webnovel

The Parents

"Showbusiness. Wow. What you really want is what you really get, ano, Sandreanna?"

Bumaba ang tingin ko sa paanan ng aking paa nang marinig na magsalita si Mommy. Umigting ang aking panga para pigilan ang sariling kumalaban sa kanila. It's full of sarcasm kahit na narinig ko siyang tumawa sa bandang huli.

"Isang taon. Isang taon mong tiniis na hindi umuwi sa atin. Isang taon kang hinintay ng mga kapatid mo. Tapos malalaman namin, nag-artista ka pa lang walang hiya ka?!"

Napaangat ako ng tingin nang marinig na magsalita si Daddy. He was looking at me intently at kung hindi yata nakahawak si Mommy sa balikat niya, baka kanina niya pa akong nilapitan at sinampal.

"I've been in this industry for months already, tapos bigla kayong magpapakita sa akin para ano? Para guluhin ang tahimik kong buhay?"

I saw how they got taken aback with what I said. Maski ako, nagulat din sa sariling sinabi. Holy mother of monkey, Sandreanna! You just talked back to your own fucking parents! Is that even an achievement? Fuck it, Sandreanna Millicent!

Seconds of silence and in depth internalization of what I just said, Mommy broke the silence. She cleared her throat and straightened her posture, just like what she always do.

"Aba't-"

"Calm… down... Bernardo."

Pinigilan ni Mommy si Daddy sa akmang paglapit sa akin. She remained calm, without breaking her stare at me. Kahit may distansiya mula sa akin, visible sa aking mata ang kumikibot-kibot niyang ugat sa noo, gumagalaw na panga, at mariing tingin sa akin.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa puwesto ko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. The last time I saw her, nagulat ako sa inakto niya sa akin. Kalmadong tao si Mommy and never niya pa akong sinaktan. But she can be cruel sometimes, just like how she watched while Daddy's hurting me. She may be calm outside but she's the cruelest person I've ever met in my life inside. Titirahin ka niya sa mga salita.

Sinubukan kong pantayan ang tingin ni Mommy pero sa sobrang seryoso nito, para akong napapaso. Para bang may invisible laser from her eyes that's why the longer I stare at her, the painful it gets.

She stopped midway and I don't know if it gives my heart a time to breathe o mas lalo akong kakabahan sa mga salitang lalabas sa bibig niya.

"Is this an act? Is this part of your script? Or is this what that Freud Sigmund Lizares taught you?"

What?! How… did they know about him? Oh, fuck, yeah! Your parents aren't cavemen, Sandreanna. Kumalat nga halos sa lahat and that's way too impossible na hindi makarating sa kanila.

Matinding paglunok ang nagawa ko dahil sa naging tanong ni Mommy. Nagulat ako. Bakit nasali sa usapan na ito si Siggy? She's talking about Siggy, right? Freud Sigmund Lizares… that's my boyfriend's name.

"Anong kinalaman ni Siggy dito?"

Mom chuckled and that became the cue Dad was able to advanced to me to give me a hard slap!

Fucking ouch! Holy mother of monkey! Damn it, ang sakit!

Napahawak ako sa pisnge kong nakatanggap sa malakas na sampal ni Dad. Hindi agad ako nakabawi ng gulat. Nanatili ang tingin ko sa side kung saan napalingon ang ulo ko nang sampalin ako. Fucking ouch!

"Sa lahat talaga ng ikakalantari mo, ang anak pa talaga ni Gabriel Lizares, ano?"

Gusto kong maluha dahil sa sakit pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Dahan-dahan akong lumingon at sinalubong ang matalim na tingin ni Daddy sa mismong harapan ko. Mas lalong umigting ang panga ko para lang pigilan ang sarili.

"What about him? Bakit ba nasali sa usapang ito si Siggy? Ano bang pakialam ninyo sa kaniya?"

Natatawang umiwas ng tingin si Daddy sa akin. Nakaririndi ang tawang ginawa niya. There's no humor to it. Mom remained calm, maintaining the distance away from me.

"Nagtatanong ka pa talaga kung bakit nasali sa usapan ang Lizares na iyon?" sigaw ni Daddy.

Dumagundong ang sigaw niyang iyon that I had to close my eyes kasi feeling ko may dadapo na namang panibagong sampal kapag hindi ako pumikit. Damn it!

"Siggy's out of this. Bakit ba kasi kayo nandito? I am fine. I am fucking fine away from your family."

"Bullshit!"

May dumapong panibagong sampal sa parehong pisnge na dinapuan niya rin ng sampal kanina. Nagngangalit na ako sa galit. Hindi puwedeng ganito na lang palagi!

