webnovel

The New Year

I hugged Yara the whole night while crying myself to sleep.

I never thought my little sister misses me that much. Sa dami ng iniisip ko, sa galit ko sa mga magulang ko, hindi ko c-in-onsider ang mararamdaman ng mga kapatid ko. Nang panahon kasing iyon, mas gusto kong ilayo ang sarili ko sa sakit na matagal ko nang nararamdaman under our parents.

Before I slept that night, I left Dahlia a selfie of me and Yara and a short message saying:

Ako:

Daling! Ate's fine. Don't worry about me. Merry Christmas and I miss you too. Love you. Yara's here with me na. Thanks for this.

Pero kinabukasan no'n, niratratan ako ng messages ni Dahlia. She even added me on my Facebook account, kung saan ko siya na-message.

Hindi na ako masiyadong nakipag-communicate sa kaniya. Knowing Dahlia, hindi talaga siya mahilig humawak ng phone kaya kung mag-reply man ako sa mga messages niya, paniguradong hindi rin niya agad mababasa. Mabuti na 'yong alam niyang okay ako at alam kong okay din sila. They're doing good… without me.

Matapos ang Pasko, inabala ko na lang ang sarili ko sa part-time ko sa coffee shop ni Nigel, the classmate and friend I'm talking about who owned the coffee shop nearby na nag-offer sa akin ng part-time.

Everyday akong naka-duty dito starting no'ng Christmas vacation. Parang hindi na nga part-time sa akin 'to, e. Parang full-time na kasi eight hours a day, sometimes nag-o-overtime pa, ang duty ko.

"Ano, Sand, pupunta ka mamaya sa gig ng Mikaneko? Kulit nang kulit sa akin si Nesto, punta ka raw."

Naglilinis ako ng cashier counter nang lumapit si Nigel sa akin, the owner of the shop. Panandalian ko siyang tiningnan at napailing na lang dahil sa naging tanong niya.

I sighed and looked up to Nigel.

"Sige na, sumama ka na. Manunood kami nina Dina mamaya," dagdag pa na sabi niya.

"Bakit ba gustong-gusto makita ni Nesto ang presensiya ko sa gig nila? Kahit naman hindi ako manood, nakasuporta naman ako sa banda nila," dinaan ko pa sa birong sabi ko. Napatigil na rin sa ginagawang pagpupunas ng counter.

"Duh, 'di ba mag-bestfriend kayo ni Mikan? At saka, 'wag ka, alam kong hindi ka pa nakakapanood ng gig nila. Kung hindi pa yata sila nag-perform no'ng lantern parade, baka hindi mo pa makita, ano? Tama 'di ba?"

"Duh rin, nakapanood kaya ako. Online. Youtube."

"Iba naman kasi kapag personal at online 'no. Nood ka na kasi. Mag-i-early closing ako mamaya para makapunta tayo."

"Fine. Pupunta naman talaga ako. Mabuti pupunta rin kayo para may kasama ako."

"Nice!"

Nakipag-apir si Nigel sa akin at agad din namang umalis sa harapan ko para puntahan naman ang kitchen.

Lumipas ang ilang oras, maagang nagsara ang coffee shop ni Nigel. Wala na rin naman masiyadong customers dahil nga bisperas ng bagong taon ngayon, obviously, busy ang lahat.

Umuwi muna ako ng penthouse to change some clothes at nagkasundo lang ni Nigel na sa coffee shop niya na lang ako maghihintay since makiki-hitch ako sa kaniya papunta sa venue no'ng New Year Countdown Celebration ng isang sikat na network.

I wore a Sun-Kissed Denim Overalls and a Bloody Moonlight Shirt inside the overalls. Milk punch triple layer sneakers and heart socks for the foot wear and glitter dotted red bow hairband. I look cute, I know. Nagdala na rin ako ng isang maliit na chain bag that I recently bought online para may mapaglagyan sa mga stuffs ko like phone, press powder, alcohol, and some cash.

Naka-red ako ngayon kasi New Year, heller. At saka ako lang 'yong naging mahirap na maganda pa rin, mukha pa ring mayaman.

