webnovel

Chapter 24: When Negation Strikes

AKO si Hannielyn, but you can call me Hannie for short. Twenty two years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang sales lady sa Mall

Hindi sa pagmamayabang, maganda talaga ako. Way back in 2013 grade ten ako no'n marami ng nanligaw sa akin kasi maganda nga ako—inuulit ko hindi sa PAGMAMAYABANG maganda talaga ako

Sa edad na kinse anyos ay marami na akong naging ex, ewan ko pero madali lang talaga akong mabore sa isang tao

And this situation happen, nag grade eleven na ako. I meet Ivan sa katunayan kasamahan ko siya sa school dahil member din siya bilang representative sa paaralan namin

In the first place pa lang talaga ay hindi ko na siya gusto. Masyado kasi siyang nagpapacute sa'kin at 'yun ang pinaka ayaw ko sa kanya

"Ahm, hi ako nga pala si Ivan. Ikaw anong pangalan mo?" Nangingiting tanong sa'kin ni Ivan

Tiningnan ko naman siya at hindi ko maiwasang hagodin siya ng tingin mula ulo hanggang paa

"Hannie—" Sagot ko naman at umayos ng upo

Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko na dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang nakalahad na kamay dahil hindi ko iyon tinanggap para sa isang handshake

Ang tipo ko sa mga lalaki is 'yung gwapo, matangkad, maputi, athlete, at higit sa lahat matalino. Pero mukha talino lang ang meron kay Ivan

"Pwede bang makihiram ng libro mo," Todo ngiting tugon sa'kin ni Ivan

And as usual pinahiram ko din siya. Hindi ko sana gagawin 'yun ng maramdaman kong lahat ng tao sa library ay nakatingin sa amin

"Oy, Hannie! Kumustang moment niyo ni Ivan?" Tudyo ni Carla sa akin ng makita niya akong naglalakad sa gitna ng hallway

"Yuck Carla! H'wag mo ngang mabanggit banggit ang pangalan niya—" Nandidiring usal ko

"Bakit naman, bagay naman kayo ah. Maganda ka at gwapo siya ano pa ba ang hinahanap mo sa lalaki Hannie?" Nangingiting tanong ni Carla sa'kin

Oo gwapo naman si Ivan pero hindi ko talaga siya gusto. Mataba kasi siya as in sobrang taba niya tapos pawisin, sino ba namang matinong babae na magkakagusto sa kanya eh sa panlabas lang naman na anyo ang pag-uusapan ay tiklop na siya

"Ang arte mo naman girl! Pero sabagay may point ka din naman sa sinabi mo..." Palatak ni Carla at sumabay na sa akin pumasok sa room

Bigla kong nakalimutan na magkaklase pala kami ni Ivan and the worst of all, katabi ko pa siya. Ayoko sana eh pero 'yun na ang arrangement ng seat namin

"Oy! Seatmate pala kita?" Parang masayang bata na asik ni Ivan sa'kin

"Oo nga eh—" Sagot ko naman at inirapan siya

Bahala na kung ano ang sasabihin niya patungkol sa'kin basta wala akong paki-alam

Lumipas pa nga ang ilang buwan ay tuluyan na nga talaga akong nakipagpalit ng upuan sa kaklase kong si Jolene. Isa siyang probinsiyana at medyo may pagkaburara pagdating sa pananamit

Para siyang nanay na may isang dosenang anak dahil mukha siyang losyang. Hindi din kamahalan ang mga gamit niya 'di katulad ng sa'min pero doon naman niya binawi sa pagiging matalino

"Hoy girl, bakit ka nakipagpalit ng seat kay Jolene! Ano ka ba, sayang 'yun si Ivan oh! Maaagawan ka—" Pagtutulak sa'kin ni Carla ng umupo ako sa tabi niya

"Eh, bakit ba? Ayoko naman siyang katabi tsaka mas bagay naman sila ni Jolene!" Sagot ko sa sinabi ni Carla at inismiran siya

"Like duh! I know na hindi mo siya gusto at kulang na lang na isumpa mo siya dahil nandidiri ka sa kanya. What now? Bakit ka nakipagpalit? Okay na sana 'yung gawin mo siyang study buddy." Litanya nito

Study buddy? Ba't di ko kaagad naisip 'yun

"Nandito na ako. At ayoko ng bumalik doon baka mag assume pa 'yang tabatsoy na 'yan at mabaliw pa sa kagandahan ko" Confident kong sagot at umayos ng upo

End of the school year na at nagpapasalamat ako na hindi ko na makikita si Ivan, ang sabi niya ay sana pagdating ng pasukan next year ay magkaklase pa din kami. Asa siyang mangyayari ang hiling niya

