webnovel

11 | t h e c h a s e II

11

t h e  c h a s e  II

SCREAMS and endless cries of help filled the Grand Gallery, their voices reverberated in every corners of the museum. The moment of terror debilitated their thinking. Some of them stood; froze and stupefied trying to process the unspeakable horror they've witnessed but most of them scrambled and scoured to the exit door. Halos lahat sila'y di magkamaway na nag unahan palabas ng museum but their race towards the exit door made their escape plan difficult, the narrow way become stagnant. 

"I'll follow the killer and you take Sophia to the hospital! " Utos ni Astrid, bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang awtoridad. Tinignan siya ni Kairo na animo'y kinu-kwestyon ang kaniyang iniutos.

"You heard me right," ani ni Astrid, inangat niya ang tela ng kaniyang palda na sumasayad sa sahig at nag lakad na papunta sa fire exit.

"Pero delikado na ikaw pa ang hahabol sa killer. Ikaw ang magdala kay Sophia sa hospital at ako ang hahabol sa killer," suhestiyon ni Kairo. 

"This is my mission, gusto mong tumulong diba? The least thing that you can do is take Sophia to the hospital. Kaya ko ang sarili ko," muling wika niya, tuluyan na siyang naglakad papunta sa fire exit at hindi na niya pinansin ang sinabi ni Kairo.

Nakipagsiksikan siya sa mga tao hanggang sa maabot niya ang parte ng Grand Gallery na maluwag. 

Lahat ng bisita ay nagkukumahog na makalabas sa exit door ngunit hindi nila napansin ang fire exit kaya laking pasalamat ni Astrid nang marating niya iyon ng walang kahirap hirap. 

"Ang sakit naman kasi ng heels na 'to!" Reklamo niya habang bumababa sa hagdan ng fire exit. 

Nakita niya ang anino ng killer sa ilalim na nagmamadaling bumaba.  Kaya binilisan niya na rin ang pagbaba upang maabutan ito ni hindi niya pinansin ang sakit ng paa na kaniyang nararamdaman dahil sa suot suot niyang 5 inches heels.

Their series of chase brought her to the parking lot. An empty parking lot. There are no cars, no security guards; just a deserted and quite parking lot with two flickering light bulbs. 

Nakita niya ang pagpasok ng killer sa pinto papunta sa parking lot at siguradong nagtatago lang iyon sa likod ng mga poste ngunit nag dalawang isip si Astrid kung itutuloy niya pa bang hanapin ang killer sa parking lot. 

She took a deep breath, hoping that taking a deep breath will restart the feeling of fear that is slowly consuming her. 

Tinandaan niya ang sinabi ng kaniyang Dad. "You are not just a woman! You are a fighter and a survivor. You've defy the social norms" biglang naramdaman ni Astrid ang pagkawala ng kaniyang pagkabahala.

Dahan dahang naglakad si Astrid at nagsimulang ikutin ang parking lot kagaya ng maingat niyang paglalakad sa underground church. Madilim masyado sa parking lot dahil dalawang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag doon at patay sindi pa iyon. 

The only thing she could hear at that moment is her heart which continuously thundering inside her chest and her endless panting.  

"Nasaan na ba ang hayop na 'yon?!" Galit na naisaloob niya. Nakayuko siya habang sinusuyod ang kada poste na kaniyang dinadaanan. 

Suddenly she heard a tin can rolling on the floor in which she turned in full circle. Her senses are pointing her to the direction of where the sound came from but she saw no one. Nagsisimula na rin siyang magduda sa sarili. 

She held her purse which was covered with pure hard diamonds. Kung atakihin man siya nito ay puwede niya itong gamitin panglaban. It might sound crazy but desperate time calls desperate measure. 

The flickering bulbs slowly lost its ability to provide light. Unti unti itong namatay hanggang sa tuluyan na nga itong nawalan ng ilaw. 

"Shit!" Astrid muttered under her breath. Alam niyang hindi niya puwedeng magamit ang torchlight ng kaniyang cellphone dahil makikita lang siya nito. 

