webnovel

Chapter 36

I'm still sitting here sulking with the fact na tinanggap ni krystal yung flowers galing sa epal na yun.

I know di pa naman kami ni krystal and she have every right na magpaligaw sa iba.

But the situation is kind of different since she has feelings for me. Ibig sabihin she's not supposed to entertain those guys na nanliligaw or gustong manligaw sa kanya.

Di naman sa pagmamayabang pero andami nga gustong manligaw sakin after nilang malaman na wala na kami ni george but I didn't entertain them.

Kasi may gusto na ako.

Ayoko rin naman sa kanila so ano pa yung point ng pag-entertain ko.

Masyadong naoccupied yung isip ko ng pagkainis dun sa epal na yun at di ko napansin ang pagdating ni krystal.

She put the plate of strawberry cheesecake in front of me with oreo milkshake

I looked at it first then looked up to her.

"I didn't order anything" she went on the other side of the table and umupo sa chair "and what are you doing?" I asked her "work hours mo ngayon, you're not supposed to sit there"

Baka kasi nakalimutan niya na bawal makipag-usap sa customer while duty hours.

Pagalitan pa siya ng epal niyang boss.

"I order that for you" tukoy niya sa strawberry cheesecake na nasa harapan ko "It's your favorite, right?" She smiled at me

Psh. Sinusuyo niya ba ako?

"Kainin mo na. Nahiya ka pa eh" pabiro niyang sabi

Nakatitig lang ako sa kanya.

"Please, stop. Don't look at me like that" she said "Matutunaw ako niyan" dagdag pa niya

Ngiting ngiti siya sakin "ayieee...ngingiti na yan" she's teasing me

She laid her arms on the table as she signaled for me to take her hands. She wants to hold them.

I stared at it for a second. I sighed and put my hands on her hands. She held it firmly.

"Bakit nakasimangot ang mahal kong baby" she said it to me in her sweet voice.

"What does my baby want, hmm?" tanong pa niya

She's baby talking me.

Ayoko pa naman na binibaby talk ako. But it's krystal so okay lang haha

"I want you" totoo naman eh gusto ko siya hehe

"Aww, I know" she's caressing the back of my hands using her thumb "galit ka ba sakin?"

Bakit naman ako magagalit sa kanya. Naiinis lang ako sa epal niyang boss. Kahit wala siyang gawin ewan ko ba at naiinis pa rin ako dun.

Siguro dahil sa may gusto siya kay krsytal kaya ganito na lang nararamdaman ko.

I shook my head as a no "good. Now kainin mo na to" utos niya. She let go of my hands then she slightly push the plate towards me.

I looked at her. She rest her left hand under her chin while staring at me, smiling.

I started to eat the cheesecake.

Ang awkward naman kasi may nakatingin. Di pa rin kasi naalis yung paningin ni krystal sakin.

"Stop staring" I said while chewing the food

"Don't mind me. Kumain ka na lang kasi diyan" sabi niya

"Naiilang ako" pag-amin ko. Naiilang talaga kasi ako eh "don't stare at me while eating please"

She just smiled at me.

I can feel my face getting hot.

"are you blushing?" I can tell that she's teasing me and she definitely likes it.

"No, I'm not" agad ko namang tanggi

"Asus. Tanggi ka pa eh. Kita na nga oh" ayaw niya talaga akong tantanan

"Why you're here ba? Sige ka pagalitan ka ng boss mong epal" pananakot ko sa kanya

Pero parang wala lang din yun sa kanya. Siyempre bakit siya matatakot eh may gusto yung boss niya sa kanya. Malakas siya dun tss.

"Half day ako ngayon" sabi niya

"Bakit?"

"I have to take care a baby kasi" ayan na naman siya sa ngiti niya "ayieeee, baby ko siya"

Siraulo to ah.

Sinabayan ko nga ang pang-aasar niya sakin.