At mukhang minalas nga ako ng magkatotoo ang sinabi nitong gusto niya akong maging kaklase

"Dito ka din pala nag-aaral? I thought nagmigrate ka na sa ibang bansa—" Pagka-usap na naman ni Ivan sa'kin

"Akala ko nga eh, pero di natuloy. Minalas ako eh, kasi may nagsabing gusto niya daw akong makitang muli at maging kakaklase pa sa taong ito." Pagpaparinig ko sa kanya

At mukhang manhid naman siya dahil hindi niya napansing pinaparinggan ko na pala siya, ngiti pa din siya ng ngiti na halos mapunit na ang gilid ng kanyang bibig sa laki ng ngising nakaplaster sa kanyang bibig

At ito pa, hinding hindi ko talaga makakalimutan 'yung time na nagconfess siya sa'kin na gustong gusto niya daw ako. Gusto niya daw akong ligawan pero natatakot siya na baka ireject ko siya or worst bustedin sa lahat ng tao sa school

He even idolized me. At wala akong paki-alam sa kanya—bahala siya walae namang nagpipigil sa kanya na gustuhin ako

"Laro tayo truth or dare. Ano game?" Panghahamon ni Maica isa sa mga barkada ko

"Sige ba!" Pagsang-ayon ko at ng mga kasamahan ko

Inilagay naman ni Maica ang walang laman na bote ng tequila sa gitna at ipinaikot ito at mukhang minalas na naman ako dahil tumigil ang bote sa harap ko mismo

"Truth or dare?" Natatawang tinanong ako ni Maica

Pero syempre, pinili ko 'yung dare baka kung ano pa ang itanong nito kapag nag truth ako

"Dare!" Matapang kong sagot at tinungga ang tequila sa baso

"Jowain mo si Ivan—" Diretsong sabi ni Maica na ikinaubo ko

Shit! Mas masaklap pa pala ang ipapagawa nila sa'kin. Did I just press the wrong button? Kasi kong truth iyon walang jowaan na magaganap

"Nababaliw na ba kayo? Ba't ko naman gagawin 'yun? I'm not totally a loser para gawin iyang dare niyo, never!" Tutol ko

"Ikaw bahala, kung ayaw mong sundin ang dare namin sa'yo. Friendship over na tayo 'diba guys?" At ipinalibot ang tingin sa lahat ng kasamahan namin na nandito

Sumang-ayon naman sila na ikinainit ng dugo ko

"Pwede bang iba na lang?"

"Hindi pwede. Ang usapan ay usapin Hannie kaya sorry ka na lang sweetie walang atrasan." Nakangising bulalas ni Maica

At 'yun nga dahil sa takot akong maalis sa grupo ginawa ko ang gusto nila. Isang buwan lang naman daw pero kapag hindi ko nagawa ang gusto nila friendship over na daw tapos isinali pa nila ang Ducati kong regalo ni Mom sa'kin

"Talaga sinasagot mo na ako? Yes! Salamat talaga Hannie!!" Parang nanalo sa lotto na nagsisigaw sa sobrang kasiyahan si Ivan

Ngumiti na lang ako ng pilit

"Kumustang relasyon niyo ni Ivan?" Nagpipigil ng tawa na tanong Carla sa'kin

"Hindi—"

"It went good naman daw." Singit ni Jean sa dapat kong sasabihin

"Anong it went good! Ikaw kaya ang magpa-akbay do'n? It went good pa din? Yucks, nandidiri ako. Eww!" Maarte kong tugon at pinahiran ng panyo ang aking blouse kung saan nakaakbay sa'kin si Ivan kanina

"That's good to hear sweetie, ipagpatuloy mo lang 'yan para hindi ka maalis sa grupo namin at makuha mo na ang pinakamamahal mong Ducati" Si Maica naman ang nagsalita

"Sige kayo, baka pagdating ng panahon makarma kayo sa mga pinaggagawa niyo—" Singit naman ni Jolene

Napatingin kaming lahat sa kanya ng bigla bigla na lang itong nagsalita. Nag eexist pa pala ang isang 'to? Bigla kasi naming nakalimutan na kagrupo namin siya sa isang activity

"Hay naku, Jolina. Walang makakarma kung mananahimik ka kung ano 'yung narinig mo tungkol sa pinag-uusapan namin itikom mo na lang iyang bibig mo" Prangkang sagot naman ni Jean

Halos lahat na siguro ng estudyante sa University namin ay alam na ang relasyon namin ni Ivan sa tuwing magkakasama kami ay napipilitan akong pakisamahan siya, nandidiri ako sobra. Alam niyo ba 'yung feeling gusto mo na siyang hiwalayan tapos hindi mo magawa iyon 'yung nararamdaman ko sa ngayon