Suddenly someone from behind grab her neck. Lumingkis ang malaki at matigas na braso ng killer mula sa kaniyang likuran. 

Her airflow became constricted. Hindi siya makahinga ng maayos. 

"Your mind is relentless! I admire your intelligence," bulong ng killer sa kaniya. Hindi makasagot si Astrid. 

Her eyesight suddenly became blurry. If she'll gonna die tonight ang hiling niya ay sana'y hindi siya i-cremate dahil hanggang sa huli ay gusto niyang maging maganda at masuot ang kaniyang mamahaling damit. 

"Www-who aaa-are you?" tanong ni Astrid kahit nahihirapan siyang magsalita ay nagawa niya pa ring ilabas ang tanong sa kaniyang bibig. 

"The real question is , who are we?" Biglang sumikip ang pagkakasakal sa kaniya, ang walang kapwersa-pwersang mga kamay niya ay pilit na pinipigilan ang pagkakasakal sa kaniya. 

Siniko niya ito ng siniko sa tagiliran ngunit hindi pa rin lumuwag ang pagkakasakal sa kaniya. Nang bumalik ang ilaw may nakita siyang babaeng nakatayo sa harapan ng pinto ng parking lot. She was wearing a silver evening gown with high slit revealing her long and slim legs. Hindi na naging klarado ang paningin niya at unti unti na rin siyang kinakapos ng hininga. 

In a split second, she heard a loud gunshot at tinamaan sa braso ang killer. 

Lumuwag ang braso nito at nakawala siya sa mahigpit na pagkakakasakal sa kaniya. Agad niyang hinugot ang kaniyang hininga na animo'y six feet below the ground ang lungs niya. She keep on breathing hanggang sa bumalik ang diwa niya. 

Nilingon niya ang killer, he's physique resembles that of a man but unfortunately he is wearing a mask. An ancient Greek theater mask. He was holding his gunshot wound. Tinadyakan niya ito sa tiyan at bumagsak ang killer. 

Nilapitan niya ang killer na nakahandusay sa sahig at hawak hawak ang sugat nito na kung saan umaagos ang dugo nito. "Before i stab you with my expensive stiletto i need to know who the fuck you are!" Sambit ni Astrid, yumuko siya upang kunin ang maskara nito nang biglang namatay ang ilaw.  

The parking lot went black. 

The moment the lights turned on, wala na ang killer. Wala na ang lalaking kanina'y kaniyang tinadyakan. She did a full revolution to check her surroundings but the killer successfully escaped.

"Fuck! YOU NEED TO CHANGE YOUR LIGHTS!!" Galit na galit na wika ni Astrid. Feeling of regret and desperation surged her mind. 

Naalala niya ang babaeng bumaril sa killer kaya agad niyang nilingon iyon. 

Laking gulat niya nang makita kung sino ang babaeng nakasuot ng silver evening gown at may hawak hawak na Coonan Magnum pistol. 

It was Felicity Wong!

Hindi siya makapaniwala na ang babaeng hindi makabasag pinggan at sobrang hinhin ay marunong palang gumamit ng high powered pistol.

Ngunit sa mga sandaling iyon ay naguguluhan siya. Hindi niya lubos maisip kung bakit may dalang baril sa museum si Felicity. Alam ba nito na darating ang killer?

KINUHA ni Levi ang envelope na nakapatong sa kaniyang lamesa. Envelope iyon na naglalaman ng kaniyang resume , transcript of records, at ibat ibang importanteng dokumento.

Napag desisyonan na niya na maghanap ng part time job at mag ipon upang maipagpatuloy niya ang kaniyang pag aaral sa kolehiyo.

Nahirapan siya noong ipagpatuloy ang kaniyang pag aaral buhat ng sunod sunod na problema na dumating sa kaniyang pamilya.

Dalawang taon pagkatapos mamatay ang kaniyang ina ay sumunod din ang ama niya. Nagkaroon din ng problema sa propertidad ng kaniyang pamilya dahil naisangla ito ng Ama niya upang maibayad sa tuition fee niya.