"Ayieee, love ko siya"

Kung kanina nakangiti siya ngayon napalitan yun ng parang nagulat na mukha

"Love mo ko?" tanong niya

"Hmm-mm" tanging sagot ko habang humihigop ng milkshake

She smiled again "I love you too"

Bigla naman akong nabilaukan "babylove are you okay?" rinig kong tanong niya sakin. Naubo pa rin ako.

"Wait lang. Kuha lang ako tubig"

Agad siyang pumunta ng counter para kumuha ng tubig. Dala na niya yung tubig pagbalik saka yun iniabot sakin.

Hinihimas niya ngayon yung likod ko habang nakaluhod sa gilid ko.

"Okay ka na ba?" nagthumbs up naman ako sa kanya senyales na okay na ako

"Dahan-dahan lang kasi sa pagkain" paalala niya

"Y-yung sinabi mo?" Di ko pinansin yung sinabi niya instead nagtanong na lang ako sa kanya

"Anong sinabi ko?"

Tuminigin ako sa kanya "y-yung..."

"I love you too?" tanong niya. I nod my head.

Kung kanina nasa likod ko yung kamay niya na humihimas sakin, ngayon nasa mukha ko na yun.

She's caressing my cheek using her thumb

"I love you" she carefully said it to me "believe me, I do" dagdag pa niya

Wow. I didn't expect na sasabihin niya yung mga salitang yun.

I was about to say something when I heard someone clears his throat from behind.

Pareho kaming napalingon ni krystal sa taong yun and guess who

"Sir mark" tawag ni krystal sa kanya habang patayo. Napairap na lang ako ng mata saka tumalikod sa kanila.

"Akala ko ba half day ka ngayon" tanong nung epal

Diba epal talaga siya. Palagi niya kaming iniistorbo ni krystal. Katulad na lang ngayon. Bakit ba kasi nagstay pa kami dito.

"Half day nga po ako" sagot naman ni krystal

"Eh bakit andito ka pa?" tanong niya ulit "gusto mo ba hatid na lang kita sa inyo" tss

"Ah wag na sir!" Tanggi niya kay epal "Actually hinihintay ko lang matapos si thea kumain then alis na din kami" sagot naman ni krystal

"Ganun ba" tinangoan lang siya ni krystal while bahagyang nakangiti "sige" at umalis na nga yung epal sa area kung saan kami banda saka nagtungo sa isang kwarto. Malamang office niya yun.

Bumalik na si krystal sa inuupuan niya kanina.

"C'mon ubusin mo na yan" kung makapag-utos talaga to

"Eto na. Mabulunan pa ako ulit eh" napatawa naman siya

"May pupuntahan pa kasi tayo" sabi niya na nagpa-angat ng aking ulo.

"Saan?" nacurios naman ako kung saan kami pupunta. Wala naman kasi kaming usapan na magdate.

"Basta. Ubusin mo muna yan" napailing na lang ako ng aking ulo.

Pagkatapos kong kumain ay binayaran na ni krystal lahat ng yun. Nung una nakipagtalo pa ako sa kanya na ako na magbabayad since ako naman ang kumain. Eh ayaw niya rin magpatalo. Siya na daw magbabayad dahil siya naman daw umorder at nagbigay nun sakin.

Kaya ayun hinayaan ko na lang na bayaran niya. Di kami makakaalis kung makikipagtalo pa ako sa kanya.

Nagpaalam kami pareho kay dian pati na rin kay jim na kakarating lang.

Sakay kami ngayon ng scooter ko pero siya yung nagdala nun imbis na ako since siya naman kasi may alam kung saan yung destinasyon namin.

Masaya sana yung ride kung fresh yung hangin kaso hindi eh. Pero okay na din yun atleast kasama ko naman ang mahal ko. I put my arms around her waist then rest my chin on her shoulder. I'm enjoying this.

Ilang minuto din ang pagdrive niya ng makarating kami sa...

sementeryo?

Bakit kami nandito?

Chương tiếp theo