NAPATAYO ako sa pagkakaupo sa sofa ng may nagdoorbell sa pinto, disturbo lang? Kakanta na sana ako sa harap ng electric fan eh.
"Sino po sila?" Diretso kong bukas na hindi man lang sumilip sa peephole ng pinto
"Kayo po ba si Ms Ferlyn Shane Bayana?" Tanong ng delivery boy sa akin na may dalang isang bouquet of flowers with chocolate
"Ah, oo ako nga. Bakit?" Simple kong sagot at tiningnan ang dala niya
"Paki permahan na lang po ito—" sabay abot ng papel
Salubong ang makapal na kilay na kinuha ko ang papel at pinirmahan iyon
Inabot naman ng delivery boy sa'kin ang bulaklak at tsokolate sabay alis
Kinuha ko ang maliit na card na naka insert sa loob at binasa iyon
Dear Labidabs Ferlyn,
H'wag ka ng malungkot diyan. Nagpadeliver na ako ng bouquet of red roses para sa'yo
Love,
MAMA
Napapailing na binalatan ko ang tobleron chocolate ng mabasa ang letter ni Mama. Alam talaga ni Mama kung paano ako pakiligin—that's why I love my mom so much.