lucrenze. Wala nang masyadong estudyante pero wala pa rin si Dice. Nagmasid ako sa paligid at bigla kong nakita si Key sa di kalayuan. Lumabas na ako dahil wala naman halos nakakakita. Nakita rin naman ako agad ni Key kaya lumapit siya sa akin.
"Sakto, gusto kita makausap." He said.
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Nasa inyo na naman ba si Julie?" Panimula niya.
"Wala, hindi na siya bumalik mula noong isang linggo." I answered. Naaalala ko na bunanggit ni Dice ang pangalan ni Key noong nagstay si Julie sa condo.
"She's my sister..." Aniya. Napatulala naman ako. Parang nabasa niya ang iniisip ko. Napatango naman ako.
"Dapat kang mag-ingat kay Julie." Dagdag pa niya.
"Bakit naman?"
"Basta, mag-ingat ka sa kaniya."
Kinabahan tuloy ako sa sinabi ni Key. Hindi ko siya maintindihan.
"By the way, nasaan si Dice?" Tanong ni Key.
"Nasa loob pa, may inaasikaso." Sagot ko naman.
"Ah, sige, hihintayin ko na rin siya dito." He said saka ngumiti. "Alam mo naiingit ako kay Dice." Huminto siya saglit. "Kase... may nagluluto para sa kaniya, may kasabay siyang kumain, may madadatnan siya tuwing uuwi siya at higit sa lahat, ang cute ng asawa niya."
Nagblush ako dahil sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit. "Edi maghire ka na lang ng yaya." Sabi ko.
"Ngi. Iba naman 'yon." Sabi niya saka natawa.
"Oh," inilapit niya ang kamay niya akin, iiwas pa sana ako kaya lang.. "May dahon sa buhok mo." He said saka kinuha ito.
"O-okay," yun na lang ang nasabi ko. Napansin ko naman na kanina pa siya nakatingin sa akin. "Meron pa ba?" Tanong ko saka pinagpag ang buhok ko.
"Wala na." He said. "Nahulog na."