webnovel

Chapter 4: Married Life

So ayon, two weeks na akong Mrs. Lucrenze.

Halos one week na rin ang nakalipas matapos mag pasukan. Grade 12 na ako and I know I'm too young to be a Mrs. Pero ito ang dapat kong gawin. Nalaman ko rin kasing ang kasal na 'yon ang magsiseal sa partnership ng mga business namin at marami pang ibang maitutulong iyon sa aming negosyo.

Saturday ngayon, at ngayon ang nakatakdang araw ng paglipat ko sa condo namin ni Dice. Nag-aayos na ako ng mga damit at gamit na dadalhin ko.

Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Sobra. Natatakot ako sa awkward na atmosphere na maaari kong maramdaman. 'Yon pa naman ang pinakaayoko.

"Anak, mamimiss ka namin." Sabi ni Mama.

"Mag-iingat ka anak. Kapag pinaiyak ka ni Dice, tawagan mo agad ako." Dagdag ni Papa.

"Opo, mamimiss ko rin po kayo."

Sa totoo lang, sanay na akong malayo sa parents ko kaya hindi naman ako masyadong nalulungkot.

Ang kinababahala ko lang ay kung paano ako mabubuhay kasama yung antipatikong lalaki na 'yon!

Maya-maya pa ay inihatid na ako nila Papa sa condo namin. Hindi naman ito masyadong malayo sa bahay namin, sakto lang.

Pagkarating na pagkarating namin doon ay kaagad kaming umakyat sa taas. Nasa second floor kasi ang condo unit namin. Sa harap ay mayroon itong hallway na madadaanan ng mga nakatira dito. Sa likod naman ay nandoon ang balcony. Mayroon ding rooftop itong five story building na ito at kada floor ay may tatlong unit. Yung unit namin ay nasa kanang dulo ng building.

(A/N: Sa probinsya ang setting nitong story. Nasa Manila ang business nila Shi at Dice pero may branch sa ibang bansa ang kila Dice. Yun din ang dahilan kung bakit madalang umuwi ang parents ni Shi at madalas itong umaalis.)

Nagdoorbell muna kami para siguraduhin kung nandoon na ba si Dice. Kaagad naman niya kaming pinagbuksan ng pinto. Casual na pambahay lang ang suot niya kaya medyo nanibago ako, palagi kasi siyang nakaformal attire sa tuwing nagkikita kami. Noong kinasal naman kami, pangbeach.

Tinulungan niya kaming magbuhat ng gamit para dalhin ito sa kwarto ko. Pagkatapos magkape nila Papa ay umalis din sila kaagad.

Naiwan kaming dalawa n Dice. Ang awkward. Kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko. Umaliwalas naman ang paningin ko dahil sa kulay pink at white na motif ng kwarto ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, lumabas muna ako para uminom ng tubig. Nakita ko si Dice sa Sala kaya sinilip ko muna. Nakaidlip pala siya sa couch kaya dahan dahan akong naglakad para hindi siya magising.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla akong macurious kung anong hitsura ng kwarto ni Dice. Magkatapat lang ang pinto ng kwarto namin kaya dahan dahan akong humakbang papunta sa pintuan ng kwarto niya. Hinawakan ko 'yung doorknob para pihitin ito. Sakto namang hindi ito nakalock. Bahagya akong sumilip para makita ito pero may biglang humila ng likod ng damit ko na para bang binibitbit ako.

"What do you think you're doing?" Ngumiti na naman si ng nakakatakot. Nakakakilabot yung mga ganyang ngitian ni Dice na sa tingin ko ay ginagawa niya lang kapag may nakikita siyang hindi niya gusto.

"Gusto ko lang naman makita kung mas maluwang ang room mo. Hehe." Sabi ko habang pakamot-kamot sa ulo. Ngumiti ako saka nagpeace sign.

Binitawan na niya ang damit ko saka pinagpagan ang kamay niya. Pagkatapos ay nagpakawala siya ng buntong hininga.

"As expected, ang hirap mag-alaga ng bata." He muttered.

"Narinig ko 'yon!" Mahinang sigaw ko.