At oo, lahat ng gamit na mayroon ako ngayon ay galing lahat sa pera ni Siggy. He insisted na bumili ako since wala na nga'ng damit na naiwan sa akin bilang kinuha nga ng mga hoodlum kong mga magulang ang lahat ng gamit na mayroon ako sa dati kong apartment. I really owe it all to Siggy. Swear.

Pagkarating namin sa venue, jampacked na ang tao at nagsisimula na rin ang event with some acts coming from different artists and bands.

Hinayaan ko ang mga kasamahan ko na maghanap ng magandang puwesto. Kasi kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong sa malayo pero naririnig ko pa rin ang boses niya.

Nagmistulang music festival ang nangyari. Masaya ang lahat. Ang iba ay matiyagang nag-aantay sa mga idols nila. May iba naman na katulad namin ay nandito lang para makapakinig ng mga songs from the various artists na kilala namin. Although, we're here actually for Mikaneko alone lang.

Third to the last act yata ang Mikaneko kaya medyo matagal-tagal pa. While waiting for them to come out, kumain na rin kami sa mga nearby food stalls and bumili na rin sila ng iilang alcoholic drinks since allowed naman pala 'yon dito. San Mig Light lang 'yong pinabili ko kasi 'yon lang talaga ang gusto ko. This time, flavored na ito.

Ang sarap sigurong maging artista 'no. 'Yong tipong kahit saan ka magpunta, importante ka at ituturing kang importante. Hindi ka pababayaan, hahangaan ka, pagsisilbihan ka. Gustong-gusto ko talagang maging artista hindi dahil privileged ako kung nasa ganoon akong platform, kundi ito talaga ang pangarap ko no'ng bata ako. Gusto kong kumanta, gusto kong sumayaw, gusto kong um-acting, gusto kong gawin ang kahit anong makapagpapasaya sa akin.

Ilang oras na pananatili sa venue, sa wakas ay isasalang na sa stage ang inaabangan talaga namin. Nag-aayos pa lang ang banda sa mga instruments na gagamitin nila pero grabe na ang sigawan ng mga taong nandito sa venue. Nag-s-sound check pa lang sila pero china-chant na ng mga fans nila ang pangalan ng kanilang banda. Mayroon namang ang mismong pangalan ng each member ng banda ang isinisigaw nila. Maski ang mga kasamahan ko, isinisigaw na rin ang mga pangalan nila.

Mikan. Auwi. Nesto. Koko.

Hindi rin naman kasi maikakaila. Bukod sa talentong mayroon sila, mga guwapo nga naman silang apat. May itsurang kayang ibuga sa kahit na sino man. Walang patapon kumbaga.

Humigpit ang hawak ko sa bote ng San Mig Light nang marinig ko ang boses ni Mikan na nagsalita sa microphone. Mas lalong nag-ingay ang lahat at mas lalo akong naging proud sa kaniya bilang bestfriend niya.

Matapos ang maliit na intro ni Mikan, agad ding nagsimulang tumugtog ang banda nila. Tutugtugin daw nila ang trilogy nila na kanta: Umaga, Tanghali, Gabi. Those songs were interconnected with each other. Parang sa libro or movie, trilogy, ganoon.

Umaga tackles about how their lovestory started, how they met, etc. Tanghali is the continuation of their lovestory, kung gaano kasaya ang lahat between the two of them, it's parang them against the world no matter what. While Gabi is the dead end of it all, ito 'yong nag-justify na hanggang doon lang talaga ang kanilang pag-iibigan at kahit anong gawin nila, hindi na ito maibabalik pa sa Umaga.

This trilogy of them is the kakaiba of all. Biro might be their first single that has been released since their debut pero ang Umaga, Tanghali, Gabi lang ang nagkaroon ng music video of their songs. May mga upcoming naman pero itong tatlo pa lang talaga ang music video na mayroon sila. And it's so star-studded dahil sikat na mga artista ang kinuha nila to be in those music videos. Kasali na ro'n si Ate Teagan at ang sikat na sikat ngayon na si Beatrix Gallardo.

Back at it again with their live performance, everyone almost sang with them. Mas naririnig ko pa nga ang boses ng mga tao kaysa ang mismong boses ni Mikan.