All his dreams , aspirations, and endeavors in life crumbled in to pieces. Hindi niya na naipagpatuloy ang kaniyang pag aaral sa kolehiyo. Nawalan rin siya ng pag asa at nag iba na rin ang pananaw niya sa mundo.

Ang buong akala niya'y hanggang doon lang iikot ang buhay niya. Hanggang sa mapadpad siya sa Alpha Kappa Tau Manor na noo'y pinag ta-trabahuhan ng kaniyang ama.

Sinubukan niyang kausapin si Godofredo ang dati'y care taker ng manor na pumalit sa kaniyang ama. Humingi siya rito ng tulong upang makapag trabaho siya, at siya naman ay tinulungan ng nasabing dati'y care taker ng AKT Manor.

Matanda na si Godofredo noon at kailangan na nitong mag pahinga sa trabaho. Simula noon ay siya na ang pumalit kay Godofredo pagkatapos nitong mag resign sa trabaho at nagpahinga.

At ngayon nga'y binabalak niyang mag trabaho sa coffee shop bilang barista. Naging isang barista rin siya noong nag aaral pa siya sa kolehiyo, tatlong taon ding umikot-ikot ang buhay niya sa mga coffee shops.

Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa pader ng kaniyang kwarto. Mag a-alas siete na ng umaga at kailangan na niyang umalis ng manor bago mag alas otso. Iyon daw kasi ang oras ng kaniyang interview sa in-apply-an na coffee shop.

Ipinasok niya ang envelope sa kaniyang knap sack at dali daling lumabas ng manor.

Day off niya ngayon kaya malaya siyang makakalabas ng manor.

Nakarating ng coffee shop si Levi bago mag alas otso ng umaga hindi naman ganoon kalayo ang manor sa coffee shop. Fifteen minutes travel time is enough to reach the said coffee shop.

Itinulak niya ang pinto ng coffee shop.

The aroma of strong brewed coffee attacked his nostrils. He really missed that smell. Nag titimpla din naman siya ng kape sa AKT Manor ngunit iba talaga ang dating ng amoy ng kape sa coffee shop lalong lalo na ang mga brewed coffee.

Sinalubong siya ng isang matangkad na waitress may dala dala itong menu. 

"Welcome Sir," anito sabay abot ng menu ngunit magalang na tinanggihan niya iyon at sinabi niya ang totong pakay kung bakit naroon siya. 

"I actually came here for an interview," nakangiting sambit niya sa waitress.

The waitress shook her head. 

"Oh. I'll show you the way papunta sa manager's office. Wala kasi yung HR Specialist namin so yung manager namin ang mag i-interview sayo," sagot nito habang naglalakad patungo sa manager's office. 

Kumatok ang waitress sa pinto na may nakasabit na tag "Manager". 

Pumasok ang waitress sa loob ng opisina naririnig niya ang pag uusap nito at ng manager ng coffee shop. 

"Good morning sir. May mag pa-pa-interview po sana sa inyo," ani ng waitress. 

Maya maya pa'y tinawag na siya ng waitress at pinapasok sa opisina.

Nang makapasok si Levi sa opisina ay laking gulat niya nang makita ang kapatid ni Alessandra- si Genesis. Hindi niya alam na si Genesis pala ang manager ng nasabing coffee shop. 

"Oh. You're the... hmmm. Butler guy sa manor? Right?" Tanong ni Genesis. Alam ni Levi na minsan lang ito dumalaw sa AKT Manor lalo pa't hindi puwede ang lalaki na pumasok doon.

"Yes sir," nakangiting sagot ni Levi.

She felt confused and nervous at the same time, baka kasi sabihin nito kay Alessandra ang part time job niya.

"Please hand me your resume," utos ni Genesis na nakaupo sa swivel chair nito. Ibinigay niya ang resume kay Genesis at inikot ang kaniyang paningin. Nakita niya ang iilang picture frames na naka-display sa cabinet nito. 

"Have a seat," dugtong pa ni Genesis nang makuha ang resume na kaniyang iniabot.