"Keep that up." He said. Hindi ko naman masyadong nagets.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yang pagiging lively at cheerful mo." He paused. "Nakakainip kasi kapag may kasama kang parang multo sa sobrang tahimik." Pagtataray niya. Maganda na sana, mamomotivate sana ako kaya lang pabalang ang tono niya.

"Whatever!" Sabi ko sabay talikod. I slammed the door of my room para inisin siya.

Hapon na, at ngayon pa lang ako lalabas ng kwarto. Nagutom kasi ako. Paglabas ko ng kwarto, kaagad kong sinuri ang paligid pero wala si Dice. Napagpasyahan ko na magluto na lang. Binuksan ko ang ref, di naman ako nadisappoint dahil kumpleto ang mga kailangan ko. As expected of our parents, hindi talaga kami gugutumin dahil dito! Thanks!

Kinuha ko na ang mga sangkap na kailangan ko, pati ang mga seasonings at condiments ay kumpleto na rin. Nagluto ako ng Tinola dahil parang nagcrave ako sa mainit sa sabaw.

Pagkatapos kong magluto at magsaing ay kaagad akong naghain.

Teka lang? Nasaan kaya si Dice? Parang ang disrespectful ko naman kung hindi ko siya sasabayan kumain. Kinatok ko ang pinto ng kwarto niya pero walang sumasagot. Nakalock din ito. Sunod naman ay lumabas ako para tingnan kung nandoon sa baba ang kotse niya, pero wala ito roon. Umalis siguro siya.

Sa huli, kumain na lang ako mag-isa dahil baka abutin ako ng kinabukasan kapag naghintay ako sa kaniya.

.

.

.

.

Ten PM na ng gabi pero wala pa rin siya. Apat na oras na akong naghihintay sa sala. Buti na lang may pinapanood akong anime, kung hindi baka pati ako, umalis na sa bahay na 'to. Nagenjoy naman ako sa panonood, ang laki kasi ng TV na binili ng parents namin. Ewan ko, di lang siguro ako sanay manood ng TV sa bahay dahil palagi lang akong nasa kwarto kaharap ang phone ko. Wala rin namang ibang manood sa bahay dahil laging wala sina Papa at Mama.

*Gasp* Di kaya may kabit si Dice? Jusme, wala pa tayong one month, Dice! May iba ka na?

Ilang sandali pa narinig ko ang tunog ng pagpindot ng passcode mula sa labas, kasunod ang pagbukas-sara ng pinto. Nagpanggap ako na hindi ito narinig at nagpokus sa pinapanood ko.

Nilampasan naman ako ni Dice at nagdirediretso sa kwarto niya. Aba't?

Dapat doon na lang siya sa kabit niya.

Padabog kong pinatay ang TV at saka ininit ang Tinola na kanina pa lumamig. Muli akong naghain sa lamesa.

Pumunta ako sa kwarto ni Dice saka kumatok. "If you want to eat, may pagkain sa kusina." Sabi ko. Panigurado namang narinig niya 'yon.

Pero dahil nacurious ako, idinikit ko ang tainga ko sa pinto. Narinig ko na man ang mga yapak ng paa niya na papalapit.

Nang maramdaman ko na ang pagpihit ni Dice sa doorknob para lumabas ay bigla akong pumasok sa kwarto ko. I don't wanna see his face.

Lumundag ako sa kama ko para magrelax.

Patulog na sana ako pero nakarinig ako ng pagkatok sa pader.

"Whyyyy?" Tanong ko. Inaantok na ako.

"Kid, Let's talk." He answered.

Aaminin na ba niya na may kabit siya at gusto na niya akong idivorce? Parang kailan lang pinipilit pa nila akong magpakasal ah.

"Ayoko, inaantok na ko. Alas onse na ng gabi oh." Sabi ko naman. Totoo naman, inaantok na talaga ako.

"Then I'll come in."

Pipigilan ko pa sana siya pero wala, nakapasok na siya.

Walang respeto siyang naupo sa gilid ng kama ko. Nagtalukbong naman ako dahil inaantok na ko, sobra.

Bigla naman niyang hinila ang kumot ko. Ugh, ano na naman ba?

"Let's split up the chores." He said. "Any suggestions?"

"I'm so sleepy..." Sabi ko.