Grabe ang naging kasikatan nila. Imagine, this year lang sila nabigyan ng pansin pero sunod-sunod na projects and gigs ang natanggap nila. Bali-balita rin na magkakaroon na sila ng second album. Tapos nagawa pa silang i-line up kasama ang mga sikat na personalidad sa bansa sa countdown na ito. Grabe talaga.

Matapos ang trilogy song nila nag-cover naman sila ng songs ng mga legit na sikat at legendary OPM bands. Kinanta rin nila ang Silvertoes ng Parokya ni Edgar, Martyr Nyebera ng Kamikazee, at Alapaap ng Eraserheads.

I shout at the top of my lungs as I sang with them. Sumabay ako since I knew the song very well, lalo na ang Alapaap. Idol na idol ko kaya ang Eraserheads.

Dahil sa sunod-sunod na pagha-hype up ng mga songs, kinailangan pang pakalmahin ang crowd bago nakapagsalita si Mikan.

"Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta ninyo sa Mikaneko. Asahan n'yo pong marami pa kayong aabangan sa bandang ito…" nagsigawan ang lahat, hindi pa lang natatapos ang pagsasalita ni Mikan.

Grabe the power of fans jud oy.

Natatawang pinakalma ni Mikan ang crowd bago nagpatuloy.

"Para sa aming huling kanta… ito, first and exclusively ay dito niyo lang maririnig. Pasilip ito sa aming pangalawang album-"

His talk got interrupted again with loud chantings and shouting. Na-excite siguro sa sinabi ni Mikan. Grabe talaga ang mga fans nila.

"Our first single for our second album… Millie."

What?

I literally froze when I heard Mikan said the title of their song. Gusto ko sanang magkamali but the title itself flashed on the gigantic screen behind them. Millie.

Millie by Mikaneko.

"Sabog na sabog ang puso ko pagdating sa 'yo

Awit ang pagka-torpe kapag ika'y kaharap ko

Nothing's gonna stop, sabi nga ng kanta

'Di na yata talaga mapipigil pa

Reklamo ng puso kong dapat ay umamin na sa 'yo

Ewan ko ba

Ako'y nag-aalinlangan

Na sa 'yo'y magtapat

Nawawala ang lakas ng loob

Ako ba'y takot lang ma-busted?

Mali bang ikaw ang inibig ko

Ikaw ba'y dapat na limutin ko

Lagi ako sa 'yo'y barado

Lagi ako sa 'yo'y sarado

Ikaw ba'y para sa iba

Ewan ko, 'wag naman sana

Me is into you

Is that not clear pa rin ba with you

Ligaw-tingin ako ng ilang taon

Ligaw-tingin pa rin ba hanggang ngayon?

snob-in na lang ba

Can't it be considered

Even just for a minute

Naninibugho na talaga

Tulak ng damdamin 'pag ito'y hindi na talaga napigilan.

Mali bang ikaw ang inibig ko

Ikaw ba'y dapat na limutin ko

Lagi ako sa 'yo'y barado

Lagi ako sa 'yo'y sarado

Ikaw ba'y para sa iba

Ewan ko, 'wag naman sana

Pinilit kong kalimutan ka

Remember when I closed my door to you

Iniwasan ka't tinalikuran

Eradicated my feelings for you

Tunog gago

Oo, gago nga yatang talaga

Sa 'yo'y ako'y babalik din pala

Mali bang ikaw ang inibig ko

Ikaw ba'y dapat na limutin ko

Lagi ako sa 'yo'y barado

Lagi ako sa 'yo'y sarado

Ikaw ba'y para sa iba

Ewan ko, 'wag naman sana

Hindi na ako magpapaka-torpe pa

Ito na, ako'y aamin na

Nandito ako sa 'yong harapan

Onting tiis na lang at ito'y sasabihin na

Lista mo lahat ng sasabihin ko

Aaminin ko na talaga

Na mahal na mahal kita

Mali bang ikaw ang inibig ko

Ikaw ba'y dapat na limutin ko

Lagi ako sa 'yo'y barado

Lagi ako sa 'yo'y sarado

Ikaw ba'y para sa iba

Ewan ko, 'wag naman sana…"

After that, Nigel and others said na puntahan daw namin ang backstage, kung saan ang Mikaneko. I was so blown by the song na tumango na lang ako't sumama sa kanila.