"I can sue you with what you've done, Dad!" asik ko sa kaniya.

"Look at your daughter, Cindy! Naging artista lang, sumasagot na. Where is your respect, Sandreanna? Hindi ka ganiyan! Masiyado mong sinasamba ang mundong ito na kapag namali ka ng control ay biglang mawawala ng parang bula!"

I clenched my fist and almost dug my own nails to my skin. Ako pa talaga ang mali ngayon?

"Kumalma ka, Bernardo. 'Di ba ang sabi ko, ako ang kakausap sa kaniya?"

Dad and Mom exchanged meaningful stares with each other until Dad dead broke it and said "Fine! Ikaw ang kumausap d'yan sa anak mong naging mayabang na."

Tumalikod si Daddy at padabog na naupo sa kama ko para magsindi ng sigarilyo. Nabaling ang tingin ko kay Mommy na seryoso pa ring nakatingin sa akin. Para na nga'ng walang emosyon ang tingin niya. Para itong blank stare, hindi mo malaman kung para sa mabuti o hindi ang susunod na gagawin o sasabihin niya. Kinakabahan ako and this is not good.

Kailangan na bang tumalikod ako at takbuhan ulit sa pangalawang pagkakataon ang wrath ng parents ko? O haharapin ko na ito ngayon? Maging palaban ka naman, Sandreanna. Kahit para sa sarili mo na lang at sa kinabukasan na mayroon ka.

"So… that rapist helped you get up after you ran away from us?"

"Come again, Mom?"

"Cindy?!"

"Binahay, pinakain, binigyan ng pera, pinag-aral, ibinigay ang lahat ng luho, at ano pa, Sandreanna? What else did that rapist provided you?"

"What did you say, Mom?"

"Anong kapalit ng lahat ng ibinigay niya? 'Yang katawan mo ba?"

"Mom, what rapist are you talking about?!"

"Tell me, Sandreanna, did that guy raped you?"

"Ano bang pinagsasasabi mo, Mommy?! What rapist?!"

"That Freud Sigmund Lizares is a fucking rapist, Sandreanna! He raped his own cousin!"

"W-What?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Mommy's bluffing for sure, she is hundred percent bluffing.

"You're kidding right? This isn't a good joke to start with, Mommy. Anong… Anong rapist ang sinasabi mo? H-Hindi ganoon si Siggy, Mom. He's a good guy and he'll never do that to anyone, not with his own cousin!"

Tumalikod ako. This talk is super nonsense and it's getting nowhere.

Pero hindi pa tuluyang nakatalikod, padarag na akong pinabalik ni Mommy sa kaninang puwesto ko, paharap sa kaniya, at patalim akong tiningnan.

"Hindi mo na dapat nalalaman 'to pero sa kadahilanang kailangan naming protektahan at ilayo ka sa pamilyang iyon, kailangan kong sabihin ito. Maupo ka, sasabihin ko sa 'yo ang dahilan kung bakit kailangang lumayo ka sa lalaking iyon."

Padarag akong pinaupo ni Mommy sa malapit na couch. Gusto kong tumayo pero nanghihina ang katawan ko na pati ang paghinga ay parang hindi ko kaya. Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko ito gusto. Naiiyak na ako. Please, tama na.

Gusto ko ring lingunin si Daddy pero mas pinili kong tingnan si Mommy. Ayokong marinig kung anong sasabihin niya pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay nakaupo pa rin ako at hinihintay siyang magsalita.

"Your Ninong Nicholas is Gabriel Lizares' twin brother. Herd Lizares is their cousin. But that relationship of them didn't take long when Gabriel's fourth son touched Herd's daughter, Aly. Nagkagalit silang magkapatid dahil sa ginawang iyon ng anak ni Gabriel. That broke the Lizares. This was kept from the public because this is a family matter but I am telling you this now para malaman mo kung anong klaseng tao ang sinamahan mo."

What the actual fuck did I just hear? What the fuck?!

Umiwas ako ng tingin kay Mommy at umiling-iling, hindi kayang i-rehistro ng utak ko ang narinig. Para na rin akong kakapusin ng hininga, hindi makapaniwala sa lahat ng ito.

"That's not true! Hindi ganoong klaseng tao si Siggy! He's a family man and he can't be like that!" I shouted.

"You can ask your Ninong Nick about it. He will surely tell you everything."

I don't want to judge but Krane's more capable of doing it than Siggy. He's the most innocent and softest guy I've ever met! But…

"No! Hindi 'yan totoo! You're making it up so that I will stay away from him."

"I did not make this one up, Sandreanna. And yes, I am telling you this to stay you away from that guy. He's no good for you. You don't deserve that kind of guy. Bakit? Maaatim mo bang pakisamahan ang taong gumahasa sa sarili niyang kadugo?"