"Mamaya ka na matulog. We need to do this." Halata na sa boses niya ang pagkairita kaya bumangon na ako. Hay. Natatakot kasi ako sa mukha niya kapag nagagalit siya e.

"I'll do the cooking." Pagmumungkahi ko. "Ako na rin ang maglilinis ng bahay." Dagdag ko pa.

"Then I'll do the dishes." He paused. "And we'll wash our clothes separately."

"Deal."

"Deal."

Pagtapos no'n ay lumabas na siya sa kwarto ko. Salamat, makakatulog na rin ako.

Kinabukasan, nagpatuloy lang normal na buhay at pakikitungo namin. Nagsimba kami nang magkasama tapos umuwi na agad. Nasa bahay lang ako, samantalang siya naman ay umalis na naman. Nagtaka tuloy ako. May trabaho kaya siya? Paano kami mabubuhay kung wala? Dahil sabi ng parents namin hindi raw muna nila kami tutulunga financially para matuto kami.

Ngayon ko lang narealize na, wala pa pala akong masyadong alam kay Dice, at bilang asawa niya *cringe*, aminado ako na nagfail ako.

---

Kinabukasan, maaga akong gumising para pumasok. Nagluto na ako ng almusal namin. Iniwan ko naman ang ulam namin na nakahain sa lamesa at tinakluban ito. Kinuha ko ang bag ko at saka ang phone ko na nakacharge.

Hindi ko na kinatok si Dice dahil baka natutulog pa siya.

"Im leaving!" Pagpapaalam ko, umaasa akong narinig niya 'yon.

Lumabas na ako. Pagkasarang pagkasara ko ng pinto, nagtaka ako. Paano nga ulit ako makakapunta sa school? I have a bad sense of direction, and that's worse dahil kakalipat ko lang ng bahay. Ang tanging lugar na kabisado ko ay mula sa bahay namin hanggang sa school kaya ako nakakapaglakad papasok at pauwi. Sobrang stupid ko ba? Minsan nga nalilito pa ako kung saan ang kanan at kaliwa ko pero minsan lang talaga 'yon.

Nagsimula na akong maglakad, pero nasa hallway pa lang ako at hindi pa ako nakakababa ay bigla akong tinawag ni Dice.

"Hey, kid!" He shouted.

"Why?" I asked.

"Ihahatid na kita." Wow, bait mode?

Sinundan ko na lang siya papunta sa kotse niya na nakapark sa baba.

Habang papunta kami sa school ko, tinry kong imemorize ang mga dinadaanan namin. Ayoko namang maging perwisyo.

Gosh. Akala ko malapit lang pero mali pa ako. Mas malapit pala ang bahay namin nina Mama sa school ko.

Ibinaba niya ako sa tapat ng gate. Pero pagkababa ko ay biglang nahulog ang ilan sa mga gamit ko mula sa bag ko. Hindi ko pala ito naisara ng maayos. Pinulot ko muna ang mga ito, tinulungan naman ako ni Dice.

Bigla namang may nagflashback sa isip ko.Tumingala ako para manigurado.Ah! Siya nga 'yon! Yung nakabunggo ko last school year!

Nagtaka tuloy ako kung anong ginagawa niya 'don noong araw na 'yon. Pero bahala na.

Pumasok na ako sa loob ng gate dahil baka malate pa ako.

Lunch na. Kasabay kong kumain sina Erine at si Snow (kaibigan ko). Matagal ko nang kaibigan si Erine, simula pa noong junior high kami. Si Snow naman ay nakilala lang namin noong grade 11 kami.

"I know it's too late to ask this but, lemme ask na rin hehe since di naman natin napag-uusapan." Panimula ni Snow. "Anong nangyari sa summer vacation niyo?"

"Umm, I stayed at home." Sagot ni Erine. "Because I really hate it kapag natatamaan ng araw ang balat ko." Napangiti ako. That's something Erine would definitely do.

"Oh, you stayed home. What a pity, I went overseas." Kwento ni Snow. Sanay na ako sa pananalita niya kaya hindi na ako naiinis. Ewan ko lang kung ganoon din si Erine. "We went to Koreaaaa!"

"Ah, talaga." -Erine. "Sanaol"

"So, how about you, Shihan?" Tanong naman sa akin ni Snow.

"Sa Balesin kami nagpunta." Sagot ko.