Nagpakaladkad ako kay Dina. Pero sa totoo lang, lutang na lutang pa rin ako. Naiiwan sa tenga ko ang lyrics ng kanta, pati mismo ang tono nito. It's catchy pero like the Mikaneko trademark, the lyrics itself is sometimes the pain in the ass.

Nabuhay lang yata ang ulirat ko nang marinig ko sa malapitan ang ingay na galing sa stage at iilang ingay sa paligid ko. Legit talaga na nasa backstage kami.

"'Di ba sabi ni Nesto, after nila puwede na silang umalis? Tawagan mo si Nesto, baka nakalimutan na niya tayo," narinig kong sabi ni Tim.

"Teka, guys, anong ginagawa natin dito?" Hindi ko na napigilan ang magtanong sa kanila. Napalingon silang lahat sa akin, 'yong iba nagtaka pa, at 'yong iba naman ay natatawa na.

"Nag-aya kasi si Nesto na sumama raw tayo sa New Year party nila. Wala naman sigurong naghahanap ng pamilya rito, ano?" sabi ni Dina.

Hindi na ako naka-angal. Total, nandito na naman ako kaya might as well sumama na talaga sa kanila. Wala rin naman akong ginagawa. Kaysa naman na mag-isa lang ako sa penthouse, sasama na lang talaga ako.

Nesto invited us inside their tent. Apat lang naman kami: Me, Dina, Nigel, and Tim. Kaonti lang naman talaga ang tao sa loob, mukhang mga staffs lang yata, at sabi ni Nesto, nang makapasok kami, na they're really expecting us.

And the first time, since forever, nakita ko nang malapitan ang mukha ng sarili kong bestfriend. He was holding a bottle of beer and was about to drink it when he saw me. Hindi natuloy ang gagawin niya sana at gulat na napatingin sa akin.

Unti-unti akong kumaway sa kaniya at ngumiti.

"Happy new year," sabi ko habang naka-plaster pa rin sa mukha ko ang ngiti, malapit na ring maluha dahil sa pagiging emosyonal.

Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. Nailapag na sa kung saan ang hawak niyang bote ng beer kanina. Natawa na lang ako kahit gustong-gusto ko nang maluha. Yumakap ako pabalik sa kaniya.

"Sand, I'm sorry. I'm so sorry for leaving you that night. I'm sorry for not reaching out to you. I'm sorry, Sandi," sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Tinapik ko ang balikat niya't wala sa sariling napangiti.

"Wala na 'yon, 'no. Miss na miss na kita kaya palalampasin ko 'yong ginawa mong 'yon," sabi ko naman sa kaniya.

Mas lalo kong naramdaman ang higpit ng kaniyang yakap.

"'Yan! Gan'yan dapat. Dapat lang na magkabati kayong dalawa. Bagong taon, dapat ayos tayong lahat. So, this call for a celebration!"

Our hug was interrupted by Nesto. Kaya natatawa na lang akong kumalas at binati na ang ibang miyembro ng Mikaneko.

Back to basic na 'yong friendship namin ni Mikan. We catched up pero mostly sa naging journey lang nila as a band. Nag-share din naman ako ng akin but there are sides of my story na hindi na dapat niyang malaman pa. I kept quiet about me living in one of the Lizares' properties and me being the girlfriend of Siggy. Hindi ko pa kasi alam kung kaya kong sabihin. I want our relationship to be private kasi. Ayokong malaman ng iba, that's how selfish I am.

I celebrated New Year with my new found friends and most specially, with my legendary bestfriend. Kulang man kami ng isa pero that's fine, not all tradition will stay as tradition until the end of time. Dati nga, family ko ang kasama ko every holidays like this, but look at me now, I'm with the randomest people on earth.

Kumain, nakipagkuwentuhan, nakipag-picture, at nakisabay sa kakulitan ng Mikaneko. That's how I celebrated and how I welcomed the new year. Hoping for a brighter year ahead.

~

Chương tiếp theo