Kinakabahan na ako. Hindi ko na ma-control ang sarili ko. Gusto kong maniwala sa sinabi ni Mommy pero may parte sa akin na dapat ko munang tanungin si Siggy tungkol do'n. That can't be true. He can't do that. He will never.

"Bakit? Alam mo ba ang tungkol sa istoryang ito at ganiyan mo ipagtanggol ang lalaking iyon? Tell me, Sandreanna, you knew about this one?"

I looked away and my lips tremble as I say "N-No…"

"'Yon naman pala! Hindi mo pala alam ang lahat pero kung ipagtanggol mo ang rapist na iyon ay parang alam mo na. Anak ka namin, Sandreanna, gagawin namin ang lahat malayo ka lang sa pahamak. Sinasabi namin sa 'yo to para ilayo ka sa kaniya."

"I don't believe you…" I whispered as I continued chanting it inside my brain. I don't believe you. I don't want to believe you. I don't…

"Gusto mo ng katibayan? Mentioned this story to him and see for his reaction. See for yourself, Sandreanna."

"Cindy, stop it."

"What, Bernardo? You want me to stop her from seeing that Lizares guy, right? I am doing what is right and she needs to know."

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko't hindi ko na alam kung anong iniisip ko. Masiyadong maingay ang parents ko. I want to know the truth. I don't fucking know what I'm thinking now. I think I am going insane!

Nang marindi sa mga boses ng magulang ko, tumakbo ako palabas ng room ko. Dire-diretso, walang preno. Binalewala ang tawag nila sa pangalan ko. Humihikbi akong umalis ng condo building ko. Agad akong pumara ng taxi at sinabing magpapahatid ako sa address ng penthouse ni Siggy.

Nanginginig ang kamay ko habang nakasakay sa taxi. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nalamang impormasyon. Sobrang imposible. Hindi magagawa ni Siggy 'yon sa sarili niyang kadugo!

With the extra key I have, I opened the penthouse only to see an empty place. There's no sign of him or any human being. Lumabas ako ng penthouse at sumakay ng lift pababa sa basement parking. Nagbabakasakaling makita ang kotse niya roon.

As I was waiting for the lift to open, tinawagan ko ang phone niya. But to my frustration, ring lang ito nang ring. Walang sumasagot. Hindi siya sumasagot!

Damn it, Sandreanna! Gusto kong balibagin ang phone na hawak ko pero kailangan kong kumalma! Damn it, Sandreanna, take it easy!

Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng basement parking pero hindi ko rin nakita ang kotse niya. Inis na inis na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit tila ako'y nagmamadali na malaman ang katotohanan.

Bumalik ako sa main entrance ng building. Nagtanong ako sa may reception area ng building. Nagtanong ako kung umalis ba si Siggy Lizares. She doesn't know daw kasi hindi raw dumadaan 'yon dito sa lobby. Usually, doon lang sa basement parking dumadaan 'yon. And she has a point! Sana pala tinanong ko 'yong security guard sa ibaba kung anong oras umalis si Siggy! Sobrang tanga, Sandreanna!

But there's no use of coming back. Lumabas na lang ako ng building. Pinakalma ang naghuhuramentado kong puso.

Para akong hinabol ng maraming kabayo, pagod na pagod. Umupo ako sandali sa sementadong bakod ng isang magandang bush at ipinagpahinga ang puso ko.

Natigil na ang luha ko pero parang gusto kong umiyak ulit dahil sa naalala ang mga salitang sinabi ni Mommy kanina.

Kalma lang, Sandreanna! Kailangan mong marinig ang side ni Siggy!

"I'm sorry…"

Napatingala ako sa harapan ko nang biglang may lumapit sa puwesto ko. Nagulat pa ako nang makita ang mukha niya.

Nagpakurap-kurap pa ako ng mata to composed myself. Fuck, surprises!

"For what?" kalmadong tanong ko, umiwas na rin ng tingin.

"For scaring you that night. For chasing you. For everything."

Mapakla akong napangiti nang mapagtantong nag-sorry ang isang Krane Lizares sa harapan ko. Himala. Isang malaking himala nga!

"When did Krane Lizares learned how to say sorry?" I said sarcastically.

He remained standing few inches from me. Nanatili rin akong nakaupo, nakatingala na sa kaniya. I already composed myself. Feeling fine. Feeling at ease but not in total peace.

"Since I realized you're not coming back after you've ran away, Sandi." Umupo siya sa tabi ko dahilan para mapa-iwas ako ng tingin. Marahan akong napapikit dahil sa naging sagot niya. "What are you doing here? It's basically the middle of the day, Sandi? Bakit ka nagpapa-init? 'Di ba ang mga artista hindi dapat naiinitan nang ganito?"

