webnovel

Chapter 5: Before You Go

"MARK, teyka lang—" pagpapatigil ko kay Mark ng aalis na ito pagkatapos niya akong hiwalayan

"Ano ba Novelle! Bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ni Mark sa mga hawak ko

"Mark, please stay! H'wag mo 'kong iwan." Pagmamakaawa ko na halos lumuhod na sa harap niya

"I can't stay, because there's no US anymore!" Pagdidiin nito sa dalawang letra

Natigilan ako sa kanyang sinabi at dahan-dahan siyang binitawan

"Hindi mo na ba ako mahal? Mark naman, h'wag naman ganito" at hinawakan ko siya ulit

Naturang nasaktan ang aking ego ng piniksi niya ang kamay ko... Sigurado na ba talaga siyang makipaghiwalay sa'kin kasi hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa'kin

"Bago ka umalis, may iibigay ako sa'yo," sabay kuha sa bracelet na nilagay ko sa aking bulsa

Alam kong naaartehan at nacocornehan siya sa mga ginagawa ko kaya basta basta niya lang ako iiwan

"Kahit 'di na tayo, sana naman itong bracelet na ito ay paka ingatan mo" at isinuot ito sa kanang kamay niya

"Ako ang gumawa niyan. Sana magustuhan mo—" at pinahid ang aking luha na nagsiunahan na namang pumatak

"Happy first monthsarry sa'tin" nakangiti kong sabi

"Ang dami mong sinasabi! Diyan ka na nga!" At tinalikuran na ako

Napatawa ako ng pagak, noong una naman ay hindi siya ganyan makipag-usap sa'kin. Nabigla na lang ako na nagsusungit na siya kapag nilalambing ko siya—nagagalit siya.

Ngayon ko lang naintindihan na ginamit niya lang ako bilang rebound girl niya, ang tanga ko sa part na sinagot ko siya without knowing na hindi talaga sila nagbreak ng girlfriend niya

Tiningnan ko ang papalayong bulto ni Mark. Sayang, kung kailan ngayon pa ako nagseryoso at nagmahal ng totoo ngayon pa talaga ako niloko

It's okay for me that every one should blame me. Because I'm such a bitch!

Siguro karma ko na ito, nang-aagaw kasi ako ng hindi sa'kin.

Nasaktan ako ng sobra ng makita kung huminto si Mark sa paglalakad at hinubad ang bracelet at itinapon iyon sa basurahan

That bracelet symbolizes my devotion to him, pinagpuyatan kong ginawa iyon pero itinapon niya lang.

Everything I do is worthless—pati parents ko nga hindi ako pinapahalagahan si Mark pa kaya? Ano ba ang dapat kong gawin para tama ako sa mata ng mga tao? Hindi ko naman magawang dektahan ang aking sarili.

Napatingin na lang ako sa langit at pinigilang maiyak—magbabago na talaga ako, masakit pala ang paglaruan at paasahin

Chương tiếp theo