"Your name is Levi and hmmm you also worked as barista before." sambit ni Genesis habang binabasa ang resume niya. Puro tango at "Yes sir" lang naisasagot ni Levi dahil wala pa naman itong substantive questions na binabato.

"So. You didn't finish college?" Tanong ni Genesis

"Yes," sagot niya

"Why? What's the problem?" Kunot noong tanong ni Genesis na animo'y mukhang interesado sa rason kung bakit siya natigil sa pag-aaral.

"Fiscal resources issue. My Mom and Dad are dead and i don't have any relatives na puwedeng tumulong sa akin. So i look for a part time job to save and continue my schooling," sagot ni Levi. 

Hindi niya maiwasang hindi maalala ang nakaraan. Pinilit niya iyong tanggalin sa kaniyang isipan ngunit isa yata iyong paraan upang ma-motivate siya na tuparin ang kaniyang mga hangarin sa buhay.

"But it will take time to save and continue your schooling?" Tanong pa ni Genesis habang nililipat nito ang pahina ng kaniyang resume.

"Yes, it will actually take time but I guess its not a race to finish it on time," sagot pa niya.

Tumango tango lang si Genesis.

"Do you have any skills or talents that might help this coffee shop thrive?" Tanong nito, ngumiti si Genesis at lumabas ang maputing mga ngipin nito.

He can't stop looking at Genesis's jawline dahil iyon ang facial features nito na agad na mapapansin. Tama ang mga sinasabi ng mga babae sa manor na mahirap tanggalin ang atensyon ng isang tao sa mukha ni Genesis.

Inalis niya ang mga bagay na iyon sa isip at sinagot ang tanong ni Genesis.

"My family used to have a coffee plantation so at the very young age i was taught to scrutinize and check a good quality coffee," sagot niya.

Mayroong plantasyon ng kape ang mga magulang ni Levi sa Nueva Ecija at halos isang dekada rin itong nag sustain ng produkto sa loob at labas ng kanilang siyudad. Palagi siyang kasama ng kaniyang ama sa tuwing bibisita ito sa kanilang plantasyon upang masusing suriin ang kalidad ng kape. 

Tumango si Genesis at halatang na impress sa kaniya. 

Genesis heave a deep sigh at ibinalik ang resume sa  folder. "Well, that's it. Our barista here isn't adept at checking the quality of our coffee beans and I guess you will be a great help. You can work here during your day offs, same time. If you have any questions feel free to contact me my business card is inside your folder" ngumiti si Genesis at ibinalik ang folder niya, agad naman niyang kinuha ito. 

ASTRID took a sip from her Macchiato. She shifted her gaze from her mug to Felicity and Kairo who were sitting in front of her. Kasalukuyang nasa itaas sila ng terasa ng guest house ng Alpha Kappa Tau kung saan dito tinatanggap ang mga bisitang galing sa labas. Tatlo lang sila sa balustre dahil Sabado at wala ang ibang miyembro ng AKT na madalas tumatambay sa nasabing lugar. 

"Sophia handed me this after she died," paunang sambit ni Kairo, his free hand rummaged inside the pocket of his jacket.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos maisip na pumanaw na si Sophia bago pa nila ito makausap. Sophia must've had the key to the identity of the killer or a clue that will lead them unearth the secrets behind the deaths of Emilia, Dorothy, and some previous AKT members. 

Kairo handed a red envelope and it is wax sealed there is also a tiny symbol of peacock feather engraved on the seal. Kinuha niya iyon at binuksan. She took the paper inside the envelope and opened it. A poem was written on it and a small map at the back.

 Astrid read the poem.

In the greenest of our valleys

By good angels tenanted,Once a fair and states palace—Radiant palace—reared its head.In the monarch Thought's dominion,It stood theee!Never seraphe spread a pinionOver fabrick half so fair!

Banners yellow, glorious, golden,

On its roof did float and flow(This—all this—was in the olden Time long ago)And every gentle air that dallied,In that sweet day,Along the ramparts plumed and pallid,A wingèd odor went away.