I scowled and stood up. Siya naman ang nakatingala sa akin ngayon. "Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Paano mo ako nahanap?"

He sighed and rested both his elbows on his knee cap, and rested his chin on his knuckles. "Tita Cindy said to look after you. Umalis ka na naman daw. Hula niya pinuntahan mo si Siggy. And I guess mothers knows best." He put a little chuckle on it but I am not impressed enough para sabayan siya sa mahinang tawang ginawa niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-biglang susulpot si Krane sa harapan ko para humingi ng sorry at ngayon sasabihin niyang inutusan siya ni Mommy na sundan ako? What the hell is going on?

Nanatiling naka-iwas ang tingin niya. Mas mariin akong napatingin sa kaniya. Weighing myself if it's right that I should ask him about what I just knew. Pero paniguradong may alam siya. Isa siyang Lizares. Lizares na konektado sa Lizares Sugar Corporation ng aming city. What the hell!

"Krane, sabihin mo nga sa akin ang totoo… totoo bang ginahasa ni Siggy ang pinsan n'yo?" diretsahang tanong ko.

Dahil titig na titig ako kay Krane ngayon, kitang-kita ko ang changes sa expression niya. He was in shock. And it seems like he don't know what to do.

"H-How did… Ho-How did you know? Sandi, how did you know?!" Dahil sa gulat, napatayo pa siya nang itanong sa akin 'yon. Nilabanan ko ang bawat tingin niya kahit na nakatingala na ako sa kaniya because of the height difference.

"Mom said. And I don't know why did Mom say that, Krane. Wala akong pakialam kung sinabi niya. Ang gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi ni Mommy? Totoo bang nangyari iyon sa pamilya n'yo, Krane?"

Para na naman akong maiiyak. Hanggang ngayon, ayaw tanggapin ng utak ko ang nalaman ko. Siggy's not that kind of person. He will never do that!

Matagal akong tinitigan ni Krane. Hindi ako nagpatalo, nilabanan ko ang intensidad ng kaniyang tingin. Pero hindi ko nga lang napigilan ang sarili kong ibagsak ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Naiinis na ako! Hindi ko gusto ang ganitong klaseng pakiramdam! Bakit kailangang bulabugin ang buhay ko ng ganito?!

"Krane, ano ba!"

"Y-Yes, Sandi. Y-Yes… h-he d-did it."

Holy mother of monkey!

Napaupo ako sa kinatatayuan ko at sinubukang saluhin ang bumabagsak kong mundo. Fuck, that's fucking impossible! Hindi magagawa ni Siggy 'yon. Not my Siggy!

I felt Krane's comfort to me pero patuloy na bumagsak ang mundo ko, ang mundo kong kasama si Siggy Lizares.

"That was a family secret. I don't know why Tita Cindy told you that but I think it is for your own good, Sandi. For your own good."

"How can I believe you, Krane, if I just knew that your dad, my Ninong Nicholas is Gabriel Lizares, the fucking owner of Lizares Sugar Corporation's twin brother?! You lied, Krane."

"We needed to lie just to cut our ties with the ill-fated family, Sandi."

Hindi ko pinakinggan ang pinagsasabi ni Krane. I was so devastated! I want to know the truth from Siggy himself but now that Krane told me about that, I guess I lost my energy on facing him. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.

I remained sitted and cried myself out. Until Krane was successful enough to convince me to have a lunch somewhere here in BGC.

I was like a zombie. Walang gana sa lahat ng ginagawa. Mabuti na lang at nasa huwisyo ako para batiin ang iilang taong nakakilala sa akin sa resto na kinainan namin ni Krane. I also gave them the opportunity to have a photo with me. But I am dead inside. Really dead.

Masakit na ang ulo ko, gusto ko nang magpahinga. Kaya nang matapos ang lunch, agad akong nag-aya na ihatid niya ako pabalik sa condo ko. I didn't even questioned why he knew the address. I must have said it earlier. I just forgot lang. Ewan. Wala na yata sa katinuan ang utak ko.

Umuwi ako ng condo only to find out that my manager and my family are still here. They were silent nang makarating ako. Hindi rin sila nagtanong kung bakit kasama ko si Krane. For sure, alam na rin naman nina Mommy at Daddy 'yon.

"Now, you wanna talk about coming back to us, Sandreanna?"

I stared at Mommy's face. I clenched my jaw, trying to mask up the deep well alike I am thinking. I looked away and slowly nodded.

Wala na yata ako sa katinuan.

~

Chương tiếp theo