"Ano-anong ginawa niyo doon?" -Snow

"We got marr—" Napahinto ako. Hindi ko pwedeng sabihin na kasal na ako! "Nagbeach, first time ko kasi magpunta doon."

"I can't feel your emotions, Shi. Sometimes, Im curious what's going on with you." Sabi ni Snow. Nagulat naman ako sa sinabi niya. She sounded like those girls na lagi akong pinagtsitsismisan.

"What did you say?" Naiirita na si Erine.

"What I mean is... Sometimes parang robot si Shihan, pero minsan madaldal din siya. Dahil sa pagiging tahimik niya, she's popular. Ginagamit lang ba niya 'yon to gain attention?" Pagpapaliwanag ni Snow. Ewan ko kung bakit, pero parang nag-iba ang ugali ni Snow ngayon. Hindi naman siya ganyan ka overboard dati.

"Bakit mo naman naisip yan, Snow?" Tanong ko.

"Forget it. Mauna na ako sa inyo ah." Sabi ni Snow saka nauna nang umalis sa amin.

"Why is she like that?" Naiinis na tanong ni Erine.

"Hayaan na lang natin siya, Erine." Sabi ko naman.

"Naiinis lang kasi ako, hindi naman siya ganyan dati." -Erine

"Baka stressed lang, intindihin na lang natin." -Me

"Tapos ka na bang kumain? Nawalan na ako ng gana." -Erine

"Ah, yes."

Umalis na kami sa cafeteria. Naglalakad-lakad kami sa malawak na field na tinatawag naming quadrangle nanh makita namin si Snow na may kausap na lalaki sa isang bench di kalayuan sa amin.

Pero maya maya ay biglang tumayo ang lalaki at lumapit sa amin. Naiwan naman si Snow sa bench na kinauupan nila kanina habang nakasimangot.

"Hi!" Sabi ng lalaki. Nakasuot ito ng salamin at medyo magulo ang buhok.

"Hello!" Sagot naman ni Erine.

"Do you remember me?" Tanong naman nito habang nakatingin sa akin.

Nagtaka naman ako. Wala kasi akong maalala

"No. Who are you?" Tanong ko..

Bigla naman niyang hinubad ang salamin niya saka hinawi pataas ang buhok.

"Sino ka rin ba?" Tanong nito. Napakunot ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Baliw ba 'to?

Wait. Ah, naaalala ko na! Hindi pala siya nababaliw, nirereenact lang pala niya 'yung ginawa niya noong nagkita kami sa Balesin!

"Oh, it's you!" Sabi ko. "Bakit ka nandito?"

"Matagal na akong nag-aaral dito, hindi mo ako kilala?" Gulat na tanong niya. "Ikaw kilala kita. Ikaw si Shihandra de Dios, you're popular, why wouldn't I."

"Yes, hindi kita kilala, sorry. Hindi kasi ako maalalahanin sa mukha." Pagpapaliwanag ko. "Btw, what's your name?"

"I'm—"

"He's Ciro Cuevas." Inunahan siya ni Erine.

(A/N: Ciro is pronounced as Chiro.)

"Kilala mo siya?" Tanong ko kay Erine.

"Oo naman, unlike you, matandain ako sa tao."

"Ah, oo nga pala. Hindi na ako nakapagpasalamat sayo noon. Thank you for helping me." Pagpapasalamat ko kay Ciro.

"You're welcome. Akala ko hindi ka talaga nagsasalita at all, Shihan." He paused. "You're famous for being quiet and also for being cute."

"Hindi kasi nagsasalita si Shihan kapag hindi niya gusto, saka hindi ka niya kakausapin kung hindi siya komportable sayo." Pagpapaliwanag ni Erine.

"Ganoon ba? Edi komportable siya sa akin?" Napangiti naman si Ciro.

"Wag assumero." -Erine.

"Oo nga pala, sobrang nacurious kase talaga ako. Yung lalaki bang kasama mo sa Balesin, is he really your husband?" -Ciro

Gosh. Sinabi nga pala ni Dice noon na im his wife! What to do? Mabubuking na ba ako?

"Shi, ano bang sinasabi niya?" Tanong ni Erine. Nako po. Anong idadahilan kooo?

Chương tiếp theo