Until Jacob came into my life, transferee siya at inaamin kung crush ko siya hindi lang isang crush kundi pagkagusto ang naramdaman ko sa kanya. Naa attract ako sa kanya kasi sobrang gwapo niya at varsity player pa

And then niligawan nga ako ni Jacob hindi na ako nagpakipot. Sinagot ko kaagad siya kahit kami pa ni Ivan at ng malaman iyon ni Ivan ay nasaktan siya

Kitang kita ko sa mga mata niya ang emosyong nasaktan siya sa ginawa kong pagtataksil sa kanya. Yes, pinagsabay ko silang dalawa and I choose Jacob over Ivan

Umiyak pa nga siya sa sobrang sakit na nadarama, hindi umabot ng isang buwan ang relasyon namin ni Ivan mga dalawang linggo lang siguro iyon basta hindi ko na matandaan

Proud na proud ako na sa tuwing magkasama kami ni Jacob sa school ay pinagtitinginan kami. Tinging puno ng inggit at paghanga sa mga mata ng bawat estudyanteng nalalampasan namin

Kesyo bagay daw kami, varsity player at Campus crush ng bayan. Tumagal naman ang relasyon namin ni Ivan, at nagawa namin ang mga bagay na hindi dapat namin ginawa—aksidenteng nabuntis ako at napilitang huminto sa pag-aaral

Si Jacob naman ay ipinagpatuloy ang pag-aaral hanggang sa makagraduate siya. May isa na kaming anak pero hirap na hirap sa paghahanap ng pera para pangsuporta at para pangkain sa anak namin

"Oy, Hannie available ka ba sa susunod na araw? Punta ka naman sa school natin may alumni association daw na magaganap sa batch natin. Ano pupunta ka?" Excited na excited na pagkukwento sa'kin ni Carla

"Sure, pupunta ako namiss ko din kasi kayo. Ilang taon na din kaya tayong hindi nagkikita—" Tuwang tuwa ko namang sagot

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko, hindi ko alam na ang host pala ng event na 'yun ay si Ivan. Pinaghandaan ko talaga ang pagpunta sa event nagpaganda ako, nagpasalon, nagbeauty rest at kung ano ano pang related sa pagiging maganda

Nang makapasok ako sa school namin ay bumungad sa'kin ang napakagandang venue. Maganda ang pagkaka organize nito at namangha ako sa sobrang ganda nito

"Hannie dito!" Tawag ni Carla sa'kin

Napalingon naman ako kung saan nanggaling ang boses ni Carla at nakita ko siya sa di kalayuang mesa

"Carla ikaw pala 'yan." At bumeso pa ako sa kanya

"Grabe ang laki ng pinagbago mo Hannie! Akala ko ay hindi ka na babalik sa Pilipinas!" Sabi nito

Nang nalaman kasi ni Mama na nagdadalang tao ako ay kinulong niya ako sa bahay ng ilang buwan at pinalabas sa karamihan na pinatira na ako sa U.S

"Oo nga eh, ikaw din mas lalo ka pang gumanda!" Sabi mo naman sa kanya

At ng makaupo kami sa upuan ay may tinawag si Carla na lalaki na hindi ko kilala. Nakatalikod kasi siya sa'min

At ng makalapit na ito sa'min ay doon ko lang napagtanto na si Ivan pala iyon—ang laki ng pinagbago niya at ang gwapo gwapo na niya. Kung mataba siya noon pwes ibahin niyo sa ngayon para na siyang model sa magazine

"Ikaw pala 'yan Hannie." Nakangiting bati sa'kin ni Ivan

"O-oy—" Sagot ko naman at hindi ko maiwasang mahiya sa kanya

Nang dahil sa ginawa kong pagpapaikot sa kanya ay hindi ko na siya matingnan ng diretso sa mga mata, nahihiya ako

"Hi Hannie, mabuti naman at nakapunta ka sa event" Nakangiti ding lumapit si Jolene sa amin at inaamin kong malaki din ang pinagbago niya

Ang ganda ganda na niya samantalang ako ay parang walang katapat sa kanya. Nagtaka nga ako na bakit siya nandito kahit hindi naman siya kasali sa batch na ito

At nasaktan na lang ako sa aking nakita ng makita ng dalawang ko na magkahawak kamay silang umakyat sa entablado at nagpalitan ng mensahe para sa opening ng event

Nagsisisi ako, patunay ngang hindi maganda ang nilalait lait mo ang iyong kapwa. Nang dahil sa kasamaan ko ay nakarma ako kabaligtaran na ang nagyari at natuto na ako sa ngayon na kung ano ang nakikita mo sa iba na wala sa iyo panatilihing h'wag maki-alam at itikom ang bibig para sa ikabubuti ng lahat...

Chương tiếp theo