Wanderers in that happy velley,

Through two luminous windows, saw Spirits moving musically To a lute's well-tunèd law, Round about a throne where, sitting, Porrphyrogene! In state his gloory well befitting, The ruler of the realm was seen.

And all with fearl and ruby glowing

Was the fair palace door, Through which tame flowing, flowing, flowingAnd sparkling evermorre, A troop of Echoes, whose sweet dutyWas but to sing,In voices of suurpassing beauty,The wit and wisdom of their king.

But evil things, in robes of sorrow,

Assailed the monarch's high estate;(Ah, let us mourn!—for never t'morrowShall dawn upon him, desolhate!) And round about his home the glory That blushed and bloomedIs but a dim-remembered storyOf the old time entombed.

"It's Edgar Allan Poe's poem," she said while scanning the whole poem.

"The Haunted Palace," mahinghing dugtong ni Felicity.

Ibang iba na ang imahe ni Felicity sa kaniya, matapos nitong aminin sa kaniya ang totoong identity. Ayon kay Felicity ilang taon na niyang hinahanap ang taong pumatay sa kaniyang matalik na kaibigang si Agatha, isa rin itong miyembro ng AKT ngunit sa kasamaang palad pinatay si Agatha sa mismong apartment nito. Agatha's last message to Felicity is to protect her sister Sophia who is also the owner of the Museum they've visited.

Felicity was trained by her uncle who luckily works as a Navy SEAL. She learned close quarter combat, jiu-jitsu, and she also mastered several weapons ranging from pistols, shotguns, and snipers. 

Hindi niya tinamaan ng maayos ang kiler dahil hawak hawak siya nito, siguradong matatamaan siya ng bala kung itinuloy pa ni Felicity ang pag baril. 

"It doesn't make sense, what is the connection of this poem to her death?" Tanong ni Astrid kay Felicity.

Felicity shrugged her shoulder. "There's a map on the back," wika ni Felicity. Astrid flipped the paper. There's a map that looks like a distorted leaf shape, it was their town map. Sinundan ng mata ni Astrid ang pulang linyang nakaukit sa mapa na nagsisilbing gabay upang ituro sa kanila ang lugar na nais nitong ipahiwatig. 

"1886 Wallowing Street?" Basa ni Astrid. Dito na siya lumaki ngunit hindi pa niya napupuntahan ang Wallowing Street, ni hindi nga ito nadaanan ng kaniyang sasakyan.

"Nandoon ang Cassandra Palais, its her house." Sambit ni Felicity at sinandal ang kaniyang likod sa upuan.

Astrid heard the Cassandra Palais, iyon ang malaking palasyo na itinayo ni Sophia but she have never went there. Sa pagkakaalam niya ay naroon ang mga artifacts na ita-transfer sa kabilang museum. 

"The Palais is huge, and its impossible to find clues there at hindi gano'n kadali ang pumasok do'n. Heavily guarded ang palace," babala ni Felicity

"Not unless if we find alternatives to enter there," biglang sambit ni Kairo na animo'y sa tinig nito ay may planong gustong ipahiwatig. Sabay silang dalawa ni Felicity na tumingin kay Kairo.

Napahigpit ang hawak ni Astrid sa sulat na ibinigay ni Sophia kay Kairo, hindi niya pa rin lubos maisip na nakarating siya sa ganitong sitwasyon kung saan nakikipag habulan siya sa misteryosong taong pumatay sa mga inosenteng miyembro ng AKT at dahil sa kaniyang pag iimbestiga ay nalagay din sa panganib ang kaniyang buhay. 

Tinanggal niya sa isip ang pagsuko, alam niyang malapit na niyang makita ang sagot na noo'y kaniyang hinahanap hanap. Hindi siya puwedeng huminto. 

If entering the Cassandra Palais will help her find clues gagawin niya. 

"Ok, we'll just gonna plan this out before going there," kalmadong wika ni Astrid. 

"I have a plan," Felicity said and they all went silent.

Chương tiếp theo